webnovel

CHAPTER 16

PARKER POV.

NAKATINGIN lang sa kawalan si Summer nang ibaling ko ang aking paningin sa kanya. Nakaramdam ako ng Awa sa kanya ngayon alam ko rin na nasaktan siya sa mga nakikita niya.

Pinigilan ko rin ang sarili ko kanina dahil gustong gusto kona ring sapakin si River dahil sa ginawa niya.

Panay ang pagbuntong hininga niya at paminsan minsan namang humikbi. Itinigil ko kase ang sasakyan para bigyan siya ng pagkakataong makapag isip at marelax ng konte ang utak niya.

Alam kong wala nang epekto ang alak nilagok niya kanina dahil panay na ang pag iyak niya.

Nasasaktan ako hindi ko rin alam kong bakit , may kirot na hindi ko maipaliwanag kong san o pano ito nagsimula at nanggaling.

"Okay kana ba?" Tanong ko dito.

Umiling lang siya saka muling isinubsob ang mukha sa dalawang palad niya.

"Kailangan na nating umuwi maghahating gabi na "

Hindi ito sumagot. Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan saka malayang nagmaneho pauwi sa mansyon.

Pagdating namin nasa labas parin ng gate ang mga bagong Bodyguard na kasama kong nagbabantay sa pamilya ni Summer.

Nilingon ko ang dalaga saka tinawag para bumaba na.

"Summer andito na tayo bumaba kana "

Ngunit hindi ito sumagot. Bumaba ako sa driver seat saka nagtungo sa likuran para tignan ang dalaga nakatulog na pala ito.

Maingat kong binuksan ang pinto at marahang binuhat si Summer papasok.

"Oh, what happen to her Parker?" Alalang tanong ni Don.

"Nakatulog sa kalasingan Don, iakyat ko muna siya sa taas "

"Sege salamat, "

Dinala kona siya sa kwarto niya at marahang inihiga sa kama. Nang papaalis na ako biglang hinawakan niya ang kamay ko hinila saka ipinatong niya ang kabilang pisngi niya at natulog.

Napabuntong hininga ako , lumapit pa ako dito saka naupo sa paanan ng kama niya. Maingat kong iniangat ang kabilang side ng mukha niyang nakahiga sa kamay ko. Nang mabigyang laya kona ang kamay ko ay saka ako tumayo at kinumutan siya. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kanya nang makita ko ang paglandas ng luha niya mula sa mga mata.

Umuklo ako saka hinalikan ang noo niya pagkatapos ay tinuyo ko ang luha sa pisngi niya.

"Nagagalit ako sa sarili ko Summer, dahil pagdating sa ganitong bagay hindi kita kayang protektahan , " pagkasabi kong iyon ay lumabas na ako.

Ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko na ngayon ko lang ulit nararamdaman for almost 5 years.

Hindi pupwede ito, Hindi maari ang nararamdaman ko. Isang malaking kasalanan ang nararamdaman ko.

Tahimik akong pumasok sa kwarto ko at saka humiga nakatingin sa kisame. I should keep my distance from now on Summer.

K I N A B U K A S A N

ALIMPUNGATAN akong bumangon kasunod ang pagkapa ng damit ko saka nagmadaling tinungo ang pinto at binuksan.

Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita si Summer na nakabihis na.

Nanlaki ang mga nitong nakatingin sa akin.

"Pweding magbihis ka muna?, naasiwaan ako sa ayos mo eh"

Nabalik ako sa tamang huwisyo nang makapa ko ang sarili ko. Damn ! Naka boxer short lang ako at isinabit ko lang sa balikat ko ang damit.

Nagmamadali akong bumalik sa kama saka nagbihis.

"Okay kana?" Tanong ko dito.

"O naman "nakangiti nitong saad.

That's smile, natitigilan ako palage pag makikita ang matamis niyang ngiti.

"Bilis naman yata,"komento ko.

"Pano ba dapat? "Nakataas kilay nitong tanong sakin.

Umiwas ako ng tingin saka nauna nang lumabas sa mansyon.

"Ihatid mo lang ako sa studio pagkatapos sa hapon muna ako sunduin may fassion show kami "

Kinuha ko ang mouth wash ko at nagmumug. Damn di manlang ako nakapaghilamos.

"Gwapo ka parin kahit walang hilamos no? Di rin oily yang mukha mo "

Nakapa ko ang sarili kong dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito pakiramdam ko kinakapos ako sa paghinga.

"Hey ayos ka lang?"

Tumango lang ako bilang tugon saka nagmaneho na. Wala akong imik ayaw kong may mapuna o masabi si Summer.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin agad ako sa screen at nakita ko ang pangalan ng anak ko.

Agad ko itong dinampot at sinagot.

"Hey honey"

"Parker, andito kami sa hospital si Momy dinudugo siya "umiiyak nitong balita sa akin.

"Okay im on my way there ihahatid ko lang ang amo ko "

Binaba kona ang phone at mabilis na nagmaneho ng makarating kami sa studio ay agad din akong umalis para puntahan si Salvie sa hospital.

Kabado akong makarating sa hospital agad naman akong si sinalubong ni Lixx at niyakap at walang tigil na umiyak.

"Hey honey what's wrong?"

"Im scared Parker, i saw momy falling on the stairs and then.... and then i saw many bloods on her thighs "nanginginig nitong paliwanag.

Nakalimutan ko na may truma pala si Lixx sa dugo dahil minsan nadin siyang nadisgrasya noon ng masagi siya ng sasakyan at nasugatan ang noo niya at dumugo.

Hinagod ko ang likod nya at hinalikan ang buhok.

"It's okay honey, everything well be fine okay?,"

"But still Parker, im scared "

"You need to be strong honey, im counting on you for taking good care of your mother , be brave okay?"

Pinaupo ko muna si Lixx at saka pumasok ako sa emergency room. Nadatnan ko si Nana na kausap ang doctor.

"How is she Doc?" Tanong ko.

"Mahina ang kapit ng bata sa loob Mister, all she need is to Rest and never stress herself, nakakasama sa kanya ang subrang paggamit nang lakas at emosyon, may irerecita akong gamot bilhin niyo ito at ipainum , well excuse me may ibang pasyente pa ako "

Agad na umalis ang Doctor lumapit naman ako kay Salvie namumutla pa ito. Nagulat ito ng makita ako.

"P - parker?"

Sininyasan ko siyang magpahinga.

"Take some rest you needed that, sa baba kana matulog pag uwi wag kana umakyat sa taas and leave to Nana everything lalo na ang gawaing bahay magpahinga ka dahil mahina ang kapit ng baby mo"

Nakita ko ang bakas ng lungkot at pag aalala sa mukha ni Salvie. Hindi ko siya pweding pabayaan lang dahil naging parte din siya ng buhay namin ni Lixx.

" Parker maraming salamat , pasensya kana at naabala ka pa "

"Still im your husband i have all my rights to provide everything, saka kana magpasalamat kong mailabas mo na ang anak mo, "

Nagtagal pa ako dito dahil kinausap ko pa si Lixx. Need ko talagang i comfort ang anak ko.

SUMMER POV

NAKAILANG SHOOT na rin ako bago ako pumasok sa dressing room. Kailangan kona naman magpalit ng panibagong damit para sa fassion show.

Napatingin ako sa wristwatch ko. 30 minutes nalang magsimula na ang show.

Konteng retouch nalang ang ginawa ko saka tuluyan na akong lumabas sa dressing room area at naglakad na sa hallway.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko agad si River.

Ano na naman kaya ang ginawa ng taong to dito?

Ayaw ko siyang kausapin dahil masyado pang Fresh sakin ang mga nangyayari.

Malaki ang hakbang ko makakasalubong ko siya kaya mas lalo ko pang minadali ang paglakad.

"Babe, Talk to me please "

Tumigil ako sa harapan niya hindi ko yun intensyon gawin pero traydor tong mga paa ko.

Matalim ang mga tingin kong tumitig sa kanya na sinalubong naman niya pero di nya rin nakaya kaya umiwas siya ng tingin.

"Ano pang gusto mong pag usapan natin River?, "inis kong tanong sa kanya.

Kailangan ko nang tapusin to para isang bagsakan nalang ayuko ng kukulitin niya pa ako ng kukulitin.

"Why you act like this?"

"Sa tingin mo ganito ang pakikitungo ko sayo kong wala tayong problema kong wala akong problema sayo River?, Am i look like an idiot to you?"singhal ko sa kanya.

"No, of course not, i don't think that Babe, Im sorry alam kong nagseselos ka samin ni Thana , where just friends "

Umakayat lahat ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya.

"Hindi ako nagseselos nang dahil lang dun River!, You hurting me coz i saw Her kissing you and wala kang ginawa you just fuck standing there and accept her kiss !, "sigaw ko sakanya galit na ako at nangiligid na ang luha ko sa mga mata. Pero pigil pa rin ako sa kumakawala kong emosyon ayaw kong maging mahina sa harap niya lalo na ngayon mag isa lang ako Walang Parker na darating.

Nakita kong natigilan siya bakas sa mukha niya ang gulat at pagkapahiya.

"Akala mo nagseselos lang ako? Hindi ako tanga River hindi ako bobo na basta basta lang magseselos , pero yung nakita ko yung halikan niyo! Malaking pruweba na iyon sa akin na dapat noon pa ako dapat magseselos, hindi kona tanungin kong bakit mo to ginawa o bakit niyo to nagawa sa akin , dahil alam ko narin naman ang sagot, akala ko iba ka, akala ko lang pala yun, wala bang ibang babae jan River? Sa best friend ko pa talaga? Bagay naman kayong dalawa manloloko ka at dakilang mang aagaw din siya,!"

"Babe. Hindi ko ginusto yun I'm sorry hindi ko ginust yun maniwala ka sa akin please patawarin mo ako babe ," akmang lalapit siya sakin ng iharang ko ang kamay ko.

"Wag na wag mo akong lalapitan ayukong mahawaan sa pagiging manloloko mo, seguro ngayon malinaw na lahat sayo, tigilan muna ako at wag ka nang magpapakita pa sa akin, were done! "

Hindi kona siya hinintay pang makasagot dahil tinalikuran kona siya. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko.

Malalampasan mo rin to Summer , Walang kulang sayo sadyang hindi lang siya nakonteto sa kong anong meron ka at sa anong kaya mo.

Siguiente capítulo