webnovel

Slowly

Chapter 2: Slowly

Richard's POV:

Kanya-kanya kami ng upo rito sa single sofa sa isang bar habang nagbabagang titigan ang pumapagitan sa aming apat. Nagpasya kaming umalis sa bahay ni Eclair matapos n'ya kaming palayasin dahil hindi nga naman kami magkakasundo kung doon kami magtatalo.

Pag-aagawan lang namin si Eclair at 'pag nangyari 'yon, mas iinit lang ang ulo niya.

Ayoko mang aminin pero kahit naiinis ako sa babaeng iyon, kailangan kong magtimpi nang mapasa 'kin siya. Mahirap na kasi kung makikipag sabayan pa ako sa kanya, mas lalaki lang ang away namin. Baka nga mamaya ay hindi na niya ako kausapin ta's maagaw siya ng mga 'to.

"No hard feelings mga p're once mag desisyon si Eclair, ah?" pangunguna ni Vince na ikinaismid ko.

"Tingin mo ikaw ang pipiliin niya? Nagawa mo ngang saktan 'yung ate niya, eh."

Nagsalubong ang kilay niya dahil doon, "It doesn't concern you." parang napipikon nitong wika.

Ipinasok ni Arvin ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon, "Nakakabawas points 'yon, bru. H'wag ka ng umasa na mananalo ka pa." umiiling-iling na sabi nito na nagpangisi sa akin.

"Isa ka pa, hindi ka rin masasagot ni Eclair dahil naka arranged na ang marriage n'yo ni Yuuki. Mahirap naman kung pagmumukhain mo siyang kabit, 'di ba?" sa pagkakataon na ito ay sumalubong ang kilay niya't susubukan pa akong sapakin nang pigilan siya ni Vince.

Hindi ko tuloy maiwasang gumawa nang mapagmalaking ngiti. Nawala lang iyon nang makita si Kyle na wala lamang pakielam sa pinag-uusapan at nakikinig lang ng music sa headphone niya. Kahit may tugtugin sa bar na ito ay naririnig ko pa rin iyong pinapatugtog niya.

Sumalubong ang kilay ko tapos um-order na nga lang ng drinks namin. Wala akong pwedeng sabihin sa gunggong na ito dahil bago siya umalis papuntang Korea, nagkaroon pa siya ng chance na sabihin 'yung nararamdaman niya kay Eclair.

Pero anu-ano nga ba 'yung mga pinag-usapan nila habang sila lang ang magkasama?

Mukha namang wala sila masyadong problema.

Bumuntong-hininga ako't napasandal sa lean seat. Bago ko sana problemahin 'yang mga ganyang bagay, dapat ayusin ko muna kung ano ang gagawin ko kay Crystal.

Mahirap din kasing kumilos kung wala akong freedom na gawin kung ano ang gusto ko.

Tumayo si Vince dahilan para mapatingin kami ni Arvin sa kanya, si Kyle nakatuon lang ang tingin sa phone at wala pa ring pakielam sa mundo.

"Nakapag desisyon na ako." anito nito na ipinagtaka namin. Ano'ng pinagsasasabi nito?

Determinado siyang tumingin sa kung saan habang itinataas ang nakayukom na kamao, "Dadalhin ko si Eclair sa date next week!" pagpaplano niya na nagpa-trigger sa akin.

Tumayo ako na tumama pa ang bandang tuhod ko sa lamesa dahilan para umangat ng kaunti ang mga naroon.

"Hoy, sigurado ka bang napag-isipan mo 'yung sinabi mo bago iparinig sa 'kin?" ngisi kong tanong kahit gusto ko na siyang sapakin ngayon.

Tumayo rin si Arvin, "A-alam kong naka-arranged marriage ako kay Yuuki pero hindi ako magpapatalo sa inyo."

Narinig namin ang malakas na pagbuntong-hininga ni Kyle saka niya inalis ang headphone niya't inangat ang ulo upang tingnan kami. "How 'bout we decide who and when we can date her next week by playing Basketball?" tanong nito kaya napaabante si Arvin.

"G! Basketball lang naman pala, eh!" tuwang sabi ni Arvin.

"Medyo lugi, hindi ako masyadong naglalaro no'n, pwede bang volleyball na lang?" tanong ni Vince.

Tiningnan ko naman siya ng masama, "T*ngina mo ba? Mas lalo namang hindi ako naglalaro no'n."

Muli nanaman naming narinig ang pagbuntong-hininga ni Kyle. Nakakailang beses na 'to, ah?

"Then..." he extended his right hand, "Jack 'n Poy."

***

DISAPPOINTED AKONG NAKATINGIN sa mga kamay ko na pinanggamit ko ng gunting.

"Hahh! Ako ang mauuna makikipag date sa kanya! Walang mang-iisturbo, ah?" rinig kong sabi ni Arvin na tuwang-tuwa. Siya kasi ang nanalo kaya ibig sabihin ay siya rin ang unang makikipag date kay Eclair.

"Hindi pwede, baka may masama ka pang gawin, eh." nakahalukipkip na sabi ni Vince.

"Kailan ko pa 'yan nagawa kay Eclair?!" bulalas naman ni Arvin.

Hindi ako makapaniwalang natalo ako sa simpleng laro. Ako ang pinakahuling makikipag date!

Kaso okay na rin dahil makakasama't maide-date ko pa rin naman siya-- Kaso naiinis pa rin ako!

Hindi ako ang first date niya sa magiging kasunduan naming lima!

"Sa'n ba kayo magde-date?" curious na tanong ni Kyle na ikinapameywang naman ni Arvin sabay gesture.

"Nah-uh, secret lang siyempre." mapang-asar na sagot nito. Tuktukan ko 'to, eh!

Dumating na ang order naming Milktea kaya sabay sabay rin naming kinuha't ininum. 'Tapos ay bumalik sa usapan. "Pero papayag kaya si Eclair?" tanong ni Vince dahilan para mapatahimik kami.

***

NAKASUOT LANG ng pokerface si Eclair nang tanungin namin sa kanya ang aming napag-usapan. Dumiretsyo kami sa bahay niya makalipas ang ilang araw dahil naghanap pa talaga kami ng lakas ng loob para sabihin sa kanya.

Ngunit sa kasamaang palad, nagulat kami nang malutong nito kaming murahin kasabay ang pagsara nito ng pinto nila.

Uminit na ang ulo ko't balak pa sanang sipain ang pinto noong hawakan ako ni Kyle, "Sumo-sobra kang babae ka! Pa'no namin malalaman kung mag pag-asa kami, ha?! Lumabas ka diya--"

"I don't care!" malakas nitong sagot mula sa loob at padabog pa yatang umalis sa kinaroroonan n'ya.

Marahas kong tinanggal ang hawak ni Kyle tapos malakas na sumigaw, "TOMBOY!"

"Damn You! I'm A Girl!"

Napakamot na 'ko sa ulo ko't umalis na nga lang. Subalit napangiti nang maisip kong wala pa rin pa lang nagbago sa kanya kahit hindi namin tinupad ang pangako namin noon.

Huminto ako sa paglalakad at itiningala ang ulo sa padilim na langit.

Sino ang pipiliin ni Eclair? Matatanggap ko kaya kung,

...Hindi ako?

Eclair's POV:

Sa harapan ng salamin ay titig na titig ako sa mukha ko na hindi nawawala ang pagkapula dahil sa nakakahiyang bagay na tinanong sa akin ng apat na iyon.

Walang hiya! Tama lang ba na itanong nila 'yon sa 'kin?! Kahit na ba sabihin nating may napagkasunduan kami, I also don't know!

Kumamot ako sa ulo ko gamit ang dalawang kamay saka patalon na humiga sa kama. Nababaliw na sumisigaw habang umiikot ikot. Nang mapagod ay kinuha ko ang unan upang yakapin.

I can't face them anymore. Gusto ko na lang bawiin 'yung sinabi ko but if I'm going to do that. What will happen to our friendship? Baka ma-disappoint lang sila sa 'kin.

Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tiningnan. Si Kyle naman ngayon ang nag message. Hayss, ano naman kaya ang sinabi niya? 'Di bale, buksan ko na lang.

from Kyle;

Don't push yourself if you don't want to.

Huwag kang ma-pressure.

Nakaawang-bibig lang ako nang mapangiti ako. He likes me but he's also considerate.

Umupo ako sa pagkakadapa't tumango, "I must do what is right. No running away!"

Well, sinabi ko 'yan pero...

"Sa'n mo gustong pumunta?" ngiting tanong ni Arvin na nasa harapan ng pintuan. Siya kaagad ang tumambad sa akin ngayong umaga. Alam kong ngayon ang araw na magde-date kami pero 'di ko naman inaasahan na mapapaaga siya.

Pupunta pa sana ako sa motor parts shop dahil bibili sana ulit ako ng bearings para sa motor ni kuya.

Tiningnan ko ang suot-suot niya. Wala pa rin namang nagbago sa style n'ya. Simple lang siya pero malakas ang dating. Siguro kasi dahil sa vibes na mayroon siya kaya parang,

...Ang gwapo lang din niya sa paningin ko.

Kumpara naman sa akin? Ang shallow ng damit ko-- Kaso kailan nga ulit ako na-conscious sa suot ko?

Tumikhim ako, "T*ngina, ang aga mo naman masyado, 'di halatang excite--" idinikit niya ang hintuturong daliri sa labi ko upang patahimikin ako kasabaya ang paglapit ng mukha niya sa akin.

"You're a girl for a day, no cussing."

Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil mas lalong nag-iba ang vibes niya kaysa kanina. Isama mo pa na ang lapit lapit ng pagmumukha ng lalaking ito sa akin. You bastard! Get the hell away from m--

"Tingin mo, free si Eclair ngayon?"

"Da't kasi tinawaga-- Owemji! Hoy, gag* ka! Ano'ng ginagawa mo sa kaibigan namin?!"

Humiwalay kaagad sa akin si Arvin at sabay naming nilingon ang naka-get up na sina Orange.

Nakanganga si Yuuki nang mapatingin sa kaliwa niya, nagtaka na lang din ako noong mag-iba ang kanyang itsura.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at halos mapasinghap noong makita ko ang paparating na secret spy nila Arvin.

Patakbong lumapit si Yuuki sa future husband niya, "B-babe, tutal nakaporma ka na rin naman. Baka gusto mong lumabas tayo?" anyaya ni Yuuki habang pinipilit na ngumiti. Naguluhan naman si Arvin at balak pang tumanggi nang itulak ko silang pareho.

"S-sige na! Umalis na kayo, isama n'yo si Orange sa date n'yo."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Orange, "What? Ayokong maging third wheeler--"

"Bye!" paalam ko't isinara ang pinto. Malakas na naglabas ng hininga saka humarap na nagulat pa ako nang bumungad si ate Ericka. Naka face mask kasi siya kaya halos atakihin ako sa puso.

"Ano ba 'yan, ate! Dapat sa kwarto ka na lang naggaganyan, eh!" daing ko't nagmartsa paalis sa harapan niya. Naramdaman ko naman ang paglingon nito.

"Dapat sumama ka na rin para ikaw ang fourth wheel." pang-aasar nito na nagpahawak sa noo ko.

Hindi na natuloy ang date namin ni Arvin after no'n kaya si Vince na ang sumunod.

from Vince;

Kita na lang tayo sa LRT1 mamaya.

Text nito sa 'kin. Cellphone ko ang una kong hinanap pagkagising ko at ayun kaagad ang nagpakita sa akin. Hay naku, mas nakakapagod pa ito kaysa sa inaasahan ko.

This time, nag ring naman ang phone ko senyales na may tumatawag. Tiningnan ko ang caller at nakita ang pangalan ni Arvin. Ayoko sanang sagutin pero baka kasi importante 'yung sasabihin niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sagutin ito.

"Oh--"

"Free ka ba ngayon?" tanong niya sa akin. Ano? He's going to ask me out again?

"Uhm... I-inaaya ka kasi ni dad kumain sa labas kaya baka--"

"Ayoko" pagtanggi ko 'agad na nagpatigil sa kanya. Awkward na napatawa dahil mukha namang naramdaman niya na talagang ayoko.

Sino ba namang may gusto, 'di ba?

"Sorry Eclair, ah? Alam ko na ngang ayan ang magiging sagot mo pero tinanong pa rin kita." hindi ako umimik at hinihintay lang ang susuno nitong sasabihin. "Pero Eclair, hindi ibig sabihin na step sister kita o ano ay hanggang dito na lang ako." nag-iba ang tono ng pananalita niya kaya napanganga ako ng kaunti. "Taboo man ito sa paningin ng iba, hindi ito ang magiging dahilan para itigil ko kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kung mapapasa akin ka man, ito lang ang maipapangako ko. Ipaglalaban kita." mas natahimik ako kaysa kanina.

You can't,

...It's because there's Yuuki who slowly falling in love with you.

Siguiente capítulo