webnovel

Chapter 12: New Friend Turns to Enemy

"Magandang Umaga Class…" Ang sambit ni Ma'am De Leon teacher nila Barbie sa Filipino subject nila.

"Ma'am totoo po bang nakulong si Sir Baysan kahapon?" Ang tanong ni Quinley ang class monitor sa klase nila Barbie.

"Oo, totoo yon sa katunayan si Ms. Barbie pa ang naka huli sa kabalastugan ni Baysan. Kaya palakpakan nyo ang ating magiting na transfer student na si Barbie Zamora sa kaniyang katapangang ipanamalas."

At humanga naman kay Barbie ang buong klase at pinalakpakan sya maliban sa mga kababaihang kinaiinggitan sya na pinamumunuan ni Ellaine.

"Tsss... So what?" Ang naiinis na sambit ni Ellaine.

Nahihiya naman si Barbie kaya awkward ang pag ngiti nya "akalain mo isa pang transfer student ang maglalakas loob na labanan si Sir Baysan?" Ang sabi naman ni Uno kay Kenny na nag babasa ng libro. "Bro, hindi ka ba proud sa kaklase natin? Tignan mo si Thew parang close na close na sila ni Barbie ah." Dagdag pa ni Uno at pa simple namang sumulip si Kenny sa dalawa ni Barbie at Thew.

"Tigilan mo na si Barbs, hindi naman sya nanalo sa Olympics para itaas mo pa ang kamay nya." Ang sabi naman ni Gaile at hinila nya ang kamay ni Barbie sa pag kakahawak ni Thew.

"Ganyan ako ka proud sa kaniya."

"Tsss…ano ka naman nya tatay?"

"Haysss…kahit kailan talaga bully ka Gaile."

"Bleeh…"

"Shhh…tigilan nyo na nga yang dalawa nakatingin na sa inyo si Ma'am nag sisimula na ang klase."

"Si Gaile kasi."

"Ano? Ikaw kaya."

"SHHHH…quiet na mag focus kayo sa lesson natin at mamaya mag bibigay ako ng quiz."

"Yes Ma'am." Ang sagot naman ng buong klase.

Napahawak naman si Barbie sa ankle nya na namumula na kaya napansin rin iyon ni Kenny na pa simpleng natingin.

"Sabi ko naman kasi sa kaniya bubuhatin ko nalang sya ayaw pa nag iinarte pa kasi." Ang pa bulong-bulong na sambit ni Kenny at naka agaw naman yon ng atensyon ni Uno kaya kala nito ay kinakausap sya ni Kenny.

"Mr. Valdez anong ingay yan?" Ang pa galit na tanong ni Ma'am De Leon kay Uno.

"So—Sorry po Ma'am."

"Sinasabi ko sa inyo kapag kayo hindi naka sagot mamaya sa quiz pati ang long test nyo sa next week lalagyan ko ng minus. Nag kakaintindhan ba tayo class?"

"Yes Ma'am." Sagot ng buong klase.

***

Inaatay ni Barbie si Gaile sa tambayan nila doon sa malaking puno na may upuan na nakapalibot ng biglang may babaeng papalapit sa kaniya.

"Wow…" Ang naging reaction ni Barbie sa babaeng papalapit sa kaniya dahil para itong anghel sa kaniyang ka gandahan makinis ang balat, mahaba ang buhok na kulay black na straight at naka black highcut na shoes at black socks na medyo mahaba.

"Hi…can I sit here?"

"….O---Okay lang."

"Are you the one na nag pa kulong kay Sir Baysan?"

"Ha?"

Natulala lang si Barbie sa kagandahan nung babaeng estudyante na halos kasing edad nya lang "ahm… by the way ako nga pala si Yveth."

"Y…Yveth?"

"Um. Ikaw? Anong pangalan mo? Ikaw yung sinasabi nilang transfer student right?"

"O—Oo…ahm…A---Ako si Barbie." At iniabot nya ang kamay nya at nakipag kamay naman sa kaniya itong si Yveth.

Sa isip-isip naman ni Barbie "ang lambot ng kamay nya parang bulak."

Napatingin naman si Yveth sa baong pagkain ni Barbie "wow…is that a bento box?"

"Ah? O—Oo gusto mo?"

"Can I try?"

"O—Oo naman sige eto oh."

At ibinigay nga ni Barbie yung kanyang baong bento box na gawa ni Chinchay.

"Wag mo bigay saking lahat diet ako eh."

"Ohh…Si---Sige… kuha ka lang."

Tumikim naman si Yveth ng java rice at ang ulam ni Barbie ay chicken curry na may design na parang minions ang kaniayng bento box.

"Mmm…ang sarap."

"Ta—Talaga?"

"Oo… did your mom cooked it for yah?"

"Ahm…hindi yung cook namin sa bahay wala kasi samin ang nanay ko."

"Ohhh… I see. Bakit? Where's your mom?"

"Ah…nasa Manila eh may inaasikaso."

Sa isip-isip ni Barbie "kahit nakain na sya ang ganda nya parin napaka dalagang Filipina nya ngumuya."

"My mom is also there too may business kasi ang family namin don. Ay, nako ako pa pala ang naunang kumain ng baon mo. Sorry."

"Ha? No… It's okay lang naman hindi pa naman ako nagugutom."

Pero sa totooo lang kanina pa sya nagugutom inaantay nya lang kasi si Gaile na nabili ng pagkain dahil wala itong baon.

"Really? Pero lunch na kaya you need to eat. Say "ah" susubuan kita."

Napalunok naman sa gulat si Barbie "su—subuan?"

"Ay, laway conscious ka ba?"

"Ha? Nako, hindi naman."

Sa kaba niya sya na ang nag subo ng iniscoop ni Yveth para sa kaniya "silly… ang cute mo naman pala."

Bigla namang namula ang mukha ni Barbie at na choke "a—ayos ka lang?"

"Cough…"

Binuksan naman ni Yveth ang dala nyang water bottle at ibinigay kay Barbie para makainom.

"Cough…maraming salamat." Halos maubos nya yung laman ng tubigan ni Yveth.

"No worries…"

At ang hindi alam ni Barbie may pampatulog ang tubig na ibinigay sa kaniya ni Yveth.

"Hmm? Bakit parang naikot….ang…" at tuluyan na ngang nawalan ng malay ang kaninag energetic na si Barbie.

Kinuha naman ni Yveth ang phone nya sa bulsa ng palda at may tinawagan "yah, she fall asleep na here sa old na tree here sa Academy the one that malapit sa likod ng library."

Ang hindi naman alam ni Yveth nakita siya ni Gaile…

"Bakit nandun si Yveth? Kailan pa sila nag kakilala ni Barbie? And…bakit parang walang malay si Barbs…anong ginawa nya?"

Pupuntahan nya sana si Barbie ng nakita nya na papalapit kay Yveth si Ellaine at ang alipores nito "I knew it! Planado ang lahat ng ito…kailangan kong sabihan si Thew…" pupunta na sana sya sa field kung saan nag papapractice si Thew pero hindi sya tumuloy dahil nakita nya si Kenny na kasama si Uno na nag lalakad papuntang library kaya dito sya lumapit.

"Oo nga, may binabalak ang mga kulto mo kay Barbie."

"Ano?"

"Wait, kung si Yveth ang kasama ni Ellaine…. Eh riot nga yon bro kawawa naman si Barbie."

"Ano naman ngayon?"

"Ano?! Anong ano naman ngayon? Hindi ba ikaw ang na atasan ng mga teacher na mag supervise kay Barbs kaya responsibility mo sya."

"Bro, tama si Gaile baka kung ano nga ang gawin ng mga kababaihang yon kay Barbie."

"Bahala kayo kung gusto nyo syang tulungan bakit di kayo pumunta sa SC kay Jemie kayo pumunta at wag sakin. Dahil hindi naman ako baby sitter ni Barbie."

At iniwan na nga nito yung dalawa "wala ka talagang puso Kenny!!!" Ang na gagalit na sambit ni Gaile.

"Well, hindi mo rin naman kasi sya masisisi after all tinanggihan ni Barbie si Kenny na i-supervise sya nito kaya hindi nya reponsibilidad si Barbie kung meron man sa pag aaral lang yon at labas na yung bullying ng mga kababaihang yon."

"Huh! Mag sama kayong dalawa! Parehas kayong walang puso. Mga bwiset!"

"Hoy! Grabe ka naman ang hilig mo kasing maki join sa problema ng iba kaya ka nag kaka ganyan kung ako sayo pabayaan mo nalang si Barbie after all hindi lang naman si Barbie ang binully nila Ellaine at Yveth dito sa campus."

"Ewan ko sayo! Wala akong mapapala kung ikaw lang ang kakausapin ko! Diyan ka na duwag!"

At iniwanan na nga ni Gaile si Uno "GAILE!!!! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos!!!"

Pero ang hindi alam nung dalawa gumawa na ng paraan itong si Kenny nag text sya kay Jemie at hindi nag pakilala.

"Unknown number?" Ang sabi ni Jemie habang nasa cafeteria kasama ang dalawa pa sa niyang member sa student council na sila Carmie ang treasurer at si Manix ang peace officer,

"May problema?" Ang sabi ni Manix.

"May nag text kasi sakin na unknown number."

"Anong sabi?" Ang sabi ni Carmie at kinuha ang phone ni Jemie "sino yung Barbie?"

"Barbie? Hindi ba yun yung newbie dito na tumapos sa kalaswaan ni Sir Baysan?" Ang sabi naman ni Manix.

"Oo sya nga pero bakit may mag tetext sakin na nasa panganib raw si Barbie?"

"Eh bakit hindi natin tignan? Baka mamaya nga pinag titripan ng mga kababaihang ito ang kaawa awang newbie na yon?" Ang sabi naman ni Carmie.

"Pasaway talaga ang grupo nyang sila Ellaine at Yveth palibhasa mga spoiled brat at leader pa ng fans club nila Kenny at Thew." Ang opinion naman ni Manix.

"Bilisan nyo pumunta na tayo sa likod."

"Yes President." Ang tugon nung dalawa."

Naka salubong naman nung tatlo si Gaile at sinabi nitong sya mismo ang nakakita kay Yveth at Ellaine na mag kasama habang walang malay si Barbie.

"Ganito mag hiwa-hiwalay tayo libutin nyo ang buong campus tiyakin nyong wala kayong mamimiss na place."

"Yes President." Ang sagot nung tatlo kay Jemie.

"Carmie, ipatawag mo muna lahat ng kaklase nating student council member wala pa naman tayong klase kaya tumulong kamo sila sa pag hahanap kay Barbie."

"Okay!"

"Manix and Gaile gaya ng sinabi ko kanina ikutin ang buong campus at kapag may na mataan kayong kahinahinala o kapag nakita nyo si Barbie tawagan o itext nyo ako. Nag kakaintindihan ba tayo?"

"Yes President."

"Okay, move."

Samantala busy naman sa pag babasa itong si Kenny ng libro sa may library…

"Bro, hindi ka ba naaawa kay Barbie?"

"Why do you say so?"

"Na isip ko lang kasi yung sinabi satin ni Gaile."

"Na ano?"

"Na wala daw tayong puso."

"Huh! Silly, paano naman tayo nawalan ng puso eh buhay pa tayo at nahinga."

"Bro naman napaka logic mo naman eh naisip ko lang kasi na newbie lang naman si Barbie dito tapos na bubully na kawawa naman sya ka bago-bago nya lang eh baka isipinin nun mga bad lahat ng students dito sa AGA."

"Bakit hindi mo tinulungan?"

"Ehhh…ikaw kasi."

"Anong ako?"

"Bro, una ang cute ni Barbie para i-bully."

Kenny smiked "cute? Yon? Huh! Mukha nga syang tuko kapag natatakot sya sa kulog."

"Ha? Tuko? Kulog? Bakit nakita mo na ba syang na takot sa kulog?"

Nalimutan ni Kenny na hindi alam ni Uno ang siketo nila ni Barbie "cough... ahm…ano… mukha namang takot sya sa kulog halos lahat naman ng babae takot dun di ba? Na predict ko lang…oo ganun nga. Ha…ha…ha…"

"Well, yung kapatid ko ngang si Callen iyak ng iyak kagabi ang lakas ba naman ng kulog."

Matapos sabihin ni Uno yung kagabi naalala ni Kenny na sprained ni Barbie ang paa nito "haysss….kaninis…sige na mauna na ko sayo."

"Ha? Saan ka pupunta?"

"Kita nalang tayo bukas."

"Kenny!!!"

At tuluyan na ngang na iwan na namang mag isa itong si Uno sa library "saan na na naman ba sya pupunta? Parang nalilimit ang pag ka busy nya tuwing pa uwi na… Eh? May afternoon class pa kami nalimutan nya ba? Haysss…ewan bahala na nga sya makabalik na nga ng classroom at baka ma late pa ako."

Siguiente capítulo