NAKAHAWAK ako sa door knob ng pinto ng apartment ko habang nakikipagtagisan ng titig kay Terrence. Hindi ko kinakaya ang mga trip niya sa buhay. Kahit pa sinabi niyang seryoso siya na gusto niyang tumira dito sa apartment ko ay hindi pa rin ako maniniwala.
Nakasinggot lang siguro siya ng katol!
"Keeshia, let me in."
"Hindi."
"Sa ayaw at gusto mo, papasukin kita."
Sinamaan ko siya ng tingin. May pag-lip bite pa na akala mo, hot siya sa lagay na iyon pero oo, hot nga. Bwisit!
"Umuwi ka na." Pilit ko sa kaniya.
"Dito na ang bahay ko." Aniya.
"Terrence naman!"
"What? Wala pa akong ginagawa. Oh fuck, nalilibugan ako sa ganyan mo, Keeshia."
Huminga ako ng malalim. Malala na talaga ang lalaki na 'to. Isang malaking mali ang hayaan ko siyang tumira dito sa apartment ko.
"Mali ang binabalak mo."
"And why?"
"Unang una, hindi kita boyfriend o asawa para mag-live in tayo."
"Then gagawin kitang asawa ko. But fuck, you're my girlfriend, remember?"
Sakit sa ulo ng lalaking 'to. "Seryoso kasi, Terrence!"
"I'm fucking serious."
Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Malala na siya! As in, to the highest level na!
"Pangalawa, babae ako at lalaki ka."
"Yeah. Babae ka at lalaki ako. We will live together and we'll fuck until we get tired. Oh damn it. Raprap."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Puro sex nalang ba ang nasa utak mo?!"
Nakakainis na talaga. Napakabastos niya!
"No. Hindi lang sex, Keeshia. There's more like boobs, your cherry, damn it."
Nasapo ko ang noo ko. Kung hindi lang ako nasanay sa bibig niyang bastos, baka nakailang sampal na ako sa kanya.
"Pangatlo, may bahay ka. Mas malaki pa nga dito sa apartment ko."
"But I preferred here. There's you."
Kikiligin ba ako? Pero kabastusan lang ang nasa isip ng lalaki na 'yan!
"Pang apat, ano nalang ang sasabihin ni Mrs. Palermo?"
"She'll be proud of me." Itinaas baba pa niya ang kilay niya. "But expect the ratatatatat part."
Hindi ko na-gets iyong sinabi niya pero bahala siya.
"At pang lima, may boyfriend ako, Terr---"
"Ex."
Wala pa kaming closure. Pero oo, siguro hiwalay na kami pero ewan, parang cool off palang kami. Alam kong nadala lang siya ng galit kaya nagawa niya iyong kanina sa akin sa cafe.
May mali rin naman ako. Madalas niya akong makita na kasama si Terrence.
"Hindi pa kami officially break."
"Keeshia, ang ganda mo pero ang tanga mo. Tangina."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umuwi ka na nga!"
"Papasukin kita, sagad."
"Terrence!"
"Oh yes? You're wet already?"
Mapupunit na ang mata ko dahil ilang beses ko na siyang pinaningkitan ng mata.
"Umuwi ka na kasi."
"Keeshia, listen to me."
"Ano?"
Sa sobrang kulit niya, nawala lang na parang bula iyong takot na naramdaman ko kanina sa ginawa ni Robi sa akin.
"Look, kapag hinayaan mo akong tumira dito, you'll get a lot of benefits."
"Ano namang benefits?"
"You will see me every fucking day. Paggising mo sa unaga at pagtulog mo sa gabi, ang gwapong mukha na 'to ang masisilayan mo."
I sighed. "It's a no for me."
"You will have the rights to touch me, everywhere." He winked. "Mula ulo hanggang paa, raprap 'yan."
"Still a no."
"You will have the rights to kiss me anytime. Sa lips, sa cheeks, wherever in my face at kahit sa jumbo hotdog ko, Keeshia."
"Nakakadiri ka!"
"Try mo muna bago mo sabihing nakakadiri." Tumawa siya.
"No!"
"You will be my girlfriend. Hindi na ako mamamansin ng ibang babae but if they flirt with me, oh fuck, I guess I can't stop that. Basta, boyfriend mo ako. That's it."
"No pa rin." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim saka dinukot ang phone niya mula sa bulsa niya. May tumatawag sa kaniya.
"What the fuck, honey? Please don't do that. Where are you?"
Bigla akong nainis. Iyong girlfriend na naman niya. Mukhang concern na concern 'tong lalaki na 'to.
"I'm going there. Fuck it."
Pinutol niya ang tawag saka tumingin sa akin.
"I need to do something. I'll be back."
"Hindi, Terrence. Hindi ka babalik dahil may sarili kang bahay. Isa pa, may girlfriend ka kaya tigilan mo nga ako!"
Mabilis kong isinara ang pinto saka ini-lock. Sakto kasing hindi na nakasandal ang kamay niya sa pinto.
Bahala siya diyan!
Magsama sila no'ng girlfriend niya. Honey, honey, honey, not so sweet.
Pumunta na ako sa kwarto ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko ay si Terrence pero hindi. Number iyon at wala akong idea kung sino ang tatawag sa akin sa dis oras ng gabi.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
"Keeshia, iha."
Nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan ko si Mrs. Palermo. Hala, bakit niya ako tinatawagan? Baka dahil sa sinabi ni Terrence kanina na sa akin na siya titira. Tinawagan kasi ni Terrence si Mrs. Palermo kanina habang nagda-drive na sa apartment ko na siya titira. Nasabihan lang siya ni Mrs. Palermo ng abnormal daw siya saka siya pinatayan ng tawag.
Hindi ko nga alam kung natatawa ako kanina pero nakakatakot si Mrs. Palermo. Ayokong isipin nila na baka nakikipaglapit lang ako kay Terrence kasi nga Palermk siya. Isa sila sa pamilyang mayayaman sa bansa. Hindi lang sila kilala sa pagiging mayaman kundi sa pagiging angkan ng mga gwapo. Hindi naman maipagkakaila kasi mula kay Mr. Palermo pati ang mga anak nila na sina sir Duke at sir Lucas ay pawang mga gwapo. Kahit nakakainis at bastos so Terrence, unang kita ko pa lamang sa kaniya ay gwapong gwapo na rin ako sa kaniya.
"Keeshia, are you there?"
"Ah, opo, Mrs. Palermo. Ano pong maipaglilingkod ko?"
Nag sign of the cross ako. Kinakabahan talaga ako.
"Tungkol sa pagtawag ni Terrence sa akin kanina. Pasensya ka na dahil sa tawag lang kita kinausap. Bukas ay kakausapin pa rin kita sa cafe de lucio."
Jusko! Ayan na, lagot ako. Baka isipin nila na nilalandi ko si Terrence!
"Ano po iyon, Mrs. Palermo? Pasensya na po. Nagbibiro lang po---"
"Maaari mo bang hayaang tumira sa apartment mo ang pamangkin kong iyon?"
Iyon lang naman pa---ano daw?!
"Mrs. Palermo..."
"Pasensya ka na, Keeshia. Alam kong kalabisan ang hinihiling ko pero huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang nay gawing hindi maganda si Terrence sa iyo. Ang gusto ko lang talaga ay hayaan siyang tumira sa apartment mo."
"P-Pero bakit po, Mrs. Palermo?"
"Iyong pamangkin kong iyon, aware ka naman na parusa sa kaniya ang pagta-trabaho sa cafe de lucio. Right?"
"Opo, Mrs. Palermo."
"Pinaparusahan namin siya dahil ang pamangkin kong iyon ay lumaki sa luho. Nagagawa niya lahat ng bagay na gusto niya. Spoiled siya sa lola niya sa California. Wala siyang alam kung hindi ang magpasarap sa buhay."
Kinakabahan ako sa mga ganito.
"Gusto kong matuto siya kaya pinagtrabaho ko siya sa cafe de lucio. Kaya naisip ko na, bakit nga ba hindi ko hayaang tumira siya sa iyo para maranasan niya iyong hindi mansyon ang uuwian niya, na kapag uuwi siya, nakahanda na ang pagkain niya, may taga laba siya, may gagawa lang lahat ng bagay para sa kaniya dahil may mga katulong."
Parang alam ko na ang gusto ni Mrs. Palermo.
"Gusto kong matuto siya, Keeshia. Gusto kong matuto siyang gawin ang mga bagay na iniaasa niya sa mga katulong. Gusto kong mawala iyong luho niya sa katawan. Gusto kong matuto siya na mabuhay sa pera na sasahurin niya sa cafe de lucio. Gusto kong pahalagahan niya ang mga bagay na ngayo'y binabalewala niya lang."
Bigla naman akong nalungkot para kay Mrs. Palermo. Alam kong para sa ikabubuti lang ni Terrence ang gusto niyang mangyari.
"Alam kong mali na patitirahin ko sa 'yo si Terrence dahil babae ka pero kahit ganoon kabastos at kawalang modo ang pamangkin kong iyon, hindi naman 'yon gagawa ng masamang bagay."
Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang pressure sa dibdib ko.
"You can ask me anything for return, Keeshia."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakakahiya. Pero sabagay, gusto ko rin namang magbago si Terrence. Naiintindihan ko naman ang gustong mangyari ni Mrs. Palermo.
"Hindi ko po kailangan ng kahit ano, Mrs. Palermo. Huwag po kayong mag-alala, ako po ang bahala kay Terrence. Sisiguraduhin kong tutruan ko siyang tumayo sa sarili niyang mga paa."
Jusko, bakit iyon ang nasabi ko?! Bakit hindi ko magawang tumanggi?!
"Maraming salamat, Keeshia. Tatanawin ko itong utang na loob sa 'yo, iha. Maraming salamat."
"Walang anuman po, Mrs. Palermo."
Paano ko ba naman matatanggihan si Mrs. Palermo? Tanggi tanggi pa ako kanina kay Terrence tapos... ano na?! Titira na siya dito sa apartment ko.
Tulala ako habang nakatingin sa cellphone kong naputol na ang tawag. Ano 'tong pinasok ko?
➳
HINDI pa rin ako makapaniwalang pumayag ako ng gano'n gano'n nalang sa hiling ni Mrs. Palermo. Ano namang iisipin ni Terrence? Na gustung gusto ko siya dito?
Nakakainis!
Siguro ay iisipin ko na lamang na isang malaking challenge ang gagawin ko. Gumawa ako ng listahan ng mga dapat kong ituro kay Terrence. At kapag natapos ko ang lahat ng ito ay pauuwiin ko na siya sa mansyon nila.
PROJECT TERRENCE:
(Kailangan! A must! Dapat talaga! Mga ituturo ko sa lalaking iyon!)
1. Mag budget ng sweldo niya. For food, allowance, bills and rent.
2. Magbyahe papunta sa trabaho. Hindi puro kotse! Sayang ang gas!
3. Magluto ng breakfast, lunch and dinner.
4. Maglaba ng mga damit niya.
5. Mag grocery ng mga pagkaing kailangan sa apartment.
6. Maglinis ng bahay.
7. Maglinis ng kwarto niya. Kasama ang pagtutupi ng mga bed sheets at kumot na gagamitin niya.
8. Mag ipon! Bawat sweldo niya, at least may maitago siyang pera.
9. Magligpit ng pinagkainan.
At ang pinakahuling dapat kong ituro sa kaniya?
10. Maiwasan ang pagsasalita ng word na "fuck" at "sex" sa isang araw. At least maximum of two!
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magawa ang mga bagay na ito. Kailangan kong maituro ang lahat ng ito kay Terrence at tinitingan ko palang ang listahan ko ay sumasakit na ang ulo ko.
Magagawa ko ba talaga 'to e saksakin ng tigas ng ulo ni Terrence. Siya iyong klase ng lalaki na ginagawa lahat ng gusto niya e. Kaya siguro talagang gusto siyang magbago ni Mrs. Palermo.
Tumayo na ako saka inilagay sa drawer ko ang list ko dahil tumunog ang door bell. Malamang sa malamang! Si Terrence na iyan.
Kahapon ay kinausap ulit ako ng personal ni Mrs. Palermo sa cafe de lucio. Pagkatapos no'n, sinabi ko kay Terrence na pumapayag na ako at ang gago, tuwang tuwa!
Binuksan ko ang pinto at ang ngiting ngiting mukha ni Terrence ang bumungad sa akin.
"Good morning, babe." Aniya saka ako biglang hinalikan sa labi ko.
Bwisit talaga!
Dire diretso siyang pumasok sa loob ng apartment ko habang hila hila ang maleta niya. Tama ba talaga 'tong desisyon ko? Jusko.
"Huwag mo nga akong hinahal---"
"No, babe. I want to kiss you every fucking minute."
Ang sakit niya sa ulo!
"Doon ang magiging kwarto mo. Dati ko iyang bodega. Ginawa ko iyang tambakan ng kung ano anong gamit ko pero nilinis ko na 'yan lahat kagabi. Ikaw na ang bahalang mag-ayos ng gamit mo diyan. Dumating na rin kaninang maaga ang pinadeliver mong kama." Sabi ko.
Jusko, kakaibang lalaki 'to e. Naglilipat talaga siya at nagdala siya ng sarili niyang kama. Hindi ko maman afford na bilhan siya ng kama. Isa lang ang kama dito sa apartment ko. Kahit nga ang dami kong gamit sa extra kwartong iyon ay talagang itinapon ko na ang mga hindi na talaga kailangan dahil baka mamaya, ipagpilitan pa ni Terrence na magsama kami sa iisang kwarto.
"Yes, babe. What will be our lunch?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "May mga rules ako sa apartment na 'to. Basahin mo muna."
"Fuck, I hate rules, Keeshia. You know I always break the rule."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ipinaskil ko ang rules na pina-print ko kagabi sa pinto ng magiging kwarto niya.
"What the fuck?"
"Basahin mo isa isa." Utos ko.
"Magbibigay ako ng 40% sa rent at sa bills. Alright? I can give you a 100% actually."
'Yan na ang sinasabi ko e. Magastos siya! Hindi marunong mag-budget.
"Kung ano ang nakasulat diyan, 'yan ang susundin mo. Walang labis, walang kulang." Sabi ko.
Iba ang listahan ko ng rules sa listahan ko ng mga dapat na maituro ko kay Terrence.
"Next, clean my own room. Let's see."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Of course, I will. I can clean your room too, Keeshia so I could fucking see your panties and bra, fuck."
"Terrence! Pauuwiin kita sa inyo!"
"Just kidding. Okay, next. Sunday will be the cleaning day. Alternate tayo sa paglilinis ng buong apartment including the bathroom." Saglit siyang tumigil. "Can't we do that together para sweet? I would love to clean the whole apartment then I will fuck you here, and there."
Hinampas ko siya ng walis tambo sa binti.
"Fuck, Keeshia!"
"Next."
"The next one is, we'll share for our groceries. Alright. Ayokong magugutom ka."
"Sunod!"
"Fine. Next is, I need to do my laundry every saturday afternoon. Oh hell, there's a lot of laundry shop. I don't even know how to wash my briefs!"
"Tuturuan kita kaya tigilan mo iyang laundry shop mong binabalak! Kung ayaw mo, doon ka sa mansyon niyo, maraming katulong doon!" Sabi ko.
Kailangan ko siyang paghigpitan.
He sighed. "Next, fuck? Respect your privacy? I don't have the rights to go inside your room without your permission? What the fuck is that, babe?"
"Tigilan mo nga ako sa babe mo na 'yan, Terrence."
"You're making my life a hell, Keeshia."
"O, edi umuwi ka na!"
"No, no. It's still better here." Aniya.
"Next is... oh fuck, Keeshia you know I can't do that!"
Sinamaan ko siyang muli ng tingin. "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan."
"Paano ko gagawin 'to? Tangina? Dalawang beses ko lang pwedeng sabihin ang fuck at sex na word sa isang araw? Are you kidding me? Paano kung sampung beses akong tigasan sa 'yo? Paano ko masasabi iyon? Fuck."
"Ang bastos bastos mo talaga! Kung hindi mo kaya, umuwi ka na. My apartment, my rules. This is my apartment, so I will be the boss."
"Fuc---oh, yes, hindi pa counted iyon, Keeshia."
"Okay, ngayong alam mo na ang rules, makakapasok ka na sa kwarto mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo. At ako ay matutulog muna dahil rest day ko ngayon."
"Let's sleep together."
"Tumigil ka!"
"I'm fuc---I mean I'm horny, babe!"
Pinagsarhan ko siya ng pinto. Ini-lock ko ang pinto nitong kwarto ko. Mahirap na dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng Terrence na iyon.
Ngayon palang ako makakapagpahinga dahil kagabi, halos hindi ako makatulog kakaisip sa desisykng ginawa ko.
Ano na kaya ang mangyayari sa akin ngayong kasama ko si Terrence sa apartment? Hindi ko talaga alam. Bahala na si pokemon!