webnovel

Hecatomb

Blood LVII : Hecatomb 

Zedrick's Point of View 

Kinaumagahan matapos naming kumain ay pumunta na kaagad kami sa dagat para magtampisaw. Dumiretsyo ang mga babae sa maligamgam na tubig habang inayos namin ni Hades ang gamit. Samantalang si Septimus naman ay chill lang na pinapakiramdaman ang araw. 

 Ngunit dahil sa ugaling ipinapakita niya ay binato na siya ni Curtis ng tsinelas na hinubad pa ng kanan niyang paa. 

Si Ma'am Eirhart, naninigarilyo pa rin habang pinagmamasdan sina Vermione. Nakasuot siya ng black two piece bikini na mas lalong nagpa-mature sa itsura niya habang nakapatong lang 'yung white jacket sa balikat niya. 

Ibinaba niya ang shades na nasa ulo niya kanina at nilingon ako. "Hindi ako pumapatol sa bata." 

 I blushed and looked away. "H-Hindi rin po ako pumapatol sa matanda." Magalang na ang pagkakasabi ko niyon pero mukhang nagalit pa yata siya sa akin. 

 

 Natapos na namin ang pag-aayos sa gamit, binuksan ko lang ang malaking payong at umupo na sa blanket na inilatag kanina ni Hades. Nagbuga ako ng mabigat na hininga bago itinuon ang atensiyon kay Savannah na pinapanood lang 'yung ginagawa ngayon ni Vermione kay Astrid. Nandoon sila sa buhangin-an at tinatabunan ng beach sand si Astrid para makagawa ng kung anu-anong disenyo. 

 Nakita ko naman si Curtis na dahan-dahang lumalapit sa likuran ni Savannah at makikita mong may binabalak. Mayamaya pa nang pwersa niyang inalis 'yung jacket ni Savannah dahilan para makita ko ang suot niyang violet two piece bikini. 

 

 "Wow! Sexy!" Mangha kong reaksiyon. Nice, Curtis! 

 "Hey! Cut it out!" Nababanas na pagpapatigil ni Savannah pero hinampas lang siya ni Curtis sa braso. 

 "Don't be embarrassed, Zedrick is looking at you." Malokong turo ni Curtis sa akin kaya nilingon ako ni Savannah. Namula siya kaysa kanina 'tapos pataray ring umiwas ng tingin. 

 Humawak ako sa bibig ko upang magpigil ng ngiti. "T*ngina" Mura ko. Hindi naman ako masokista dahil lang sa natutuwa ako sa pagtataray niya sa akin pero tingnan mo naman 'yung blushing face niya? Adorable! 

 Ibinaba ko ang kamay ko mula sa bibig noong papalapit si Vermione sa gawi ko. Tinatawag siya ni Astrid pero 'di lang niya pinansin at umupo lang sa tabi ko. 

Nakasuot lang din siya ng short at shirt kaya sinilip ko ang mukha niya. "Bakit hindi ka nag bikini?" Diretsyong tanong ko. 

 "Isusumbong kita kay Savannah mamaya na pinag-iisipan mo 'ko ng kamanyakan." Sinabi niya 'yan na may matamis na ngiti. Nakabaling lang ang ulo niya pero nakatingin siya sa akin gamit ang peripheral eye view. Scary! 

 Itinaas ko ang paa ko para ipatong ang kanan kong kamay sa tuhod tapos nag pogi sign. "Isusumbong mo 'ko? I see. Ibig sabihin, you're already acknowledging me as her boyfriend. Pwede na talaga akong mamatay ng maaga." At ipinagdikit ko pa ang mga palad ko na tila parang nagdadasal. 

 "Ngh." Tanging boses na lumabas sa kanya kaya tiningnan ko ulit siya. Nakabaling na ang kanyang tingin habang hindi naglalaho 'yung ngiti niya, nakatitig lang din ako sa kanya nang mapansin na niya iyon. "What is it?" 

 Umayos ako ng upo. "Ayoko sanang magtanong kasi wala ka naman yatang balak sabihin. Pero kung may bumabagabag sa 'yo, sana 'di mo kinikimkim. 

Ikaw lang din mahihirapan niyan." 

 Inipit niya ang mahaba niyang bangs sa kanyang tainga. "Ikaw? Sinasabi mo ba kung ano iyong iniisip mo?" Tanong niya na parang gusto rin talaga niyang malaman 'yung isasagot ko. 

 Sandali akong 'di umimik nang ngumiti ako bago tingnan si Savannah na kaaway nanaman si Curtis ngayon. Si Astrid, nandoon lang sa buhangin-an at hindi makaalis sa pagkakabaon sa beach sand at panay tawag lang sa pangalan namin, na sa tabi naman niya si Septimus pero sinusundot lang siya ng kahoy sa mukha. 

 "Depende." Maikling sagot ko at tumingala para makita 'yung ulap. "May mga bagay tayong 'di natin masabi sabi sa iba, pero kung tingin mong mabigat na 'yung dinadala mo, hindi ba't dapat ilabas mo na para gumaan?" 

 Ngumiti siya lalo. "You think, so?" 

 "Walang tutulong sa 'yo kundi ang sarili mo, pero bago mangyari 'yan. Kailangan mo rin magpasagip para magkaroon ka ng rason para makaahon." 

 "Edi parang ibang tao rin ang tumulong sa'yo?" 

 "Eh, hahayaan mo bang malunod?" 

 "Wala namang akong sinasabi." 

 Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong. "Para matulungan mo ang sarili mo, kailangan mong piliin na magpasagip para 'di ka malunod sa kadiliman. Iwan mo pride mo, para 'di hatakin paibaba." 

 Lumakas ang hampas ng alon pagkatapos kong sabihin iyon. Namuo sandali ang katahimikan, 'di ko siya pinakielaman at tahimik lang din sa kinauupuan ko nang magpasya siyang magsalita. 

 "It's just that I noticed that you guys have changed" Panimula ni Vermione at umiling noong lingunin ako. "But I didn't mean it in a bad way though, but I felt that I'm stuck in the same place." 

 "In other words, pakiramdam mo napag-iiwanan ka?" Paninigurado ko kaya tumango naman siya bilang pagsagot. 

 

 Natawa naman ako kaya nagtaka siya. "Wala ka talagang mapapansin sa sarili mo kung mas nakatuon ang atensiyon mo sa iba. Pero kung tatanungin mo kami, may mga nagbago sa'yo." Idiniretsyo ko na ang paa ko mula sa pagkaka-angat kanina at inilagay ang dalawang kamay sa likuran ko bilang pang suporta. "Whether if it's good or bad, those changes are also a part of you, hindi ka dapat nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao at gawin mo lang kung saan ka mas kumportable. Kung alam naming mali ka, pagsasabihan ka namin, ngunit kung alam mo ring ito ang magdadala ng lungkot sa'yo, make it your strength." Pagtatapos ko pero isiningit ko pa iyong isang isyu. 

 "About your grandfather." banggit ko kaya bumuka ang bibig niya. "You can't change the way he perceive things," Umiling ako. "Nothing." 

 Tumungo naman siya at umismid. "I know." 

 Tumitig lang ulit ako sa nakangiti niyang mukha nang labas sa ilong kong ipinatong ang kaliwa kong kamay sa kanan niyang balikat dahilan para tumingala siya't tingnan ako. "Ito lang masasabi ko, kakampi mo kami. Ako, nandito ako para pakinggan ka." 

 Kita ko 'yung pasimple niyang pagkagat sa labi kaya binitawan ko siya. Mukha kasing galit, eh. "A-Ah! Sorry ang daldal ko na yata." At tumawa pa ako nang pilit niyan. 

"Thank you, Zedrick." Pagpapasalamat niya na nagpatigil sa pagtawa ko. "I will leave Savannah to you." Humawak siya sa balikat ko bilang pagsupot niya sa kaunti niyang pag-angat upang halikan ako sa pisngi. Nakita iyon ng mga kasama ko kaya mga nagkanya kanya sila ng reaksiyon. 

 Bumuka-sara naman ang bibig ko kasabay ang kanyang pagtayo. 

Hawak hawak ko lang din ang pisngi ko, hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya. Ibinaba niya ang zipper ng jacket niya bago ito alisin sa pagkakasuot kaya ngayon ay nakikita namin ang pulang peklat sa itaas ng kanyang pusod. Alam ko 'yung simbolo na nasa peklat ni Vermione, dahil nakita ko na ito sa mga disenyo na ginawa ng ama kong iyon. 

 Tama, maliban sa tinatawag nilang Lord. 

Si Bryan Olson ang pangalang kumo-kontrol sa mga bampirang kakalabanin namin sa hinaharap. 

Tumayo na ako at kumaway sa mga kasamahan kong tinatawag na ako, hahakbang na rin sana ako pero biglaan nanaman akong inatake ng kirot sa aking puso. Pero kumpara noon, kakaiba ito. 

Dali-dali akong tumakbo kaya muli nanaman akong tinawag ng mga kasamahan ko. 

 Pumunta ako sa mga mapupunong lugar na 'di naman lalayo sa pinanggalingan nila Hades. Kailangan kong makakuha ng sapat na dugo, kahit dalawang ibon lang sapat na. 

 Tinatabig tabig ko ang mga humaharang na dahon sa daan ko't hawak-hawak ang aking dibdib nang may humawak sa kamay ko dahilan para lingunin ko ito. "Sav--" tinakpan niya ang bibig ko at itinulak ako sa puno ng coconut. Nandito kami sa medyo tagong lugar kaya kahit dumaan ang iilan sa mga turista, hindi rin kami makikita kaagad kung 'di sila pupunta rito. 

Inilagay niya sa pagitan ko ang tuhod niya kaya medyo napasinghap ako. "Ang hilig mo talagang 'di magsabi sa 'kin na kinakailangan mo ng dugo. Kailangan pa ba na ako ang maghabol sa'yo?" Naiirita niyang tanong na 'di ko lang nagawang sagutin at hingal na hingal lamang na nakatingin sa leeg niya. 

 Medyo basa siya dahil sa pagtatalampisik nila ni Vermione kanina sa dagat. 

Hinawi niya ang buhok niya kaya maaliwalas kong nakikita ang leeg niya.

 Hindi na ako nagdalawang-isip at hinawakan ko ang batok niya upang ibaon ang matalim kong pangil sa balat niya. Nakagawa siya nang kaunting ungol dahil paraan ng pagkagat ko sa kanya. Ramdam ko rin ang pag-angat ng balahibo niya bawat paglabas ng hangin sa ilong ko. Sh*t, this is turning me on. 

 Idinikit ko ang katawan niya sa katawan ko kaya sinasabayan din ako sa pag-atake ng Savant Syndrome. 

 She gasped. "Zed…rick, y-you're kind'a… aggressive, ngh--" Tinanggal ko na 'yung pangil ko. 

 She moaned as I simply kissed and sucked on her neck. I need her, I frigging need her. "Zedrick, stop." I heard her but I couldn't stop. 

 I slowly looked at her with a playful smile on my lips. "You sure you want to let out such strange voice, Sav?" I asked, she continued struggling until I grabbed her waist to pull her closer. 

 

 "Yo… your way of touching me is indecent." Pulang pula niyang sabi habang nanatili lang akong titig sa kanya. 

Pasimple akong nagbuga ng hininga bago humiwalay nang kaunti sa kanya para makita ang kanyang mukha. Nanatili lang ang dalawa niyang kamay sa dibdib ko habang nakababa ang kanyang tingin, mga ilang segundo rin bago niya iangat para diretsyo akong tingin sa mismo kong mata. "Kiss me." 

Sandaling namilog ang mata ko bago ibalik sa dati. "Why?" Simpleng tanong ko. "Are you asking me for a kiss because of what happened?" Tukoy ko sa paghalik ni Vermione sa pisngi ko kanina. "Or is this your way of telling me you love me that much that you want to kiss?" Sunod-sunod kong tanong. 

 Her cheeks flushed in embarrassment before she took one step away from me. Sumimangot ako. "If you continue to act this way, I won't understand you, Sav." Kalmada kong wika sa kanya kaya ngayon ay palipat-lipat na ang tingin niya. 

 I see… 

 Kinuha ko ang pulso niya't itinulak siya sa akin. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya dahilan para manlaki ang mata niya sa gulat. 

Hindi iyon nagtagal dahil dahan-dahan ko ring tinatanggal habang nakangiti sa kanya. "I love you." Paulit-ulit kong sasabihin 'yan sa kanya hanggang sa maging abo ako sa mundong 'to. 

 

 Tinakpan niya ang bibig niya gamit ang likurang palad at lumingon sa kaliwang bahagi para hindi ko makita ang mukha niya. "I know." Sabi niya na nagpangiti sa akin. "Pero nalalasahan ko 'yung dugo ko, it's not tasty at all." 

 I raised the both of my eyebrows in amusement and chuckled. 

*** 

GINAWA NAMIN ang ikasasaya namin sa loob ng tatlong araw sa beach. Nagpasabog ng fireworks, nag bon fire at naglaro ng kung anu-ano sa tubig. Sa una, hindi nakikisali sa Ma'am Eirhart at palagi lamang na sa malayo't binabantayan kami. Ngunit sa bandang huli ay naisasama namin sa pamamagitan ng convincing powers ni Vermione. 

Hindi naman mawawala ang pagtatalo ni Savannah at Curtis pero makikita mo na nagkakasundo rin sila sa ibang bagay. 

 "Kyahh!" Tili ni Astrid noong pabirong ihahagis ni Hades 'yung alimango sa kanya. Tawa ito nang tawa noong batukan siya ni Curtis, pinagsasabihan niya si Hades kaya sorry ito nang sorry.

Noong na sa kwarto naman kaming lahat at naglalaro ng card game, diring diri na lamang kami nang patayin ni Septimus ang ipis sa pamamagitan lang ng kamay niya. Hinipan lang niya ang nilalang na nasa palad niya pero dahil kumapit ang lamang loob nito ay dinampot niya ito sa pamamagitan ng daliri at walang pakielam na inihagis kay Hades.

"Pakyo!"

Nakikita na rin namin ang pasimpleng pagngiti ni Ma'am Eirhart kahit matipid lang iyon pero 'di iyon ang dahilan para hindi namin siya tukso-tuksoin. 

 "Shut up, brats. Matulog na kayo, kung anu-ano sinasabi n'yo." Udyok niya sa amin at tinalikuran kami para pumunta sa sarili niyang kwarto.

 Humalakhak lang kami sa ginawang reaksiyon ng adviser namin nang mapasulyap ako kay Savannah na nakatingin pala sa akin. 'Tapos umiwas ng tingin nang ngitian ko siya.

*** 

PUMASOK KAMI sa kwarto ng mga babae para sana ayain silang pumunta sa kalapit na Coffee Bar nang maabutan namin ang pag-angat ni Savannah at Curtis ng panty na takang-taka sa hawak nila. "What the hell? Kanino 'to?" Taas-kilay na tanong ni Curtis. 

 Pumasok si Vermione sa kwarto nila kaya nabangga pa kami ni Hades.

"Ah! Binili ko 'yang cute panty na 'yan para sa inyo!" Napatingin sa kanya ang dalawa habang natutulog lang si Astrid sa kama niya. 

 Naglabas pa ng kung ano sa supot si Vermione. Dala-dala na rin niya iyon pagkapasok dito. Sexy panty! "Tadah! I went out and bought another pair with the same colo--"

Pilit na ngumiti si Savannah at ipinasok ang panty sa maleta niya. "A-Ah. Yeah, appreciate it." 

 Nagsalubong ang kilay ni Curtis na nilingon si Savannah. "Damn you! You gave off an 'I don't need it' aura just now!" 

 Pumikit saglit si Savannah upang magpigil ng inis. "Silence. Hindi ka lang talaga marunong maka-appreciate." Saad niya at pinanlisikan naman kami ng tingin pagkatapos. "And you two? What do you want?" May awtoridad na tanong niya sa amin. 

 Dahan-dahang tumuro si Hades sa labas. "C-coffee? B-baka gusto n'yo?"

*** 

NAGLALAKAD KAMI sa buhangin-an habang nakikinig kami sa mga banat ni Hades kay Curtis, papunta kami ngayon sa Coffee bar lalo na't magandang tumambay doon ngayong gabi. Hindi ma-tao, pinayagan din naman kami ni Ma'am Eirhart dahil siya na rin ang nagsabi, hindi na kami bata. 

 "Ito seryoso na, but what if someone come into your life?" Tanong ni Hades kay Curtis na salubong pa rin ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Talaga bang dito n'yo pag-uusapan 'yan?" Diring diri na tanong ni Septimus at mabilis na nagmartsa para maunang maglakad. Sumunod sa kanya sa Astrid na hinihikab pa. 

Humalukipkip si Curtis. "Pake ko." Pagtataray nito na nginitian ko ng pilit. 

 "Ang sweet naman ng bebe Empress ko, ako lang talaga ang pipiliin." Ipinagdikit pa ni Hades ang dalawang palad niya at idinidikit dikit pa ang braso kay Curtis.

Tinapunan siya ni Curtis ng nakamamatay na tingin. "Huh? Pakielam ko rin ba sa 'yo? Disgusting, sh*t." Inirapan niya si Hades at patakbong naglakad. 

Bumuntong-hininga lang kami ni Vermione samantalang napahawak lang si Savannah sa noo niya. 

 

*** 

HANGGANG SA dumating na nga ang araw na kailangan na naming umuwi, karamihan sa lahat ay natutulog na ngayon maliban sa amin ni Savannah na nasa likuran na ng Van. Si Hades naman ang na sa passenger seat. 

Nakatingin lang si Savannah sa dinadaanan namin nang ipatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Napatingin siya sa akin sandali hanggang sa iharap na lang din niya ulit at wala ng iniwan na salita.

Nakatulog ako nang kaunti pero nagising din makalipas ang ilang oras. Subalit naabutan ko na gising pa rin si Savannah. "Can't sleep?" Tanong ko alas tres na rin ng umaga. 

Umiling siya. "Hindi pa ako makatulog." Umupo ako ng maayos tapos siya naman ang pinahiga ko sa balikat ko. 

Hawak-hawak ko ang pisngi niya nang ibaba ko na. "Sleep, mahaba pa ang biyahe." Hindi na siya umimik at hinayaan ako. Pumikit na ako para matulog ulit pero hinawakan nito ang kamay ko-- Ang malambot niyang kamay kaya muli kong iminulat ang ang aking mata para ibaba ang tingin. 

"Let me stay like this for a bit." Parang napapagod nitong udyok na nagpahagikgik sa akin. 

 "Kahit araw-araw mo pang gawin 'yan, sige lang." Wika ko na may halong kilig. 

 Hindi na siya sumagot, malamang ay nakatulog na rin. Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan nagkikislapan ang mga maliliwanag na bituwin sa madilim na kalangitan.

"Sana magtagal pa ito." Bulong sa sarili saka ipinatong ang ulo ko sa ulo ni Savannah. 

Wala akong hiniling na kahit na ano kundi ang makasama lang ang babaeng nagpapasaya't nagpatibok sa puso ko pero ang rason na iyon ang siya rin pa lang mas magpapahirap sa aming dalawa. 

Dumating na 'yong oras kung saan pipili kami ni Savannah sa dalawang posibleng tadhana-- Magiging isa ako sa Class-A Vampire saka ako papatayin ni Savannah, o hahayaan niya akong patayin siya para makamit ang isang kahilingan na maging isang ganap na tao. 

 

 Bilang isang normal vampire, kapag ininum mo lahat lahat ng dugo ng isang Fiend. Matutupad ang isang kahilingan na ninanais mo kung saan ipinapakita kung gaano kaespesyal ang dugo ng mga uri nila. 

 Kaya sa ilang dekada na lumipas, maraming nagtatangkang patayin ang mga Fabled Fiend upang makuha ang kanilang mga dugo.

Maliban sa nakwento ni Curtis tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya sa kadahilanang hindi raw na-kontrol ng isang Fiend ang kanyang abilidad. 

Do'n ko rin napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin noon kung gaano kadelikado si Savannah, gayun din si Xanis. 

 …dahil pwedeng magamit ng ibang mga bampira ang kamatayan nila sa maling paraan. 

 Pinilit kong ngumisi ngayong nandito ako sa Confinement Chamber, gusto kong ipakita sa babaeng na sa harapan ko na hindi ako nagsisisi sa naging sagot ko sa kanya. 

 Pumikit ako nang mariin at napasigaw sa sakit, lumalabas na ang ugat sa katawan ko at malapit ng hindi ma-kontrol ang aking utak kaya pilit kong kumakawala sa pagkakagapos ko sa matibay na posas. 

 "To become a monster is to admit you were weak to remain a vampire." Naalala kong sabi ng isang partikular na lalaki noong gabing iyon bago niya hiwain ang pulso niya para patuluin ang dugo sa aking bibig na uhaw na uhaw ko ring ininum.

 Hindi ko man makita ang kabuoan ng mukha ng lalaking iyon pero naaalala ko ang matang 'yon. 

 

 Purple eyes… 

Wala ng epekto ang ibinigay sa akin ni Curtis na Level H Blood, at ang ibig sabihin no'n ay mas malala ang uhaw ko sa dugo. 

Sa ilang araw na nakakulong ako rito, ramdam ko na, na hanggang dito na lang ako. Kaya kahit gustuhin ko mang manatili, wala na akong magagawa.

"DO IT!!!" Singhal ko na umalingawngaw sa buong kwarto. Wala sina Vermione dahil inaasikaso nila ang muling pagkalat ng mga Class-A Vampires sa campus na kagagawan nanaman ni Bryan Olson. 

 Ngunit sa pagkakataon na ito, may mga kalaban ang dumagdag. At hindi ko na magagawang matulungan ang Seventh Platoon, si Savanah. Hindi ko na sila mapo-protektahan. 

 Malakas na putok ng baril ang aming narinig mula sa labas kaya mas lumukot ang mukha ko para kumbinsihin si Savannah. "DON'T MAKE ME DO IT MYSELF, SAVANNAH!" 

Nanatili lang siyang nakatungo at hindi gumagalaw. Hanggang sa maglakad siya papunta sa lamesa para kunin ang Anti-Vampire Weapons niyang Dragon Black Handed Gun o ang tinatawag niya sa Vampirogon. 

 'Tapos ay bumalik sa aking harapan. "Do it." nanghihina kong udyok kasabay ang pagkawasak ng pinto sa floor na ito. 

 They are already here… 

 Pumitik ang ugat sa utak ko kaya nakagawa nanaman ako ng malakas na ingay sa kwarto. "Please…" Hirap na hirap kong pakiusap pagkababa ko ng tingin sa kanya. "Sav--" Sa pagkakataon na ito ay inangat na ni Savannah ang kanyang ulo, ngiti itong umiiyak pero determinado rin ang tingin ng mga mata. 

Ipinutok niya ang baril sa posas na nakagapos sa akin at niyakap ako dahilan para hindi ko mapigilang ibaon ang matutulis kong pangil sa kanyang leeg. Nabitawan niya ang Vampirogon at napahawak sa manggas ng damit ko sa may braso. 

 Umiiyak ako habang paunti-unti kong inuubos ang dugo niya. Ramdam ko ang pag ngiti niya habang bumababa na ang kanyang mga kamay. BAKIT?!

 "You… will hate me for this, but I have to." Saad niya habang tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-inum ng kanyang dugo. Sunod-sunod na rin ang pagbagsak ng luha ko. Gusto kong pigilan pero hindi ko magawa, na sa katinuan pa ako pero ang katawan ko? Wala na sa kontrol. 

 Marahan niyang hinimas himas ang ulo ko na mas nagpaiyak sa 'kin. "I have no regrets, and I also don't want you to regret anything either. This is my choice, and my choice is to give you my life, kasi…" 

 

 Pumikit ako nang mariin nang lumitaw sa utak ko ang isa pang sakripisyo na ginawa niya sa kabilang dimensiyon. She did it again… 

 

 Is this the fate of a woman I love? 

 "Mahal kita." Huling salita na narinig ko mula sa kanya bago bumagsak kamay niya sa malamig na sahig.

Dahan-dahan na akong humiwalay sa walang buhay na si Savannah habang naririnig ang ingay mula sa labas ng Confinement Chamber. Paparating na sila...

Titig na titig ako sa mahimbing na pagtulog ni Savannah, kita nga sa kanya na wala siyang pinagsisisihan dahil hanggang sa huli, nagawa pa niyang ngumiti. 

 Mas nanakit ang lalamunan ko, hindi makapaniwala na mayroon nanamang nawalang importanteng babae sa akin. "Sa…" Pati pangalan niya, hindi ko na rin magawang banggitin sa sobrang sakit. 

 Niyakap ko siya habang lumalakas na ang kalabog mula sa labas. Naririnig ko ang mga ungol ng mga Class-A Vampires dahil naaamoy nila ang dugo ng isang Fabled Fiend. 

"Nakita mo na nga akong natalisod 'tapos hindi mo pa rin ako tutulungan?" Naalala kong pagtataray ni Savannah sa 'kin noong una kaming magkita sa K.C.A. 

 "You aren't thinking any perverted things, are you?" 

This is not the life I really want, but… 

 Bumagsak na ang pinto kaya unti-unti ko ng inihihiga si Savannah sa sahig at kinuha ang mga baril niya. Matamlay akong tumayo habang naririnig ang ungol ng mga thirsty blood na ito. 

 Humarap ako sa mga pumapasok na Class-A at dalawang Z-Type vampires. Pinaikot-ikot ko ang Vampirogon sa aking daliri at itinutok sa kanila.

...I can't let her sacrificed go to waste. 

Siguiente capítulo