webnovel

Kabanata: Something's wrong

Kaya pala umuwi si papa ng mas maaga dahil sa nakakuha sila ng maraming malalaking isda. Kaya pinauwi na sila dahil lampas na sa net worth ang kuha nila.

Masaya naman ako na nakauwi na rin si papa. Makakasama na namin siya sa pasko. At may makakasama na rin si mama dito sa bahay kapag papasok kami sa school. Naaawa kasi kami kay mama pag-umalis na kami ng bahay. Wala siyang kausap at katuwang sa gawaing bahay. At least ngayon, may kasama na siya. Si papa pa.

Naghuhugas ako ngayon ng pinggan dahil nag request yung kapatid ko na, ako muna maghuhugas dahil may gagawin pa raw siyang project at bukas na ang submisyon nito.

Sila mama at papa naman ay nasa kwarto na, pinahinga muna namin si papa dahil pagod siya sa byahe. Pagkatapus ko dito, pupunta na ako sa kwarto para magpahinga na din.

"Nak, malapit ka na bang matapus diyan?" wika ni mama palabas galing sa kwarto nila ni papa.

"Ma." sagot ko sabay tingin sa kaniya at bumalik sa paghuhugas. "Malapit na po. Wag na kayong mag-alala. Bumalik ka na sa kwarto at magpahinga na rin po kayo."

Nang natapus na ako. Naghilamos muna ako at nag-ayos ng skin care ko. Hindi naman mamahalin ang mga ginagamit ko. Mura lang. Basta ang importante maganda pa rin tayo kahit haggard na sa school.

Parang ang tahimik ata ngayon ng messenger ko. Ano kaya nangyari? Baka sira tong messenger ko.

Matulog na lang nga ako. Wala naman akong dapat pangubusan ng oras.

Kinaumagahan, papunta na ako ng school at nakasalamuha ko si Calvin. Habang abala siya sa hawak-hawak niyang cellphone.

"Hoy, Calvin!" pagtawag ko sa kaniya ng magkasalubong na kami.

"Uy, Bret. Ikaw pala." sagot niya na para bang iniiwasan niya ako.

Nagsmile na lang ako na naiilang at umalis agad. Nakakasikip ng puso naman yung naging reaction nu Calvin. Para bang hindi niya ako kilala. Bakit kaya parang iniiwasan niya ako.

Sobrang close pa nga namin kahapon tapus ngayon, parang wala nangyari sa amin. I mean yung friendship na meron kami. Kayo hah, DM niyo.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" tanong ni Carmela sabay upo sa tabi ko.

Nasa loob na ako ng room ngayon. Iniisip pa rin ang nangyari kanina. Hindi ako makaget over dun. Hindi ko lang kasi maintindihan.

"Wala... wala lang ako sa mood ngayon." sagot ko.

Pagkatapus ng oras ng klase namin sa umaga ay kakain na sana kami. At inanyaya nila akong sumama pero hindi ko tinanggap alok nila dahil may gusto lang akong linawin kay Calvin.

Sabay kaming naglakad palabas ng room namin pero nung nasa unahan na kami ay lumiko ako ng way kasalungat sa dadaanan nilang pathway patungong canteen at ako naman ay patungong Main building para hanapin si Calvin.

Bawat may nadadaanan akong room ay pasimple akong sumisilip sa pinto para tingnan kung meron ba si Calvin. Pero nakailang room na ako at wala par in akong nakikitang Calvin kahit anino niya lang.

Umupo muna ako sa hagdanan papuntang second floor. Medyo napagod ako sa kakalakad. Huminga muna ako ng malalim at tumayo ulit para ipagpatuloy ang paghahanap. Nang humakbang ako ng isang step ay nawalan ako ng balanse.

Napapikit ako at hinintay na lang ang pagbagsak ng puwet ko sa sahig sabay sigaw ng malakas.

"AYYYYY!!!..."

at... tumama nga sa sahig ang puwet ko. Sobrang sakit, animal. Akala niyo may sumalo sa akin. Si Calvin kung hindi si Cyrus? Lol. Sa wattpad ar webnovel lang yun nangyayari. Hindi sa totoong buhay.

Mabuti na lang at walang tao sa labas at sa loob ng building. Kung nagkataon man, sobrang nakakahiya talaga.

Tumayo ako ng mabilis at pinagpagan ang aking sariling puwet. Tssskkk... ang hapdi pa rin. Grrr... nakakainis naman kasi itong si Calvin, eh. Ano ba kasi problema nun at ganun na lang ang pagpansin sa akin kanina.

Kaya makapagdecide ako na hindi ko na lang ipagpapatuloy ang paghahanap. At kumain na lang. So, humabol ako sa kanila. Sa canteen. Pagdating ko, mabuti na lang at hindi pa sila tapus.

"Ano pala ginagawa mo sa Main building at parang may hinahanap ka 'ata?" tanong ni Fritzie.

"Ahhh. Wala." sagot ko sabay kamot sa ulo ko. "Basta." pagtanggi kong sabihin.

Nung uwian na. Mag-isa lang akong naglalakad papunta sa labas ng campus para sumakay ng pedicab. Pero pa man ako nakalabas ng campus ay nakita kong dumaan ang sasakyan ni Cyrus. Alam kong si Cyrus at Calvin ang nasa loob nito.

Pero bakit parang hindi lang man ako pinagbuksan ng bintana o di kaya nag bosena na Lang. Ano kayang nangyayari sa dalawang magkaibigan na 'yun.

Para na tuloy akong baliw dito sa kakaisip kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin. Akala ko pa naman na magkakalove life na ako. Akala ko nanliligaw na si Cyrus. Yawa.

"Pepppppppp!!!"

Malakas na bosena ng kotseng itim na nasa likuran ko. Napaindak ako ng mataas dahil dito. At mabilis akong napunta sa gilid. Tiningnan ko ng napakasama ang driver.

Grrr... Hindi-hindi na ako makakikipag-usap sa gagong paasang dalawang 'yun. Pinaglaruan lang pa nila ako. Mga demonyo sila.

Siguiente capítulo