50: The Wrath of Dread
.
.
Bumaba na si Chris sa arena, at nakabaling ang mga tila na-provoke nya sa kanyang sinabi.
.
"hmmfp, napaka kampante nya, bagong team lang sila na nakadating sa Quarter solo-pick. Masubukan nga nya ang bagsik ng Tyresians".
Sabi ng lalakeng may Visored mask.
.
"ha ha ha no need, mukhang kami ang makakaharap nila sa susunod".
Sabi naman ng lalake na nasa BlueLance team.
.
"ako na bahala sa kanya next time, masyado syang pabibo--- pakikiusapan ako ang higher ups".
Sabi naman ni Mocci,
.
Nabaling ang pansin nila kay Mocci na tila may mas malalim itong inis kay Chris.
.
"oh bro Mocci parang i sense. ha ha ha ha.".
Sabi naman ni Drey, na tila pinapalabas nya ang kulay ni Mocci.
.
-----
.
Nakabalik na si Chris sa kanyang team at nanlamig naman ang mga titig ng mga Girls sa kanya.
.
Spak!spak!!spak!! ---(face strikes)
.
Halos mamula na ng husto ang mukha ni Chris na may maluha-luhang mga mata.
.
Pero agad namang yumakap si Bliss, ganun din sina Vera, Ruby at Blana kay Chris.
.
Nanatiling nakatayo si Ahri sa tabi, at hindi nya alam kung nananaginip paba sya or, ilusyon lang ang lahat.
.
Laging napapanaginipan ni Ahri ang mga scenes kung pano namatay si Chris sa madaming versions. At hindi nya maiwasang maluha at matakot ng husto.
.
"ok, na ang lahat. Nakabalik na ako. At ganun din ang kakayahan kong sumagap ng Qi-energy mula sa nature."
Sabi naman ni Chris. Na tila ayaw na nyang bumalik sa pagiging lumpo at walang kakayahang protektahan ang mga kasamahan nya.
.
Lumapit ang team ni Denz sa team ni Chris.
.
"Bro, welcome back."
Sabi naman ni Denz, at ngayon ay may ngiti sa mukha nito.
.
"oh Bro, Denz alam ko baka naisip mong hindi totoo mga pinag usapan natin. ha ha ha. Pero heto at nakabalik na ako".
Ganun nga at umakbay si Chris kay Denz.
.
Napansin ito ng mga papaalis na mga Teams, lalo na ang team Tyresians, at si Mocci.
.
Halatang may masamang balak ang dalawang team na ito kay Denz at lalo na kay Chris.
.
-----
.
At ng gabing iyon nagharap ang team Tyresians at BlueLance team.
.
Lumabas ang leader ng Tyresians sa Arena dahil tinapos nito ng buo ang team BlueLance.
.
"masyadong over power ang Tyresians"
.
"oo, mukhang mapapalaban ang ScarletSwordsmen sa kanila, lalo na ang babes sa PurpleKnights at BloodMoon team.".
.
"balita kong hindi nanood ng match ang team DragonNest at Team St. Cessia, mukhang may sabwatan sa team na iyon----".
.
"tsk, trash team ng DragonNest at lalo na yung hindi ko kilalang team na St. Cessia na nagmula sa trash country Bina, kakahiya sila sa larangan ng Cultivation, tsk. Mga poor at mas bagay silang maging non-cutlivators, o mapatawan ng pagiging Cripple habambuhay".
.
Madaming negative naman ang kuma kalat sa mga usapin ng Audience tungkol sa team nina Chris at Denz. At madami namang pumupuri sa lakas ng mga sikat at nakatadhanang top teams sa WorldTournament.
.
"Mocci, mukhang makakaharap mo sina Phantem sa susunod".
Sabi ng pinuno ng Tyresians.
(i feel magkasabwat ang dalawang ito)
.
*ang Tyresian ay mula sa DarkinBlaze continent----atsi Mocci ay nasa isang Top tier sect, ang UltraLightning sect*.
.
"tsk, Phantem?, ha ha ha. maging si Drey tiyak akong papahirapan ko sila".
Sabi naman nitong Mocci na ito sa team ng Tyresians.
"---wag mong kakalimutan ang mga bagong BerserkingStrength pills".
.
Lumingon naman ang naka maskarang pinuno ng Tyresian teams sa huling sinabi ni Mocci.
.
At naglabas ito ng Kahon na may haba na 12inch at 5 inches ang lapad.
.
"nasa loob, ang 200 pills, at maging ang limang Bagong Beastpills".
Sabi ng pinuno ng Tyresian.
.
"ha ha ha. Kung ganon, hanggang sa muli. At syah nga pala, kung sakaling sa susunod makaharap mo ang team DragonNest, maaari bang patayin mo ilan sa kanila. Wag hayaang umangat ang mga tulad nilang nakatadhanang naaapakan lang sa lupa".
Sabi naman ni Mocci. Habang sinusuri ang black pills, at limang DarkRed pills.
.
-----
.
Si Rhian ay naka focus kay Bliss at sa team nito.
.
'syah, yung lalakeng nagugustuhan nya, pero bat ang daming yumayakap sa kanya, mukhang kailangan ko syang tulungan'.
Planong lumapit si Rhian sa team ni Chris pero humarang naman si Mocci sa kanyang harapan.
.
"hi, Ms. Rhian, maaari ba kitang imbitahin sa isang salo-salo sa team ko?".
Sabi naman nito na may Sincere face.
.
"ahm. Madami akong gagawin".
Sabi naman ni Rhian na bumaling sa ibang daan.
.
'tsk!, makukuha din kita'.
May seryosong mukha naman si Mocci, at napalingon sya sa grupo nina Chris at naroon si Jane sa tabi.
.
Naglabas sya ng phone at nag send ng message kay Jane.
.
-----
.
Nasa Condominium na sina Chris at sa Sala set sila nag uusap-usap.
.
Habang nag kkwento si Chris sa mga nangyari sa kanya, napansin nyang busy si Jane sa phone nito at may blush sa mukha.
.
'baka nag babasa nanaman ng wattpad'.
Sa isipan naman ni Chris.
.
Sa lahat ng mga matches sa gabing iyon ang natirang Teams na mag haharap sa elimination round ay.
.
Team: Tyresians, Bloodmoon, ScarletSwordsmen, DragonNest, St.Cessia, UltraLightning, BitterTree at PurpleKnights.
(kaabang abang ang mga bakbakan sa teams na mga ito).
.
-----
.
Sa kalagitnaan ng gabi.
.
lumabas si Jane at mukhang lihim itong aalis at naka suot ito ng Qi-Aura suppression bracelet.
.
-----
.
Nagtungo ito sa 11th city, na tila kadikit lang ng ilan pang city. Napakalawak at madami paring tao sa paligid tila walang tulugan ang mga magkakadikit na syudad na mga ito.
.
Pumasok si Jane sa isang Hotel Building. At katulad din ito ng karamihang shops at buildings sa syudad na may Dimensional Array na kayang ibahin ang space sa loob nito.
.
Dumiretso sya sa room 10002, sa 129th floor.
.
"na miss kita Dear, halika".
Sabi naman ni Mocci na may takip na twalya ang ibabang parte ng katawan nito. Na tila gusto nyang kasamang maligo si Jane sa Bathroom.
.
"kaw talaga dear, hmmmmuah!"
Lumapit naman si Jane at may blush face ito na tila kinilig sa mga ngiti ni Mocci. (wala eh guwapo eh) at naghalikan sila.
.
(skipped scene)
.
Nasa kama na sina Mocci at yakap yakap si Jane at natatakpan ng kumot at comforter ang kanilang katawan.
.
"Jane, gusto kong umiwas ka sa laban kung sakali makaharap nyo ang team ko".
Sabi naman ni Mocci, na tila nag aalala kay Jane.
.
"bakit naman?, kung ikaw ang makakaharap ko, mag ba-backout nalang ako dear".
Sabi naman ni Jane na tila hindi nya kayang harapin sa isang laban si Mocci.
.
"he he he. Napaka bait ng girl ko. Wanna do another round?".
Bulong nito sa tenga ni Jane. Na parang isang nanlalambing na pusa.
.
"ugh!----- ikaw bahala dearrr---".
Napakagat labi naman si Jane.
.
(skipped content)
.
-----
.
Sa oras na umalis si Jane sa condominium ng team St.Cessia. may isa pang anyo ang lumabas duon at ito ay si Blana.
.
'mukhang walang nakapansin saken'.
Tahimik itong tumalikwas sa lugar na iyon at nagtungo sa 9th city na hindi layong ganun din kadaming tao na tila walang tulugan sa syudad. (sleepless cities)
.
Nagtungo sya sa isang restaurant, at sa table 20, naroon si Drey. At mukhang hindi na tulad ng dati ang expression ni Blana kay Drey. Mukhang naging maamo ito sa kanya.
.
"buti nakatakas ka, honey, hindi mo parin ba sinabi sa kanila ang tungkol sa kasal natin?".
Sabi naman ni Drey kay Blana.
.
"ssshhh!!, baka may makarinig ----hindi ko pa sinabi sa Team ko ang tungkol sa kasal".
Pabulong na sabi ni Blana. Na tila masyado itong pa-sikreto.
.
"ha ha ha. Ayos lang yan Honey. Ahm eh panu yung Chris na iyon?, baka umiyak nalang sya kapag nalaman nyang may asawa kana".
Sabi naman ni Drey kay Blana. Na may curiosity look sa mga mata.
.
"ah eh, si Jane naman ang gusto nun eh. at dun lang sya nagkaroon ng deep feelings".
Sabi naman ni Blana, at napadilat ng husto ang mga mata ni Drey sa kanyang narinig.
.
"oh, bakit ganyan ang mukha mo?, may mali ba akong sinabi?".
Dagdag ni Balana at uminom ng Shake na kakalagay lang ng waiter sa kanilang table.
.
"ahem---- si Jane ay may hidden BoyFriend isang tao na hindi dapat kinakalaban dahil masyado itong maimpluwensya at may hidden Backer ito.----sigurado kaba na si Chris ang may gusto kay Jane?, dahil kung si Jane ang magkagusto kay Chris malabong mangyari dahil kasintahan nya si Mocci ng UltraLightning sect. Ang peakEpic stage na genius sa generation natin".
Mahinang sabi ni Drey dahil alam nyang maske sya ay hindi kayang tapatan si Drey, at tanging mga leader lamang ng PurpleKnights, BloodMoon, BitterTree ang may kayang harapin sya at masasabing almost nag tabla naman sina Phantem at Mocci sa isang friendly match noon.
(napakain lang siguro ng pills sa pagtaas ng lakas nito)
.
Hindi makapaniwala si Blana na nagsinungaling si Jane at nagtago ng ganung kalaking sikreto, at lalo na walang kaalam alam si Chris.
.
"honey, mas mabuting manahimik nalang tayo, at wala na syang magagawa doon dahil, napansin ko na target na ni Mocci si Chris at mukhang sa mismong match nya ito gagawin".
Sabi ni Drey kay Blana.
"gusto kong mag back-out ka sa laban kung sakali makaharap nyo ang team nya. Dahil ilang teams na ang natalo at may mga napatay dahil sa kanila, at ganun din ang team Tyresians."
Dagdag nitong sinabi kay Blana.
.
-----
.
Sumunod na araw ay hindi parin lumalabas si Jane sa kwarto nito, at walang planong sumama kina Ruby para panoorin ang laban ng Team Ultra lightning at Team DragonNest. At susunod ding iyon ang kanilang laban sa team Tyresian.
.
Si Chris ay naunang lumabas at nagpaalam sa lahat, na sasabayan nya si Denz sa pwesto ng team nila.
.
"Bro, mag iingat ka sa Team na iyan".
Sabi ni Chris na tila may masama syang pakiramdam sa team na makaklaban ni Denz.
.
"oo bro, salamat sa pagsama samin, kapag natalo namin sila, mas inaabangan ko ang team mo bro. Tiyak akong mas malakas pa kayo kesa sa kanila".
Tila sabik naman si Denz na makaharap ang team ni Chris dahil alam nyang bilang isang Sworn Brother maghaharap muna sila at mas makikilala nila ang isat isa sa pamamagitan ng isang matinding laban.
.
papasok na sila sa stadium, at punong puno ang mga upuan ng audience.
.
Nag speech na ang commentator sa arena. At nabanggit narin ang team ni Denz at ganun din sa kabilang team.
.
(Ayaw ni Boss ng mahahabang speech---minsanminsan lang. he he he laban agad)
.
"Brother Mocci sinu mauuna saten base sa line-ups natin na tatlong SpecialAssassin class at ikaw bilang Swordmaster at isang Archer na tulad ko".
Sabi ng isang naka suot ng hooded cloak na lalake.
.
"mauuna si Borunda, sa lineup at ako ang ikatlo".
Sabi naman ni Mocci. At lumingon sa natitirang sampu na magsisilbing ready substitute anumang sandali.
.
Pero mas nanaig ang confidence sa team ni Mocci dahil plano nilang puksain ng todo ang team ni Denz dahil lang sa maliit na bagay,
(nanggaling kasi sa mahinang continent ang team ni Denz, at ang mahina ay dapat manatiling nasa ilalim ng mgapaa ng High powers, ----this is a battle of total supremacy)
.
Sa Grupo naman ni Denz naroon si Chris bilang supporter ng Team.
.
"Sa lineup nila tiyak akong, naka focus sila sa Total Offense. Pero gagawin nating Pure Defense ang sa atin".
Sabi naman ni Denz na may kampante sa hitsura nito.
.
Namili si Denz ng apat sa kanyang Team ng limang mabilis at efficient sa Physical at Qi sa defensive battles.
.
'hindi parin sya nagbabago, ha ha ha. Madami akong natutunan noon sa mga strategy at battle tactics mo bro'.
Sa ala-ala ni Chris, si Denz Ryo ang syang strategist Fighter nila sa mga labanan. at si Chris ang naging Assassin at nagbibigay ng Battle info kay Denz.
.
Naunang pumasok sa arena si Borunda, at agad nitong inilabas ang GreatBow na tila Mid-Epic grade artifact.
.
(ang yaman nga naman oh, )
.
"bro, ha ha, kung kailangan nyo ng sandata may mga extra pa ako".
Sabi naman ni Chri kay Denz.
.
"ha ha ha. Sapat na ang mga sandata namin bro, at isa pa skills are better than weapons".
Sabi naman ni Denz at lumingon sya sa isang Eldest sa group nila.
.
"ako na mauuna Denz. "
Yumuko ito kay Denz at ganun din kay Chris.
.
Sa pagkakaalam nila si Chris ay hindi lalayo sa galing ng kanilang pinuno, at napatunayan ito sa huling laban ni Chris kay Karistila, at Greyla ng team Vermilion.
.
"tandaan mo mas importante ang kaligtasan ng buhay mo, mag forfeit ka kung hindi mo na kaya".
Paalala naman ni Denz. At mukhang hindi maitago ang pag-aalala nya sa kanyang ka team.
.
Pumasok na si Gaki sa arena at inilabas ang armas nitong Shield?!!, what!?, shield!?
.
(Shield!!?, oh my gawd, ano gagawin nya sa shield?! )
.
*i feel something good will happen next*.
.
Drum rolls, -----(start of tournament ritual drum)
.
Badump! badump! badump! (dramatic heart beats.)
.
WarHorn!!! ---- (officially started)
.
"sa layo kong ito, at sa bilis ng mga pana ko sigurado ka bang makakalapit ka!?".
Sabi naman ni Burunda at agad inunat ang Bow-string ng kanyang GreatBow.
.
Twaakkk!!!(12x) -----(Lightning arrows)
.
Magkakasunod na lightning arrows ang dumiretso kay Gaki na tumatakbo ng straight line palapit kay Burunda. Sa bilis na 65km/hr.
.
Sa katunayan may 15 km radius ang lawak ng arena pero para sa kanila parang 8km lang ang lawak nito. At ang agwat nila ay 1.5km.
.
Si Gaki ay hawak ang kanyang Bluish glim na SilverShield, may marka itong mukha ng tala at may laking 5ft. At hindi sya huminto at ipinaharap nya ito upang salubungin ang mga lightning arrows.
.
Bam!! -----(12x)
.
Nabasag sa maraming fragments ang lightning arrows.
.
"tsk!!, shield pala ha!! ".
Bumitaw ng isang malaking Lightning Lance mula sa kanyang GreatBow itong si Burunda.
.
Cccrrrraaaccckkkllee!!! ---(lightning sparks)
.
'Tsk, kahit anong klaseng atake gamitin mo, masyado kang kampante!!'.
Agad namang nag dashing side steps maneuvers si Gaki, tila isang football expert sa dodging steps. At naka pwesto parin ang Shield sa dako ng kalaban.
.
(isang dashing fortress si Gaki!!!,)
.
100 meters nalang ang layo ni Gaki sa kanyang kalaban.
.
"my turn----".
Tumalon si Gaki sa ere at isang malakas na bwelo pabagsak para sa kanyang shield na nakatapat sa position ni Burunda.
.
Agad namang nag retreat ang kalaban at nag paulan ng evading Lightning arrows.
.
Cracklee!! -----(rapid lightning arrows)
.
Baaammm!!! ----(straight fissure)
.
Halos mag taasan ang mga earthen spikes. at mabilis na humabol ang front pressure ng Fissure na ito kay burunda at natigil lang ito sa pag advance ng matamaan ang front nitong papalapit na fissure kay Burunda ng lightning arrows at sumabog ito.
.
Grrruuummbbllee!! ----(earth blasts)
.
'magaling sya bilang isang support tank!!!'
Agad tumakbo palayo si Burunda na tila nakaramdam ng threat sa skills ni Gaki, magkapareho man silang Epic stage level 3, masasabing mas lamang ang Tank sa Archer sa malapitang labanan.
.
(kaso, ha ha ha. Ibang klaseng tank si Gaki. Nasabi na rin ni Denz na isa itong Mabilis na klase ng Vanguard/Tank)
.
'wag kang tumakas, halika dito! ----'.
Agad namang umabante si Gaki ng paghabol kay Burunda.
.
Parang isang rumaragasang tren ang Shield ni Gaki na tila may lakas ang mga hita, binti at paa nya na 1,000 horse power!!. At pabilis ng pabilis ang pagtakbo nito base sa momentum ng acceleration (75-80km/hr)
.
"no choice!!".
Nasa Crisis part si Burunda at may inilagay syang dalawang pill sa kanyang bibig. (slowmotion)
.
Gablam!!! -----(piercing hit)
.
Nagbago ng hawak na armas si Burunda. ngayon ay isang spear na at tumagos ito sa shield ni Gaki. Dahil tumalikod sya ng abante paharap kay Gaki.
.
"huh!?, anyare!!!? ".
Hindi makapaniwala ang mga kasamahan ni Denz sa biglaang pagtaas ng Level ni Burunda sa level 5 Epic stage.
(nasa Peak level na sya!! )
.
"hindi maganda ito, ----Gaki!!! ".
Sigaw ni Denz at tila nakaramdam sya ng kirot sa dibdib.
.
Nanatiling nakasangga si Gaki, at tinamaan sya sa kanyang left Ribs.
Drip----drip----(blood)
.
Nanatili sila sa ganung ayos. At pinipilit itulak ni Burunda ang kanyang Spear.
.
'ha ha ha ganyan nga Burunda, patayin mo sya, ha ha ha!! '.
Tila na excite naman si Mocci sa nangyayari. At nag mental message sya kay Burunda
.
"Pasensya na pinunong Denz".
Naglabas ng Fighting spirit si Gaki at bumitaw ang kanyang kaliwang kamay sa shield at agad naglabas ng isa pang Shield sa kaliwang kamay.
.
Crackle!!! -----(lightning bolt)
.
Nahulog mula sa katawan ni Gaki ang isang lightning bolt na tila spell ito ni Burunda. Pero hindi natigil si Gaki sa plano nito kahit tamaan sya ng kidlat.
.
"umalis kana jan Gaki!!!,"
Sigaw ni Denz, na nakaramdam ng takot sa mangyayari.
.
"katapusan mo na!! ---".
Ngumiti ng masama si Burunda.
At ganun nga ay pinaulanan nya si Gaki ng ilan pang Giant lightning bolts. Pero halatang nakaramdam sya ng kabigatan sa kanyang dibdib, takot dahil sa kawalang kakayahang patumbahin si Gaki.
.
'Hindi ako susuko!, bilang isang Vanguard---- hindi mo ako matatalo!'
Ibinagsak naman ni Gaki ang isa nyang Shield sa mismong harapan ni Burunda.
.
Agad umilag si Burunda pero nahuli na sya ng pagtakas.
.
Sssnnnnoorrrttt!!! ----Baaamm!!! (devastating Ram)
.
Isang malaking Titan frozenBull na shield projection ang bumundol sa kanyang katawan mula sa dalawang shield ni Gaki. May taas itong 30ft.
.
"h-hindi!!!!!! ----".
Nawasak ang armor at maging kasuotan ni Burunda sa atakeng iyon ni Gaki. Isang Special Skill mula sa malapitan ay talagang nakakatakot.
.
Tumilapon ito sa layong 300meters.
.
Konting katahimikan.
.
At biglang dumami ang nag cheer kay Gaki sa sumunod niyon. At karamihan ay mga pabor sa team DragonNest dahil sa mga labanan nilang makatarungan at hindi marahas.
.
Natawag na panalo si Gaki sa round at plano na sana nitong mag-backout, at lumingon sa dako nina Denz na may Victory smile.
.
Bumangon si Burunda at halatang minimal lang ang galos nya. Dahil walang planong pumatay si Gaki.
'hindi ako payag na matalo ako!!'.
(slow motion)
.
Nagtaas ng kamay si Gaki para magsabi ng Backout pero----.
.
Ssslllaaassshhh!!! -----(blood splash)
.
Tagos dibdib ang long sword ni Burunda kay Gaki mula sa likod nito. At ang ngiti at saya sa team DragonNest ay napawi sa isang sandali.
.
Agad namang pumasok ang isang Judge para paghiwalayin ang dalawa. At nasa Ancestor stage ito. At hindi nya rin inaasahang mangyayari iyon sa isang saglit lamang.
.
Agad pumasok si Denz sa loob ng arena at ganun din ang buong team nito. Hindi nagpahuli ang team ni Mocci at sinamahan nila si Burunda sa arena.
.
Isang gulo ang maaaring mangyari dahil sa backhanded attack ni Burunda kay Gaki.
.
"Gaki!!! ".
Nanginginig ang katawan ni Denz sa takot na baka hindi nya maabutan si Gaki.
.
Si Chris ay nakatayo sa likod ni Denz.
.
"oh, mukhang nabawi pa ang winning record sa team ko".
Sabi ni Mocci sa buong team ni Denz. Isang Mocking smile ang ipinakita nya kay Denz.
.
Si Gaki ay walang tigil ang paglabas ng dugo sa dibdib nito. At napahawak ng mahigpit sa kanang kamay ni Denz.
.
"Pinuno, pasensya na h-hindi ak-----".
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil naubusan na ito ng sandali sa mundong iyon.
.
Pumagitan ang dalawang Ancestor stage na reffs sa dalawang team. Nakaramdam sila ng Killing intent kay Denz at sa grupo nito.
.
"ha ha ha. ang panalo ay panalo!! ".
Tila na adik sa tuwa, itong si Burunda sa ginawa nito, kay Gaki.
.
Natahimik ang stadium dahil sa isa nanamang talented Tank class ang namatay sa kamay ng UltraLightning team.