Kinabukasan,
"Are you okay?" Sambit ni Gaile kay Barbie na naglalakad kasama rin si Dana na wala rin sa mood.
"Nah, hindi ako nakatulog kagabi ng ayos."
"Hmm? Bakit naman? Ikaw Dana? Wala ka rin sa mood ano bang nangyare sa inyong dalawa?"
"Eh? Bakit Dana? May masakit ba sayo?"
"Ha? Wala naman may nangyare lang Na kung ano kahapon."
"Ng ano?"Sabay sambit nung dalawa.
"Ahhh... nag away kasi kami ni Ellaine."
"Dahil ba na sama ka samin parati ni Barbie?"
"Parang ganun na nga pero wala na akong pakialam magalit man sya hindi ko naman sya totoong kaibigan. She just always remember me as her nanny."
"Grabe naman yon. Simula ngayon wag ka ng makipag usap dun napapansin nga din namin ni Barbie na parang sunod sunuran kayo nila Hannah at Sheilla diyan kay Ellaine."
"Um. Simula ngayon di na ako mag papauto kay Ellaine. Promise ko yan sa inyo!"
Inakbayan naman ni Barbie si Dana "Don't worry kami na ngayon ang bff mo! Ayos ba yon?"
"Um. Please take good care of me girls."
"Syempre naman kaming bahala sayo. Right Gaile?" At inakbayan nya rin ito.
"Oo naman! Kung sino ang kaaway mo kaaway na rin namin ni Bie!"
"Hehe... Salamat girls."
Prrrrttt... "lumapit na kayo dito may sasabihin ako." Sambit ng P. E teacher nila na si Paolo at dali-dali naman ang mag students na pumila.
"At dahil naka leave ang datin nyong P. E teacher gusto kong maging attentive kayo hindi pwede sakin ang tatamad tamad kapag oras na ng P. E. Naiintindihan nyo ba ako?"
"Yes Sir!"
"Tawagin nyo akong Coach Pao at dahil may mga varsity sa klase nyo gusto kong kayo ang mag lead sa mga kaklase nyo. Simulan nyo sa pag stretching tapos jogging hindi pwede dito ang maarte. Hindi porket matataas ang academic nyo eh wala na kayong pakialam sa P.E subject nyo. Tandaan nyo hindi kayo makakakuha sakin ng A+ kapag tatamad tamad kayo! Naiintindihan nyo?"
"Yes Coach!"
"At dahil may tatlong varsity player dito bubuo ako ng tatlong grupo. Lumapit nga sa akin mga varsity player dito."
Lumapit namang agad si Thew at Baron.
"Bakit dadalawa lang kayo? Hindi ba tatlo ang varsity player sa klase nyo?"
Tinaas ni Quinleyvang kanang kamay nya bilang sya ang class monitor ng klase nila. "Sorry po Coach pero absent po ngayon si Desmond sya po yung isang kulang sa varsity."
"Oh... Ganun pala..." Iginala nya ang mata nya at nakita nya si Kenny at tinawag nya ito.
"Coach?"
"Dati kang varsity right?"
"O— Opo."
"Do the mean time ikaw muna ang maging leader ng 3rd group."
"Po? Pero Coach..."
"Gaya ng sabi ko hindi porket mataas ang academics nyo hindi na kayo gaganahan sa P. E class nyo. Tandaan nyo, subject nyo rin ang P. E at kapag hindi kayo nakipag cooperate ibabagsak ko talaga kayo! Wala akon pakialam kung anak pa kayo ng principal. Naiintindihan nyo ba ako?"
"Yes Couch."
"How about you Kenny? Do you understand?"
"Ye— Yes Coach."
"Good! Ngayon, ang tatawagin kong pangalan ay mapupunta sa group 1 si Thew ang leader nyo at ang group 2 naman ay si Baron at ang pang huli ang group 3 si Kenny ang leader nyo. Dahil 30 kayo tig 10 students ang bawat group once na tinawag ko ang name nyo pumunta na agad kayo sa mga leader nyo. Naiintindihan?"
"Yes Coach."
"."
Nag stretching at tumakbo sa buong field ang klase nila Barbie.
"I'm tired na!!!" Sambit ni Ellaine at dali-dali naman syang binigyan ni Hannah ng tubig at pinaypayan sya ni Sheilla.
"Tsss! Bawal nga daw maarte arteng arte na naman sya." Sabi ni Gaile na naupo na sa sahig.
"Bie you okay?" Sabi ni Dana at nag abot ng tubig kila Barbie at Gaile.
"Thanks but you don't need to do this hindi kami si Ellaine." Sambit ni Barbie na pag ka inom nahiga na sa sahig na para bang wala ng pakialam kung marumi don.
"Barbie is right kaya naman namin kumuha ng tubig namin." Opinyon naman ni Gaile.
"It's okay I just used to it at masaya ako na kayo naman ang binibigyan ko."
"Tsk! Bie! Tumayo ka diyan!" Bungad ni Kenny at pinag tinginan siya ng mga kaklase nila.
"Problema mo? Nakakapagod kaya tumakbo!"
"Hayssss!!! Pasaway ka talaga!" Binuhat nya si Barbie kaya nag pupumiglas naman ito.
"Baba mo ko!!!"
"No! Ako ang papagalitan ni daddy you need to change your clothes kaya halika na!"
"Bitawan mo ko!!!"
Pero hindi ibinaba ni Kenny si Barbie "let her down." Sambit naman ni Thew Na humarang kay Kenny.
"Huh! Get loss!"
"Let her down! Ako ang leader nya kaya ako ang bahala sa members ko!"
"Oh... really? But I'm the responsible for her! Move!"
Pero hindi po aalis ni Thew si Kenny na buhat- buhat parin si Barbie at nasa kanilang tatlo ang atensyon ng mga kaklase nila.
"Tsk! Ibaba mo na nga kasi ako!"
"I saw you kanina hindi ayos ang takbo mo kaya napatid ka!"
Napa tingin naman si Thew sa ankle ni Barbie at nakita nya ngang may bruises ang left ankle nito.
"You okay Bie?"
"Um. Ayos lang ako malayo sa bituka."
"Let me accompany you to the clinic."
"Huh! Bulag ka ba? Buhat ko na nga sya di ba? Ano pang sinasabi mo diyan?"
"I'm her leader! Kaya ako ang dapat sumama sa kaniya sa clinic!"
"Leader ka lang nya pero ako ang pinsan nya."
"Pinsan? Huh!"
"Cough! Mabuti pa ako na ang sumama kay Barbie, right Ms. Beautiful?" Sambit naman ni Baron na nakisingit pa.
"Heh!" Sambit nila Kenny at Thew.
"Enough! Ibaba mo ko Kenny hindi Na ko natutuwa."
"No! You need to change your clothes and go to clinic."
"KAYA KO NGA ANG SARILI KO!"
Nagulat naman yung tatlo sa sigaw ni Barbie kaya binaba naman agad sya ni Kenny.
Sumenyas naman si Barbie kay Gaile kaya lumapit agad ito.
"Ahm... Boys, kami nalang ni Dana ang bahala kay Bie." Sambit ni Gaile.
"Yes, we're here naman for Barbie."
At inalalayan na nga nung dalawa si Barbie at umalis na nakasalubong pa nga si Coach Paolo.
Umiwas naman si Kenny kay Thew at lumayo.
"Bro, sabihin mo nga nag confess na ba yang si Kenny kay Barbie?"
"Ano? Mag pinsan sila anong pinagsasabi mo?"
"Huh! Wag ako! Alam kong hindi sila ang pinsan cut the crap bro! Tayo-tayo pa ba mag lolokohan dito?"
"Ewan ko sayo! Dun ka nga!"
"Bro!!!"
"Lubayan mo ko!"
Samanatala nag seselos naman itong si Ellaine at sa galit niya nga naputol nya yung pamaypay ni Sheilla.
"You broke my..."
"Wala akong pakialam! It's cheap naman!"
"Pero anong balak mo? I think the 3kings is into that Barbie girl." Sabi ni Hannah.
"Hey, Kenny and Barbie is just cousins no!"
Naalala naman ni Ellaine yung usapan nila Principal Bruce at Director Tang about kay Barbie nung nasa campsite sila.
"Ellaine? You okay?" Tanong ni Hannah.
"Yah. May naalala lang ako gimme my phone."
"Here."
At may tinawagan itong si Ellaine na curious kung sino yung kinakausap nito.
"Don't worry I won't tell dad about this Dr. Marquez." Sambit ni Ellaine at ngumiti na para bang may masamang pinaplano.
Samanatala sa Clinic,
"You sit here first Bie mag pahinga ka nalang daw muna dito sabi ni doktora." Sabi ni Dana na inalalayan si Barbie sa kama.
"Bie, andito sa paper bag na itonang P.E uniform mo nextime bring towels okay?" Sabi naman ni Gaile na sya ang nag tiklop ng damit ni Barbie at nilagay sa paper bag.
"Thanks girls ang bait nyo sakin."
Nagkatinginan naman sila Dana at Gaile "dahil mabait ka rin samin." Anila.
Barbie smiled.
"Nga pala, mukhang trip ka ni Baron close na ba kayo?" Tanong ni Gaile.
"Oo nga Bie, trending tuloy na ikaw na daw ang bagong Queen dito sa AGA." Opinyon ni Dana.
"Queen? Ako? Aba na buang na!"
"Pero Bie yun kasi ang usap-usapan ikaw kasi ang nangunguna sa survey."
"Survey? Para san?"
"Sa Ms. AGA or Ms. Angelic Guardian Academy."
"Ha? Pero wala akong sinasalihang ganyan wala nga akong alam na may event na ganyan dito. Tsaka ayoko g sumali sa ganyan."
"Actually, ngayon lang hindi nag pa audition ang SC about sa Mr. and Ms. AGA. Gusto kasi nila na makabago bilang bago ang Director natin."
"Si Dana nga top 6 ngayon. Nung isang taon pang 3 ka di ba?"
"Um. Pero I don't mind kung pang Ilan ako I'm not interested naman fully paid naman ako sa tuition ko."
"Wait, kung may Ms. AGA meron ring Mr. AGA right?"
The two nod their heads.
"So, that means yung tatlong kupal sure nasa list? Right?"
"Aha!" Reaction nila Dana at Gaile.
"Then sino ang nangunguna?"
"For today's survey points lang ang pagitan ng labanan ng 3kings pero si Kenny pa rin ang nangunguna sumunod si Baron at Thew na nag ka parehas na ng points." Sagot ni Gaile.
"And .5 lang ang lang ni Kenny sa dalawa."
"Wow! Grabe naman ang mga students dito napaka active."
"Online voting kasi kaya kahit ilang accounts gawin ng mga student okay lang. Yun nga lang need nila bumili ng virtual gifts para sa bet nila."
"Ha? May bayad?"
"Aha, yung makukuha naman don yun ang magiging pondo para sa mananalo and yung iba donation sa orphanage."
"Ohhh... I see."
Napatingin si Dana sa phone nya at nakita nyang nangunguna na si Baron sa survey.
"Oh My!!! Top 1 na si Baron." Aniya.
"Eh? Lemme see." Sabi ni Gaile at pinatingin nga ni Dana sa kaniya "hala! Biglang 20k na agad ang lamang nya kay Kenny."
"What?! 20k? Bakit ilan na ba ang points nila?"
"Lahat sila tig 4Million na iba't iba nga lang ang putal. Si Baron 4.60M na at si Kenny 4. 40M and si Thew naman ay 4.30M."
"Ha? Grabe naman ang laki ng pera na nilalaan ng mga students sa kanila."
Natawa naman yung dalawa kay Barbie "hmm?"
"Actually, mas malaki ang labanan sa girls ikaw nga nasa 10.50M na samantalang si Ellaine naman..."
"Wait, 10... 10million? and what?!"
"Oh, chill ka lang baka mahimatay ka naman diyan like what Dana said virtual gifts lang yon di talaga 10million kineme na cash. Well, mga "ritskid" naman kasi talaga ang students dito sa AGA pero di sila para gumastos ng 10MILLION wagas yon."
"Aha, Gaile is right it's like bibili ka ng virtual gifts dun sa online app tapos ang 50php mo is halos 1k coins na kaya umabot talaga sa millions yung points ng mga candidates."
"Ohhh... ganun pala. Pero malaki paring pera yung ginagastos ng mga students para umabot sa millions yung points ng mga nasa list."
"Well, ganun talaga supporters mo sila eh."
"Pero nakakahiya."
"No worries yung iba naman don donations tska makakatulong yung premyo kung sakaling manalo ka sa tuition mo dito sa AGA my free meal ka pa dito sa cafeteria na exclusive lang sayo with your special spot doon na ikaw lang ang pwedeng mag chill."
"Eh?"
"Pffft... mukhang yung free meal talaga nag gusto mo Bie napaghahalata ka."
"Hahahaha... yah... hahahahaha."
"Pero curious lang ako sino ba si Baron? Kasi sabi nyo kanina top 1 si Kenny tapos ngayon lamang na agad sya ng 20k kay Kenny? Ang lakas nya naman."
"Yah, malakas talaga yang si Baron paano ba naman mataas na sa academic isa pa syang varsity player. Kumbaga sya talaga yung pabla kila Kenny at Thew." Sagot ni Gaile.
"Ohhh..."
"And sa kanilang tatlo si Baron din ang pinakamayaman pinsan kasi sya ni Ellaine."
"Ha??!!!"
"Um. Di ba Dana?"
"Yes, but their attitude is opposite attract si Ellaine evil si Baron naman angel."
"."
Maagang umuwi nung hapon si Thew dahil sya pa ang sumundo sa school ng kapatid nyang si Daryll.
"Andito na tayo bebe boy baba ka na mamaya ko nalang garahe ang kotse."
"Kuya..."
"Hmm?"
"Are we going to be alone na from now on?"
Thew patted Daryll' head "Don't worry hindi ka naman iiwan ni kuya. Andito lang ako parati sa tabi mo. Need lang nila mom and dad na mag abroad para sa kinabukasan natin kaya kailangan nating mag aral ng mabuti para sa kanila. Okay ba yon?"
"Opo... namimiss ko na po kasi sila agad eh."
"Halika nga dito payakap nga."
At niyakap naman nga ni Daryll ang kuya niya "wag ka ng sad hayaan mo parati nating vi-video call sila mom and dad."
"Um."
"So, anong gusto mong kainin ngayon? Ipagluluto ka ni kuya."
"Fried chicken!!!"
"Okay. Sige na mag bihis ka na para mamaya kakain na tayo pag baba mo."
"Opo."
Pag ka alis ni Daryll tinignan ni Thew ang lamang ng wallet nya.
"Tsk! Kailangan ko na rin sigurong mag hanap muna ng trabaho habang hindi pa nag papadala sila daddy at mommy. Hindi na sapat samin ni Daryll ang budget for one month may bills pang kailangang bayaran."
Kinuha nya ang phone sa bulsa at may tinawagan "oo pis baka naman may alam ka na trabaho na pwede, need ko kasi ng pera asap. Hindi naman pwedeng mag hintay kami ni Daryll sa padala nila daddy agad kaalis palang nila kanina papuntang Dubai syempre kailangan muna nilang maging stable dun. Bago kami padalhan ng pera."
....
"Oo Pis, basta sabihan mo ko kapag may alam ka. Salamat."
Thew sighed ng biglang nag ring phone nya at nagulat syang tumawag na agad ang pinsan nya "talaga Pis? Oo sige bukas pupunta ko. Salamat talaga Pis kailangan na kailangan ko kasi talaga ng trabaho para na rin kay Daryll.... Salamat ulit pinsan!"
Ding... Dong...
"Hmm? May delivery?"
Dahil nga di pa nakakapasok si Thew nakita nya agad yung food delivery.
"Ha? Pero hindi ako nag order."
"Pero Sir, eto po yung address na nakalagay dito and bayad na rin po ito." Sagot nung delivery man kay Thew.
"Pwede bang malaman kung kanino galing?"
"Pero name nyo po ang nakalagay dito."
"Eh? Pero di talaga ako ang nag order nito."
"Ahhh... baka po sa secret admirer nyo madalas po talaga ng delivery ganyan kumbaga po eh surprise sa inyo. Malay nyo gf nyo po."
"Wala akong girlfriend."
"Ay... sorry po."
"Okay lang. Pero okay lang ba talaga na tanggapin ko ito?"
"Opo Sir. Sige po salamat."
At kumaripas Na ng pag papatakbo yung delivery man ng motor nya.
"Kuya?" Bungad ni Daryll na bagong ligo na.
"Oh... Andiyan ka na pala."
"Wow! Fried Chicken!!!"
"Ha?"
"Kala ko po ba mag luluto kayo bakit nag order naman pala kayo."
Napatingin si Thew sa food delivery na dala nya "ahhh... eto ba... halika pasok Na nga tayo para makakain ka na."
"Opo!"
Sa bahay naman nila Kenny...
May kausap si Kenny sa phone nya habang nakaupo doon sa may terrace nila. thanks. Bye." At nakita niya na palabas si Barbie "where are you going?"
"Ewan!"
Kaya sinundan naman ni Kenny si Barbie na may kinuha lang palang order "thanks po kuya." Then the food delivery left.
"Bakit nag order ka ng food?" Sambit ni Kenny na para bang naiinis.
"Tsss! Palibhasa busog ka na sa kausap mo!"
"Ha? Teka lang..."
Pero hindi na sya kinibo ni Barbie at pumasok na sa loob.
"I'm not done talking to you... may nilu..." Hindi naman na nya natapos ang sinasabi dahil pinasakan na siya ni Barbie ng fried chicken sa bibig.
"Ang daldal mo, kumain ka na nga lang."
Habang nanguya nakatingin lang si Kenny kay Barbie na para bang may inis pero dahil may kinakain sya no comment nalang.
"Nag crave ako sa fried chicken kaya nag order ako eh yung niluluto mo iniwan mo naman paano tayo kakain ng dinner kung hanggang ngayon nasa ref parin at naka marinate pa. Puro ka kasi telebabad sa phone mo."
"May kausap lang akong importante galit ka na naman diyan."
"Tsss! Paki ko naman sa kausap mo? Ang akin lang you made a promise kay Uncle na aalagaan mo ko tapos di mo ko papakainin kasi busy ka sa kausap mo."
"Huh! So ngayon, nanunumbat ka na? Eh kanina nung nasa school tayo sinigawan mo pa ako sa harapan ng mga kaklase natin para lang ibaba ka. Tapos ngayon nagagalit ka kasi wala pa akong na prepare na pagkain mo? Ibang klase! Ano mo ba ko?"
"Kumain ka na nga lang!" At sinubuan na naman nya ng isa pang fried chicken itong si Kenny.
"Ano ba?!"
"Ayoko ng makipag away okay? Sorry kung napahiya kita kanina kaya ayan na bayad na ko kumain ka nalang free yan.
"Sus!!! May burger ba?"
Barbie smirked "oo! Walang cheese yan At hindi spicy."
"Hmm?" Nanlaki ang mga mata nya at napahinto sa pagkain dahil kakaunti lang sa kakilala nya ang nakakaalam na hindi sya kumakain ng cheese at ng spicy.
"Oh bakit? Sa tingin mo ba boplaks ako? Pansin kong ayaw mo ng cheese at spicy galing ko di ba? Kahit di pa nakaka 1year dito dami ko ng alam sayo."
"Tsss! Sure naman akong sinabi yan sayo ni daddy."
"Hoy! Hindi no! Kahit tanong mo pa kay Uncle."
"Tsss!"
"Ah, wait lang..."
"San ka?"
"May kukunin lang ako sa ref."
"Hmm?"
At pagbalik ni Barbie sa dining area "cheesecake? Akala ko ba alam mo Na ayaw ko ng cheese eh ano yan?"
"Bulag ka ba or what? S'mores yan!"
"Eh?"
"Binigyan kasi ako ni Baron nyan kanina nung pauwi na tayo."
"Ano? Galing yan kay Baron?"
"So?"
"Bakit naman tinanggap mo? Kung gusto mo nyan sabihan mo ko! Di yung tanggap ka ng tanggap ng regalo sa iba."
"Aba, bakit wala na ba akong karapatan na makatanggap ng gifts? Kung ayaw mong kumain edi wag mo!" Inilayo nya kay Kenny yung s'mores na binigay sa kaniya ni Baron.
"May sinabi ba ko?" At hinilaya papalapit sa kaniya yung s'mores ni Barbie.
"Tsss! Arte!"
Kinaumagahan...
Katok ng katok si Barbie sa room ni Kenny dahil tanghali na eh di pa ito bumabangon at malalate na sila.
"Hey! Ano na? Mauuna na ko sayo bahala ka!"
THUD!
"Anong nangyare? Ano yung ingay diyan? Ayos ka lang ba?"
"O— Oo..." Sagot ni Kenny na para bang nahihirapan.
"Are you sure? Papasok ka ba?!"
Pero hindi na sumagot si Kenny kaya naman nag alala na talaga itong si Barbie kaya kinuha nya yung susi ng mga rooms.
"Ano ba kasing nangyare sa mokong na yun?" Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng room ni Kenny at nakita nyang namimilipit ito sa sakit habang nasa lapag.
"Hey, what happened?"
"My tooth..."
"Ha?"
"Masakit ang ngipin ko!"
"Duh! Alam kong ngipin yon pero bakit?"
"I... I don't know... basta pag gising ko napaka sakit na."
"Wait, did you...Tsk! Inubos mo yung s'mores no? Katakawan mo yan! Sandali lang ikukuha kita ng gamot and cold compress ilagay mo sa area na masakit."
"Um."
"Just stay still lalo kasing sasakit yan kapag gumalaw ka ng gumalaw kumalma ka kasi para kang bata."
"Oo na po. Pero ang sakit kasi eh..."
"Haysss!!! Intayin mo ko dito pasaway ka!"