webnovel

Covered

Blood LIII: Covered

Zedrick's Point of View 

 Niyuyugyog ako ng mga kasama ko ngunit hindi ko pa rin magawang magising. Ramdam ko 'yung bigat sa katawan ko kaya gusto ko munang manatiling nakapikit. 

 Subalit nang itulak ako ng isa sa kanila mula sa mataas na kama, hindi ko na magawang makaangal pa't hinimas himas ang ulo kong nauntog sa simento habang tumatayo. "Sinong tumulak sa 'kin?!" Pabulyaw kong tanong at luminga-linga. "Eh? Ba't ako nandito?" Takang-taka kong tanong. Na sa school clinic ako ngayon at naguguluhan ako kung paano ako napunta rito. 

 Nahimatay ba 'ko kakatakbo? Pero hindi pwede iyon, ilang metro lang namang ang tinakbo ko. 

 Lumapit sa akin si Vermione na may hawak hawak na sinturon na animo'y handa akong ihampas no'n. Mayroon siyang benda sa bandang tagiliran habang nakapatong lang sa kanya ang polo sleeve niya. Wala siyang suot na kahit na ano sa pang-itaas, nakabalot lang siya ng benda mula sa kaliwang balikat hanggang itaas ng pusod. 

 "Yes, good morning to you. Masyado ka bang natuwa sa sarili mong ilusyon?" Tanong niya noong magpameywang siya. 'Di ako umimik at napahawak lamang sa noo. Nandoon iyong alaala sa panaginip ko pero hindi ko masabi kung ano ang buong detalye. 

 It was… a very long happy dream, yet a lonely one. 

 

 "What happened?" Tanong ko pagkababa ko ng kamay ko't iangat ang tingin kay Vermione. 

Namilog naman ang mata niya. "Ha? Wala kang naalala?" Hindi makapaniwalang tanong saka pumasok si Hades na mayroon ding benda sa leeg, mayro'n ding naka-attach na gauze sa pisngi niya. 

 "Buddy!" Bungad niya at patakbong lumapit sa akin upang akbayan. "Grabe! Na-miss kita! Ilang taon ka ng natutulog!" Nagulantang ako sa sinabi ni Hades kaya malakas ko siyang tinulak palayo. Mahahalata sa akin ang sobrang gulat at takot. 

 Hindi ako makapaniwala. "Taon?" ulit ko sa sinabi niya ta's ibinaling ang tingin kay Vermione na tinanguan niya bilang pagsagot na totoo ang sinasabi ni Hades. Mas lalo akong hindi makaimik, gulat na gulat ako. Pa'nong nangyaring taon? Ano ba talaga ang nangyari? 

 Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ng kung sino. "Masyado ka namang nagpapaniwala sa mga kaibigan mo, nagbibiro lang sila. Limang oras ka lang tulog." Nilingon ko si Ma'am Eirhart na kasalukuyang naninigarilyo't nakasandal sa frame na pintuan. 

 Inalis ni Hades ang pagkakaakbay niya't humarap sa adviser namin na may pagnguso pang nalalaman. "Ang KJ mo, Ma'am. Binuking mo 'ko kaagad." Nagtatampo na wika ni Hades. 

 Inalis muna ni Ma'am Eirhart 'yung stick ng sigurilyo sa bibig niya bago simangutan si Hades. "Say what?" Kumento niya at napailing na lamang bago naglakad palapit sa akin. Noong makahinto siya sa tapat ko ay tinanong niya kaagad kung ano ang nararamdaman ko. 

 Binuka-sara ko ang mga kamay ko bago tumingala para ilipat ulit ang tingin sa adviser namin. "Wala lang ako masyadong lakas para gumalaw-galaw." Sagot ko. "Nahimatay ba 'ko kakatakbo?" Tanong ko, lumingon siya kila Vermione at Hades bago niya ako binalikan ng tingin. Bakit?

 

*** 

 IKINUWENTO NILA Hades ang buong pangyayari noong wala akong malay. May mga gano'n na pa lang trahedya pero hindi ko man lang nagawang makatulong sa kanila. 

 

 Mabigat kong inilabas ang hininga ko't napahawak sa aking ulo. What am I doing? 

 "It can't be helped. Pumailalim tayo sa kamay ng mga kalaban kaya hindi mo naman kailangang makaramdam ng kahit na anong konsensiya. 'Di mo rin 'yun kontrol." Kumbinsi ni Hades para maging okay ang pakiramdam ko. 

 Ibinaba ko ang kamay ko't nginitian si Hades. "That's not the case, but--" 

Ang ibig sabihin lang niyon, hindi pa sapat itong kakayahan ko para ma-protektahan sila. 

 

 "Pero pa'nong hindi mo naalala 'yung mga nangyari sa kabila?" Takang sabi ni Vermione at tiningnan si Ma'am Eirhart na nakakrus pa rin ang mga braso. "May kinalaman kaya 'yun sa enerhiyang nakuha sa kanya?" Teorya ni Vermione. 

 Pumikit sandali si Ma'am Vermione. "Maaari, o kaya���y pinatulog lamang siya para hindi niya pakielaman ang mga plano nila Zoe." Sabay buga ng usok mula sa kanyang sigarilyo, "…at kung nanaginip man siya, natural na lang na makakalimutan niya lahat nung mga nangyaring scenario sa utak niya gawa ng neurochemical na kondisyon kapag natutulog tayo." 

 "Ma'am, Science teacher ka ba noon?" Pangisi-ngising tanong ni Hades habang papalapit sa mukha ng adviser namin. Binigyan siya ng masamang tingin ni Ma'am Eirhart kaya humagikhik naman si Hades palayo. "S-Sabi ko nga, hindi na ako magsasalita." 

 Lumingon ako kay Vermione. "Nasa'n si Sav?" Hanap ko sa kanya kaya napaawang-bibig siya. Sandali niyang piniling manahimik nang lumingon siya sa pinto. 

 

 "Hmm, she's sleeping." Ngiti niyang sagot na may malungkot na tingin sa kanyang mata. Eh? 

 Tumayo si Hades mula sa pagkakaupo niya sa maliit na stool. "Pero hayaan na lang muna natin siyang magpahinga ngayon, nasabi kasi nung school nurse na hindi siya pwedeng maisturbo." 

 Ibinaling ko ang tingin kay Hades. "Bakit? Matindi ba 'yung mga natamo niya?" Nag-aalala kong tanong saka fierce na pinaltukan ni Ma'am Eirhart si Hades. 

 "Thank you so much!" si Hades. 

 Bumuntong-hininga ang adviser namin at seryoso akong tiningnan. "Wala ako sa lugar para sabihin 'to pero may mga bagay ka pang kailangang malaman." 

Okabe's Point of View 

 Pilit akong nakangiti habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa swivel chair ko't akala mo siya ang namamahala sa office ko. "Kung hindi mo naman mamasamain, 'no? Pero upuan ko 'yan, eh. Masakit 'yung katawan ko, baka gusto mo 'kong paupuin?" Hindi ko siguradong tanong na may magalang na tono sa boses ko. 

 Hinarap niya ang upuan sa akin kaya ngayon ay nakikita ko kung gaano katalim ang tingin ng mata niya. "Saka pwede bang ayusin mo 'yung paraan ng pagtingin mo, Xanis? Kaya pati kapatid mo natatakot sa 'yo, eh."

 Pumikit siya sandali bago bumuntong-hininga. Si Xanis, siya 'yung nagpatigil sa labanan kahapon, at ang A Fabled Fiend. 

Mayro'n siyang maitim at medyo mahabang buhok dahilan para itali niya ito, may peklat siya sa pisngi gawa ng isang aksidente 6 years ago. 

 "Huwag mo 'kong pinagkakakausap, Sakai. Papatayin talaga kita ngayon dito." 

 Tinalikuran ko naman siya 'tapos nagkibit-balikat. "Palagi mo namang sinasabi 'yan sa akin, hindi mo naman ginagaw-- Eek!" Niliyaban niya ng apoy ang pwet-an ko. Pinagpagan ko naman iyon para mawala ngunit habang tumatagal iyon ay lumalaki't mas lalong nagliliyab kaya patalon akong napapaupo upo sa sahig para mawala. Pero mabuti naman at binuhusan ako ng tubig mula sa abilidad ni Xanis. 

 Napasimangot ako. "Hindi ako natutuwa!" Maktol ko nang lingunin ko siya. 

 Wala siyang ginawang kahit na anong reaksiyon at labas sa ilong lamang na tumingin sa hindi kalayuan. Tumayo na nga lang ako, inabutan ako ng tuwalya ng isa sa tao ko na nagbabantay kanina sa pintuan ko. 

 Pinunasan ko ang basang-basa kong buhok nang patalon akong umupo sa desk kung nasa'n siya. "Kahit hindi ka tumatanda, huwag mo masyadong kunutan 'yang noo mo. Papangit ka niyan."  

 Muli nanaman niya akong binigyan ng matalim na tingin kung saan tumaas pa ang balahibo ko na pati bulbol ko ay mga nagsiakyat. "Pakialis na nga ang hunghang na 'to." Utos ni Xanis sa dalawa kong tao.

 Maloko kong nginitian si Xanis. "A joke!" Pabirong tonong sabi ko na may pag gesture pa. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo." Naiiling-iling na sabi ko 'tapos ipinatong ang kaliwang hita sa kanan pagkatapos ay sumeryoso na nga."Ano na balak mo? Hanggang kailan mo itatago 'yung katotohanan sa kanya?" Tanong ko kasabay ang paglipat ng tingin ko sa dalawang paru-paro na naglalaro sa labas ng bintana noong biglang bumagsak ang isa. 

 Ramdam ko pa rin ang malamig na titig ni Xanis nang ibaba niya ang tingin sa chess board at kunin ang King piece. "She already knew. I'm just waiting for her decision whether she choose that path or not." Wika niya at itinumba ang nakatayong Queen piece. "Checkmate." 

Short update.

Bukas ang part 2 ng Blood 53.

Yulie_Shioricreators' thoughts
Siguiente capítulo