webnovel

THE SIGN

"Mfiel! Mfiel!" tawag ni Maricon nang tuluyang magpagisa. Matapos nang masinsinang paguusap nila Maricon at Joaquin ay nagpaalam na ito. Bago pa niya ito pinayagan ay siniguro niyang hindi na nito uulitin ang pagkakamali. Nangako naman ang lalaki. Sa nakita niyang katapatan nito ay napanatag si Maricon.

Sunod na tinawagan naman ni Maricon ay ang ina. Naiyak siya nang malamang nasa mabuti itong kalagayan sa Laguna. Hindi na niya sinabi ang mga nangyari dahil ayaw niya itong magalala.

Si Mfiel naman ang gusto niyang kausapin ngayon. Nagaalala na siya kay Baldassare dahil hindi pa rin ito nagpapakita. Ano na ba ang nangyari?

"Mfiel!" malakas na tawag ni Maricon.

"Maricon," tawag ni Mfiel. Napasinghap si Maricon ang lumitaw ito sa harapan. Napatingala siya rito at kita niyang maayos na ang itsura nito. Malinis na ito at walang galos.

Tumayo siya. "Si Baldassare. Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."

"No. Not yet. We need to wait for his sign." seryoso nitong saad.

"A-Ano'ng sign?" naguguluhang tanong ni Maricon.

"Omnis Verto Masvenit Pro Redintegro Pro Elista is a time travel spell that requires body and blood of a half breed demon. Dahil sa paggamit niya noon, nawalan siya ng human form. Kailangan niya munang maka-recover. Sinabi niya sa amin ni Inconnu na oras na ginamit niya iyon ay maghintay kami rito sa lupa ng senyales niya. He will unseal the souls there." paliwanag ni Mfiel.

Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Walang alam si Hades. Ang alam lang niya ay ang kasalukuyan. Wala siyang idea sa mga nangyari. Ni hindi ka pa niya nakikilala."

Naluha si Maricon. Hindi niya sukat akalaing ginagawa ni Baldassare ang lahat para matigil si Hades.

"M-Magiging okay ba talaga si Baldassare?" luhaang tanong niya.

Tumango si Mfiel. "He will be. Kaya nga rin ako nandito para tumulong. Mayroon na kaming plano para matalo si Hades." matalinghaga nitong saad at tinitigan siya. "And thanks to Baldassare. Dahil sa kanya ay magiging posible ang lahat."

"Bakit?" takang tanong ni Maricon.

"Because he has the wisdom, spell and blood that we need to fight Hades." anito at tinitigan siya. "And aside those things, he also has the will and spirit to fight. And I know it's all because of you."

Napaiyak na lang si Maricon. Na-touch talaga siya. Ah, sumusumpa talaga siya na matapos lang ang lahat, babawi siya kay Baldassare. Iyon lang ang sa tingin niyang paraan para makaganti rito.

"But we needed to do something. Habang hinihintay ang sign niya, kailangang puntahan natin ang simbahan kung saan nakalibing si Demetineirre." ani Mfiel.

Seryosong tumango si Maricon. "Sige. Saan ba iyon?"

"Hintayin natin si Inconnu. Pinuntahan ko siya kanina para hingan ng balita dahil pinahanap niya ang simbahan. Wala pa raw tawag ang inutusan niya. Inasikaso na rin niya ang exhumation permit ni Sierra. Kailangan nating isama ang labi ni Sierra sa simbahan" anito.

"Bakit? Para saan?" takang tanong niya.

Tinitigan siya nito. "We need their bones in order for them to resurrect."

"P-Puwede ba iyon?" naguguluhang tanong ni Maricon.

"Yes. Me and Baldassare will make it possible. All we need to do is wait."

"P-Pero kaya palang ibalik ni Baldassare ang oras. Bakit hindi na lang siya bumalik mula noong maging ascended demon si Demetineirre at namatay si Sierra para buhay pa sila?" usisa ni Maricon.

"That's the limitation of his spell. Hindi niya puwedeng balikan ang pangyayaring matagal na. Six months ang maximum. Bukod doon, minsan lang niya puwedeng gamitin ang spell. Kaya isang sugal itong ginawa ni Baldassare. But I must commend his guts. Para sa'yo ay nakahanda siyang isugal ang lahat." paliwanag nito.

And it touched Maricon's heart and soul. Habang tumatagal, patindi nang patindi ang mga nalalaman niyang sakripisyo ni Baldassare na mas lalong nagpapalalim nang pag-ibig ni Maricon.

"Sige. Maghintay na muna tayo." aniya.

Sabay silang napahingang malalim ni Mfiel. Sa loob ng halos isang linggo ay naghintay sila nang balita hanggang sa muling umalis si Mfiel para puntahan si Inconnu. Makalipas ang isang oras, bumalik ito.

"Let's go." seryoso nitong saad at hinawakan ang kamay ni Maricon. Bago pa makapagtanong ay binalot sila nang pakpak ni Mfiel at nawala. Sa isang iglap ay lumitaw sila sa lumang simabahan. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Inconnu at inilabas nito mula sa sasakyan ang isang kahon na sa tingin niya ay naglalaman ng labi ni Sierra.

Dahil walang misa ay tahimik ang buong simbahan. Agad nilang nakita ang pari at ayon kay Inconnu ay natawagan na nito iyon kaya inaasahan na sila. Nang magkaharap ay nagpakilalang Fr. Arman ito at dinala sila sa tomb ni Demetineirre.

"Nice to see you," anas ni Inconnu at hinaplos ang stone tablet na mayroong 'Demetineirre' na nakaukit. Ramdam ni Maricon ang lungkot ni Inconnu.

"We need to stay here and wait for the sign." ani Mfiel sa pari.

Tumango si Fr. Arman. "Bukas ang tahanan ng diyos para sa inyo. Ipapaayos ko lang ang matutuluyan ninyo." anito at umalis na.

"Rest. It's a long day for both of you." ani Mfiel kina Maricon at Inconnu.

Sabay silang napabuntong hininga ni Inconnu. Nang tawagin na sila ng pari ay sumunod na sila. Nagpahinga sila para magkaroon nang lakas laban sa anumang mangyayari oras na dumating ang sign ni Baldassare.

Siguiente capítulo