SA SOBRANG INIS ko ay sumabog na ako. "Anu bang problema mo?! Anu bang gusto mong mangyari!? Matapos mong mawala ng ilang taon, matapos mong hindi magparamdam sa'kin. Ni hi, ni ho, wala akong narinig sa'yo! Tapos ngayon babalik ka at kung anu-anu ang sasabihin mo!"
"You pushed me away!"
Napanganga ako ng malaki. So ngayon ibabalik niya sa'kin ang lahat?
"Sinu bang nakita kong nakikipaghalikan?"
"Mali ka ng iniisip. Si Selena ang humalik sa'kin! Hindi ko siya gusto! She was just trying to—"
"Stop it! Hindi mo kailangan magpaliwanag. Matagal ng tapos ang lahat ng 'yun. Masaya na ako Levi, may boyfriend ako, tahimik na ang buhay ko. Please lang, wag mo na akong guluhin." Tinulak ko siya ng malakas at kumawala sa mga bisig niya. Nagmadali akong humakbang patungo sa pinto.
Nahawakan ko na ang door handle ng hilahin ako ulit ni Levi at sa gulat ko'y tinulak niya ako sa pader at siniil ng madiin na halik.
"Le—vi—ano—mmm—ba—"
He kissed me harder, he pinned me harder. My mind was spinning like a wheel as he continued to ravage my lips agressively. Kahit anung tulak at panlalaban ang gawin ko masyado siyang matigas para matinag.
Saglit niyang binitawan ang labi ko pero diniin niya ang noo sa'kin. Naghahabol ako ng hininga dahil halos mauubusan ako ng hangin. Our mouths were hanging open, while both of his hands held my face.
He looked at me again but this time his eyes were soft. I see longing, pain and frustrations. Under his dark gray eyes my heart skipped faster than normal. Ito ang klase ng pakiramdam na siya lang ang may kakayahang makapagbigay and I hate myself for letting him do this to me.
"Babe…"
Oh God! How I missed that one word. The way his husky voice called me by that endearment was enough to make my knees wobbled like a jelly.
"Levi…"
"God, I've missed you so much," and he kissed me again, but this time, it was soft and gentle.
Tuluyang nasira ang prinsipyo ko at nagpaahon sa alon ng damdamin. I know to myself that only Levi can make me feel this way at kahit sa tatlong taon na pagsasama namin ni Kyle at hindi ko naramdaman ang ganitong pag-iinit at paninikip ng dibdib.
Levi sucked my lips like how he always did. Sa kabila ng lumipas na taon kabisado pa rin ng mga labi ko ang ritmiko ng mga galaw ng halik niya. At mahirap man aminin ngunit ang tagal kong inasam na muli itong matikman.
Binuhat ako ni Levi at awtomatiko na lumingkis ang mga binti ko sa bewang niya. Hindi niya pinutol ang halikan namin hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat ang likuran ko sa malambot na kama. My mind was blank as my entire body burned in flaming desire I had deeply yearned for the last three years. Bumaba ang halik ni Levi sa panga ko, gumapang pababa sa leeg ko habang ang dalawang nakakapaso niyang mga haplos ay pumasok sa loob ng blouse ko at mabilis na hinanap ang dalawa kong bundok.
"Uhhhh, Levi, w-wait—"
Muli niyang hinuli ang labi ko at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makatutol pa. Mas lumalim ang mga halik niya habang patuloy siya sa paglamas sa'king dibdib. Bumaba ang isang palad niya sa tiyan ko at pumasok sa loob ng pantalon ko.
Napadilat ako ng mata at nagising sa kahibangan! No! This is wrong! I'm in a relationship with someone and I shouldn't be cheating!
Hinugot ko ang lahat ng lakas at tinulak si Levi, "Stop!"
Natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay.
"Hindi 'to tama Levi."
A flash of hurt reflected in his dark gray eyes. Agad akong bumangon at inayos ang sarili. Hindi ako makatingin sa kanya. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader sa katangahang ginawa ko at hinayaan kong umabot kami sa ganito.
Nanatili lang siyang walang imik at tulala sa ibang direksyon. Naninigas ang bagang niya.
"This is wrong. I'm in a relationship, and I don't want to be unfair with Kyle. I'm sorry, but we can't do this."
Agad akong tumayo ng kama at nagmamadaling hinakbang ang mga paa.
"Keep on lying to yourself, Apple."
Natigilan ako at muling napalingon sa kanya. Nagtama ang mata namin. His handsome face was cold and gloomy. Pero ang mas masakit sa lahat ay dahil tama siya. I'm a liar. I'm a coward. And I'm disappointed with myself.
Dahan-dahan akong napailing. "I'm so sorry, Levi."
Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko ay agad na akong umalis ng kwarto, kinuha ang gamit at nagmamadaling tumakbo palabas ng hotel room. Palayo sa kanya, palayo sa damdamin na matagal ko ng kinalimutan.