webnovel

Abrupt

KYLE

I tried to call Elle, but hindi niya sinasagot. Kaya nandito ako sa harap ng pinto ng unit niya. Nagdoorbell ako at makalipas ang ilang pagdoorbell ko ay biglang bumukas ang pinto..

"Elle..." Sambit ko pagkabukas nung pinto.

"Ay hijo! Hindi ako si Elle, ang Mama niya ito. Teka, lasing ka ba?" Tanong ng mama ni Elle saakin.

"Hindi.... po... Tita..." Bigla akong naout-of balance at natumba.

"Danilo! Tulungan mo nga ako dito!" Rinig kong sigaw ni Tita. Naramdaman ko naman na parang may bumuhat saakin at naramdaman ko ang pagdampi ng aking likod sa isang malambot na bagay.

"Kyle ang pangalan mo diba?" Rinig kong tanong ni Tita saakin.

"Opo.... ako... nga... po si Kyle.. Elle." Sabi ko. Nahihilo ako putek!

"Wala dito si Elle, Hijo. Nasa Tagaytay siya." Sabi naman ng isang boses lalaki.

"Tagaytay? S-saan po sa Tagaytay..?" Tanong ko sa kanya.

"We're not in the right shoes to tell you, Kyle. Mukhang may problema kayong dalawa ni Elle.." Tita said.

"Elle...."

--

Nagising ako dahil sa isang tawag. I picked it up and answer the call hoping na si Elle to.

"Elle!" Tawag ko sa kanya.

"Well, I'm sorry son. Pero hindi ito si Elle. Ang mommy mo to." Bigla naman nagbago ang mood ko.

"Oh, you called, mom. What's wrong?" Walang gana kong sabi sa kanya.

"Nandito ako sa Unit mo, kagabi pa and I've been calling you last night kasi wala ka dito sa unit mo. Nasaan ka ba?" Sabi naman niya. Saka ko naalala na nandito nga pala ako sa unit ni Elle.

"I'll be there mom. I'm hanging up." Saka ko binabaan ang tawag. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pananakit nito.

"Oh gising ka na pala, inumin mo muna ito." Sabi ni Tita habang may hawak na isang tasang tea?

"Salamat po at pasensya na po sa abala.." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya saakin at umupo sa harap ng sofang kinauupuan ko.

"It's okay. Btw, I'm Tita Ivanna, Elle's mom." Sabi ni Tita Ivanna saakin.

"Kyle po. Sige po, balik na po ako sa unit ko, maraming salamat po dito at pasensya na po ulit sa abala." Paalam ko sa kanya at tumayo na. Ngumiti naman saakin si Tita Ivanna at hinatid ako papuntang pintuan ng unit nila.

"Salamat po ulit, Tita." Sabi ko sa kanya. Tumango ulit siya saakin. Tsaka ako umalis at pumasok sa unit ko.

"Where have you been?!" Rinig kong sigaw saakin ni Mom.

"Mom, masakit ulo ko, pwede bang hinaan niyo kaunti yung boses niyo?" I said to her.

"Well, umupo ka muna rito at may pag-uusapan tayo. " Utos saakin ni Mom. Bumuntong hininga ako at umupo sa harap nang upuang kinauupuan niya.

"Ano na naman ba ito, mom?" I asked her impatiently.

Narinig kong nagbuntong-hininga si mom saka ako tinignan ng seryoso.

"Our company is falling.. Nalulugi na ang kumpanya natin.." Pagsisimula niya.

"And..?" Tanong ko sa kanya.

"We have this friend of ours na umalok na maging one of our investors para solusyunan ang problema sa company natin. They are willing to help us, pero in one condition." Kinabahan naman ako bigla sa susunod niyang sasabihin.

"In what way, mom?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"You need to marry their daughter, son." Mahinang sabi ni Mom saakin. Para naman akong nabingi sa narinig ko, parang hindi agad pumasok sa utak ko yung sinabi niya.

"Marry to whom, mom? You're saying that I'll marry their daughter?! Seriously?!!" Galit na tanong ko ulit kay Mom.

"I'm sorry mom! But I will NEVER marry that woman! Kung may gusto man akong pakasalan, yun ay walang iba kundi si Elle! " Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita ulit. Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ito. I tried to call Elle, to the point na tinatanong ko sila Patty kung nasaan ang exact address ni Elle sa Tagaytay, pero hindi nila sinabi.

Dalawang araw na mula nang umalis si Elle at hanggang ngayon, wala pa akong ideya kung saan talaga siya sa Tagaytay.

Kasalukuyan akong nag-aayos para pumasok na naman sa trabaho. Kaso saktong pagbukas ko nang pintuan ng unit ko ay siyang labas rin niya mula sa kanyang unit. Teka, am I dreaming again? Talaga bang nandito na siya? Talaga bang nakabalik na siya?

"ELLE!" Excited na sigaw ko sa kanya. Pero tinignan niya lang ako pero pansin kong parang namumugto yung mga mata niya, wait! Umiyak ba siya?

Niyakap ko siya pero hindi niya tinugon ang yakap ko, I told her that I missed her so much, but she didn't react.

Nauna siyang naglakad papuntang parking lot, I grabbed her hand and kissed her. I don't know kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun.

"YOU JERK!" Galit na sigaw niya saakin at sinampal ako. Napatulala ako, "BASTARD!" Galit na sigaw ko sa sarili ko. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang company. Duman muna ako sa isang flower shop at bumili ng isang bouquet of roses para kay Elle. Sabi kasi nila Patty, favourite flower niya raw ang mga roses kaya ito yung inorder ko.

Pagdating ko sa office, nadatnan ko silang magkasamang tatlo, at maya-maya pa'y umalis na sila Patty at bumalik na sa kani-kanilang mga table.

Nilapitan ko siya at binigay ang bouquet sa kanya pero hindi niya ito tinanggap. Napabuntong hininga ako at bumalik na sa table ko na nakababa ang mga braso.

Lunch, napansin kong parang wala pang planong bumaba sila Elle kaya napagdesisyunan kong bumaba na para bumili ng makakain nila Patty.

Pagbalik ko, napansin kong nagtungo silang tatlo sa CR. Kaya maghihintay na lang siguro ako sa loob ng office. Nagtungo ako sa table ni Elle para ilagay sana ang order kong mousse cake sa kanyang table pero napansin kong nagriring ang cellphone ni Vanessa. Kinuha ko ito dahil mukhang importante ang tawag sapagkat ang nakalagay sa Caller's ID is "Mama"

Nagtungo sa CR at tiyempong pakatok na sana ako nang marinig ko yung sinasabi ni Elle.

Na naging dahilan nang pagbagal ng aking mundo..

Parang nasampal naman ako nang malakas dahil doon.

At parang walang humpay ang pag-ngiti ko nang dahil doon.

"I love him..... I love Kyle... so much!" She exclaimed..

She... She loves me?....

She loves me too?!

Siguiente capítulo