webnovel

Rest

Blood XXXI: Rest 

Zedrick's Point of View 

 Pinunasan ko ang aking pawis matapos kong maialis ang ilan sa mga nakaharang na simento sa gilid ng pangatlong building ng K.C.A.

 Kasama ko ang ilan sa mga maintenance para sa pag-aayos ng skwelahan kaya suspended ng ilang araw ang klase. May mga ilan pa ngang reporters sa isang news ang pumunta rito para malaman kung ano ang nangyari pero pinaalis lamang sila ng mga tao sa organisasyon. Siyempre, hindi naman sila nakumbinsi sa mga rason ng mga tao sa K.C.A kaya pabalik balik din sila rito. Mabuti nga't nagawan naman ng paraan ni Mr. Okabe kaya ngayon ay tahimik na kaming nagta-trabaho para maging maayos ulit ang skwelahan. 

 Pero nagtataka lang ako ba't nandito ako. Eh, estudyante lang din naman ako. 

 "Mas mapapabilis ang trabaho kapag nandoon ka. Besides, you have the ability to accelerate, kaya good luck." Naalala kong sabi ni Savannah kasabay ang pagpatong niya ng kamay sa aking balikat. 

Napahawak tuloy ako ro'n ng wala sa oras ng hindi namamalayan na malapad na pala akong nakangiti. 

 Sino bang makaka-resist sa kanya? 

 Wala sila Vermione at Savannah at na sa kani-kanilang mga tahanan para magpahinga. Mabilis kasing gumaling 'yung mga nakuha kong sugat kaya ako lang din ang nandito. 

 "Boy!" Tawag ng isa sa mga kasama ko kaya ako naman itong napalingon sa kanya. Hinubad niya ang pantaas n'ya at pinakita ang mga nag-uugat nitong braso. "Ano ang masasabi mo sa muscle ko?" Tanong niya at ginalaw-galaw ang braso upang mas maipakita ang ugat. "Maganda bang tingnan?" Tanong niya sabay kiss nito. 

 Ngumiti ako ng pilit at binigyan siya ng thumbs up. "Sexy, manon--" naputol ang sasabihin ko dahil mabilis siyang pumunta sa harapan ko. 

 

 "Hindi ba gusto mo 'yung anak ni Mr. Okabe? Bigyan kita ng tips kung paano ma-in love 'yon sa 'yo." Taas-baba niyang kilay na nagpakinang sa mga mata ko. Kung makakapagsabi siya ng effective advice on how to make Savannah fall in love with me. I'll do it! 

 Lumunok ako at diretsyo siyang tiningnan sa kanyang mata. "P-paano po?" Tanong ko na marka sa boses kong nae-eager akong malaman. Tumango siya 'tapos hinawakan ang chin niya na animo'y nag-iisip. 

 "Knowing her daughter, ang gusto no'n ay 'yong pwede s'yang protektahan. Badass, handsome! Cool and sexy! Malaki ang katawan! Ibig kong sabihin, ako ang ideal guy n'ya!" Turo niya sa kanyang sarili gamit ang hinlalaki niya. 

Hindi ako nakakibo 'agad at nakatulala lang sa kanya. Hanggang sa bigyan ko siya ng nakakadiring tingin at umatras. 

 "Ah, hindi ko na po pala kailangan ng advice mo. Itutuloy ko na po 'yong trabaho k--" Inakbayan niya ako bigla 'tapos binigyan ako ng malapad na ngiti. 

 "Ano ka ba! Kailangan mo 'to! Pumunta ka sa bahay 'tapos magbuhat buhat ka tulad ko para maging Mr. Macho ka na!" Tila para namang may kuminang sa ngipin niya nang ngumiti siya. 

 Inalis ko naman 'yong kamay niya sa pagkakaakbay sa akin 'tapos nagsisimula ng maglakad paalis. 

 "Sa susunod na lang po." Paalam ko't umalis na lang sa lugar na iyon. 

Hawak-hawak ang likod ko nang mapabuntong-hininga ako. Hindi naman ako lumayo sa pwesto ko kanina, medyo lumayo lang din nang kaunti. 

 

 Inangat ko ang tingin sa ulap. Nagiging kulay lila na ang kalangitan dahil sa muling paparating na bagyo. Eh, mabuti na nga lang at pauwi na rin kami sa oras na ito dahil kanina pa talaga kami nagsimula kaya marami na rin kaming natapos. 

 Titig na titig lang ako sa kalangitan nang sumagi sa isip ko ang mga mata ni Savannah. 

 Iba't ibang mukha na ang nakita ko sa kanya pero ni isang beses ba, nakita ko na siyang tumawa? 

 Humawak ako sa clip na ibinigay sa akin ni Savannah nung nakaraan at napapikit nang mariin when I remembered that man as he stabbed Savannah for how many times only to drink her blood. He's trying to kill her, sa harapan ko pa mismo. 

 Galit ako, pero mas nagagalit ako sa sarili ko for not doing anything. How can I be so weak when she needs me the most? How could I protect her and avoid that shit again? Nakakatakot lang kasi isipin na baka sa susunod na mangyari ulit iyon, wala na talaga akong magawa't tuluyan ng mawala si Savannah.

 Nandoon iyong pangangamba na baka matulad nanaman ang nakaraan sa hinaharap. 

 Itong ito ang nararamdaman ni Savannah sa mga kaibigan niya. Isang pagkakamali mo, malalagay ka na rin sa alanganin. 

 "Olson." Tawag ng kung sino na medyo ikinagulat ko dahil hindi ko 'agad napansin ang presensiya niya. 

 

 Lumingon ako sa kanya. "Miss Eirhart." Tawag ko rin sa kanya pabalik na na sa harapan ko na't nagbuga ng usok sa gilid bago iharap sa akin ang tingin niya. 

Inabot niya ang isang pirasong papel na kinuha ko naman upang basahin ang nilalaman. 

 "Iyan 'yong mga kakailanganin natin bukas, bilhin mo." At patulak niyang binigay sa akin ang pera. 

 "Ah, yes…" Tugon ko at tumingala para makita si Miss Eirhart, tinuro ko ang sarili ko. "Pero ako lang?" Ang dami kasi nitong pinapabili niya. 

 

 Umismid naman siya. "Sino pa ba?" Walang gana niyang sagot bago tumalikod. "Also, don't forget your assignments. Hindi ka exempted." Napaawang na lang ako, animo'y may sasabihin noong itikum ko na lang. Grabe naman! Tumulong na nga ako lahat lahat 'tapos 'di pa rin ako exempted?

 "Okay…" Sagot ko. Para naman kasing may choice ako. Nagpaalam na nga ako kay Miss Eirhart para bilhin na 'yung kakailanganin para bukas, nang sa gayun ay hindi na ako masyadong mahirapan. 

 Naglalakad ako paalis ng K.C.A. nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa bulsa. Pagod ko namang kinuha iyon at tiningnan ang message. Nambilog ang mata noong malaman kong si Savannah pala ito. 

From: Savannah 

 How're you? 

 Simpleng pangangamusta ni Savannah na minsan lang niya gawin kaya napahawak ako sa bibig ko na may malapad na ngiti sa aking bibig at tahimik na napasuntok sa ere bago siya reply-an. 

To: Savannah 

 Ya'worried? Haha! Okay lang ako. Baka, gusto mong pumunta sa condo? Mayro'n akong new experiment na ihahanda mamaya para sa hapunan. 

*insert wink emoji* 

 At send! 

 Patalon-talon akong naglalakad palabas ng K.C.A. nang mag reply na si Savannah. Tiningnan ko ulit iyon at laking tuwa na pupunta raw kamo siya sa condo ko mamaya para tikman itong lulutuin ko. 

 Napahilamos ako't sinubukang magpigil ng ngiti pero dahil malakas si Savannah sa akin, natawa na lamang ako sa kilig at napahawak sa noo. "Kainis."

Ano ba'ng ginawa mo sa aking babae ka? 

Savannah's Point of View 

 Isinara ko na ang cellphone ko't napahawak sa dibdib ko kasabay ang pagbuga ng hininga. "Bakit nga ako kinakabahan?" Tanong ko sa sarili matapos kong reply-an si Zedrick. 

 Nakahanda na talaga ako kaya lumabas na ako ng bahay para pumunta sandali sa maliit na grocery store. Bibili lang ako ng inumin naming dalawa para sa hapunan. 

 "Thank you, come again!" Sabi nung tao sa counter matapos kong bumili ng dalawang malaking bottled juice. Bumili na rin ako ng mansanas at dalawang box ng band aid. 

 Naglakad na ako para dumiretsyo sa condo ni Zedrick nang mapahinto ako bigla at mapatingin sa laman ng supot na dala ko para tingnan ang band-aid na binili ko. 

 Ano ba'ng gusto kong mangyari?

 Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bag. Si Zedrick pala ito. 

From: Zedrick 

 Pero okay ka na ba? Kumusta na ba 'yung sugat mo sa tagiliran? Ako na maglalagay nung gamot mo para sa 'yo. 

 Tumaas ang kaliwa kong kilay na may ngiti sa aking labi. Re-reply-an sana siya nang mapaawang ako dahil sa isang kaisipan na baka isipin niyang may something ako sa kanya kaya kumalma muna ako't kumuha nang maraming hangin. Tiningnan ko ang wrist watch ko't naghintay ng 2-3 minutes bago mag reply. 

 Hindi ko dapat ipinapakita sa kanya na excited akong kausap siya. 

To: Zedrick 

 Now, you're trying to make a move on me? 

 Sent! 

 

 Naglalakad na akong muli rito sa gilid ng kalsada. Kaso bigla ko kasing na-imagine na kung papayag ako sa pagpahid ng gamot ni Zedrick sa sugat ko, kailangan kong ipakita 'yung balat ko. Nahihiya ako pero just thinking about it, parang ano, 

 Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko't ipinagtakip sa bibig ko. Ang dami na rin kasing tao rito, baka iba pa ang isipin nila kapag nakita nilang nakangiti akong mag-isa. 

 Pero ba't nga ba ako ngumingiti? There's something wrong with me, seriously.

 Muli akong tumigil sa paglalakad dahil may naisip akong hindi maganda dahilan para sipain ko ang pader na malapit lamang sa akin. Napatingin ang ibang tao na hindi ko lang pinagtuunan ng pansin. 

 "Savannah." tawag bigla ng kung sino kaya lumingon ako sa kanya. Kind'a sirprised na si Curtis itong makikita ko sa lugar na ito. 

 

 Humarap ako sa kanya at binigyan lang siya ng pilit na ngiti. "Good evening." Bati ko sa kanya. Lumapit naman siya sa 'kin 'tapos nginitian din ako pabalik. 

 Tiningnan naman niya 'yong pader na sinipa ko kanina bago ibinalik sa akin ang tingin. "Savannah, hindi mo dapat sinisipa 'yung pader, hindi naman 'yan nasasaktan." Ngumunguso pa siya na tila parang inaasar pa ako. 

 Tumikhim naman ako 'tapos tumagilid. "Don't get the wrong idea, sinipa ko lang 'yung pader dahil namamanhid 'yung paa ko." Palusot ko at dikit-kilay siyang tiningnan. "Sa'n punta mo?" Tanong ko at tiningnan ang suot niya. "Nakaporma ka." Dagdag ko. Maliban sa cute kuno niyang suot, kinulutan niya 'yung dulo ng maikli niyang buhok. 

 Umikot naman siya para ipasupalpal sa akin ang cute niyang pink floral dress with white blouse. "I know, right? Pupuntahan ko kasi si Zedrick, e." Sagot niya na sandaling nagpangiwi sa akin. 

Tumawa naman siya pagkatapos at tinuro ang kung saan. "Joke lang. Sa Convention Center ako pupunta" Sagot niya at pabiro akong hinampas sa balikat. Tiningnan ko naman ang balikat ko na hinampas niya bago pasimpleng pinagpagan iyon. 

 "Please, huwag kang feeling close." Kalmado kong pakiusap sa kanya na nginusuan niya. 

 

 "Aww. Just as they said, you're rather ferocious. But whatever." Kibit-balikat niya at dumikit sa akin. "Nakita na rin naman kita rito ngayon. Gusto mong sumama sa 'kin?" Masigla nitong tanong na binigyan ko lang ng walang ganang tingin. 

 "No, may pupuntahan pa 'ko." Sagot ko naman. Hindi ko pwedeng palagpasin 'yung bagong luto ni Zedrick. 

Para sa isang lalaki, nakaka turn on talaga 'yung mga katulad niyang nagluluto. Hindi ko ipagkakailang nagugustuhan ko 'yung side niyang iyon. 

 

 Nagpameywang naman siya 'tapos inilapit ang mukha sa akin. Umatras ako ng isang hakbang. "Hmm... Sino pupuntahan mo? Jowa mo? Ah, in love ka na?" Sunod-sunod niyang tanong na sinusubukan akong usisahin. Namula ang mukha ko dahil sa tanong niya. 

 "W-Wala akong oras para ma-in love. Excuse me." Paalam ko't tumalikod na. Ngunit napahinto rin ako noong may sabihin siya. 

 "I know what you feel. Ganyan din ako nung wala akong pag-asa sa crush ko, eh. Palagi akong nagde-deny-- We're using defense mechanism to protect our pride." Wika niya kaya humarap ako sa kanya. 

 "Huh?" Naguguluhan kong tanong. Is she looking for a fight or what? 

 "Anyway, balik tayo because I don't think makakatanggi ka rito." Inipit niya ang hibla ng buhok niya sa kanyang tainga 'tapos may ipinakita sa 'kin mula sa phone niya. 

 Naningkit naman ang mata kong tiningnan iyon para basahin ang na sa screen. "Ramen Contest and win free two tickets to our Trinity hot spring...?" Basa ko ro'n at inangat ang tingin kay Curtis. "Legit 'yan? " Tanong ko na tinanguan niya. 

 "Hindi ba't chance mo rin 'to para makasama siya?" Tukoy niya sa kung sino pero si Zedrick 'agad ang pumasok sa utak ko. Muli nanamang nagsi-akyat ang dugo sa mukha ko. 

 Lumunok ako para kumalma. "I don't know what you're talking about pero hindi ako interesado sa mga ganyang bagay, hindi rin ako mahilig kumain ng ramen." I lied. Hindi ako pwedeng tumanggi sa pagkain, gusto kong subukan! 

 Humawak si Curtis sa kanyang baba (chin). "Gano'n? Edi ako na lang pala talaga? Ta's ayain ko si Zedrick sa hot spring at magsasama kami buong gabi--" Naputol ang sasabihin niya dahil hinablot ko ang phone niya 'tapos binasa 'yong mechanics nung contest. Mayamaya ay ibinalik din sa kanya at determinado siyang tiningnan. 

 "Sa convention gaganapin itong contest, 'di ba? Ipunta mo 'ko ro'n." 

 Ngiti naman itong tumatango tango. "That's the spirit." Tugon niya at nilagpasan ako. Tinuro niya ang araw na papalubog. "Doon tayo!" Masigla pa niyang anyaya na sinundan ko naman. 

 So, maayos ang suot niya ngayon dahil lang sa isang contest? 

 "Pero huwag kang papatalo, ha? Kapag ako nanalo, pwede ko talagang solohin si Zedrick." Bakit ba niya palaging dinadala sa usapan namin si Zedrick? 

But I won't let her do whatever she wants. Zedrick is one of my team, hindi ko siya hahayaan na sayangin lang niya ang oras sa mga taong katulad nitong si Curtis. 

 Umismid ako. "As if." 

Zedrick's Point of View 

 Tulala lang ako sa kawalan at nakatingin sa wall clock ko. Nagmadali akong umuwi para ipagluto si Savannah ng bago kong putahe pero anong oras na at wala pa rin siya. Nagtext na rin ako pero wala pa ring reply. Pina-prank niya kaya ako? 

 

 Napatayo ako mula sa upuan nang may maisip akong iba. O baka naman may nangyaring hindi maganda sa kanya. 

 

 Sa sobrang pagkataranta ko, binuksan ko 'yong TV na siyang kasabay sa pagbungad ng mukha ni Savannah. "And the winner for tonight's show is no other than the female student of Kudos Chevalier Academy, Savannah August Curry! Congratulations!" Anunsyo ng Emcee at may ibinigay na dalawang ticket sa kanya. Laking tuwa naman ni Savannah ito at hiyang kumakaway-kaway sa mga nanood sa kanya. 

 

 Mayamaya pa'y malakas itong napadighay kaya napahawak ito sa tiyan niya gayun din ang malakas na paghalakhak ng mga viewers. 

Hindi nga rin kamo ako makapaniwala na kasama niya si Curtis at nag thumbs up do'n sa camera. 

 Inilipat ng camera-man ang view at itinutok sa mga pinagkainan ni Savannah. Unti-unti akong napahawak sa bibig nang makitang ilang bowl ng ramen ang na sa lamesa. "Kinain niya lahat 'yan?!" Hindi makapaniwala kong tanong kasabay ang pagbukas ng pinto ko. 

 "Zedrick! May food?" Rinig kong tanong ni Savannah kaya nabitawan ko na ang remote control. Girls are too scary... 

Siguiente capítulo