webnovel

SEBENTIN-  Selos

"Sa isang relasyon, ano nga kaya ang magagawa ng selos?"

Felix's POV

Today's Friday. At hulaan niyo kung anong meron tuwing Friday.

Kung naaalala niyo pa, every Friday, meron kaming date. And yes, today we have a Fridate. Hashtag KiligToTheBones! Haha!

As usual, kakuntsaba ko na naman ang buong tropa. Ikinuwento ko sa kanila 'yung naiisip kong idea para sa araw na'to. Naaalala niyo 'yung banat ko na sa ilalim ng mushroom? Hindi ako nagbibiro no'n. Tototohanin ko 'yon.

Sina Kid at Ken ang bahala sa design at sa plano. Sina Ben, Jin, at Kevin naman ang bahala sa pagbili ng materyales na gagamitin sa pagbuo nito. Tapos, sina Ray, Maiko, Riz at Eliza naman ang sa final decoration at final touches. Kung bakit kasama si Ray kina Maiko? Hilig niya kasi ang pagdedecorate ng kung ano ano.

Hindi po siya bakla kung 'yon ang iniisip niyo. Talagang mahilig lang siya sa Arts & Crafts kaya ganun.

Oras na ng uwian at heto kami't nagmamadaling maka-uwi para maituloy na 'yung mga dapat naming gawin. Ang totoo, nakapagsimula na naman kami, e. Itutuloy nalang namin. Alam ko kasi na kakapusin kami sa oras kung ngayon pa kami mismo gagawa. Kahit na di naman gano'ng kalakihan 'yung kabuteng gagawin namin, syempre nakakaubos pa rin ng oras 'yon. Alam niyo 'yung kabuteng nagpapalaki kay Super Mario? Ganun ang ginagawa namin.

"O pa'no, Felix? Una na kami nina Ray dun ah? Itutuloy na namin 'yung project mushroom mo!" ani Maiko sabay tawa. Tumango naman ako sa kanila at nakipar-apir na. "Sige. Kitakits nalang dun, ah!" paalam nila saka nagtatakbo na palabas.

Naiwan naman akong nag-aayos pa rin ng mga gamit ko. Kailangan ko na  ring magmadali dahil magluluto pa ako.

Yup. Tama kayo ng nabasa. Magluluto ako. Di ba nga sabi ko ipagluluto ko siya? Sakto naman at ngayon ko balak gawin 'yon. Na-eexcite na nga ako na kinakabahan, e. Isa kasi ulit 'to sa first time ko.

First time kong mag-effort ng sobra sobra sa isang babae. Well... aaminin ko, hindi ito ang first time kong manligaw pero first time kong manligaw na talagang buhos effort ako... kami ng mga kaibigan ko. 'Yung dati kasi... wala. Ayoko nang alalahanin pa.

Matapos kong maiayos ang mga gamit ko sa bag ko ay agad kong isinara ang locker ko at tumakbo na palabas ng corridor. Bawal pero tumatakbo ako. Haha! Uwian naman, e! katuwiran ko sa isip ko. Nang makalabas ako ay nasalubong ko ang ilan pang kumpol ng mga estudyante na siguro ay pauwi na rin. May mga babaeng panay pa rin ang kwentuhan at hagikgikan, may mga tumpok ng lalaki na panay din ang biruan at batukan. Natawa ako ng bahagya at napailing. Karaniwang eksena tuwing araw ng Biyernes.

Pero sa dami ng mga taong nakakasalubong at nakakabunggo ko, may isang pares ng mata ang tumawag sa atensyon ko. Na para bang kanina pa ako pinagmamasdan sa di kalayuan at minamatyagan ang bawat kilos ko.

Hindi siya naka-uniporme katulad ng ibang nakakasalubong at nakakasabay ko. Naka-pants siya at simpleng t-shirt na napapatungan ng itim na jacket na may hood na nagbibigay dilim sa mukha niya. Babae siya. May kahabaan ang kulay itim niyang buhok. May bangs din siya na bahagyang tumatakip sa kanyang mga mata. Pero hindi ito sapat para ikubli ang mga tingin niya. Tingin na parang nagsusuri at nagbabanta.

Nang mahagip ko ang tingin niya ay saglit kaming nagkatinginan. Pakiramdam ko biglang bumagal ang galaw ng mga tao sa paligid ko at parang may kung anong humahatak sa atensyon ko patungo sa kanya. Pero nang makubli ang pigura niya sa isang estudyanteng dumaan ay bigla nalang din siyang naglaho mula sa kinatatayuan niya.

"Weird..." kunot noong sabi ko pero ipinagkibit balikat ko nalang. Ipinagpatuloy ko ang paglakad patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kotse ko. Dito ko na rin aantayin si MJ dahil syempre, ihahatid ko siya sa kanila.

Ipinasok ko sa loob ng kotse ko ang mga gamit ko, matapos ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko para i-text si MJ kung nasaan ako.

To: Marry my Jane :">

            Nasa parking na ako. Antayin nalang kita dito. ;)

 

Tapos ay nag-antay ako kung mag-rereply siya pero knowing MJ, isi-seenzone lang nun ang text ko. Pero sanay na rin naman ako kaya immune na ako. Haha!

Sumandal ako sa pinto ng kotse ko at humalukipkip. Hawak ko pa rin ang cp ko at naramdaman ko itong nag-vibrate kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag-text. Napa-taas ang kilay ko at napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya dito.

From: Marry my Jane :">

            Matatagalan ako. May ginagawa pa kami ng mga groupmates ko, e. Para sa reporting namin bukas. Maaantay mo pa ako?

 

Napangiti ako lalo nang mabasa ko ang text niya at agad  na nag-type ng reply sa kanya.

To: Marry my Jane :">

            'Yung matamis mo ngang 'oo', kaya kong antayin, e. Ikaw pa kaya mismo? Antayin pa rin kita. ;)

 

To: Marry my Jane :">

            PS. Aylabyu! Sagad! <3

 

Matapos kong ma-send 'yon ay halos mabitawan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito dahil tumatawag si MJ.  Haha! Kinilig siguro! Agad ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko na may ngiti sa labi.

 "Hel—"

"PAKYU! SAGAD!" sigaw niya saka pinutol ang tawag.

Di ko napigilan ang mapatawa dahil rinig ko ang iritasyon sa boses niya. Di na nasanay sa'kin ang isang 'yon. Naiiling na sabi ko sa sarili ko.

At dahil nga maghihintay pa ako, kinuha ko sa bag ko ang earphones ko at isinaksak ito sa cellphone ko. Makapag-soundtrip muna habang inaantay siya.

Naka-shuffle ang mga kanta ko kaya kung ano ano ang tumutugtog. Nang mailipat ko ito sa isang kanta ay talaga namang napangiti ako nang maalala ko ang alaalang kakabit ng kantang 'to.

I love you by Avril Lavigne boy version.

Habang tumutugtog ito ay di ko mapigilang mapapikit at mapangiti, di ko na rin napigil at sinabayan ko na rin ito dahil pakiramdam ko, pati puso ko, nakikikanta na rin.

You're so beautiful

But that's not why I love you

I'm not sure you know

That the reason I love you

Is you being you, just you

Yeah, the reason I love you

Is all that we've been through

And that's why I love you

 

Muling nanumbalik sa'kin 'yung mga panahong panay pa ang pag-reject sa'kin ni MJ. 'Yung panay pa ang tulak niya sa'kin palayo sa kanya, 'yung pambabasted niya sa'kin nang paulit ulit, 'yung pagpapanggap nila ni Annie na mag-girlfriend sila, 'yung pagkakaaksindente ko dahil hindi ko kinaya ang lahat ng nalaman ko nung gabing sinabi niya 'yon, at ang maliliit pang detalye ng pagsisimula ng panunuyo ko sa kanya. Lahat 'yon nanumbalik sa alaala ko. At sa bandang huli, wala nalang akong ibang magawa kundi ang mapangiti.

Kasi finally, tinanggap na niya ako at pinagbuksan ng pintuan. Pintuan sa puso niya.

Kasalukuyan akong nagpapakalunod sa mga masasayang alaala, nakayuko dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti, nang may pares ng paa ang tumapat sa kung saan ako nakatayo. Nag-angat ako ng tingin at napatda nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari no'n. Napaawang ang bibig ko, sinusubukan kong humanap ng salita o kung anumang masasabi ngunit wala.

Nabablanko ako. Hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.

Ngumiti siya ng bahagya, dahilan para lumitaw ang mga biloy niya saka nagsalita. "Long time no see, Felix," panimula niya saka inayos ang mga takas na buhok sa likod ng tenga niya. Muli siyang nag-angat ng tingin at tumitig sa aking mga mata. "Kamusta na?"

Tulala ako. 'Yun lang ang masasabi ko. Hindi ako handa na muli siyang makita... lalo na dito sa school na 'to. Hindi ko akalain na magkikita pa kaming muli matapos ang mahabang panahon. Panahong pilit ko nang ibinabaon sa limot.

Bahagya siyang tumawa, siguro dahil sa reaksyon ko na tulala lang at nakaawang ang bibig. Shey! Hindi ko naman kasi ineexpect na makikita ko pa siya!

"Hindi ka pa rin pala nagbabago, Felix. Natutulala ka pa rin 'pag nakikita ako." Aniya saka humakbang  palapit sa'kin. Napaatras naman ako pero dahil nga nakasandal na ako ay lalo lang akong nadiin sa kotse ko. "Hindi pa rin ba nawawala ang feelings mo sa'kin?" tudyo niya saka ngumiti ng mapangakit. "Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa atin?" dagdag niya na binibigyang diin ang salitang 'atin'.

Bahagya ko siyang itinulak gamit ang dalawa kong kamay dahil panay ang paglapit niya sa'kin at pilit na idinidikit sa'kin ang dibdib niya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at mapang-akit na ngumiti sa akin. Bagay na ikinaasiwa ko.

'Nagbago na siya... sobra. Hindi na siya katulad ng Monique na dati kong nakilala.'

"C'mon, Felix. Don't act as if you don't want me anymore. Ypu used to be head over heels to me, right? Now I'm here for you! Don't you even miss me?" maarteng sabi niya saka pinadausdos ang hintuturo niya sa kanang pisngi ko pababa sa aking leeg.

Pinigilan ko ang kamay niya sa pagbaba pa at muli siyang itinulak palayo. "What the hell, Monique! Umayos ka nga!" sigaw ko at humakbang patagilid, palayo sa kanya.

Umirap siya at ipinakot sa kanyang daliri ang kanyang buhok. "So nag-iinarte ka na, gano'n? Pa-virgin ka pa ngayon?" ismid niya at pumalatak. Natigilan ako at nanlamig sa sinabi niya, "Huh! If I know, hanggang ngayon ako pa rin naman ang gusto mo. You're just using her. Am I right?"

"No... no, Monique. I'm not using her. I do love her!" sigaw ko sa kanya. Yes. She might be the same Monique I used to love before pero sa nakikita ko, ibang iba na siya. She used to be so innocent, so kind, just plain sweet and... simple.

Kabaliktaran sa kung sino siya ngayon.

Nagme-make up na siya; lipstick na sobrang pula, damit na halos lahat na ipakita, miski kulay ng buhok niya iba na. And her attitude? All I can say is, everything has changed. And even my feelings for her changed.

Tumawa siya na para bang isang malaking biro ang sinabi kong 'yon sa kanya. Naiinsulto ako sa paraan ng pagtawa niya pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil unang una, babae siya at pangalawa, sa ngalan ng pinagsamahan namin...dati.

"So the rumors are true? You're really in to this tomboyish girl named MJ?" ngumisi siya at muling lumakad palapit sa'kin. "Matatanggap ka pa rin kaya niya 'pag nalaman niya ang pinakatatago mong sikreto?" inilapit niya ang mukha niya sa'kin at tumapat sa aking kanang tainga, saka marahang bumulong na siyang nagpatindig sa balahibo ko.

"That you and I used to be together... in bed." Mapagbanta niyang bulong na nagpatigil sa paghinga ko. Hindi ako nakagalaw at natulala nalang ako. Memories then came flashing in my mind as if it all happened yesterday.

Ngumisi siya nang bahagyang mabaling sa gawing kaliwa niya ang kanyang tingin, matapos ay muling nagbalik ng tingin sa'kin at binigyan ako ng isang magaang na halik sa gilid ng aking labi.

"See you again, Felix. Just call me when you need me." And the she left me there. Just dumbfounded and scared.

"MJ..." I said in a low voice.

Paano nga kung malaman niya? Paano nga kung malaman niya ang nakaraan ko? Ang nakaraan namin ni Monique na pilit ko nang ibinabaon sa limot? Matatanggap pa kaya niya ako?

I was lost in my thoughts when my phone vibrated. It was a message from MJ. I hurriedly opened it and read it.

From: Marry my Jane :">

            Mukhang di na ako makakasabay sa'yo. Umuwi ka na. Wag mo na akong antayin.

Sinubukan kong tawagan siya pero naka-off ang phone niya. Napapabuntong hiningang pumasok ako sa sasakyan ko ay pinaandar 'yon palabas ng parking lot. Habang nagmamaneho ay isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.

'Sana naman maalala niya 'yung date namin mamaya.'

 

 

MJ's POV

 

"Huy, MJ! Sino ba 'yang kaaway mo sa phone, ha?" puna sa'kin ni Britney, kagrupo ko sa reporting.

"Malamang si Felix na naman! Alam niyo na naman 'yung dalawang 'yan!" sulsol naman ni Trisha, kaklase slash kagrupo din namin, dahilan para magtawanan sila. Ako na naman ang topic ng usapan! Ugh!

Isa isa ko silang inirapan at sinamaan ng tingin. "Ako na naman ang nakita niyo! Tapusin na nga natin 'to!" asar na sabi ko saka itunuloy ang ginagawang pagdedesign ng charts.

Pero hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo ko lalo na't na-rereplay sa utak ko 'yung text niya.

'Yung matamis mo ngang 'oo', kaya kong antayin, e. Ikaw pa kaya mismo? Antayin pa rin kita.

PS. Aylabyu! Sagad! <3

 

"Arg! Sheep ka talaga, Vinzon! Sakit mo sa anit!" irita kong sabi pero pabulong lang. Humanda talaga sa'kin 'yon mamaya, nakuuu!

Ilang oras pa ay natapos na rin kami kaya naman agad na kaming nagligpit ng mga gamit. Inayos—o mas tamang sabihing ginulo ko pa lalo ang magulo ko nang bag. E bakit pa aayusin kung magugulo din naman, di ba?

"Uy! Una na kami ah? Ingat kayo sa pag-uwi!" paalam nila Sam at Saira. At syempre, mawawala ba sa mga babae ang pagbebeso beso sa tuwing magpapaalam o aalis na sila? Ugh! Di ako sanay!

"'Kuu! 'Tong si MJ, o! Kunwari ka pang naasiwa sa beso-beso, e baka naman 'pag kayo nalang dalawa ni Felix ang magkasama..." nanunuksong sabi ni Bing sabay bunggo sa balikat ko. Sinimangutan ko naman siya pati na rin sina Sam, Britney, Celine, Saira at Trisha.

"Chura n'yo! Di ako gano'n 'no! Para namang makakalapit sa'kin si Felix!" tapos biglang nag-flashback sa utak ko 'yung gabing magkasama kami. 'Yung.... 'yung.. sumandal ako sa kanya? Arg! Ayoko na! Kinikilabutan ako!

'Kinikilabutan o kinikilig?Aminin~'

Hindi ako kinikilig! Kinikilabutan ako! Sagot ko sa boses sa isip ko.

'Asuuus! Ginusto mo 'yon, e. Di ba nga nakakakilig? yieee~'

"HINDI NGA AKO KINIKILIG, E!"

Natahimik sila at napatulala sa'kin. Natigilan din ako at tsaka ko narealize na naisigaw ko pala. Sheep!!! Ano ba naman, MJ!

"Yieee! Si MJ nadudulas!"

"Kunwari ka pa, e! Hahaha!"

"Defensive masyado? Ayan tuloy."

"Wala naman kaming sinasabing kinikilig ka ah!" tawanan sila nang tawanan. Ako naman, hiyang hiyang!

"Ano ba kayo! Ang isda, nahuhuli sa bibig! Ayan nga, di ba?" dagdag pa ni Trisha saka na naman sila nagtawanan. Tawanan na, may apiran at batukan pa!

Wala na. Suko na ako sa kakulitan nila. Napailing nalang ako at nagpatiuna nang umalis. Bahala na nga silang magtawanan! "D'yan na nga kayo!"

"Uyyy! Guilty!" sabay sabay na tukso nila sabay tawa. Ugh! Mga babae talaga!

'Kung maka-babae ka naman, parang di ka kauri nila.'

Isa ka pa, e! Sabat ka ng sabat e ako din ikaw! Bara ko sa sarili ko. "Puta-ngerine naman, oo! Pati sarili ko inaaway ko na!" nagmadali nalang ako sa paglakad para maka-uwi na. Takteng 'yan talaga!

Mabilis ang lakad ko at panay ang lingon ko sa paghahanap sa kung saan nag-park ang lokong si Felix. Di naman kasi sinabi kung saan banda! Kaya naman heto ako at hanap nang hanap sa kinaroroonan niya. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang kotse niya, pati na rin siya na nakasandal dito. Sa bandang unahan niya ay tingin ko may kausap siya na... babae?

Lumapit pa ako ng konti dahil hindi ko gaanong makita ang posisyon nila at kung nag-uusap nga ba sila. Nakapatagilid ako ng pwesto sa kanila kaya naman hindi ko gaanong makita ang itsura nung babae. Nakakubli din kasi ang balikat ni Felix kaya lalong hindi ko makita. Nagtago ako sa pader na kinasasandalan ko at pinanood silang dalawa.

Mukhang nag-uusap sila pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit panay ang paggapang ng kamay nung babae sa katawan at mukha ni Felix?

'Baka may sa-security guard si ate. Nangangapkap, e!' pagdadahilan ng utak ko. Pero hindi, e.

Napansin kong napabaling sa'kin ang tingin niya at biglang gumuhit ang isang mapang-asar na ngiti na ikinataas ng kilay ko. Aba! Inaano ko 'to at naghahamon?!

Pero ang ikinabigla ko ay ang paglapit niya ng mukha niya sa mukha ni Felix, dahilan para mapapigil ako ng aking hininga. Nanlamig ata ako at para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig dahil napatulala nalang ako sa nakita ko.

Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Felix pero wala. Wala siyang kakontra kontra at mukhang natulala pa sa sarap! Tanginang 'yan! So gaguhan pala 'pag di ako nakaharap? Gano'n?!

Muling dumako ang tingin nung babae sa'kin at this time, talagang ngumisi na siya. Pakyu ka, bitch! 'wag mo akong idaan sa ngisi ngisi na 'yan! Kamukha mo si Joker sa lahat ng aspeto ng itsura! Sigaw ko sa isip ko pero hindi ko maisigaw sa kanya... sa kanila.

Dahil pakiramdam ko, unti unti akong kinakapos ng hininga. Naninikip at parang pinipiga ang bagay na nasa kaliwang dibdib ko. Para akong tinatanggalan ng karapatang huminga at ng lakas. Kaya unti unti ay napadausdos ako hanggang sa mapaupo ako sa sahig.

"Hayup ka, Felix! Hayup ka, hayup ka, hayup! Wala ka palang ipinagkaiba sa kanya! Pare pareho kayong mga sinungaling!" impit kong sigaw kasunod ang pagtulo ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Ngayon ko nalang ulit nalaman na may kakayahan pa pala akong umiyak. Matapos ang ilang taong pagpo-protekta sa sarili ko mula sa sakit, heto ako at nasasaktan ulit.

'Bakit ka umiiyak? Ano mo ba siya? Kayo na ba at nagdadrama ka?'

 

'Yon ang tanong na nakapagpagising sa'kin.

Oo nga naman. Ano ba kami? Ano ko ba siya? Nanliligaw lang naman di ba? Hindi naman niya itinatali ang sarili niya sa'kin dahil hindi naman kasal ang iniaalok niya.

"Tama. Tama nga naman. Bakit ako iiyak e hindi ko naman siya kaano ano?" pagkukumbinsi ko sa sarili ko. "Bakit ako iiyak at masasaktan e hindi ko naman pag-aari o kung ano?" natawa ako sa kabila ng pag-iyak ko. "Tanginang hayup na 'yon!" tawa ko. "Putaing ina mo pero umasa ako sayo! Gago!"

Panay na ang pagtulo ng luha ko habang pinipilit kong kalmahin ang sarili ko habang nagta-type ng message sa kanya. Marahas ko itong pinapahiran dahil nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga pesteng luha na 'to. "Tanga! Ang tanga tanga niyo! Ba't kayo pumapatak e hindi ko naman kaano ano 'yon! Bobo!" sigaw ko sa mga luha ko dahil wala silang tigil sa pagpatak. Pero sa totoo, para 'yon sa sarili ko.

To: Fh3Lh1xZ

            Mukhang di na ako makakasabay sa'yo. Umuwi ka na. Wag mo na akong antayin.

Matapos kong ma-send 'yon ay inayos ko ang sarili ko at mabilis na umalis. Hindi na lumingon sa kanya dahil lalo lang kumukulo ang dugo ko at... at kumikirot ang dibdib ko.

-----

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ni hindi ako nakapagmano kina Mama at Papa dahil makikita pa nila ang itsura ko. At ayokong makita nila ao sa ganitong estado.

Habang ibinababa ko ang mga gamit ko sa study table ko ay narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumukas ito at pumasok si Mama na may nag-aalalang ekspresyon.

"Anak..." pagtawag niya pero nanatili akong nakatalikod sa kanya at nag-aayos kunyari ng gamit ko. "May problema ka ba, MJ? Bakit hindi ka ata hinatid ni Felix?"Muling naninikip ang dibdib ko ang nabuhay ang inis ko nang marinig ko ang pangalan niya. Naikuyom ko ang kamao ko pero pilit na pinipigil ang sarili kong magwala.

"Busy. May nilakad ata," malamig kong sagot sa kanya na batid kong naramdaman niya.

"Nag-away ba kayo? Anak, may problema ba—"

"Wala po, Ma! Gusto ko lang magpahinga! Pwede po ba?!" Nabigla si Mama sa naging sagot ko, maging ako. Kita ko ang pagkagulat at sakit sa kanyang mga mata. Hindi ko sinasadya 'yon! Hind ko sinasadya...

"S-Sorry po. Pagod lang ako." Napayuko ako at nag-iwas ng tingin. Pati si Mama nadadamay ko sa init ng ulo ko.

"Mukha nga. Sige. Magpahinga ka na," mahinang sabi niya saka tumalikod at lumabas ng kwarto ko. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas, tinawag ko siyang muli at tumingin ng diretso sa kanyang mata.

"I'm sorry po talaga, Ma. Di ko po sinasadya."

Pilit siyang ngumiti at tumango. "Naiintindihan ko. Basta nandito lang si Mama 'pag kailangan mo ng kausap, ah?" aniya at tumango ako. Matapos no'n ay isinara na niya ang pinto.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Muling nanumbalik sa'kin 'yung eksenang nadatnan ko kanina. Muli ring nanikip ang dibdib ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Marahas kong ikinuyom ang kamay ko lugar kung nasaan ang bagay na kumikirot sa dibdib ko.

'Bakit ka kumikirot?! Pag-aari mo ba siya?! Hindi, di ba? Pinaniwala ka lang niya!' pagkukumbinsi ng utak ko pero iba ang nararamdaman ng puso ko.

Bakit pakiramdam ko pinagtaksilan ako? Bakit pakiramdam ko nawalan ako? Nawalan nga ba o inangkin ko lang ang bagay na hindi naman sa'kin talaga?

----

Pasado alas dies ng gabi ay panay ang tunog ng cellphone ko. Puro text mula kina Maiko, Kid, Ken, Ben at ng buong barkada. Lahat puro 'nasaan ka?' 'bakit di ka pa pumupunta?' o di kaya, 'Pupunta ka ba?'

 

Pero sa lahat ng mensaheng 'yon, isa ang tumatak sa'kin. 'Yon ay galing sa kanya.

'Mag-aantay ako, MJ. Aantayin kita hanggat hindi pa sumisikat ang araw. Alam kong pupunta ka.'

 

Napa-ismid ako at ibinagsak ang cellphone ko sa kama. "Mamuti sana ang mata mo sa kakaantay, gago ka!" sabi ko at itinalukbong sa mukha ko ang unan.

Di ko napansin na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang mag-ring ang cellphone ko at nakitang si Felix 'yon. Buti nalang at naka-divert call siya pag hindi ko nasagot sa loob ng limang segundo kaya agad ding naputol ang tawag.

Pasado alas dose na ayon sa relo ko at no'n ko lang rin napansing umuulan pala. Malakas at may kasama pang kulog at kidlat. Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang tadtad ito ng text mula sa kanya. Binasa ko ang ilan at agad ding binura.

From: GAGONG SENDER! ./.

Aantayin kita, MJ.

10: 37 pm

 

Alam kong darating ka.

11: 28 pm

 

MJ, please...

11: 35 pm

 

Please...

11: 59 pm

 

Bakit hindi ka pumunta? May problema ba? May sakit ka ba?

12:01 am

 

Bakit, MJ? May problema ba tayo?

12:02 am

 

Good night/morning. ;(

12:04 am

 

 

'Yon ang huling text niya. Napaisip ako sandali. Nakakaramdam ako ng guilt dahil pinagmukha ko siyang tanga pero may parte sakin na nagsasabing tama lang 'yon sa kanya.

Muli kong tiningnan ang huli niyang text at napabuntong hininga nalang.

"Sana lang hindi siya tanga para magpakabasa at magbabad sa ulan. Konsensya ko pa kung magkasakit siya! Hmp!" sabi at muling nagtalukbong ng kumot at ipinikit ang aking mga mata.

Siguiente capítulo