Mga 30minutes na siguro ang nakalilipas ng si Barbie ay nag simula muling mag sulat ng kaniyang notes at mag basa-basa pa tungkol sa kaniyang iba't ibang subject na nalibanthe an sa mga panahong siya'y wala pa sa AGA.
"Okay, ikaw nalang ang mag sara nitong library at mag ingat ka sa pag uwi mo." Ang sabi ni Ms. Aine na isang librarian sa AGA.
"Yes po Ma'am ingat rin po kayo sa pag uwi." Ang sagot naman ni Barbie.
"Sya pano, mauuna na ko sayo."
"Opo ako na po ang bahala dito."
"Magtatagal pa sana ko kaso may kailangan pa akong asikasuhin eh kaya mauuna na ko."
"Opo Ma'am."
Pagka labas naman ni Ms. Aine na pa buntong hininga si Barbie kasi napapagod na syang mag sulat ng mag sulat at mag basa tapos sya nalang mag isa doon sa library.
"Haysss… kainis na hindi pa ba ko matatapos dito? Nabuburaot na ko mag sulat kasi naman, bakit hindi uso dine ang gadgets samantalang pwede ko namang picturan nalang ang mga ito para hindi na ko mag sulat ng mag sulat. AHHHHH…nakakapagod na!" Ang naiiyak ng sambit ni Barbie ng biglang nakaramdam na rin sya ng gutom dahil hindi sya nag lunch at nag recess nung hapon para lang maka dami sya ng notes.
"Pambihira, wala pala akong baong pagkain sa bag ko. AHHHHHH…ayoko na!!!"
"Oh, kainin mo." Ang bungad naman ni Kenny at binato nya ng sandwitch at biscuit si Barbie.
"Ikaw?"
"Oh? May problema ka?"
"Tsss… hindi ko kailangan ng pagkain kung galing lang sayo baka kung anong lason pa ang nilagay mo diyan."
"Huh! Kung ayaw mo bahala ka!"
"Talaga! Hindi ko kailangan ng awa ng gaya mo."
"Aba't! Bahala ka!"
"Huh! Sino namang tinakot mo? Umalis ka na nga iniistorbo mo ko."
Naupo naman sa kabilang side si Kenny "bakit? Sayo na ba ang lugar na ito?"
"Bakit may sinabi ako?"
"Ikaw!!!"
"Kung gusto mo ring gumamit ng library pwede ba dun ka sa kabilang mesa dahil ayokong makita ang pag mumukha mo habang nag aaral ako."
"HOY!!!"
"Ano? Akala mo siguro madali lang akong mapapabagsak ng gaya mo? Huh! Asa ka! Kung akala mo maapektuhan ako ng mga baliw mong fans dahil sa ginawa mo kanina para mapaalis ako dito sa AGA nag kakamali ka. Hindi mo pa ko kilala kaya you better watch you move bitch!"
"Sumosobra ka na!!!" Sasampalin nya sana si Barbie pero pinigilan sya nito.
"Ano? Sasampalin mo ko? Huh! Hindi mo ko kaya dahil hindi tayo talo!"
"Ang yabang mo rin ah. Bakit anong pinagmamalaki mo na hawak ka ni dad? O dahil mabait at tinutulungan ka ni Thew? SABIHIN MO!"
Tumayo si Barbie at hinila nya ang necktie ni Kenny "kahit walang tumulong sakin hindi mo ko kaya…yan ang isaksak mo sa kukote mong pulpol!" then she forcely let go of Kenny and get her stuff at lumipat ng ibang mesa sa library.
"Huh! Ibang klase, inuubos nya ang pasensya ko!"
Galit na galit si Kenny na lumabas ng library at bago sya lumabas tinignan nya si Barbie ng masama kahit hindi sya pinansin nito.
"."
Umuwi na si Kenny at dumating sya sa kanila na wala ang dad nya at ang nanay ni Barbie na si Amanda.
"Hmm? Dad?"
"Ay, Sir wala po ang daddy nyo dito." Ang sabi ng kasambahay nilang si Chinchay.
"Bakit nasan siya?"
"Ang sabi po kasi ni Sir hindi sila makakauwi ni Ma'am Amanda ngayon hindi po ba sinabi sa inyo?"
Umiling naman si Kenny "bakit raw hindi sila makakauwi sinabi ba?"
"Hindi ko rin po alam eh pero ang sabi po baka isang linggo raw po na mawawala sila ni Ma'am Amanda."
"What? One week?"
"Opo Sir."
"Tsk…Sige na bumalik ka na sa ginagawa mo."
"Sige po."
Kinuha ni Kenny ang phone nya at tinawagan ang daddy nya pero hindi ito sumasagot.
"Damn it! Bakit hindi sumasagot si dad?"
Iniwan nya ang bag nya sa sala at nag punta sa baranggay hall para tignan kung sino ang naroroon.
"Oh Kenny? Hapon na bakit nandito ka, may kailangan ka ba?" Ang sabi ni Eddie isa sa mga konsehal sa Brgy. Sinukuan,
"Ah…titignan ko po sana dito si Dad pero mukhang wala po pala sya."
Hindi sinabi ni Kenny na alam nyang wala ang daddy nya kaya nag kunwari syang wala syang alam sa pag alis ng daddy nya dahil gusto nya ring malaman kung ginagawa ba ng mga konsehal ang kanilang mga tungkulin habang wala ang daddy nya bilang kapitan ito ng kanilang baranggay.
"Oo nag file ng leave of absence ang daddy mo para pumunta sa Manila may kailangan raw kasi syang asikasuhin."
"Ano raw po ang aasikasuhin nya?"
"Alam ko ang sabi nya hihingi sya ng pondo sa nakatataas para maipaayos ang elementary school dito satin pati na rin ang mga kalsada."
"Po? Pero hindi ba kahit kay sa gobernador o congressman kahit nga po sa mayor pwede ipakausap yon di ba? Bakit kailangan sa Manila pa po?"
"Ahhh…alam mo kasi may mga process pa yun kaya madami pang kailangan puntahan si Kap ang daddy mo para makakuha ng pondo tsaka sabi nya may tutulungan rin kasi syang kaibigan."
"Na banggit po ba ni dad kung sino yung kaibigan na tutulungan nya?"
"Hindi eh pero sabi nya sakin matalik na kaibigan raw. Teka, hindi mo ba alam na umalis ang daddy mo?"
"Ahm…sige po mauuna na ko…"
"O—Okay? Pero teka lang…"
"May kailangan po kayo?"
"Dahil wala kasi ang daddy mo ikaw ang naatasan nyang mamuno muna dito sa baranggay."
"A—Ako po? Pero SK Chairman lang po ako."
"Oo pero wag kang mag alala tutulungan ka namin."
"Si—Sige po pero may pasok pa po ako kaya pwede po ba sa weekends nalang ako mag duty dito sa brgy. hall?"
"Ayos lang naman habang wala ang daddy mo kaming mga konsehal nya ang mag aasikaso sa mga ka baranggay natin gusto lang namin ng presensya mo."
"Ahh…sige po tawagan nyo nalang po ako kapag may kailangan kayo."
"Sige maraming salamat."
"Sige po."
Habang nag lalakad pabalik ng bahay nila si Kenny sinusubukan nya paring tawagan ang daddy nya pero hindi nya talaga ito ma-contact.
"Ano bang ginagawa ni dad? Bakit hindi nya ko sinasagot? At bakit umalis sya ng walang paalam?"
Habang nag lalakad naman si Kenny may nakasalubong syang dalawang ale na nag kukwentuhan "nakita mo ba yung babaeng estudyante kanina? Sabi bago lang daw yun dito sa baranggay natin."
"Ay oo kawawa nga kasi tinakbuhan raw ng nakasagasa."
"Oo kawawa nga truck ba naman kaya halos hindi na makilala ang mukha nung estudyante."
Hindi naman na katiis si Kenny tinanong nya yung dalawang ale kung saan banda may nangyareng aksidente.
"Dun sa may arko papasok dito sa baranggay natin." Ang sabi nung isang ale.
"Ay, hindi ba sa AGA ka na pasok? Baka kilala mo yung estudyante." Ang sambit naman nung isang ale kaya nag tatakbo na si Kenny patungo doon sa may arko papasok ng baranggay nila.
Nang makarating sya kaaalis lang nung ambulasya…
Hingal na hingal at pawis na pawis sya habang kausap yung isang manong na naka saksi "oo babae nga pero hindi namin kilala bago lang kasi sya dito sa baranggay natin."
"Saang hospital po sya dinala?"
"Alam ko sa malapit lang eh dito sa ano, Velazco Hospital, oo dun nga...bakit kilala mo…"
Bago pa man matapos nung manong ang sinasabi nya naka alis na si Kenny na nakisakay sa isang motor ng kakilala nya.
"Oo bro sa Velazco tayo." Ang sambit ni Kenny na alalang alala dahil inisip nya na kung may mangyareng masama kay Barbie cargo de consencia nya pa ito at mapapagalitan sya ng daddy nya higit sa lahat hindi sya mapapatawad ni Amanda.
Samantala…
Pauwi pa lang pala si Barbie at nag lalakad sya ng makita sya ni Daryll ang kapatid ni Thew…
"Oyyyy…bata kamusta ka na?"
"Makabata naman kala mo naman ang tanda na nung nagsasalita."
"Tsss…nga pala anong nangyare nung pauwi tayo ng araw na yon?"
"Haysss…stupid ka talaga."
"Ikaw!!!"
"Anyways, nangako ako kay kuya na di ko sasabihin sayo pero wala namang sense kung itago ko sayo diba? Hindi ka naman maganda."
"Aba't! "
"Bago ang lahat, ako nga pala si Daryll Solomon." Iniabot nya ang kamay nya kay Barbie para makipag kamay.
Pero nung makikipag kamay na sana si Barbie dahil nakipagkilala rin ito iniwas ni Daryll ang kamay nya.
"Hoy!!!"
"Slow. Anyways, you don't need naman na makipagkilala sakin dahil I know na your name sinasabi sakin ni kuya kaya alam ko na ang pangalan mo dahil kaklase mo sya."
"Hmm? Kaklase ko? Ang kuya mo?"
"Oo walang iba ang magiting na ace player ng baseball team ng AGA si kuya Thew."
"Eh?" nagulat naman sya sa sinabing iyon ni Daryll kaya pala familiar sa kaniya ang surname nito.
"Yes, I'm his younger brother and kalilipat ko lang dito sa Brgy. Sinukuan kaya nung nakita mo ko na naliligaw hindi ko pa talaga noon alam ang daan."
"Ohhhh…I see pero bakit ka naligaw? Kung taga dito pala sa baranggay na ito ang kuya mo?"
"Are you binge? Kasasabi ko lang na kalilipat ko lang dito kaya hindi ko alam ang daan."
"Ahhh…sorry naman bakit san ka ba galing sa Mars? Pffft…"
"Haha…nakakatawa pero galing akong Manila kaya I dunno the place here."
"Ohhh…kabayan…galing rin kasi akong Manila bago ako mapadpad dito."
"Ahhh…kaya pala naman."
"Yeah…so, ano na? Spluk mo na yung kwento mo."
"Okay."
Ang nakaraan nung nahimatay si Barbie kasama sila Daryll at Thew.
Isinakay ni Thew sa kotse nila ang walang malay na si Barbie para dalhin sa clinic ng baranggay "alalayan mo lang sya Daryll mabilis lang tayo." Ang sabi ni Thew na nag dadrive na ng kanilang kotse habang nasa likuran yung dalawa.
"Opo kuya. Magiging ayos lang naman po sya di ba?"
"Oo sana."
"Kasi naman sya sinabi ko na kasing tumakbo na pero ang kulit nya."
"Ano ba kasing nangyare? At bakit hindi mo ako inantay sa school mo? Tignan mo yan naligaw ka, pa paano nalang kung hindi ako dumaan sa lugar na yon? Ang layo ng tuklong sa Brgy. Sinukuan."
"Sorry kuya kala ko kasi hindi mo ko susunduin ang tagal mo eh."
"Haysss…pasaway ka. Pero paano mo sya nakita?"
"Sabi nya naliligaw rin sya eh."
"Hmm?"
"Oo kuya sabi kasi nya bago lang sya kaya hindi nya rin alam yung way nya home tapos sakto na parehas na baranggay ang hinahanap namin."
"Eh? Sa Brgy. Sinikuan rin sya nakatira?"
"Um. Yun ang sabi nya sakin tapos ayun habang nag lalakad kami may nakasalubong kaming mga lalaking lasing."
"Yung mga walang malay sa daan kanina?"
"Oo kuya ang cool ng babaeng ito."
Napatingin naman sa rear view mirror si Thew kung saan kita si Barbie…
"Bakit ano bang ginawa nya?"
"At first kala ko lalabanan nya talaga ng one on one yung mga lasing kasi naman may pag tali pa sya ng buhok nya. Yun pala gagamitin nya lang ang mga weapon nya."
"Weapon?"
"Oo kuya may dala sya sa bag na pepper spray at yung parang batuta na meron ang mga security guard pero yung sa kaniya de fold at may electricity."
"Tapos?"
"Tapos ayun na nga gamit yung weapon nya napatumba nya yung mga lasing ang galing nya umilag kuya para syang nalipad kanina."
"Mukhang naging fan ka nya bigla ah."
"Ehe…ang cool lang kasi nya kahit stupid sya."
"Daryll!!!"
"Ay, sorry kuya. Ahm…nga pala sa AGA rin sya na pasok kilala mo ba sya?"
"Sya ata yung newbie sa school name nya ata Barbie? Hindi ko lang sure kung yun nga pero this is my second time na makita sya at hindi ko inaasahang sa lugar pala natin sya nakatira."
Napangiti si Thew habang nakatingin sa rear view mirror at naka silay kay Barbie napansin naman rin iyon ni Daryll.
"Sorry pero hindi po namin alam ng kapatid ko kung san sya nakatira ang sabi lang daw po nya dito sa kapatid ko eh taga dito po sya sa baranggay natin." Ang sabi ni Thew dun sa nurse na naka assigned sa Brgy. Sinukuan Clinic.
"Ohh…ganun ba, sige ipagbibigay alam ko nalang sa mga konsehal para matulungan nya kami na mahanap ang guardian ni Barbie."
"Salamat po."
"Sige na makakauwi na kayo gabi na rin baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyo."
"Po? Hindi naman po ayos lang po kami dito ng kapatid ko di ba Daryll?"
Hindi naman kumibo si Daryll kasi nagugutom na sya "ahm… sige na wag nyo ng intaying magising si Barbie mamaya naman eh magigising na rin sya nahimatay lang naman sya at sa tingin ko pagod sya kaya ayun nakatulog uli."
"Ohhh..ganun po pala sige po mauuna na po kami."
"Sige salamat sa inyo."
At mga ilang minuto pa nga dumating na sila Kenny doon sa clinic at sinundo si Barbie.
Sa kasalukuyan…
"Ahm…dito nalang ako hindi ka kasi pwede makita ng kasama ko sa bahay eh." Ang sabi ni Barbie kay Daryll.
"Hmm? Bakit naman? Gusto ko lang din makita kung san ka ba nakatira. Nasa kanto palang naman tayo eh san ba dine bahay mo?"
"Ah…eh… kasi…"
Bigla namang may tumawag sa pangalan ni Barbie at pag lingon nung dalawa nakita nila si Kenny "eh? Kuya Kenny?"
"Kilala mo sya?"
"Syempre naman bff sila ni kuya Thew."
"Talaga? Sila mag bff? Paano?"
Ano kaya ang magiging reaction ni Kenny kay Barbie kapag nakausap nya ito? Hmmm... malaman rin kaya ni Daryll na mag kasama sa bahay yung dalawa? Emeged... Char. XD