"MY LORD, it's confirmed. Baldassare escaped." Alocer said. He was Hades' demon. A strong duke commands 36 legions. He possessed a lion face dressed as knight on a horse. Ito ang kasama ni Hades sa arena at pinanonood ang mga bagong mandirigmang demons. Bumalik sila sa kaharian dahil nakatanggap siya ng report sa mga demon na nagkaroon ng rumaragasang ipo-ipo. Nabuksan din ang Avernus na agad ding sumara.
Naglapat ang mga labi ni Hades. Mayroon siyang ideya kung paano iyon nangyari. Base sa pagkawala ng black scroll na naglalaman ng mga breaking spell, summoning, binding at powerful incantation ni Asmodeus ay nasisiguro niyang iyon ang ginamit ni Baldassare para maaalis ang sumpang iginawad niya. At marahil, nalaman din nito na puwedeng isara ang Avernus gamit ang isang spell sa libro! Kaya nakaka-paroon at parito si Asmodeus noon ay dahil sa spell na ginamit at inilagay sa libro para maipamana sa anak!
Asmodeus used to be his great rival in hell. Sa lahat ng demon, kay Asmodeus naging threatened si Hades. Though they have equal power and knowledge, Asmodeus was clever and witty. He even creates his own conjuration—the act of summoning one or more spirits with a predetermined purpose.
Bukod doon ay nakagawa ito ng sariling mga incantation at deadly spells. Ang balita ni Hades ay nakuha ni Asmodeus ang Book of the Damned. Iyon ang ginamit nitong kasangkapan para makagawa ng mga sumpang hindi na nangangailangan ng ritual at symbols.
The Book of the Damned contains dark magic. Ayon sa alamat, pagaari iyon ni Luciano—ang isa sa mga pinakamalakas na demon bago dumating si Hades. Hades used rift sealing spell. Isa iyong uri ng spell para maikulong si Luciano sa dark hole ng impyerno. Hindi nila ito mapatay-patay kaya ikinulong na lang ito roon at hindi na nakalabas kailanman. Ang libro naman nito ay hindi nakita kahit kailan. Iyon pala ay napasakamay ni Asmodeus!
Latin ang pagkakasulat noon. Sa pagkakaalam ni Hades, kung sinuman ang makakahawak at makaka-memorize ng mga nakasulat doon ay magtataglay nang karunungang hindi basta matatalo ninuman.
Inamin ni Asmodeus na ninakaw nito ang libro kaya gigil na gigil si Hades. Iyon ang ginamit nitong rason kaya ito raw ang dapat maghari sa impyerno. Asmodeus felt he was powerful than him. And of course, he didn't let him. Bukod doon, inamin din nito na in-incinerate ni Asmodeus ang libro gamit ang isang malagim na terminating spell para walang ibang makinabang.
Kaya hindi na nagtaka si Hades kung bakit kahit nagiisa lang noong simula siya nitong kalabanin ay kinaya ni Asmodeus. Since then, Asmodeus' will and intense hunger to fight him made him a star. Maraming demon ang tumaas ang tingin dito kaya kinampihan sa huli.
Lalo pa siyang na-threatened nang malamang nagdala ito ng batang mayroong malakas na kapangyarihan sa impyerno. Good thing, Raphael banished him. Nawalan siya ng sakit ng ulo at napasakamay ulit ang buong impyerno.
No one ever dared to speak about the truth. Ipinagbawal niya iyon at pinalaki si Baldassare. Binalak niya itong patayin pero naisip niyang mas magiging maigi kung gagawin itong mandirigma. Ganti na rin niya iyon kay Asmodeus. Nakakaramdam siya ng tuwa at yabang para sa sarili sa tuwing minamanipula ang anak ng demon na ginusto siyang banggain.
Pero ngayon, hindi na siya natutuwa! Nagiging sakit na ng ulo niya si Baldassare! Ah! He really wants to strangle him! Pagkatapos na lang ng mga itinuro niya rito ay iyon pa ang gagawin nito! Kakalabanin pa siya nang dahil lang sa isang babae! Damn him!
"My lord, what is your plan? Gusto niyo bang tawagin ko ang mga slayers niyo?" malamig na untag ni Alocer. Ang mga slayers ang kadalasang inuutusan ni Hades kung mayroon siyang gustong ipapatay o ipahuli.
Nanliit ang mga mata ni Hades. "No need. Alam ko kung saan pupunta si Baldassare."
"He will go to Maricon," panghuhula ni Alocer.
Tumango si Hades. "But he'll be surprise. Bago pa sila magtagpo ay hawak ko na ang babae. Kung sakaling magpapangabot man sila, siguradong magugulat siya sa mga makikita..."
He mysteriously smiled. Oras na malaman ni Baldassare na wala na si Maricon sa mundo ng mga tao ay nasisiguro niyang magkukumahog itong bumalik.
And if that time happens, he will never ever let both of them go. Tutuluyan na talaga niya ito!