webnovel

Chapter 3: Condition

Nakauwi na si Kenny at sinalubong sya ni Amanda…

"Welcome back Kenny." Ang masayang sambit ni Amanda at tila may hinahanap sya "hmm? Hindi mo kasabay si Barbie?"

Wala sa mood si Kenny ng sumagot sya kay Amanda "hindi ho." At umiwas na agad sya at umakyat na ng hagdan pa punta ng kaniyang silid.

"Pero…hindi pa alam ni Barbie ang pasikot sikot dito." Ang sabi naman ni Amanda kaya kinuha nya ang kaniyang cellphone upang tawagan ang anak pero hindi nya ito ma-contact kaya naman si Bruce ang kayang tinawagan ngunit narinig nya yung ringtone nito.

"Oh? Bakit ka natawag?" Ang bungad ni Bruce na kararating lang.

"Ah… tatanong ko sana kung kasabay mo si Barbie eh."

"Hmm? Pero kanina pa labas ang mga estudyante kaya kala ko nandito na sila. Si Kenny ba nandito na?"

"Um. Halos kararating nya lang din."

"Ha? Pero hindi nya kasabay umuwi si Barbie?"

"Ganun na nga. Nag aalala tuloy ako hindi pa alam ni Barbie ang lugar na ito baka na ligaw na yon."

Napa tingin naman si Bruce sa taas ng hagdan at nakita nya roon si Kenny pero iniwasan sya nito "hayaan mo, lalabas ako para hanapin sya."

"Sasama ko."

"Hindi na ako ng bahala."

"Okay sige… Sana naman okay si Barbie."

"Wag kang mag alala mababait naman ang mga tao dine."

"Um."

Samanatala….

Naliligaw na nga itong si Barbie dahil na ikot nya na yung buong lugar ng pinag babaan nila kanina ni Kenny pero hindi pa rin nya nakikita ang bahay nila.

"Ano ba yan?! Bakit parang ibang lugar naman ang binabaan namin ng bwiset na si Kenny at bakit hindi ko na nakikita ang lintek na yon? AHHHH!!! Nakakainis na!"

"Miss?" Ang sambit nung isang batang lalaki na parang isang elementary student.

"Hmm?"

"Pwedeng mag tanong?"

"Ta—Tanong? Sa—Sakin?"

"Um. May iba pa po bang babae dito sa harapan ko?"

Pabulong bulong naman itong si Barbie "pilosopo ang batang ito nakakairita."

"You look senior high am I right?"

"Ahm…parang ganun na den?"

"Anyways, alam mo yung brgy. Sinukuan?"

"Ha?"

"Bago lang kasi ako dito sa lugar na ito hindi ko alam ang daan eh."

"Ahhh…actually ako rin eh."

"Ano? So, naliligaw ka rin?"

"Ah…eh…parang ganun na nga?"

"Stupid!"

"Ano?!!!" Ikaw bata ka!"

"Tsss…normal lang sa bata ang hindi maka tanda ng direksyon gaya ko pero di ikaw? Di hamak naman na mas matanda ka sakin pero naliligaw ka parin? Stupid ka nga!"

"Aba't hoy!!! Wala ka ng galang ah."

"Tsss…maka alis na nga dito at wala akong mapapala sayo."

Iniwan na nga nung batang lalaki si Barbie "hoy!!! Bumalik ka dito!"

"Whatever!"

"HOY!!!"

Hinabol ni Barbie yung bata at wala pa rin silang tigil sa pag aaway hanggang sa may nakasalubong silang tatlong lalaking mga animo'y parang lasing.

"Pre, may chix." Sabi nung isang lalaki dun sa ka akbayan nya.

Napahinto naman si Barbie at yung batang lalaki "mukhang mapakikinabangan natin ang chix na yan."

Ang sama ng tingin nung tatlong lalaki kay Barbie na para bang nambabastos ang mga ito.

Napatingin naman yung batang lalaki kay Barbie at ang akala nito natatakot ito kaya hinarangan nya yung tatlong lalaki at nag banta pa "wag kayong lalapit sakaniya! Kung ayaw nyong masaktan!"

Tinawanan lang naman nung tatlong lasing yung batang lalaki.

"Aba, mukhang matapang ang isang ito." Ang sabi nung isang lasing.

Itinulak naman nung isang lalaki yung batang lalaki "tumabi ka nga dyan bata hindi ikaw ang kailangan namin."

"Hoy!!! Wag kayong lalapit sa kaniya!!!" Tumayo sya at lumapit dun sa tumulak sa kaniya tapos kinagat nya ang braso nito "ARAY!!!!" muli itinulak nung lasing na lalaki yung batang lalaki at nagka sugat ito sa braso kaya nag alala naman si Barbie.

"Ayos ka lang?"

"Stupid ka talaga tumakbo ka na!!!"

"Haysss…hindi ko naman kailangan ng tulong mo eh kaya kong ipag tanggol ang sarili ko."

"Ang sabi sakin ni kuya hindi dapat nasasaktan ang mga babae."

"Pero hindi naman dapat inaapi ang mga batang gaya mo kaya igaganti kita sa kanila. Dito ka muna okay?"

"Pero…babae ka lang hindi mo sila kaya."

"Don't worry hindi naman talaga ko babae."

"Ha?"

Tumayo si Barbie at itinali nya ang buhok nya tapos ang akala nung batang lalaki marunong talagang makipag laban itong si Barbie pero malakas lang pala ang loob nya dahil may dala syang pepper spray at batuta na may electricity.

"What? Yun na yon?" Ang sabi nung batang lalaki matapos pag sprayan ni Barbie at kuryentehin yung tatlong lalaki na bumulagta na sa sahig.

"See, sabi ko naman sayo kaya ko ang sarili ko mga lasing na bastos lang naman ang mga yan."

"A—Ate may dugo…" ang sabi nung batang lalaki dahil dumudugo ang ilong ni Barbie.

"Dugo? Hmm??"

Itinuro nung batang lalaki yung ilong nya kaya ginaya sya ni Barbie "du—dugo?"

At bago pa man bumagsak si Barbie nasalo na sya ng kapatid nung batang lalaki "kuya!!!"

"Miss, are you okay?"

Ang kuya pala ng bata ay si Thew kaya sa pangalawang pagkakataon si Thew na naman ang naging savior ni Barbie "ano bang nangyare?"

"A—Ah…Ka—Kasi kuya…"

"Haysss…mamaya na nga bilis sakay ng kotse."

"O—Opo kuya."

"."

Bumalik si Bruce sa bahay nila pero hindi nya kasama si Barbie…

"DANG!"

Galit na binuksan ni Bruce ang pintuan ng kwarto ni Kenny at nakita nyang nag babasa lang ito ng libro.

"Ano?! Tutunganga ka lang at magsasawalang bahala? Tandaan mo SK Chairman ka at responsable kang gawin ang tungkulin mo! Alam kong ayaw mo kay Barbie pero KUMILOS KA!!!!"

Inawat naman ni Amanda si Bruce "best tama na ako nalang ang mag hahanap kay Barbie."

"Pero kung ako nga hindi ko nahanap si Barbie ikaw pa kaya?" tumingin sya ng masama kay Kenny "tumayo ka na diyan at hanapin ang kinakapatid mo!"

"Ring…Ring…" may bigla namang tumawag kay Bruce na nag sasabing nasa baranggay clinic si Barbie.

"Sige, pupunta ako ngayon dyan."

"Anong sabi? Nasan daw ang anak ko?"

"Dito ka nalang ako ng bahala nasa baranggay clinic si Barbie may naka kita raw na nag dugo ang ilong ng anak mo buti nalang nandun si Thew."

Bigla namang naging alert si Kenny "Kenny, sumama ka sakin."

"Ye—Yes po dad."

"Sasama ako."

"Hindi na best ihanda mo nalang ang kwarto ni Barbie mabilis lang naman kami."

"Sige…kayo ng bahala kay Barbie."

"Um."

Pagkasakay ng mag ama sa kotse kinagalitan ni Bruce si Kenny "hindi ba nag USAP NA TAYO?!"

"So—Sorry po dad hi—hindi ko naman po kasi alam na aabot sa ganito…"

"Tandaan mo kapag na ulit na naman ang ganitong pangyayare sa pagitan nyo ni Barbie tatanggalin kita sa pagiging SK Chairman mo at ang ipapalit ko ay si Thew! Naiitindihan mo?"

"O—Opo Dad sorry po talaga pangako hindi na po mauulit."

Nang makarating ang mag ama sa clinic ng baranggay…

Gising na si Barbie at inaantay nalang sila Bruce "Bie…kamusta ang pakiramdam mo?" ang nag aalalang sambit ni Bruce ng makapasok sila sa clinic.

"Ayos lang po ako tito."

Hindi naman pinansin ni Barbie si Kenny "sigurado ka ba wala ng masakit sayo?"

"Opo, gusto ko na po sanang umuwi kung pwede lang."

"Ah… Oo sige uuwi na tayo…"

"Salamat po."

Inalalayan naman ni Bruce si Barbie papuntang sasakyan "sa likod nalang ako dad."

"Okay sige tabi na kayo ni Barbie para maalalayan…"

Hindi naman naituloy ni Bruce ang sinasabi nya dahil biglang napa sigaw si Barbie ng "AYOKO!!!"

"O—Okay sige dito ka nalang sa unahan."

"Salamat po tito at sorry."

"A—Ayos lang sige sumakay ka na."

Sumenyas naman si Bruce kay Kenny na para bang sinasabi nitong sumakay na rin si Kenny para maka uwi na sila.

Habang nasa daan naman pa linga-linga itong si Barbie at may sinusulat sa kanyang notes "ahm… Bie, anong ginagawa mo?" Ang tanong ni Bruce kay Barbie.

"Ah…sinusulat ko lang po ang mga dadaanan para po hindi ako maligaw nextime."

Napatingin naman si Bruce sa rearview mirror ng sasakyan at ang sama ng tingin nya kay Kenny na naka tingin rin pala sa kaniya na para bang hiyang hiya.

"Anak!!!" Ang bungad naman ni Amanda ng makarating sila Barbie sa bahay at niyakap nya ito ng mahigpit.

"Ma… sorry po ngayon lang ako." Ang low energy na sambit naman ni Barbie.

"Wag kang mag sorry ang importante ayos ka lang. Kamusta ang pakiramdam mo? Nag dugo raw ang ilong mo eh."

"Ahh…ayos na po ako gusto ko lang pong mag pahinga."

"Oh sige bumaba ka nalang at mamaya kakain na rin tayo."

"Opo."

Nag tungo na nga itong si Barbie sa kaniyang silid sinabihan naman ni Bruce si Kenny na sundan ito para humingi ng tawad.

"Knock…Knock…"

"Hoy…ako ito." Ang sabi ni Kenny pero wala sa kaniyang nasagot at nakita nyang hindi pala naka lock ang pintuan kaya pumasok sya "ahem…babae nasan ka?"

Hinanap ni Kenny si Barbie at nakita nya na nasa c.r pala ito kaya dali-dali syang tumalikod dahil halata sa pintuan ang silhouette na katawan ni Barbie "wha—what did I saw?"

"Ma? Ikaw ba yan? Pwede po bang paki abot ng towel ko? Nalimutan ko po kasi sa kama."

Papaalis na sana si Kenny pero nakita nya yung towel na kailangan ni Barbie "Ma? Andiyan ka po? Yung towel ko po paki abot nilalamig na po kasi ako."

Bubuksan na sana ni Kenny yung pinto para lumabas ng kwarto pero naalala nya yung sinabi sa kaniya ni Bruce na ang kondisyosn nya ay bantayan si Barbie "haysss…kasama ba ang pag abot ko ng bath towel ng babaeng yon sa kondisyon ni daddy? Bwiset!"

"Ma? Andiyan ka ba? Nilalamig na po ako."

Kumatok naman si Kenny at binuksan ni Barbie ng bahagya ang pintuan ng c.r nya "salamat ma."

Nang makuha ni Barbie yung towel nya nag madali ng lumabas ng kwarto si Kenny "pant…pant…pant... haysss…kainis talaga ang babaeng yon mababaliw ako sa kaniya!" hingal na hingal nyang sambit at ng makalabas naman sa c.r itong si Barbie hinanap nya ang nanay nya.

"Eh? Nasan na si Ma?"

Nag pa linga-linga si Barbie para hanapin ang nanay nya "Ma? Hmmm? Nasan na si Mama? Lumabas na ba sya?"

Have some idea about my story? Comment it and let me know. Penge po ng review!!! Mehehehe... (ง^.^)ง

lyniarcreators' thoughts
Siguiente capítulo