Umaga na at tirik na tirik na ang araw ng magising si Barbie dahil hindi s'ya nakatulog ng ayos hindi kasi s'ya sanay ng may katabi bukod sa mommy nyang si Amanda. Dahil nga nasa Quezon Province sila sa isa pang probinsya na kinalakhan ni Kenny kailangang makisama ni Barbie sa pamilya nito. Lakas maka tanan ng sitwasyon nung dalawa na inakala nga din ng mga kamaganak nila Kenny.
"Haysss... pambihira naman!!! Bakit sobrang nakakasilaw naman ang liwanag dine. Sinong nag taas ng kurtina buraot!" Bungad ni Barbie pag ka gising na pag ka gising nya na wala na agad sa mood.
"Ay, sorry naman mahal na prinsesa."
Bumalikwas naman sa pagkakahiga nya ireng si Barbie dahil yung nag salita ay boses ni Kenny.
"A... Anong ginagawa mo dito?"
Inaayos ni Kenny yung kurtina "aba malamang para gisingin ang prinsesa dahil kakain na ho ng almusal nakakahiya naman sayo!"
"Tsss! Epal!"
"Bilisan mo na maligo ka na at kakain na."
"Ayoko! At isara mo yang kurtina tutulog pa ko!"
"Ano?! Gusto mong kaladkarin kita palabas ng kwartong ito?!"
Nahiga namang muli at nag takip ng kumot si Barbie at sinabing "gawin mo kung kaya mo!"
"Ahhh... ganon... sige kung yan ang gusto mo!"
At nag hilahan ng nga yung dalawa sa kumot gang sa na out of balance si Barbie at nahulog sa kama pero nadaganan nya si Kenny.
"Aray!!!!"
"Sorry, nasaktan ba kita?"
"Mag gaganun ba akong reaction kung hinde?! Baliw! Umalis ka nga dyan ang bigat mo!"
"Aba't!"
Hindi naman umalis si Kenny agad at niloloko pa si Barbie.
"Umalis ka dyan!!!!"
Hinahawakan ni Kennybang dalawang kamay ni Barbie "ayaw mo pang bumangon di ba? Edi sige dyan ka mahiga!"
"Alis!!! Bitawan mo ko!!!"
Bragag!
May biglang nag bukas ng pinto dahil nag alala sa ingay na nangyare kanina sa pagka hulog nung dalawa sa kama.
"A— Anong... ginagawa nyo?" Sambit ng mga pinsan ni Kenny na sila Jema at Jeno at sa hindi inaasahan nakita din iyon ni Jed kasi saktong papunta s'ya sa kwarto nya.
"Anong nangyayare dito?" Sambit naman ni Tiya Rosa na kasunod pala ng mga anak nya.
"Ti— Tiya... mag pagpaliwanag po ako." Ang ninenerbyos na sambit ni Kenny na kasalukuyang naka patong parin kay Barbie.
"Umalis ka kasi dyan!" Pabulong na sambit ni Barbiet dali- dali namang tumayo si Kenny.
"Kenny! Mag uusap tayo!" Sambit ni tiya Rosa na para bang nagagalit.
"O— Opo tiya."
"Bilisan mo!"
At dali-dali ngang sumunod sa tiya Rosa niya itong si Kenny samantala kinamusta naman ni Jema ka agad itong si Barbie.
"O— Okay lang ako wala naman kaming ginagawa nahulog lang kami sa kama pero don't get us wrong lagi kasi talaga kaming nag aaway."
Nakatambay naman sila Jed at Jeno sa pintuan ng kwarto nila Barbie.
"Oh... lagi mag kaaway pero close? Ano ba talaga kayo mag asawa? Tsss!"
"Jed!" Pagalit na sambit ni Jeno.
"Ano? I just stating the fact!"
"Kuya, tumigil na nga kayo labas!" Pagalit na sambit ni Jema.
At hinila na nga ni Jeno at Jed papalabas ng kwarto.
"Pag pasensyahan mo na yun ha? Masyadong OA kung mag react."
"Okay lang pero pwede bang mag tanong?"
"Tanong? Tungkol saan?"
"Ahm... curious kasi ako dun sa sinabi mo kahapon."
"Ohh... yung kay Jed at kay Kenny?"
"Um."
"Gusto mo talagang malaman?"
"Um. Kung okay lang?"
"Okay lang naman kaso bumaba na muna tayo kakain na kasi ng almusal."
"Ah... O— Oo sige. He... He..."
Samantala sa labas naman ng kwarto nung dalawa nag uusap sila Jed at Jeno.
"Bisita si Barbie dito kaya umayos ka dyan." Sambit ni Jeno.
Nag patuloy naman sa pag lalakad nya si Jed na patungo sa room nya.
"Masyado kayong OA."
"Tigilan mo yan Jed baka di kita matantsa."
"Huh! Ikaw? Talaga lang ha takot ako."
"Jed!"
"Oh bakit? Pikon ka na? Tsss!"
Kinuwelyuhan naman ni Jeno si Jed sa inis nya dito.
"Wag mo kong angasan Jed hindi mo ko kaya."
"Oh? Talaga? Bakit wag mong sabihin na crush mo yung Barbie."
Sinapak naman ni Jeno si Jed na kinagulat nila Jema at Barbie na saktong kalalabas lang ng kwarto.
"Ku— Kuya... nag aaway ba kayo?!" Sambit ni Jema.
Bad mood na si Jed at pumasok nalang sa room nya at pinag bagsakan niya ang kapatid nya ng pintuan.
"Ah... Ahm... wala yon sige na bumaba na kayo Jema samahan mo si Barbie sa baba."
"O— Oo kuya."
***
Natapos na ang camping week ng AGA at panay masasakit ang katawan ng lahat ng students na participant. Pero si Thew pag kauwi na pag kauwi pinuntahan agad niya si Barbie pero walang nag bukas sa kaniya.
"Barbie? Barbie..."
"Oh? Thew!" Bungad ni Chinchay na papalabas ng bahay nila Kenny.
"Ate Chinchay andiyan po ba si Barbie? Kakamustahin ko lang po sana."
"Ha? Hindi mo ba alam?"
"Po? Ang alin po?"
"Wala sila dito ni Kenny nasa Quezon Province sila doon muna kasi sila ni Barbie sabi ni Kapitan."
"Ho? Bakit po?"
"Ahhh... kasi ngayon lang ako nakabalik. Injured si Kenny di ba? Kaya pinauwi muna sila doon ni Kapitan para may mag alaga sa kanila ni Barbie."
"Pero bakit hindi po sakin sinabi ni Barbie?"
"Ha?"
"Ahm... Ano po sabi ko kailan po sila babalik?"
"Ahh... baka bukas wala pa naman kayo pasok bukas di ba?"
"Opo sa wednesday na po ang balik. Wala pa po ba dyan si Kap?"
"Ah wala dine susunod s'ya doon kila Kenny at Barbie sa Quezon Province."
"Ohh... ganun po pala."
"Oo. May kailangan ka pa?"
"Wala po sige po una na po ako sainyo."
"Sige."
Habang nag lalakad pabalik sa bahay nila itong si Thew tinatawagan niya si Barbie pero hindi s'ya sinasagot nito.
"Barbie pick up you phone! Dang it!!!"
"Kuya?!"
Nagulat si Thew na bumungad sa likuran nya si Daryll ang bunso nyang kapatid.
"Oh... ngayon ka lang nakauwi?"
"Um. Ikaw? Kanina ka pa? Tapos na ang camping nyo kuya?"
Kinuha ni Thew ang bag ng kapatid nya at s'ya ang nag dala nito at nag patuloy sa pag lalakad pauwi sa kanila.
"Halos kararating ko lang sino nga pala ang sumundo sayo? Nasan si Mom?"
"Ako lang po umuwi mag isa kaya ko naman po mag commute tsaka may servic na din ako kuya."
"Oh? Kailan pa?"
"Nung nakaraan lang kuya nga pala, bakit po pala nung nakaraan parang nakita ko sila ate Barbie at kuya Kenny na nasa bahay nila? Di po ba sila kasama sa camping?"
"Kasama, pero nagkataon na may nangyare na aksidente kaya kinailangan nilang umuwing dalawa agad."
"Eh? Kamusta si ate Barbie?"
Sa isip-isip ni Thew "ayos ah, sabi ko yung dalawa ang na aksidente pero ang ate Barbie lang nya ang kinamusta mag kapatid nga kami."
"Kuya!"
"Oh?"
"Sabi ko po kung ayos lang ba si ate Barbie?"
"Ahhh... O— Oo okay lang s'ya galos lang ang meron s'ya si Kenny ang mas na injured."
"Ohhh... nasan po sila? Tara bisitahin natin."
"Wag na muna."
"Saglit lang kuya sige na."
"Di nga pwede."
"Sige na kuya saglit lang naman eh."
"Di nga pwede kasi wala sila sa bahay nila."
"Hmm? Bakit nasan po si ate Barbie?"
"Umuwi sila ng kuya Kenny mo sa Quezon Province."
"Eh?"
"Hayaan mo na nga nextime nalang natin bisitahin si Barbie. Anong gusto mo pizza o icecream libre ko."
"Pwede both kuya?"
"G?"
"G!"
Sa magkaparehong oras naman nag mamaneho ng kotse nya itong si Bruce papunta sa Quezon Province para sunduin sila Barbie at Kenny.
Kausap ni Bruce si Rosa over the phone...
Bruce: Oo papunta ako dyan ngayon. May kailangan lang akong puntahan.
Rosa: Sige mag luluto ako ng paborito mo tumawag ka uli pag malapit ka na.
Bruce: Sige ate.
Rosa: Okay sige mag ingat ka.
Bruce: Sige.
Matapos tawagan ni Bruce ang kaniyang ate Rosa bumaba s'ya sa isang café.
"Good to see again Bruce."
"Anong kailangan mo Emily?"
"Chill, maupo ka muna. Hindi mo ba ako na miss?"
Naupo si Bruce pero wala sa mood...
"Kung wala kang magandang sasabihin tantanan mo ko at ang anak ko."
"Di ka parin talaga nag babago mahal ko."
"Tumigil ka Emily! Alam kong alam mo na wala tayong nakaraan."
"Really? So, saan pala galing si Kenny?"
Tumayo na si Bruce para sana umalis pero hindi nya naituloy dahil sa sinabi ni Emily "kukunin ko na si Kenny."
"Huh! Ano? Kukunin mo ang anak ko?! Huh! Hahahahaha..."
"May pera na ako ngayon kaya ko na syang alagaan isasama ko na rin s'ya sa China dun na kami mag sisimula ng bagong buhay kasama ang asawa ko."
"Huh! Asawa mo? So, may bago ka na naman palang pinakasalan. Umalis ka kung gusto mo pero hinding hindi sasama sayo si Kenny! Naiintindihan mo?!" Then he about to walk out pero na pahinto na naman s'ya dahil kay Emily.
Napatayo na si Emily para pigilan si Bruce "ako ang nanay ni Kenny kaya may karapatan ako sa anak ko!"
"Talaga? Baka nakakalimutan mo kapanganak na kapanganak mo sa kaniya itinapon mo na s'ya sakin na para bang basura na wala man lang halaga sayo! Tapos sasabihin mo na kukunin mo sya? Bakit dahil may pera ka na? Huh! Ayos ka rin eh no? Sa tingin mo ba di masasaktan si Kenny kung malaman nyang buhay ka pa tapos nag tago ka para ipagpalit s'ya sa mayamang lalaki? Yan ba ang gusto mong mangyare?"
"Sabihin mo ng lahat pero kukunin ko ang anak ko!"
"Subukan mo kung kaya mo!"
At tuluyan ng umalis si Bruce pero ang hindi alam nito may nasunod pala sa kaniya.
"Sir, gusto nyo po bang pumasok ako para ma interview yung babaeng kausap ni Principal Bruce?" Sambit ni Asistant Drei habang nasa loob sila ni Director Tang ng kotse.
"No need, kilala ko yung babae."
"Po?"
"S'ya yung babaeng nabuntis ni Bruce."
"Po? Nabuntis ni Principal Bruce?"
"Oo isang aksidente lang ang lahat pero hindi ako sigurado kung s'ya ba ang nanay ni Kenny."
"Pero hindi po ba patay na ang nanay ni Kenny? Yun rin po ang nakasaad sa birth certificate nito."
"Oo pero alam mong pwede yung mabago at kilala ko si Bruce gagawin nyang lahat para sa mahal nya at kung yung babaeng yon ang magiging susi para makuha ko si Barbie we need to talk to her."
"Ngayon na po?"
"No, just stick to the plan sundan natin si Bruce. Kumuha ka ng tao para sundan yung babaeng kausap ni Bruce kanina at siguraduhin mong may malalaman ka ngayong araw na ito."
"Opo Sir."