webnovel

Rainbow

Chapter 69: Rainbow 

Haley's Point of View 

Ilang buwan na ang nakakalipas nang mangyari 'yung mga bagay na hindi ko inaasahan sa buhay. Kahit na pilit kong alisin sa aking utak ay patuloy pa rin silang bumabalik. Minsan nga mapapaisip na lang ako kung ano ang ginawa ko para dumating ang mga ganoong klaseng event sa buhay ko.

At first, I don't like to interact with other people dahil wala naman silang ginawang matino sa buhay ko kundi bigyan ako nang sakit ng ulo. Palagi akong napapasok sa kaguluhan. But at the end, itong iniiwasan ko pala ang siya naman palang magbibigay sa akin ng kapayapaan.

Ganoon din kay Reed, parang kailan lang noong una kaming magkita sa supermarket. Hindi ko rin siya gusto pero sinong mag-aakala na may hihigit pa pala sa kagustuhan ko sa taong iyon?

Si Mirriam, buong akala ko hindi ko siya makakasundo dahil sa kasama niya sina Tiffany. Pero heto siya ngayon at nakikipagtawanan kasama namin. Ang problema lang kasi ngayon kay Mirriam, tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko 'yung kapatid niyang si Jin.

Humawak ako sa aking mga pisngi nang maalala ko ang panghahalik niya sa 'kin. Sa totoo lang, ayokong malaman ni Reed 'yon dahil kahit wala siyang pakialam ay pakiramdam ko parang nang-cheat na rin ako. Hindi ba ako p'wedeng magka-amnesia nang hindi ko naman naiisip 'yong mga gano'ng bagay? Nakakabahala kasi. 

Bumuntong-hininga ako tapos asar na tiningnan ang nag-iingay na si Jasper sa gitna. Pinagti-trip-an nila si Kei doon kasama sina Reed at Mirriam. "Hindi ako marunong lumangoy!" sigaw ni Kei sa gitna. Nakasalbabida siya habang hinihila nila Reed at Jasper. Nakapatong naman si Mirriam sa salbabida at nginingisihan si Kei.   

Kalilinis lang talaga nina Manang ng pool kaya nagagamit namin ito ngayon. Wala rin kaming pasok dahil may event sa Enchanted University. So, we are free to do our own thing.

Humalakhak si Jasper. "Eh di kailangan ka pa lang lunurin?" sabi nito na mas nagpasigaw kay Kei.  

"Ano'ng problema mo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kei. Takot talaga, eh.

"Gano'n kaya ako natuto! Nalunod muna ako bago mapilitang lumangoy," sabi ni Jasper na parang ginagawa iyong biro. Kaso mukhang seryoso siya roon.  

Umahon na nga lang muna ako para uminom ng tubig sa kusina. Kaso mukhang mauudlot iyon dahil bigla akong tinulak ni Harvey. Ang nangyari, tubig ng pool ang nainom ko.

Umangat ako't umubo-ubo. Pagkatapos ay siya naman ang pinanlisikan ko ng tingin. Nakapamulsa at naka-poker face nang maglakad siya't pumunta sa kusina. Aba! 

"Papansin ka talaga eh 'no?!" sigaw ko at naglakad papunta sa metal pool stairs. Papunta pa nga lang ako nang hilahin naman ako ni Mirriam at Jasper. "Ano na naman?!" naiirita kong tanong pagkatapos ay napatingin ako kay Kei na nakahiga na roon sa itaas. Hingal na hingal ang bruha.  

Muli kong inilipat ang tingin sa dalawang ito na sinisimulan na akong hilahin. "Isa!" babala ko.

Tumatakbo sa pool side si Reed habang may hawak na bubble bath. "Nandito na!" signal nito saka itinapon ang buong laman ng Bubble Bath.  

"1… 2… 3!" pagbilang nina Mirriam at Jasper at saka ako binitawan noong nasa gitna na kami. "Reed! I love you raw sabi ni Haley!"

Pareho kaming nagulat ni Reed habang sinimulan ko namang habulin 'yong dalawa.

"Wala akong sinasabing ganyan!"

Sinusubukan ko silang habulin pero habang tumatagal ay kumakapal na ang bula. Huminto ako tapos lumingon lingon. Hindi ko na sila nakikita!

"Salamat sa effort!" rinig kong sabi ng gunggong na Jasper na iyon habang tumawa naman nang tumawa si Mirriam.

Pareho talaga kayong dalawa!  

Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ni Kei na nakapatong sa round table. Kinuha iyon ni Harvey at inabot sa kanya. Umupo siya pagkatapos ay nag-iba ang itsura noong makita ang caller. Kinausap niya ng kaunti si Harvey bago siya lumayo sandali. 'Di ko tuloy maiwasang mag-alala. 

"Ano'ng problema?" tanong ko kay Harvey noong makalapit ako sa kanya.

Umupo siya sa side at ibinabad ang paa sa tubig. "She's talking to her dad. You know? Family issue," cool lang na sabi nito.

Naikwento ni Kei dati sa amin na mayroon nga silang problema ng dad niya at inis talaga siya rito. Kumbaga noon daw, gusto talaga niyang makakuha ng atensyon sa ama pero kahit na kailan ay hindi siya gumawa ng kahit na anong kalokohan para mapansin dahil kahit papaano ay naiintindihan naman niya ang side ng dad niya. Kaso, anak din naman ako. Alam ko rin ang gano'ng pakiramdam.

"Last time, I accidentally heard them talking. Tito mentioned her other daughter kaya ngayon nagkakaganyan na naman si Kei. Kumpleto nga sila ng pamilya niya pero sa iba naman nakatuon ang atensyon ng ama."  

I can't judge her father dahil hindi ko pa naman ito nakakasama o nakikita pero kung ako naman ang tatanungin, kung sino dapat ang kasama niya ngayon, doon siya mag-focus. No wonder kung bakit magiging malayo ang anak niya sa kanya.  

Ibinaling ko ang tingin kay Kei. Nakatingin siya sa malayo habang walang buhay ang mga mata. Napaawang ako. Is this the first time I saw her like that?

Lumangoy palapit sa amin sila Reed at tinanong kung ano ang problema. Magsasalita pa lang ako nang tawagin kami nina manang para mag miryenda.

"Oh! Nag-bake si Manang! Yes! Love mo talaga ako 'no?" paglalambing ni Jasper at umahon ng hindi ginagamit ang hagdan. Tumakbo siya papunta roon habang wala naman akong nagawa kundi ang umahon na rin. Tinulungan ko si Mirriam na umakyat habang sumunod naman si Harvey sa amin. Palakad pa lang ako papunta kina Jasper nang mapatingin ako kay Reed.

Nag-aalala itong nakatingin sa best friend niya. Ilang taon na silang magkasama kaya malamang, mas alam niya kung ano ang nangyayari kay Kei.

Pumaharap ako ng tingin. Napaka-ironic. Kumpleto ang pamilya at nakakasama niya physically ang mga ito pero patay naman ang presensiya. Masasabi kong wala talagang perpekto sa mundo. Kahit na ano'ng gawin mo, hindi mawawala ang lackings sa buhay. Kaya diyan na pumapasok 'yung tinatawag natin na pagiging kuntento, pag-unawa, at ang pagtanggap.

Kaso sa buhay ko, talaga nga bang tanggap ko kung ano ang nangyari sa nakaraan? Kuntento na ba ako sa buhay na mayroon ako sa kasalukuyan? Mauunawaan ko ba ang mangyayari sa hinaharap?

"Hey—"

Hindi pa ako naaakbayan ni Jasper ay itinapon ko na siya pabalik sa pool. "Don't touch me!"  

Kei's Point of View 

Katatapos lang naming maligo sa pool kaya ngayon. Pumunta kami sa tambayan para doon mag-relax. Sa ngayon, nakatingin silang lahat sa akin habang pilit lang akong nakangiti.

"What?" tanong ko pero hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin. Naglabas ako ng hininga. "Uuwi pala si Dad dito."

"Bakit? Ano raw gagawin?" tanong ni Jasper.

Oh, 'di ba? 'Yan din 'yung unang tanong niya? Usually naman kasi umuuwi lang 'yung ama ko kapag may aasikasuhin dito na may connection sa trabaho. Magsasama nga kami, madalang naman kung mag-usap.  

"I don't know. Basta uuwi lang daw siya," sagot ko naman tapos umiwas ng tingin. "Wala nga pa lang susundo sa kanya, kaya pwede bang—" hindi ko pa nga natatapos ay sumagot kaagad sila.

"P'wede!" sabay-sabay na sagot nila dahilan para mapaawang ang bibig ko. Magsasalita sana ako nang itikom ko na lamang iyon. Parang ine-expect na nila 'yung sasabihin ko.

"Kailan daw ba 'yan?" tanong ni Mirriam saka nag-crossed legs.

"Bukas ng gabi," sagot ko kaya sabay-sabay silang nag-thumbs up maliban kay Haley at Harvey na ngiti lamang tumango. Tumungo ako. "Pasensiya na rin. Maaabala pa kayo."

Wala naman kasi kaming driver. Tanging sila Harvey lang ang mayroon dahil hinahatid sundo ang magulang nila. Nandiyan naman kasi si Reed, eh. Pareho kaming may kotse pero hindi ko naman nagagamit dahil sa kanya ako madalas sumasabay.

Matapos naming magkasundo ay nagkwentuhan na muna kami. Napag-usapan din namin 'yong Christmas party ng klase sa darating na Disyembre. Hindi na uso ang gano'n sa college pero dahil sa may unity kami ay nagplano na kami. Kasama rin namin ang BS Psychology dahil magkaibigan ang both advisers namin nila Harvey.

"Pagkatapos ng School Christmas Party…" dahan-dahang paghinto ni Jasper sa sasabihin saka tumalon papunta kay Harvey na nakaupo sa single sofa, "Birthday na ni Harbeh!" malakas at masigla niyang sigaw kaya tumalon na rin doon si Reed.

Nakisama na rin si Mirriam at inupuan ang likod ni Reed. "Ang bigat!" reaksiyon ni Jasper noong pumatong na roon si Mirriam. Tinadyakan siya nito kaya natahimik siya.

"Umalis kayo r'yan!" nabibigatang udyok ni Harvey habang napabuntong-hininga naman si Haley na tila nawiwirduhan na sa mga kasama.

Tumayo ako tapos nginitian si Haley. "P'wede bang sumama ka muna sa 'kin?" tiningnan naman niya ako at tinaasan ng kilay.

"Ba't nagtatanong ka pa?" Tumayo na rin siya at nilingon ang apat. "Babalik kami. Diyan lang kayo," paalam niya saka kami nagsabay lumabas.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Harvey sa pangalan ko pero tinawanan ko lang siya.

Haley's Point of View 

Nakalabas na kami ni Kei at dinala niya ako sa mini garden ng tambayan. Si Kei talaga ang madalas magdilig ng kung anu-anong mayroon dito.

"Bakit nga pala?" tanong ko habang nanatili lang siyang nakatalikod sa akin.

Mayamaya lang ay humarap siya sa akin and gave me a weak smile. "Hey, can I have favor?" tanong niya. Hindi ako sumagot at hinihintay lang ang sasabihin niya. Kaso bago pa man niya sabihin ang gusto niya ay bigla-bigla na lamang siyang umiyak sa harapan ko. Malawak na ibinuka niya ang mga braso na animo'y nanghihingi ng yakap. "Please?"

I'm not a kind of person na nagbibigay ng yakap especially if hindi necessary but whenever I saw people crying, I can't help but to comfort them to show my soft side.

Lumapit ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay nagawa ko na siyang yakapin kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kalungkutan niya ngayon. Katulad ng madalas kong gawin kay Reed, hinawakan ko ang ulo niya't hinimas-himas ito.

"Why does my father love her so much that he couldn't able to notice my existence?" tanong niya na nagpataas sandali sa dalawa kong kilay. Eh? "I'm also her daughter but you know what hurts me? Wala siyang pakialam sa akin." she paused and starts to tremble. "Before the call ended, he told me he's also going to see her other daughter. I get it, okay? I have a half sister but am I not her priority? Does he not want to see me? Or spend his time  with me? Uuwi lang ba siya dahil sa isa pa niyang anak?"

At first, I thought I actually knew her but realized na may mga bagay pa pala akong kailangang malaman tungkol sa kanya. Right now, iba itong Kei na nasa harapan ko. Ito ang isa pa niyang katauhan na ngayon pa lang niya naipapakita.

Inangat ko ang tingin ko at tumingin sa kanan ko. Nakasilip ang mga kaibigan namin, sinasabing ako na lang ang bahala. Napapaisip ako ngayon. Hindi lang ako o si Reed ang may problema sa mundong ito. May mga kanya-kanya tayong problema sa buhay. May sarili tayong pain na nararanasan at kahinaan na pilit nating labanan. But sometimes, pain isn't a bad thing. It makes us grow stronger and wiser. Including weaknesses, makikita mo kung sino 'yung mga tao na aalukin ka ng kamay para tulungan ka.

Niyakap ko nang mahigpit si Kei. "I don't quite understand your situation but let me carry some of your burden to lessen your pain." Pumikit ako at ngumiti. "But you know what? You can't think that the answers exist somewhere. The answers only exist within you."

Lumayo siya sa akin para tingnan ako. Namumula na 'yung ilong niya sa kaiiyak. Goodness, kahit umiiyak na itong bruhang ito, ang ganda pa rin niya.

"Be true to yourself. If you don't like it and you're sad about it, just tell him. He's your father. He should know what you really feel. I mean you'll never know if you won't do it," sabay tingin ko sa kung saan.  

Nakatitig lang siya sa akin nang magsimulang gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Hindi talaga ako nagkamali sa 'yo." Bumilog ang mata ko sa sinabi niya. Wala akong naintindihan doon. "Thank you. You give us colors."

Hindi ba't ako ang dapat na magpasalamat? I smiled.

In some quotes; Life is like a Rainbow. You need both the sun and rain to make its color appear.  

The world is not balance if you don't experience both happiness and pain. "Thank you."  

Siguiente capítulo