Naabutan ni Arielle si Tj na pumapalahaw ng iyak ng umagang iyon, hindi daw ito mapatahan nina Ate Zeny at ni Nanay Lina. Hinahanap daw siya.
Tumahimik lang ang bata nang makita at makarga niya. Dinala niya si TJ sa kuwarto na ipinahiram sa kanila ni Ate Zeny. Nakipaglaro siya sa anak. Masuyo niyang hinagod ang buhok ng bata nang maghikab ito at dumapa sa kama.
She smiled gently at her son.
'I saw your father, TJ..' She whispered.
Nagdesisyon na siya na sabihin na kay Cecille ang lahat. Wala naman sana siyang plano na ikwento sa kahit sino ang totoong nangyari. Kung hindi sana personal na magkakilala sina Theo at Cecille mapaninindigan niya naman sana iyon.
Pero sa ngayon, wala siyang pagpipilian kundi sabihin sa kaibigan ang totoo para matulungan at maintindihan nito kung bakit kailangan niyang iwasan si Theo.
Patagilid siyang nahiga sa tabi ng anak nang makatulog ito.
"May bisita ka, hija." Imporma ni Nanay Lina sa kanya na bumungad sa pinto.
"Sino daw, Yaya?" Pabulong na tanong niya bagaman nagtataka. Sino ang bibisita sa kanya sa bahay mismo ng kapatid? Nakatuon ang mga mata niya sa anak na himbing na ang tulog.
Dahil nakatalikod siya mula sa pinto, hindi niya napansin ang pagsungaw ng isang matangkad na lalaki sa pinto.
Hindi niya rin nakita ang pagtatagis ng mga bagang nito sa pagkakatitig sa kanya at sa batang lalaki sa tabi niya.
"Nanay?" Untag niya nang hindi na sumagot si Nanay Lina.
Pumihit siya sa kinahihigaan. Muntik na siyang mahulog sa kama nang makita si Theo na nakatayo sa hamba ng pinto. Salubong ang makakapal na mga kilay ito.
"You left your phone.." Sapat ang buong buong tinig ng lalaki upang maging eratikong muli tibok ng puso ni Arielle.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tensyunadong tanong niya. Itinago niyang pilit ang pagkataranta.
Bakit ito pinatuloy ni Nanay Lina hanggang sa kwarto niya?
Hindi sumagot si Theo. Noon niya lang napansin, hindi sa kanya nakatuon ang mga mata nito kundi sa anak niya! Kung pwede lang tatakpan niya ng kumot si TJ wag lang itong abutin ng mapanuring mga mata ng binata, ginawa niya na.
"Sino ang ama ng batang iyan, Arielle?" Pigil ang galit na tanong ni Theo sa kanya.
Lumunok siya. "W-wala kang karapatang itanong sa akin 'yan."
"Nakausap ko si Cecille. Sinabi niya sa akin tungkol sa dapat ay pagpapakasal mo sa anak ng kaibigan ng Papa mo two years ago.. ang pagtalikod nito sa kasal ninyo dahil nalamang buntis ka at hindi ito ang ama." Tumaas baba ang dibdib nito sa pagkakatitig sa kanya. Na parang anytime ay susugurin siya nito at babaliin ang leeg niya. "Sabihin mo sa akin ang totoo, ako ba ang Ama ng batang iyan?"
Naikuyom ni Arielle ang mga kamao niya. She was torn between panic and anger. Panic na masukol siya ni Theo at galit para sa sarili. Wala siyang kamuwang muwang na naiwan niya ang cellphone niya sa suite ng lalaki. Siya ang dahilan kung bakit nasa harap niya ito ngayon!
Hindi siya aamin ano man ang mangyari. Hindi siya papayag na magulo ang tahimik nilang buhay dahil sa paglitaw muli ng lalaking ito.
"What made you think na ikaw ang ama ng anak ko, Mr De Marco? Para sabihin ko sa'yo hindi lang ikaw ang lalaking sinipingan ko.."
Bago niya pa matapos ang sasabihin ay nailang hakbang na ni Theo ang pagitan nila. Napasinghap siya nang pagalit siya nitong haklitin sa braso. Naghuhumiyaw ang galit sa katawan nito.
Mas gusto niyang indahin ang galit na iyon kaysa sa nararamdaman nyang sakit sa braso niyang mahigpit na hawak ng isang kamay nito.
"Huwag mo akong piliting paaminin ka sa paraang alam ko, Arielle." Nagbabaga ang mga matang asik nito sa kanya, sinadyang hinaan ang tinig bagaman hindi nabawasan ang intensidad ng galit nito.
"Bitawan mo nga 'ko." palag niya.
God help her pero bakit maliban sa tensyon at kaba ay nakakapa niya sa dibdib niya na gusto niyang ganito sila kalapit ng lalaking ito? Now that he was angrily holding her tight, may pakiramdam siyang babaon ang mukha niya sa malapad at matipunong dibdib nito kung hindi niya lang awtomatikong naiatras ang sariling ulo.
"Ako ba ang ama ng batang iyan?" Ulit nito sa tanong.
Umiling siya. Pilit na kinakalma ang sarili mula sa bumabangong panic sa dibdib nya. Iyon ang pinaka iiwasan nya ang malaman ni Theo ang tungkol kay TJ.
"Anak ko ang batang 'yan." Mariing anito na walang anuman siyang binitawan. Nakahinga siya nang maluwang kahit papaano nang dumistansya ang lalaki sa kanya. He was eyeeing her, nasa mga mata ang pagpapatunay na hindi nga ito naniniwala sa kanya.
"E-ex boyfriend ko ang A-ama ni TJ." Nagawa niyang sabihin.
Naningkit lalo ang mga mata ni Theo, halo halo ang ekspresyong nagsasalit salitan sa gwapong mukha nito pero kita niya ang pagpipigil nito sa galit.
Kinabahan siya nang humakbang ito palapit kay Tj, buong pagmamahal nito iyong pagmasdan.
"Marunong akong magbilang, Arielle. And you named him after me.."
Nakagat niya ang pang ibabang labi. Pati ba pangalan ni TJ naikwento na ni Cecille sa lalaki?
"Masyado kang nag iisip, Theo. Theodore James ang pangalan ng anak ko. I named him after Four, iyong bida sa pelikulang Divergent. Kung hindi mo natatandaan, hindi ko hiningi ang pangalan mo noon. Wala akong ideya kung sino ka.." sagot niya sa pag asang makukumbinsi niya pa ang lalaki na hindi ito ang Ama ng anak niya.
Hindi sumagot si Theo. Maingat itong naupo sa ibabaw ng kama at buong kasabikang tinunghayan ang anak.
"Hindi ako makapaniwalang wala kang kabalak balak sabihin sa akin ang tungkol sa anak ko, Arielle.." ang sabi sa mahinang tinig, sapat lang upang marinig niya.
Naiinis na siya. Bakit hindi ito nakikinig sa sinasabi niya?
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ikaw ang ama ng anak ko, Theo? Pwede ba, umalis ka na."
Pero hindi tuminag ang lalaki. Halos matunaw ang puso niya nang hawakan nito ang maliit na kamay ni Tj at dalhin nito iyon sa mga labi nito. She saw TJ move and moan softly na tila nagrereact ito sa init na nagmumula sa kamay ng kung sinumang may hawak dito.
And then she saw him flinch, adoration and love mirrored his handsome face nang kumapit ang anak niya sa malalaking kamay nito.
Posible nga bang maramdaman ni Theo ang lukso ng dugo? Totoo bang nakakaramdaman din ng ganun ang mga Ama? Kino corner lang ba siya ni Theo hanggang mapaamin na siya?
Wala namang alam si Cecille sa totoong Ama ni Tj.. Maliban na lang kung pati ang kaarawan ng anak niya ay nabanggit nito sa lalaki! Kaya ba sinabi nito na marunong itong magbilang? Napapikit siya nang mariin.
"Lie to your hearts content, Arielle. Iba ang sinasabi ng puso ko. Ako ang ama ng batang ito."
Hindi makapaniwalang napamaang si Arielle. Wala siyang maapuhap sabihin. Umahon si Theo sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama. Namulsa, hinarap siya.
"Pwede kong ipa Dna Test ang bata, Arielle. Sa loob ng kalahating buwan mapapatunayan kong dugo ko ang nananalaytay sa ugat niya. And by then, sisiguraduhin kong makukuha ko ang akin sa kahit anong paraan."
"Damn you, Theo. Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko."
"No, sweet." Putol ni Theo. "Kasama ka sa kukunin ko. Ikaw at ang anak ko.." pinal na sabi nito.
Sarkastiko siyang ngumisi.
"Para mapatunayan sa mga magulang mo na hindi ka takot sa commitment at para itigil na nila ang pag reto sa'yo don sa Julienne na yun kaya mo ipinaggigiitan na anak mo ang anak ko, ganun ba? How convinient and brilliant, Mr De Marco. You were hitting two birds with one stone."
"Wala akong balak makipagtalo sa'yo sa bagay na 'yan, Arielle. Ipinagkait mo na sa akin ang karapatang maalagaan at makasama ang anak ko dati, hindi ako papayag na mawala pa siya ulit sa paningin ko.. Even if it would mean marrying someone I don't love or I don't even know personally."
Pinigil niya ang pagkurap. Masakit sa kanya na marinig iyong huling pangungusap na sinabi nito. Nag e expect siya na may damdamin kahit papaano si Theo sa kanya kaya nito iginigiit na ito ang ama ng anak niya.
Imposible.
Matagal ng nakaalis si Theo pero hindi pa rin tumitinag si Arielle. Pakakasalan siya ni Theo. Iyon ang malinaw na sinabi nito bago ito tumalima para gawaran ng halik sa noo ang natutulog niyang anak. Ipinatong nito ang cellphone niya sa ibabaw ng nightstand at tuluyan ng umalis.
Nalilito si Arielle. Anong gagawin niya? Kahit anong sabihin niya hindi naniniwala ang binata na hindi ito ang Ama ng anak niya. May choice pa ba siya, sooner or later magagawang mapatunayan ng Dna Test ang totoong relasyon ni Tj kay Theo.
"Siya ba?"
Nag angat siya ng tingin nang marinig ang tinig ni Ate Zeny. Marahan siyang tumango, naintindihan ang tanong ng kapatid.
Bumuntong hininga si Ate Zeny.
"I don't intend to eavesdrop, Arielle. Pero bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang lalaking iyon? Deserving ang bawat bata sa mundo ng isang buong pamilya."
"Paano, Ate? Hindi naman namin mahal ang isa't isa. Ngayon lang kami nagkita ulit pagkatapos ng.. nangyari.. "
"So? At least, hindi basag ang itlog ng lalaking iyon, pananagutan ka at paninindigan ang anak ninyo.. Hindi kagaya ng mga lalaking kilala ko." Umismid ang kapatid nya sa huling sinabi. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at sumandal sa cabinet.
"Hindi naman sapat yung responsable lang, Ate."
"Kagaya ng hindi rin sapat na Ina lang ang kasama ng isang bata habang lumalaki. Ilang taon na lang, mag uumpisa ng mag usisa ang anak mo tungkol sa Tatay nya. May pagkakataon kang bigyan ng buong pamilya ang anak mo, huwag mong ipagkait sa kanya iyon."
Hindi siya nakakibo.
"And for sure, hindi totoong wala kang nararamdaman sa lalaking iyon. Madalas kita noong nakikitang tinititigan ang anak mo na tila gusto mong irefresh sa utak mo ang hitsura ng Tatay nito."
Natawa siya para itago ang pagkapahiya. May mga pagkakataong ganun nga ang ginagawa niya. He can barely remember Theo's handsome face then, kaya madalas nyang tinititigan ang anak. Dahil aminado syang may hawig ang bibig ng anak sa bibig ng Papa nito.
"Kung ano ano ang sinasabi mo.."
"Alam ko kung bakit nabuo ang batang iyan, Arielle. Ayaw mo lang akong ma guilty kaya ipinagsisinungaling mo sa akin ang totoo." Anito na pumormal. "But really, Arielle. Walang matinong lalaking magdedesisyong pakasalan agad ang isang babaeng hindi nito personal na kilala dahil lang nalaman nitong may anak sila."
"May dahilan kaya kailangan niya kami ni TJ, Ate. At ayokong magpagamit sa kanya."
"Think again, Arielle. Para kay TJ."
"At paano ko sasabihin kina Mama at Papa kung sakali, Ate?"
"Tell them the truth."
Ganun ba kadali iyon?
Papayag ba talaga siyang pakasal sa Theo na iyon para mabigyan ng buong pamilya si TJ? Sinulyapan niya ang anak na himbing pa ring natutulog.. nag flashback sa isip niya ang masuyong titig ni Theo sa anak. Hindi maaaring pekein ang adoration at pagmamahal na nasa mga mata nito kanina patungkol kay TJ.
Posibleng maging mabuting Ama nga si Theo sa anak nila, pero paano naman ang damdamin nila pareho? Kung walang pag ibig, hanggang kailan ba kayang manatiling buo ang isang pamilya?