Nang makapunta si Barbie sa library wala na doong mga estudyante at kahit si Ms. Aine ay wala na rin.
"Hmm? Bakit wala na agad si Ms. Aine dito?"
Sanay si Barbie na nag papaalam pa sa kaniya si Ms. Aine bago ito umuwi pero nung araw na yon hindi nag paalam sa kanya ito.
"Andito ka na pala." Ang sabi ni Sir Baysan na sumulpot sa likuran ni Barbie.
Biglang layo naman si Barbie kay Sir Baysan "Si---Sir…"
"Na gulat ka ba? Halika maupo ka."
Sa isip-isip ni Barbie "mukhang may binabalak ang gurang na ito." Kaya na upo sya sa katapat lang ni Sir Baysan at hindi na upo sa tabi nito.
"Mag simula na tayo Sir."
"O—Oo sige. Open your book to the page 70."
Barbie smirked and she thought "kala ata ng gurang na ito maiisahan nya ko."
Sa mag kaparehong oras naman pauwi na si Thew ng may narinig sya ng usap-usapan ng kaniyang teammates.
"Oo pre narinig ko na may kikitain na isang estudyante si Sir Baysan sa library."
"Mukha talagang hindi natatakot ang gurang na yon."
"Balita ko nga yun yung transfer student na parati raw sa library kasi may extra class raw kapag uwian na."
"Ano yon?" Ang pakisingit na sambit ni Thew.
Lumapit sila ni Niro dun sa dalawang ka teammates nila "sino yung pinag uusapan nyo?" dagdag pa nya.
"Yung transfer student mukhang kursunada ni Sir Baysan."
"Pre, hindi ba yung Barbie ang transfer student? Na kaklase mo? Hindi ba nanliligaw ka don?" Ang sabi ni Niro.
"Nanliligaw? Sinong may sabi nyan?"
"Di ba guys yun ang balita dito sa buong campus marami kasing nakakita na buhat-buhat mo sya kanina papuntang clinic."
"Oo kanina nga yon pero hindi ko sya nililigawan."
"Oh? Pero mukhang mauunahan ka na ni Sir Baysan kung kursunada pala ito nung gurang na yon."
"Kursunada?"
"Oo hindi mo ba alam yung tawag kay Sir Baysan?"
"Hinde bakit?"
"Isa syang pervy sage di ba guys?"
"Yeah…mahilig syang manilip sa cr ng mag babae." Ang sagot nung dalawa kanina na nag uusap about kay Barbie at kay Sir Baysan.
"Sandali nga hindi ko kayo maintindihan."
"Sa madaling salita manyak ang teacher na yon kung hindi alam yon ni Barbie lagot sya." Ang sabi ni Niro.
"Ano?!"
"Bro, manyak ang teacher na yon pero walang ibidensya na nakukuha yung mga biktima nya kaya hindi na kukulong ang gurang na yon."
"Hindi pwede kung kasama nya si Barbie…" hindi na nya tinapos ang sinasabi nya at nag tatakbo na papalabas ng locker room nila.
"Thew san ka pupunta???!!!" Ang pahabol na sambit ni Niro.
Mabilis na tumakbo si Thew pa tungong library dahil nag aalala sya kay Barbie "Bie…please be okay." Aniya habang natakbo.
***
Nagluluto ng hapunan si Amanda sa hotel kung saan sila ni Bruce na nunuluyan habang nasa Manila sila ng biglang dumulas sa kamay nito ang baso at nabasag ito.
"Anong nangyayare?" Ang nag aalalang sambit Bruce na naka bihis pambabae pa at naka wig.
"Bigla kasing dumulas sa kamay ko yung baso." At tinangka nya pang pulutin yung mga bubog ng baso.
"Oh, wag na ako na ang mag wawalis nyan baka masugatan pa ang kamay mo maupo ka na nga muna."
"Sorry best…"
"It's okay bayad naman yan."
At winalis na nga ni Bruce yung basag na baso at napansin nyang balisa si Amanda "ayos ka lang ba?"
"Hindi ko mawari pero bigla akong kinabahan."
"Hmm? Bakit naman?"
"Sandali lang tatawagan ko muna si Barbie baka kasi kung ano ang nangyare sakaniya."
"Best. Wag kang mag alala ibinilin ko sya kay Kenny at hindi nya pababayaan ang anak mo."
"Pero kasi hindi talaga ako mapakali."
"Okay sige gamitin mo na yung phone ko para tawagan si Barbs."
"Um."
At kinuha naman ni Amanda ang phone ni Bruce at dali-dali nyang tinawagan ang anak kaso hindi nya macontact ito.
"Oh? Sumagot na ba?"
"Cannot be reached best eh."
"Ahhh…baka naman naiwan nya yung phone nya sa bahay o baka lowbat sige tawagan mo si Kenny sasagot yon."
Tinawagan nga ni Amanda si Kenny pero ang sumagot ay si Chinchay "hello? Kenny?"
Chinchay: Ma'am Amanda?
Amanda: Oo ako nga ito bakit ikaw ang sumagot?
Chinchay: Ay, naiwan po ni Sir ang phone nya dito sa sala.
Amanda: Ahhh…ganun ba nasan siya?
Chinchay: Ang sabi nya po susunduin nya si Ma'am Barbie.
Amanda: Bakit wala pa si Barbie dyan? Mag 6pm na.
Chinchay: Hindi ko po alam eh pero nabanggit po sakin ni Ma'am Barbie na may extra class po sya kapag hapon kaya minsan lagpas na po ng 6pm sya nakakauwi.
Amanda: Ah... ganun ba sige salamat.
Nang matapos kausapin ni Amanda si Chinchay ibinalik nya ang phone ni Bruce at ikinuwento ang napag usapan nila dito.
"See, sabi ko naman sayo si Kenny na ang bahala kay Barbie na pag usapan na namin yan."
"Pero parang may mali kasi…"
"Alam mo wag kang masyadong mag alala kahit naman di sila mag ka sundong dalawa kilala ko si Kenny hindi nya hahayaang mapahamak si Barbie. Dahil takot yon sakin."
"Sige, sana lang talaga ayos yung dalawa."
"Oo wag ka ng mag alala nga pala bagay ba sakin ang wig kong curly okay naman di ba ang blonde color?"
"Um. Bagay sayo best sabi ko naman kasi sayo mag out ka na."
"Alam mo namang hindi pwede baka itakwil ako ng buong Brgy. Sinukuan lalong lalo na ni Kenny."
"Well, you have a point naman pero kung itakwil ka man ng lahat hinding hindi kita iiwan andito lang ako parati para sayo."
Hinawakan naman ni Bruce ang kamay ni Amanda "ahhh…ang sweet mo talaga best sana lang balang araw matanggap ako ng anak ko at ng buong baranggay."
"Wag kang mag alala tutulungan kita."
"Salamat best."
"No worries best ikaw pa ba? Nako naman para na tayong mag kapatid kaya suportado kita."
Samantala sa AGA…
Halos sabay na dumating si Kenny at Thew sa may library ng makita nilang ayos lang pala si Barbie "Thew? Bakit nandito ka?"
Sa isip-isip naman ni Kenny "andito rin kaya ako."
Lumapit naman agad si Thew kay Barbie at chineck agad nya ito "wala bang masakit sayo?"
"Wala?"
Napansin naman ni Kenny na may parang na ungol sa may gilid ng mga stante ng mga libro at nakia nyangt nandoon si Sir Baysan at may tape ang bibig nito at nakatali ang kamay at paa "Sir?"
"Anong nangyayare?" Ang sabi ni Thew at tinignan rin nya rin ang sinisilip ni Kenny.
"Dapat lang yan sa manyak na yan buti nga yan lang ang ginawa ko sa kaniya." Ang sasabi ni Barbie habang papalapit.
"Anong ginagawa mo?" Ang sabay sambit nila Kenny at Thew at nag katinginan pa sila dahil sabay pa sila ng sinabi nito.
"I got the evidence." Ang sagot ni Barbie at ipinatong nya pa ang paa niya sa likuram ni Sir Baysan dahil naka handusay ito sa sahig at nakatali ang paa at kamay habang ipinakikita nya kay Sir Baysan yung video sa phone nya kung paano sya hinaras nito. "sa kulungan ang bagsak mong gurang ka." Dagdag pa nya at na tameme naman yung dalawa sa kaniya.
"Oh? Ano pang hinihintay nyo? Tumawag na kayo ng pulis" Ani Barbie pag lingon nya dun sa dalawa na nakatulala lang.
"Ah…O---Oo eto na nga." Ang nauutal utal pang sambit nila Kenny at Thew.
Bumalik naman sa pag kakaupo nya si Barbie at bumalik sa pag susulat lumapit naman sa kaniya si Thew.
"Pwedeng tumabi?"
"Um."
"Ahm… papunta na daw ang mga pulis…ano nga palang nangyare?"
"Ah…nabanggit kasi sakin ni Gaile na mayak na daw yang si Sir Baysan kaya naman ahead of time gumawa na ko ng plano."
Ang nangyare kanina…
Bago pa man dumating si Sir Baysan sa library na una na doon si Barbie para i-set up ang camera ng phone nya kung saan kita ang buong anggulo kung saan sya pupwesto.
"Ayos, kailangan ko nalang kumuha ng tali at tape para ready na ko."
Humingi sya ng tali sa maintenance ng school nila at duck tape na rin tapos bumalik sya sa library para umarte na kararating nya lang doon kahit nakita na nya si Sir Baysan na unang dumating bago sya.
"Ah, Si---Sir andito na po pala kayo."
Gaya ng plano doon sya pumwesto kung saan niya inilagay yung phone nya para mag record ng video.
Nag simula naman ng gumawa ng moves si Sir Baysan lumapit at tumabi na sya kinauupuan ni Barbie.
"Mabilis kang matuto…" Ang sabi pa ni Sir Baysan at inakbayan nya pa si Baribie at may pag himas rin ito sa braso.
"Salamat po…" Ang nahihiya pang sambit ni Barbie at tinatabig nya ang kamay ni Sir Baysan sa kankiyang braso.
"Kung gusto mo…" ipinatong nya ang malilikot nyang kamay sa kanang hita ni Barbie.
"Sir, ano pong ginawa nyo?"
"Transfer student ka kaya mahihrapan ka ng makahabol kung ako sayo may alam akong paraan para mapabilis ang pag habol mo sa subject ko at sa iba mo pang subjects basta ba…" patuloy nyang hinihipuan si Barbie sa binti at tinangka nya pa itong halikan.
"Manyak!" Ang pagalit na sambit ni Barbie at sinampal nya si Sir Baysan at lumayo agad.
"Huh! That's my girl gusto ko yang ganyan palaban." Ang sagot naman ni Sir Baysan na para bang gigil na gigil kay Barbie na maka score.
"Wa---Wag po kayong lalapit!!!" Paatras sya ng paatras habang papalapit ng papalapit naman si Sir Baysan ng bigla syang hinila nito at hinaras.
"AHHHHH….Bitawan nyo po ko!!!" na corner sya ni Sir Baysan at inihiga ang kalhati ng katawan nya sa mesa habang niyayapakan naman nito ang paa nya.
"Wag ka ng pumalag dahil wala pang nakakatanggi sakin."
Naka lean din si Sir Baysan kay Barbie at hawak nya upward ang dalawang kamay nito kaya hindi maka kilos ng ayos si Barbie.
"Sir…maawa po kayo."
"Maganda ka at bata kaya sa tingin mo ba pakakawalan pa kita?"
"Sir!!!!"
Unti-unting ibinababa ni Sir Baysan ang zipper ng varsity jacket ni Barbie…
"Wag ka ng mag pumiglas pa dahil sakin ka na."
Ang hindi alam ni Sir Baysan front act lang ang lahat ng ginagawa ni Barbie…
"Huh! Kahit kailan hinding hindi ako magiging sayong gurang ka!" Ang pagalit na sambit ni Barbie tapos uniuntog nya ang sarili nya kay Sir Baysan para makawala sa pag kakahawak nito sa kaniya at nag tagumpay sya tapos pag bangon nya sinipa agad nya ang private part nito.
"Walang hiya ka!!!" ang pasigaw na sambit ni Sir Baysan na namimilipit sa sakit sa may private part nya dahil sa pag kakasipa sa kaniya ni Barbie.
"Huh! How dare you to touch?! Hindi porket transfer student ako eh gagawin ko na ang kababuyan nyong ninanais manyak!!!"
Inilabas nya ang ang tali sa bulsa nya "a—anong gagawin mo?" Ang kinakabahang sambit ni Sir Baysan kaya kahit namimilipit sa sakit sa may down part nya pinilit nyang tumayo para makatakbo pero huli na ang lahat para sa kaniya dahil ginalit na nya si Barbie.
"Saan kayo sa tingin nyo pupunta?"
"Wa—Wag kang lalapit."
Habang dala ni Barbie yung tali ipinupulupot nya pa ito sa kanang kamao nya na para bang nag hahanda sa pag sugod nya.
"Te—Teacher mo ko at bago ka palang dito gumalang ka!!!"
"Huh! Gumalang? Okay sige! Ipapakita ko sa inyo ang way ng pag galang ko."
Patalon talon pa si Barbie na para bang na bwelo at nung handa na sya sumugod sya kay Sir Baysan at sinapak nya ito sa mukha ng buong lakas hanggang sa nawalan nga ng malay ang guro niyang manyak sa lakas ng pagkakasuntok nya.
"Yan ang bagay sayong gurang ka!" Ang sambit ni Barbie ng matapos nyang masapak si Sir Baysan at nawalan ng malay tapos doon na rin nya itinali ang kamay at paa nito at nilagyan nya rin ng duck tape ang bibig nito at hinila sa may gilid kung saan ito nakita nila Kenny at Thew.
Matapos namang ikuwento ni Barbie ang mga bagay na yon kay Thew dumating na rin naman ang mga pulis at dinakip si Sir Baysan kasama ng ibedensyang hawak ni Barbie.
"Sigurado bukas pag uusapan ka dahil ang newbie pa ang naka huli sa manyak na si Sir Baysan." Ang sabi naman ni Thew kay Barbie habang nag lalakad sila papalabas ng AGA at nasa likuran naman nila si Kenny na naiinis na sa katayuan nya dahil hindi man lang sya kinakausap ni Barbie.
"Matagal na bang ginagawa ni Sir Baysan ang ganung kababuyan sa mga babaeng estudyante nya?"
"Actually, hindi ko rin naman talaga alam dahil hindi naman ako active sa academics ko dahil isa akong varsity. Kaya hindi ko rin alam pero nababalitaan ko ngang may mga ilang babaeng estudyante na nga na napahamak noon dahil sa kalaswaan nyang si Sir Baysan."
"Ohhh…pero bakit walang nag susumbong?"
"Dahil walang naniniwala sa mga babaeng yon dahil wala silang sapat na ebidensya." Sambit pa ni Kenny kaya naman napatigil sa pag lalakad yung dalawa at napalingon sa kaniya. "Hindi naman kasi lahat ng babae eh gaya mo." dagdag pa nya at naka tingin sya kay Barbie at nag patuloy sa pag lalakad.
"Anong ibig sabihin mo? Na hindi dapat ako lumaban? Huh!" Ang na iinis na sambit ni Barbie kay Kenny.
Napahinto naman si Kenny sa pag lalakad nya "wala akong sinabing ganon ang akin lang dapat tumawag ka ng tutulong sayo. Paano kung napahamak ka? Ano nalang sa tingin mo ang gagawin ko? Magagalit sakin si dad lalo na ang nanay mo!"
Nagulat naman si Barbie sa ganoong reaction ni Kenny lalong lalo na si Thew na nag tataka na bakit ganoon nalang mag alala itong si Kenny kay Barbie "anong ibig sabihin nito?" Ang nag tatakang sambit naman ni Thew.
Nagkatinginan naman sila Barbie at Kenny at hindi alam ang isasagot sa tanong na yon ni Thew tapos dinagdagan pa nito ang tension "bakit magagalit sayo ang nanay ni Barbie? Close ba kayo? Bie, anong ibig sabihin nito?"
"A…Ano kasi Thew…"
Hinila ni Kenny si Barbie at sinabing "mag kasama kami sa iisang bahay ng babaeng ito!"
"A---ANO?!"
OMG!!!! Alam na ni Thew na sa isang bahay nakatira si Barbie at Kenny. (⊙.⊙(◉̃_᷅◉᷅)⊙.⊙)
-Lalo kayang magagalit si Thew kay Kenny? At magka sundo pa kaya sila Kenny at Barbie? Hmmm... Abangan! ( ͡❛ ͜ʖ ͡❛)
*Like it ? Add to library!*