webnovel

Wedding

"Love, may balita ako." dali dali akong yumakap sa kanya pagkarating ko ng bahay.

Hindi ito tumugon kaya nagpatuloy ako sa ibabalita ko.

"Ikakasal na si Khione at Morgan." Ngumisi ako ng pagkalaki laki pagkasabi ko nun. Excited na kasi ako sa kasal nila.

At saka gusto ko rin na magpropose nadin si Billy.

Inialis niya ako sa pagkakayakap at nag punta sa kusina. Nagluto ito ng ulam namin ngayong gabi.

Kailan kaya kami magpapakasal? Limang taon na kaming magjowa. Samantalang sila Khione at Morgan ay months lang.

Dahan dahan akong lumapit at sumuong sa kanya habang nagpriprito. Nasa likuran ko ang niluluto niya at nakaharap na ako sa kanya.

"Eh tayo kaya love? Kailan tayo magpapakasal?" medyo nailang ito at nag iwas ng tingin.

Napanguso ako ng wala siyang tugon at nagpatuloy lang sa pagluluto.

Umalis ito sa pagkakayakap ko sa kanya at inihain na ang niluto. Inihanda na niya lahat para sa hapunan.

"Let's eat." Walang emosyong sabi nito.

Napanguso akong pumunta sa lamesa at naupo. Dalawang minuto at tahimik kaming kumakain.

"Ellaine." banggit nito sa pangalan ko kaya nilingon ko siya.

Nakatitig ito sa akin at seryoso. Magpropose na kaya to? This is it pancit.

Bigla itong napabuntong hininga.

"Let's break up."

🥀

Siguiente capítulo