webnovel

Chapter XX

Kanina pa ako hindi makapili kung ano ang susuotin ko para sa date namin mamaya ni Alexus. I just want to impress him. Kahit naman siguro mahal ako ng tao ay kailangan ko pa rin namang mag-ayos kahit papaano. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na ang tagal sa harap ng salamin. Polbo at lipstick lang ay sapat na.

Nang tignan ko kung ilang damit na ang aking naisuot at inalis ay napangiwi ko. I think I'm failing it miserably. Hindi ko maisip na aabot pala ako sa ganitong sitwasyon. Every day, I'm falling for him deeper and deeper. Yung tipong gusto ko siyang makita at makasama nang mas matagal. Iniisip ko nga na baka isang araw ay magiging obsessed na ako sa kanya. It's like being with him is normal. Yung parang ang tagal na naming ginagawa iyon.

"Be yourself," kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking repleksiyon. Gusto ko lang naman kasing maging proud siya sa akin kapag kasama niya ako. Paano kung maghanap siya ng mas maganda at sexy? What if he'll see me as a plain and boring girlfriend? Baka biglang mag-iba ang kanyang isip kung nagkataon. In reality kasi, some boys prefer the daring woman at hindi ako ganoon.

Hindi rin ako makahanap ng tiyempo para kausapin siya tungkol sa aking pamilya. I wanted him to meet my parents and Marcus too. Alam ko namang may namumuong tensyon sa pagitan nila ni Marcus ngunit gusto ko silang magkaayos. I wanted him to meet them para maging at ease ang aking mga magulang na yung lalaking napili ko ay papasa sa kanila. Gusto ko ring makita nila na pwede nilang pagkatiwalaan si Alexus. Na kaya niya akong protektahan. I'm also waiting for him to tell me na ipakilala niya ako sa kanyang pamilya. I know he's serious with me ngunit iba pa rin kung ipinakilala ka na. I wantes us to be legal on both sides.

Biglang may kumatok sa aking pintuan. "Eevie, can I talk to you?" paalam sa akin ni kuya.

"Pasok ka na lang. Nakabukas yan!" sigaw ko habang sinusuklay ang aking buhok.

Pumasok ito at saka umupo sa aking kama. I know, something is troubling him. Ganon talaga ang magkapatid. Hindi man kami kambal ngunit nararamdaman kong may problema nga ito.

"May problema ba?" tanong ko saka tinignan siya sa may repleksiyon ng salamin.

Huminga ito ng malalim at saka tumitig sa kisame. "Are you sure with Alexus?" kaswal na tanong nito.

Tinapos ko muna ang pag-aayos sa aking buhok bago hinarap ito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mas malalim na dahilan ito kung bakit noong simula ay hindi na maganda ang trato nito kay Alexus. Ayaw ko namang magtanong at baka mali lang ang aking akala. I think he's just being protective. Noong huling pag-uusap kasi nila ni Alexus ay hindi maganda ang naging resulta.

"Can you say one reason bakit ayaw mo sa kanya? Wala naman siyang ginawang masama. He's being polite yet you kept on rejecting him straight to his face. Anong mali ba sa kanya? Tell me."

Tumingin ito sa akin at saka sumimangot. "He might hurt you in the end," seryosong sagot nito. I suddenly felt chills the way he said it. Na para bang alam niya na mangyayari at mangyayari iyon. Ano ang naging basehan nito? I know Alexus is true to his words. Couldn't he just give him the benefit of the doubt? Hindi lahat ng lalaki ay manloloko. May mga matitino pang lalaki na natitira sa mundo.

"He won't. Paano ka nakakasigurado? You don't even know him. Kasi sa umpisa pa lang ay ayaw mo na sa kanya." How could he be this judgemental? He never gave him a chance kaya paano niya makikita kung sino talaga si Alexus.

"You're too unfair."

"Let him meet our parents then I'll stop. Nanligaw na ang lalaking iyon at sinagot mo na ngunit hindi pa siya nagpapakita sa kanila? Paano ako magkakaroon ng amor sa lalaking iyon kung ni magpakilala sa magulang natin ay ayaw niya?"

"It's too early, Marcus," reklamo ko at saka napailing. "Isang buwan pa lang kami. Mamaya ay baka ma-pressure siya."

"Early? The moment he showed his face to you ay dapat nagpakita na siya sa kanila. Kung lalaki talaga siya at inirerespeto ka niya ay dapat nagpaalam muna siya sa magulang natin. Hindi yung malalaman lang nila na may boyfriend ka na pala."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. May punto naman ito ngunit iyon lang ba amg problema?

"Okay, I will talk to him about this later."

He sighed and looked at me tenderly. "Eevie, I may look like a overprotective brother ngunit hindi ko makakayang makita kang nasasaktan. Mas lalo at hindi ka pa nakakaalala."

Alam kong nag-aalala lang ito dahil sa kalagayan ko but I can manage myself. I decided to give it a try. Love is all about risks.

Siguiente capítulo