KASALUKUYANG nakapila si Nadia hawak ang tray. Oras ng pananghalian. Pang-lima pa siya sa pila pero nalalanghap na niya ang maasim na sinigang na lalong nagpakulo ng sikmura niya. Kung may isang bagay na ipinagpapasalamat si Nadia sa kabila ng pagkabagsak niya sa loob ng Love and Hope, iyon ay masasarap magluto ang mga cook sa kitchen team.
Halos magkandahaba ang leeg niya katatanaw sa mga nakadisplay na pagkain. Kumakalam na talaga ang sikmura niya. Habang nag-aantay ay nagawi ang tingin niya sa kaliwang panig ng dining area kung nasaan ang mga lamesa. Natanaw niya si Jace na nakaupo sa dulo at may kausap na dalawang babaeng nurse. Hindi man niya naririnig kung anu ang pinag-uusapan ng mga ito ay halata naman na nakikipaglandian ang dakilang talipandas. Panay ang tawanan ng mga babae. Huling-huli pa ng mata niya na pasimpleng hinampas ng isang nurse ang balikat ni Jace na may kasamang haplos at malanding tingin.
At hayun ang gunggong na ang laki naman ng ngiti. Mabilis na uminit ang ulo ni Nadia. Sinasabi na nga ba niya at wala itong alam gawin sa buhay kundi ang lumandi. Hmp! Dapat lang talaga na `wag siyang magpadala sa mga pambobola nito. Ang isang mga katulad nitong fvckboy, pagbalik-baliktarin man ang mundo ay fvckboy pa rin. Kahit anu pang estado sa buhay. Mahirap man o mayaman. Adik man o hindi. Once a fvckboy, forever a fvckboy!
Best example si Jace Devenecia! #TheFuckboyOfAllTheFuckboys
"Miss, ikaw na."
Naputol ang pagmumurder niya kay Jace sa isipan nang marinig na magsalita ang babae sa likuran niya. "Ay, sorry."
Agad siyang naglakad at tinuro sa canteen staff ang pagkain na gusto niya. Tinuro niya ang sinigang na baboy, fried galunggong, at one cup of rice. Nagpasalamat siya sa ginang at binuhat ang tray. Pumuwesto siya sa bakanteng table; dalawang table mula sa pwesto ni Jace. Wala naman na siyang choice dahil puno na ang karamihan. Nakatalikod sa kanya si Jace kaya `di siya nito nakikita habang busy pa rin itong makipaglandian sa dalawang nurse. Mabuti na rin `yun para maging tahimik ang pananghalian niya.
"Pwede pa-share?"
Tumingala si Nadia. `Yung babaeng nasa likuran niya sa pila kanina ang nagtanong. Mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Maputi ito, mabilog ang mukha, singkit, at maganda ang ngiti. May full bangs ito at halata ang lahing hapon.
"Sure."
Umupo agad ito sa harapan niya pagkalapag ng tray. Sinimulan na ni Nadia ang pagkain. Nagsandok siya ng sabaw ng sinigang, isang piraso ng baboy at pinatong sa kanin. Susubo na dapat siya ng magsalita ito.
"Did you know that seventy percent of the pigs suffered disease before they sent to slaughterhouse?"
Nabitin ang dapat niyang pagsubo at nakangangang tumingin dito. Seryoso lang ang mukha nito na nakatitig sa kanya. "Most of the piggery are crowded, have inadequate ventilation and filthy. Just imagine how these pigs have endured that kind of cruelty. Aside from that, pork are loaded in cholesterol and saturated fat. So if you want to double the size of your waistline then eating pork everyday is the easiest way. Aside from that, it can also cause a life-threatening diseases such as heart disease, diabetes, arthritis, osteoporosis, Alzheimer's, asthma, and impotence. Research has shown that vegetarians are fifty percent less likely to develop heart disease, and they have forty percent of the cancer rate of meat-eaters. Plus, meat-eaters are nine times more likely to be obese than pure vegetarians are."
Napanganga lang si Nadia sa bilis nitong magsalita. `Di siya makapaniwala na nagawa nitong bombahin siya ng impormasyon sa loob ng dalawampung segundo. Ngayon niya na-realize na dapat nung nag-aaral pa siya ay nakahiligan na niya ang magbasa ng libro. #FeelingBobo
Nakangiwing binaba niya ang kutsara. "Ganun ba? Hehe. Ngayon ko lang nalaman `yan." Tinignan niya ang isa pang ulam sa plato: pritong galunggong. Kaya iyon na lang ang kakain niya. Tutusok na siya nang magsalita na naman ito.
"There's also a study that eating fried fish at least once a week was associated with a forty-eight percent higher risk of heart failure and forty-four percent increased risk of stroke."
Napakurap-kurap si Nadia at nanlulumong binaba ang kubyertos. Hindi ba talaga nauubusan ng trivia ang babaeng ito? Daig pa nito si Google sa dami ng alam. Lalo tuloy siyang nagmumukhang mangmang. #FeelingBoboTodoNaItuuu
So anu na lang ang kakainin niya para hindi magkasakit? Ah, kanin! Tama! Magkakanin na lang siya. "Siguro naman itong kanin walang maibibigay na masama sa katawan ko diba?"
"Hmm. Wala naman."
Nakahinga siya nang maluwag. Sabaw at kanin na lang ang kakainin niya. Susubo na dapat siya ulit pero humirit na naman ito. "Although one cup of rice contains one hundred thirty calories, two point four grams of protein, twenty-seven point eight grams of carbs, zero point two grams of fat—"
"Okay-okay! Hindi ko na kailangan malaman ang lahat ng nutrional facts ng rice kasi gutom na gutom na talaga ako at gusto ko nang kumain." Ang ngiti niya ay tuluyang naging ngiwi. Pinagsisihan na tuloy ni Nadia na pumayag siyang umupo ito sa table niya.
Kumibit balikat lang ito at sinimulang balatan ang saging na hawak. Pinagmasdan ni Nadia ang tray nito. Bukod sa dalawang piraso ng saging ay gulay lang ang laman ng plato nito. Mukhang masyado nga itong health conscious.
"Bago ka lang dito?" maya-maya ay tanong ulit ng dalaga.
"Hmm. Two weeks ago," sagot ni Nadia habang ngumunguya.
"Ako, may one month na. Anu pala ang pangalan mo?"
"Nadia. Ikaw?"
Binitiwan nito ang saging at nilahad ang kamay sa kanya na may malaking ngiti sa labi. "My name is Mariko Matsunaga, but just call me Riko."
Inabot naman niya ang palad nito at nakangiting nakipagkamay. Kahit mukhang sasabog ang brain cells niya sa tuwing kausap ito ay mukhang charming at friendly naman si Riko. Naalala niya si Hannah sa babae. Ganito rin kung paano sila unang nagkakilala noong fourth grade. Si Hannah ang unang lumapit at nakipagkaibigan sa kanya habang kumakain siya sa school canteen. She badly misses her bestfriend. She badly misses her old life. Dahil hindi niya hawak ang cellphone kaya wala tuloy siyang chance na tawagan ang kahit sino sa mga kaibigan niya. Siguradong nag-aalala na ang mga ito dahil dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam.
Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila ni Riko. She was three years younger than her at pumapasok pa ito sa kolehiyo sa kursong Nutrion and Dietetics kaya hindi kataka-taka na marami itong alam tungkol sa pagkain. Pero dahil sa addiction nito sa drugs kung kaya't pinatigil ito ng mga magulang sa pag-aaral at pinasok sa rehab. Natutunan pala nitong gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa ex nitong vocalist ng isang banda.
"Nahuli ako ni Mommy na merong pakete ng cocaine sa bulsa ng pantalon ko. Nagalit siya at sinumbong ako kay Daddy. Pina-drug test nila ako at lumabas na positive ang result. Inamin kong natutunan ko gumamit dahil kay Krisfoffer. Pinaghiwalay nila kami at pinasok nila ako dito."
Mabigat na bumuntong hinininga si Riko habang nakatulala sa pagkain. "I misses Kristoffer. Siya lang ang nakakaintindi sa `kin. My parents were always busy at work. Wala naman silang time para sa `kin. They even forgot my birthday, can you believe that? Anung klaseng magulang ang hindi makaaalala kung kailan ipinanganak ang anak nila? Buti pa si Kristoffer, he was always there for me. Mahal niya ako. Hindi tulad ng parents ko na mas mahal ang trabaho nila." Namumuo na ang mga luha sa mata nito.
Bumigat ang dibdib ni Nadia at maingat na pinatong ang palad niya sa kamay ni Riko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Wala man siyang alam tungkol sa buhay nito but somehow ay pakiramdam niya naiintindihan niya kung anu ang pinagdaanan ng dalaga.
Alam mo ba `yung dad ko, wala rin kaming masyadong bonding nung nabubuhay pa siya."
Natigilan si Riko at mas lalong tumamlay ang mukha. "Oh. I'm sorry to hear that."
Tipid siyang ngumiti at muling inalala ang nakaraan. "There was a also a point my life na nagtampo ako sa kanya. Feeling ko kasi mas mahal niya pa ang kumpanya namin kaysa sa akin. But then I realized, na maraming pamilya ang umaasa sa Monte Corp. Bawat emplayado dun, may kanya-kanyang mga anak, magulang, at kapatid na umaasa rin sa kanila. He was not just a businessman but a leader and he had cared deeply about his people and their future.
"It was too selfish for me to act like a spoiled brat na kulang sa atensyon. Kaya instead na magmaktol o magrebelde ako, I spend all my time in art and music. Through those things I was able to discover my passion. Tuwing nagdo-drawing ako at tumutugtog ng instruments, feeling ko kasama ko pa rin si Mommy. She'd also left me at the early age. I just wished that I was able to say to my Dad how much I love him. But it's too late. Kasi, wala na rin siya."
Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang maiyak. Siya naman ngayon ang hinawakan ni Riko habang nakikisimpatya ang mga mata nito. Maging ito ay umiiyak na rin. "Oh my God, ang drama natin" Riko laughed while wiping her tears.
Nakisabay na rin si Nadia sa pagtawa ni Riko habang pinupunasan ang mata gamit ang tissue. Para na silang baliw. Buti na lang at walang pakielam ang mga tao sa paligid dahil sa tingin ng bawat isa ay may kanya-kanya silang sapak sa ulo.
"Kaya masuwerte ka Riko, kasi nandyan pa ang mga magulang mo. Marami pa kayong oras together. I'm sure na kaya lang sila busy sa work it's because they wanted to give you a good future. Wala naman perfect na parents katulad ng walang perfect na mga anak. I hope after your stay here in Love and Hope. Maging maayos na ulit ang relationship mo sa kanila."
Tumungo-tungo si Riko na tila batang nakaiintindi sa sermon ng nakatatandang kapatid. Pinunasan nito ang luha. "Alam mo, tama ka. Ang totoo niyan, I'm just using my parents as an excuse sa mga kalokohan na ginawa ko. Everything I did was my own choice. Habang nandito ako sa loob ng center madami rin akong narealize na bagay. I'm glad I was able to talk to you." Lumipat ito sa tabi niya. "Pwede ba kitang i-hug?"
"Oo naman." Ngumiti si Nadia at niyakap ito. Sumandal si Riko sa balikat niya. Nadia was also happy na nakausap niya ito. Ilang araw na rin niyang kinikimkim ang mga kalungkutan. And it feels good to vent out to someone kahit pa sa isang stranger.
"Can I call you Ate Nadia? Namimiss ko kasi `yung ate ko."
Nadia giggled by Riko's cuteness. "Sure." Bilang wala siyang mga kapatid ay masaya siyang nagkaroon ng little sister sa katauhan ni Riko.
Samantala sa malayo ay hindi napansin ni Nadia na kanina pa ito pinagmamasdan ni Jace. Unti-unting napangiti si Jace. He was silently listening to them. Matalas lang talaga ang pandinig niya at may kalakasan din ang boses ng dalawang babae. He saw a good side of Nadia and that made her more beautiful in his eyes.
Pumalumbaba si Jace at tahimik lang itong pinagmasdan. Nakalimutan na niya ang kausap na dalawang nurse na panay ang daldal dahil nakatuon na ang one hundred percent ng atensyon niya kay Nadia.
Add me on Facebook: Anj Gee or like my page to keep updated: facebook.com/AnjGeeWrites