webnovel

Family

Lala's Pov

Pagkadating ko sa ospital pumunta agad ako sa information para malaman ko ang kwarto ni kambal. Nang nalaman ko sa VIP room sya dali  dali akong umakyat. Pagdating ko sa kwarto dali dali akong pumunta sa kakambal ko.

"Kambal! Huhuhu!" umiiyak kong sabi.

"Tumigil ka na nga pumapangit ka oh." sabi nya.

"Tse! Kambal naman eh bakit naman kasi sinalo mo yung bala.?Kainis ka pinag alala mo ako!" sabi ko.

"Wag ka na mag alala. Ayos lang ako. Kalma ka na okay." sabi nya sakin.

Nanginginig kasi ako pag may nangyayari sa kakambal ko at ganun din sya. Pagtapos kong magemote ng bongga lumabas muna ako para malaman ang kundisyon ng kakambal ko. Nasabi naman sakin na mabuti na lang at walang serious damage sa braso nya. Buti na lang hindi tinamaan ang buto nya.

Nagpunta ako ng opisina ko dito sa Golden Hospital para mapirmahan ang dapat pirmahan. Habang nakaupo ako at nagtatrabaho nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko naman ito pinansin kasi baka dahil lang sa pagod ko sa pagbibigay ng vaccine sa Errol Foundation. Tumayo ako para mag CR sana kaso bago pa ako makahakbang ay nagdilim ang paningin ko. Mabuti na lang nakakapit ako sa desk ko. Umupo na lang ako hanggang sa maging okay ang pakiramdam ko.

Sa totoo lang may pumapasok sa isip ko. Kaya lang di ko naman pwedeng hindi gawin lalo kung gantong may nararamdaman ako. Kinuha ko ang nakatago kong mga pregnancy test na kinuha ko sa pharmacy dito sa ospital.  Matagal ko nang kinuha ang mga yun dahil gusto kong makasigurado na hindi nagbunga ang pakikipag one night stand ko. Kumuha ako ng tatlo at pumasok aa banyo.

Makalipas ng ilang minuto isa isa kong tinignan ang mga ito. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Dalawang linya, ibig sabihin ay positive. Buntis ako.

Bumalik ako sa kwarto ng kakambal ko. Napagdesisyunan ko na sabihin na sa kanila ang totoo. Bahala na si batman. Pagpasok ko ng kwarto ni kambal ay nakita konb naghahalikan sina kambal at Blessy.

"Ay! Porn! Ano ba wag kayong gumawa ng kalaswaan dito sa ospital ko. Bawal ang mahalay dito!" sigaw ko.

"Tumigil ka nga! Ang ingay mo." sabi ni kambal. Nagtakip naman ng mukha si Blessy gamit ang kamay nya.

"Hahaha! Namumula si Blessy. Wag ka nang mahiya natural lang yang kiss sa magboyfriend." sabi ni ko.

"Speaking of boyfriend. Kelan ka ba aamin sakin tungkol dyan. Alam ko Lala ang nangyayari sayo. Lahat ng pinaggagagawa mo. Hinihintay lang kitang magsabi sakin." sabi ni kuya.

"Sorry. Hindi ko naman gustong maglihim sayo. Kaya lang kasi malungkot ka kasi ng dahil sa pagkawala ni Blessy. Hindi na mauulit pangako." malungkot na sabi ko.

Nagsimula akong magkwento sa kanila ng mga nangyari sa buhay ko lalo na ang paglilihim ko sa boyfriend ko. Alam kong nagagalit na si kuya Leo pero kalmado pa din ito. Tahimik ito at alam kong pinagpaplanuhan nya na parusahan si Edward.

"Anong plano mo. Ililihim mo ba yan kay Mommy at Daddy?" tanong nya.

"Sasabihin ko din pag uwi natin. Gusto ko nandun kayo lahat." sabi ko.

"Maige naman. Hindi maganda ang ginawa mo. Tanggapin mo kung magagalit sayo ang mga magulang natin. Sana sinabi mo samin." sabi nya.

"Alam ko kuya at handa ako pagnagalit sila Daddy. Hindi ko na uulitin pang maglihim sa inyo." sabi ko.

"Nagbunga ba?" tanong nya. Bigla na lang akong napaiyak.

Tahimik lang na nakikinig si Blessy sa amin. Hindi na rin nagsalita si kambal. Hinayaan nila akong umiyak ng umiyak.

Nakatulog ako dahil sa pag iyak ko. Nagising ako sa tapik ni Blessy.

"Lala aalis na tayo. Pinayagan nang umuwi si Leo ng doktor nya." sabi no Blessy. Nakahanda na pala sila na umuwi ng bahay.

Tahimik lang kami sa byahe. Ako ang nagdadrive at silang dalawa sa likod. Pagdating sa bahay nandun lahat ng pamilya ko. Pati na si Angel at kapatid daw ni Blessy. Napagdesisyunan ko na ngayon gawin ang pagtatapat.

"Mommy, Daddy may sasabihin po ako. Sana po ay mapatawad nyo po ako." sabi ko. Umiyak na naman ako ng umiyak. Ang hirap ng ganitong buntis masyadong emosyonal. Agad naman akong niyakap ni Mommy.

"Anak huminahon ka nga at sabihin mo sa amin kung ano ang problema?" sabi Mommy.

"Mom, buntis po ako." sabi ko.

"Ano!" sabay sabay nilang sabi.

"Paano? At bakit ka naman mabubuntis eh wala ka namang boyfriend." sabi ni Mommy.

Kinuwento ko ang lahat sa kanila. Ang pagboboyfriend ko, ang mga katangahan ko at ang pakikipag one night stand ko sa isang istranghero.

"Im so disappointed in you!" galit na sabi ni Daddy. Tapos pumanik na sya ng bahay.

"Im so sorry Mommy hindi ko talaga sinasadya." sabi ko.

"Shhhh. Tahan na makakasama yan sa bata. Hayaan mo muna ang daddy mo. Huhupa din ang galit nito." sabi ni Mommy.

"Mommy sorry po kasi naglihim po ako sa inyo. Alam ko ponv malakinv kahihiyan po ako sa inyo kaya naman po naisipan ko pong umalis muna." sabi ko.

"Saan ka pupunta? Hindi ako papayag. Sino na alang ang mag aalaga sa inyo ng magiging apo ko. Hindi Lala, ayoko sa iniisip mo." sabi ni Mommy.

"Ate Lala blessings yan. Ikaw na ang maysabi na hindi mo sadya. Wag mong iisipin ang sinasabi ng iba. Mahal ka namin at tatanggapin namin lahat ng pagkakamali mo." sabi ni Lily.

"Oo nga ate kung kailangan mo ng taong magbabantay sayo andito lang ako. Sasamahan kita sa lahat ng pupuntahan mo." sabi ni Lucas.

"Kambal andito kami lagi sayo." sabi ni kuya Leo.

"Lakad na puntahan mo ang Daddy mo. Oo galit yun pero hindi ka nun matitiis dahil anak ka nya. Lambing lang katapat nun hahaha." sabi ni Mommy.

Iyan ang nagustuhan ko sa parents ko.  Very understanding sila. Natural lang naman na magalit sila at tanggap ko yun. Sino ba naman magulang ang may gusto na ang anak nya ay naanakan lang. Kaso hindi ko masabi sa kanila na nagkita na kami ng ama ng dinadala ko.

Pumanik ako sa kwarto nila Daddy. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Daddy pwede ka bang makausap?" sabi ko.

"Umupo ka dito sa tabi ko." sabi nya at ginawa ko naman na umupo sa gilid ng kama kung saan din nakaupo si daddy.

"Daddy Im so sorry po. Sa sobra kalasingan ko po hindi ko na alam ang ginawa ko. Isang beses lang po iyon. Please daddy wag ka nang magalit sakin. Huhuhu!" sabi ko. Tahimik lang si Daddy.

"Kung gusto mo dad aalis na lang muna ako para hindi ako maging pabigat sa inyo. Pero daddy gusto kong buhayin ang baby ko kasi wala itong kasalanan." sabi ko. Bumuntong hininga muna si daddy bago nagsalita.

"Naiinis ako oo pero hindi ko magawang magalit sa inyo ng matagal. Mahal ko kayong mga anak ko. Natural lang na magtampo ako kasi naglihim ka samin. Pero anak hindi ako papayag na umalis ka na ganyan ang kalagayan mo. Alam ko ang hirap ng isang babae na nagbubuntis. Kaya nga hindi ko maiwan iwan si Mommy nyo nun eh." paliwanag ni Daddy.

"Sorry talaga dad patawarin nyo ako." sabi ko.

"Wag kang mag alala nagtatampo lang ako. Palalakihin natin yang anak mo ng mabuti. Hindi mo ba nakilala ang ama nya?" sabi ni Daddy.

Paano ko naman sasabihin na kay daddy na nakilala ko si Zeus ang ama ng batang dinadala ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila. Pinakamasakit kapag ipinakasal ako.

Pero im so much blessed kasi napakabait ng parents ko at may mapagmahal akong mga kapatid.

Siguiente capítulo