Gabi na ng makauwi sila Kenny at Barbie at lulan sila ng kotse ni Thew.
"Salamat sa paghatid samin dito." Ang sambit ni Kenny na nasa front seat pero hindi s'ya pinansin ni Thew na ginigising si Barbie.
"Bie, gising na andito na tayo." Ang sabi ni Thew kay Barbie na nasa backseat na tulog na tulog.
"Ako ng bahala sa kaniya."
Bumaba si Kenny sa kotse at binuksan ang pintuan sa may backseat at binuhat si Barbie di nya alintana ang sugat n'ya sa may batok pati na rin ang likuran nyang nasaktan kanina sa pagkakabagsak ng cabinet na sinalag n'ya para hindi masaktan si Barbie.
Bumaba rin naman agad ng kotse si Thew at hinarangan si Kenny "anong gagawin mo sa kaniya?! Ibaba mo s'ya!"
"What?! Are you blind?! Nakikita mo na ngang tulog yung tao at nasa bahay na kami anong gusto mong gawin ko?!"
"Ibaba mo s'ya! Ako ng mag bubuhat sa kaniya."
"No need, teritoryo ko ito kaya ako ng bahala sa kaniya." Nilagpasan n'ya si Thew na may kasamang masamang tingin pero pinigilan na naman s'ya nito.
"I said let her go!!!"
Nagising naman si Barbie sa medyo may kalakasang sigaw na iyon ni Thew "mmm? Nasa bahay na ba tayo?
"Yeah, at nakatulog ka." Sagot ni Kenny at nag palinga linga naman si Barbie at nagulat siyang buhat-buhat s'ya nito.
"A— Anong...."
"Don't move, baka malaglag kita."
"I— Ibaba mo nalang ako kaya ko namang mag lakad."
"No, hindi mo kaya na sprained ang ankle mo kaya ihahatid na kita sa kwarto mo."
Di naman na nakapag salita si Barbie dahil naalala n'ya yung nangyari kanina. Kaya nag patuloy na si Kenny na buhatin s'ya papasok ng bahay nila.
"Paki sara nalang ng gate pag alis mo." Ang sabi ni Kenny sa walang kibong si Thew na pinagmamasadan lang yung dalawa.
Napalingon naman si Barbie kay Thew "thanks sa pag hatid Thew."
"Wa— Walang anuman..."
"Kita kits nalang bukas."
"Oo sige..."
Nag wave si Barbie habang papasok sila ni Kenny sa loob.
Kenny smirked at Thew before he close the door.
"Dami it!" Ang inis na inis na sambit ni Thew.
"."
Mga ilang oras pa ang nakalilipas umuwi ng nakainom si Thew sa bahay nila at si Daryll ang bunso nyang kapatid ang nag bukas ng pinto.
"Ku— Kuya?!"
"Yow!"
Di naman makalakad ng ayos si Thew kaya dali-dali namang nag approach si Daryll para alalayan ang kuya nyang lasing.
"Bayan kuya, ang baho mo."
"Shinong mabaho? Ikaw? Shabi ko naman kasi sayo maliligo ka madyalash..." Sagot ni Thew na may pa lasing-lasing na accent.
"Haysss... ako pa ngayon ang mabaho kainis ang bigat mo kuya. Pasalamat ka at wala si mommy at daddy sa bahay."
"Oh? Anong nangyare sa kuya mo?" Ang bungad naman ni Unice na nasa loob ng bahay nila Thew na inatasang mag bantay kay Daryll.
"Di ko alam ate pero mukhang nakainom at ang bigat nya tulong naman diyan."
"Ay, oo nga sorry." Ibinaba muna ni Unice ang bucket ng popcorn nya at tinulungan si Daryll na alalayan si Thew at inihiga nila ito sa sofa doon sa sala.
"Hayssss... ang bigat pakiramdam ko kumalas ang shoulder ko sa arms ko."
"Wow ate, nakakahiya naman sa maliit kong katawan."
"Hehe... anyways, ano namang problema ng kapatid mo at nag lasing? Ulaga ba sya? Buti nalang wala dito ang parents nyo kung hindi malilintikan talaga sya."
Naupo naman sa kabilang side ng sofa si Daryll na umupo at sumandal "hindi ko rin alam pero ate wag mo nalang sana sabihin kila mom and dad. Pangako di ko rin sasabihin na ikaw ang nakabasag ng isang baso ni mommy."
"Ha... Ha... Ha... oo naman quiet lang ako. Ha... Ha... Ha..."
"Thanks ate."
Ngumiti ng awkward si Unice at pabulong biking "ibang klase, pinsan ko nga ang bubwit na ito. Mas matalino sya kesa sa kuya Thew nya na puros bola ang alam."
"Ate Unice?"
"Ha? Bakit?"
"Ang sabi ko kung may alam ka kung bakit nagkakaganyan si kuya."
"Ha? Wa— Wala pero baka si Kenny meron mag kaklase sila di ba? Gusto mo ba tawagan ko?"
"Hindi na, mukhang alam ko na kung bakit nag lasing itong zsi kuya Thew."
"Hmm?"
"Alam naman natin na di nag iinom si kuya dahil wala pa sya sa legal age at higit sa lahat alam ni kuya na kagagalitan sya ni mom lalong lalo na si dad."
"Oo nga, ano naman kaya go nasa isip ng lukong yan at nag inom."
"Heartache."
"Ha?"
"Simula ng nakilala ni kuya si Barbie nag bago sya. Lahat ng di ginagawa ni kuya noon kabaliktaran ng nangyayare ngayon."
"Sandali nga ano bang gusto mong palabasing bata ka? Don't tell me si Barbie ang pinagbibintangan mo kaya nagkakaganyan ang kuya mo?"
"Nope, I'm just saying na nag bago si kuya dahil kay Barbie."
Kinutusan naman ni Unice si Daryll "aray! Ate naman."
"Maka Barbie ka kala mo close kayo and fyi lang mas matanda sya sayo kaya umayos ka dyan."
"Di nga kami ganoong close kaya I called her Barbie."
"Aba't ikaw bata ka..."
Umiwas naman si Daryll kay Unice na balak na naman syang kutusan.
"I know her but not her history and I like her for my kuya."
"A— Ano?!"
"Aha, kung yang si Barbie ang magpapatino sa pilyo kong kuya gagawa ako ng paraan para maging sila in the future."
Kinutusan na naman ni Unice si Daryll ng di nito inaasahan "ano naman?!!!"
"Tahimik! Matulog ka ng bata ka gabi na."
Daryll smirked "pano si kuya dyan nalang sya?"
"Ako ng bahala sige na umakyat ka na sa kwarto mo at matulog."
"Okay sabi mo eh."
Pag taas ni Daryll ikinuha ni Unice si Thew ng kumot "hayssss... inom pa more. Pambihira ka Thew ano bang iniisip mong kupal ka?!"
Naglikot at na hulog si Thew sa sofa.
"Hayssss... bahala ka dyan napaka likot mo."
Di na nga itinaas ni Unice si Thew sa sofa pero kinumutan nya ito "ano na ngayon ang gagawin mo Kenny? Mukhang parehas na naman kayo ni Thew na hulog sa iisang babae."
Kinabukasan sa AGA...
Dumating si Gaile na may nagkukumpulan ng mga tao sa entrance gate ng AGA kaya naki chismis rin sya...
"Eh? May mga pulis sa loob? Bakit ano bang nangyayare?"
Dumating na rin pala doon si Uno at nung nakita nya si Gaile tinawag nya ito "hanep ah ang aga mo pre."
"Aba syempre, pero bakit pala di ka kasama sa loob? Balita ko ikaw raw ang kasama ni Pres. Jemie kahapon."
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
"Well, nabalitaan ko lang na may kasama si Jemie na nakarinig nung pinaplano ng grupo ni Ronmar sila rin kasi ang may kagagawan ng pag sabog ng lpg tank dun sa booth nila Thew."
"Teka, you mean... sila Ronmar nga ang may kagagawan sa pangyayare kahapon?"
"Um. Bakit di mo alam?"
"Sinabi ba ni Jemie kung sino ang kasama nya ng marinig nya yung pinaplano nila Ronmar?"
"Hinde, pero alam kong ikaw yun. Tama ko di ba?"
"Sige dyan ka na." At iniwan na nga nya si Uno.
"Hoy, san ka pupunta?"
"Sa likod! Wag kang susunod kung ayaw mong sapakin kita."
"Hoy!!! Gaile!!!"
Habang natakbo tinatawagan ni Gaile si Jemie pero di sya sinasagot nito.
"Lintek! Bakit di sumsagot ang bwiset na yon? Malilintikan talaga sya sakin pag wala syang maipakitang katibayan na sila Ronmar talaga ang may kagagawan ng kahapon. Bwiset ka Jemie!!!"
Samantala,
Papaalis na sana si Barbie para pumasok sa AGA ng makita nyang nasa labas pa si Kenny na nag pupunas ng kaniyang motor.
"Bakit nandito pa rin ang tukmol na ito." Ang pa bulong-bulong na sambit ni Barbie na papilay pilay mag lakad at di pinansin si Kenny.
"You'r not going anywhere."
Napahinto naman si Barbie "anong pinagsasabi mo? May pasok kaya papasok na ko bahala ka sa buhay mo." Nagulat naman siyang bigla nalang siyang binuhat ni Kenny. "Ano ba?! Ibaba mo ko!"
"Tumigil ka nga! Sprained pa rin yang paa mo kaya wag kang makulit isasabay na kita!"
"Ayoko! Ibaba mo ko. Hindi ako sasabay sayo!"
"Umayos ka! Kagabi mo pa ko di pinapansin ako na nga ang tumutulong sayo nag iinarte ka pa!"
"Ibaba mo ko!!!"
"Heh!"
Dinala ni Kenny si Barbie sa motor n'ya at iniupo "ayoko ngang sumabay sayo!"
"I said heh! Darating si daddy mamaya ayokong mapagalitan n'ya ako dahil na sprained ka!"
"Huh! So its all about na naman pala kay uncle."
Inilalapit ni Kenny ang mukha n'ya kay Barbie "bakit, ano bang gusto mo hindi ba yun naman ang gusto mong marinig dahil hindi mo ko tinuturing na kaibigan na ang parati mong sinasabi ay ginagawa ko lang ng lahat ng ito dahil para sa papuri ni daddy then... so be it! Magiging concern ako sayo for the sake of my father."
Barbie look away "wag kang mag alala hindi kita sisiraan kay uncle."
Naging bad mood naman bigla si Kenny at iniabot ng basta nalang yung helmet kay Barbie "isuot mo at wag kang malikot."
Barbie smirked "sungit!"
Sumakay na rin naman si Kenny at isinuot ang kaniyang helmet "kumapit ka aalis na tayo."
Di naman alam ni Barbie kung san s'ya hahawak dahil ibang motor ang gamit ngayon ni Kenny "kapag sinabi kong humawak ka humawak ka!"
Nagulat si Barbie sa ginawa ni Kenny sa kaniya dahil hinila nito ang kamay n'ya na para bang naka back hug s'ya rito "a—anong..."
Kenny secretly smiled "higpitan mo ang hawak mo sakin baka mahulog ka pa."
At humarurot na nga si Kenny sa pagpapatakbo ng kaniyang white big bike na bagong bili ng daddy n'ya na bibihira n'ya lang ginagamit at gaya ng isang motor n'ya si Barbie rin ang kauna unahan niyang isinakay dito. "AHHHHH.... Dahan-dahan naman!!! Ayoko pang mamatay!!! KENNY!!!"
Hinawakan ni Kenny ang kamay ni Barbie na sobrang higpit ng pagkakayakap sa kaniya dahil sa takot "don't worry I'm not giving you a permission to die but I'm giving you a chance to hug me so tight."
Barbie bump her helmet to Kenny's helmet then she shout out loud "YOU PERVERT!"
"Ayos lang hindi naman ako ang nakayakap ikaw so you're the pervert."
"IKAW!!!" Binitawan n'ya si Kenny pero hinila s'ya ni Kenny ng mabilis.
"Don't be so silly! Umayos ka baka mahulog ka!"
"Lemme go!"
Hinawakan naman s'ya ni Kenny ng mahigpit at sinabing "NO! Hinding hindi ako papayag na mahulog ka sa iba."
"What the... heck?!"
"Basta! Kumapit ka lang sakin dahil hindi ko hahayaang mahulog ka..." nag pause s'ya ng saglit at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Barbie "sa iba..." dagdag pa n'ya pero pabulong ngunit narinig iyon ni Barbie.
"Ba— Baliw ka..." pabulong n'ya ring sambit na di na nasundan ng kung ano pang mga salita ay hinayaan n'ya lang si Kenny na hawakan s'ya kaya naman yumakap nalang s'ya dito ng mahigpit.
Nang mga oras na yon nakaramdam si Barbie ng kakaibang feeling na para bang gugustuhin nyang tumigil muna ang oras ng mga sandaling iyon. Ang bilis ng tibok ng puso n'ya na hindi n'ya malaman kung bakit... dahil sa unang pagkakataon nakaramdam s'ya ng pagka kampante sa taong hindi n'ya inaasahang poprotekta sa kaniya. Ang mga sandali ring iyon ang unang yugto ng paunti unting pag bukas ng puso n'ya para kay Kenny.