webnovel

MY LAST HOUR

"Iha, you are so beautiful," proud na saad ng ama ni Sierra habang pinagmamasdan siya nito sa salamin. Napangiti siya. Isang simpleng white dress lang ang suot niya na abot hanggang paanan. Simple din ang make up niya at naka-braid din ang buhok niya. Mayroong ilang hibla na nahuhulog sa gilid ng mukha niya pero ang ganda-ganda pa rin ng kinalabasan niya.

It was her wedding day. Isang buwan na magmula ng makabalik sila ni Inconnu mula sa states. Magaling na silang pareho kaya agad nilang nailakad ang mga papels ng kasal. Dahil na rin sa koneksyon ng ama, nabigyan ng legal na pangalan si Inconnu. Sa ngayon ay Inconnu Salvador na ang legal nitong pangalan. Salamat kay Nana Lilith. Lumabas na ampon nito si Inconnu at isinunod dito ang apelyido.

Dahil doon ay hindi sila nahirapang kumuha ng marriage license. Idagdag pang kilalang tao ang daddy niya kaya naging madali ang lahat. Ikakasal sila sa isang judge at nandoon na si Inconnu.

Napangiti si Sierra ng maalala ang lalaki. Habang nakatitig sa sariwang bulalak bilang bouquet niya, magaan na magaan ang pakiramdam niya. Kampante na siya dahil tuluyang natahimik ang buhay nila.

Pinigilan niyang makaramdam ng pait. Inisip ni Sierra na iyon na lang ang tanging paraang naisip niya para tuluyang matahimik silang lahat. Masakit, mapait pero kailangang niyang lunukin. Napagaralan na niya iyon at umaasa siyang darating ang araw, pati sina Inconnu ay matanggap iyon...

"Kanino pa po ba ako magmamana kundi sa inyo?" nakangiting sagot niya.

Napangiti ang matanda at mayroon itong binunot sa bulsa. Napatitig siya doon. Natawa siya ng buksan ng matanda at bumungad sa kanya ang isang kwintas. Crusifix ang pendant noon na kasing laki ng hintuturo niya.

"Dad..."

"It's not a wedding gift, okay? It's just a gift for you. For being kind and loving daughter." nakangiting saad ng daddy niya at isinuot iyon sa kanya.

Napangiti siya ng matapos itong ilagay iyon at pinagmasdan siya nito. "My wedding gift is this," anito saka binunot ang sa loob ng blazer nito ang isang puting sobre saka iniabot sa kanya.

"What's this?" natatawang tanong niya.

"Open it," nakangiting sagot niya.

Tumalima siya at naluha ng makitang appointment iyon para kay Inconnu. Binibigyan nito ng posisyon sa kumpanya ang lalaki.

"Para sa pagsisimula ninyong magasawa. Pumayag na si Inconnu na magaral pagkatapos ng kasal. Matalinong tao si Inconnu. Hindi siya mahihirapang makahabol sa mga leksyon. A year or two, he could be a degree holder. After that, he can help you manage the company," paliwanag nito.

Bigla siyang napabunghalit ng iyak. Sobrang saya niya dahil sa pagiging supportive ng ama kaya lang... hindi na niya maabutan ang mga magagandang mangyayari sa buhay ni Inconnu.

Dahil doon ay bigla siyang binalot ng matinding kalungkutan pero naisip niya, iyon ang sa tingin niyang makakabuti. Hindi siya dapat makaramdam ng lungkot dahil katahimikan ang magiging kapalit ng lahat.

"Are you okay?" nagalalang tanong ng daddy niya.

Napasinghap siya at agad na pinunsan ang mga mata. Sisinghot-singhot siyang tumango dito. "Yes, dad. Thank you so much. Kung mawala ho ako... magtulungan pa rin kayo ni Inconnu..." bilin niya.

Sumeryoso ang matanda. "What are you talking about? Tinatakot mo ako sa ganito, iha. Is there something you're not telling me?"

Kinabahan si Sierra pero minabuting ipakitang balewala lang ang lahat. Umiling siya rito at natawa. "Just saying, dad. Pasensya na ho kung tinakot ko kayo,"

Napabuntong hininga ito at tumango. Mukhang kinalma ang sarili at lihim na nagdasal si Sierra na huwag na sanang magtanong pa ang tatay niya. Mahirap para sa kanyang magsinungaling. Araw-araw iyon na ang ginagawa niya. Araw-araw niyang pinakikitang okay lang siya kahit na ang totoo ay nalulungkot siya sa nalalapit na pagalis...

"Let's go." anito saka inalalayan siyang makatayo. Agad na siyang sumama rito. Napangiti siya ng makitang hinihintay na siya ng mga katulong sa labas ng kuwarto. Si Nana Lilith at pupunas-punas pa ng luha dahil natutuwa rin.

Umalis na sila at nagpunta sa opisina ng judge sa city hall. Kumabog ang dibdib niya ng makitang nakikipagusap si Inconnu sa isang staff ng judge. He was wearing a dark suit. Bagong gupit din ito at bagong ahit. Tuluyang nabura ang bakas nito bilang demon.

He became a gorgeous man, a man Sierra would marry and love until the last drop of her life...

"Wow," anas ni Inconnu habang hinahagod siya nito ng tingin.

"Ang guwapo mo rin kaya... 'wow' din sa'yo," nakangiting sagot niya at inayos ang kuwelyo nito. Natunaw ang puso niya nang makitang titig na titig ito habang nasa mga mata ang paghanga.

"Ang suwerte ko. Ikakasal ako sa isang napakaganda at napakabuting babaeng gaya mo," anas nito at hinalikan ang ibabaw ng palad niya.

Kilig na kilig tuloy siya. Isang matamis na ngiti ang isinagot niya. Gusto rin niyang pasalamatan si Inconnu. Hanggang sa huling oras ng buhay niya ay pinasasaya siya nito.

"Naghihintay na si Judge. Let's go," untag sa kanila ng daddy niya.

Nakangiting tumalima sila. Pumasok na sila sa opisina at nagsimula na ang seremonyas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Sierra. Habang tumatagal, lalong humihigpit din ang hawak niya sa kamay ni Inconnu. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang matapos ang pinakamasayang oras ng buhay niya.

"You may kiss your bride," nakangiting pagtatapos ng judge.

Pumatak ang luha ni Sierra at hinarap siya ni Inconnu. Masuyo nitong pinunasan ang mga luha niya at siniil siya ng halik. Tumugon din siya ng buong init. Ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal sa halik na iyon. Kung puwede lang humingi ng extension ay ginawa na ni Sierra. Ayaw niyang matapos ang pinakasamayang minuto ng buhay niya...

Pero kailangan niyang bumitaw... tapos na ang kanyang oras...

Nangilid ang luha ni Sierra ng makita ang itim na lalaking sumulpot sa tabi ni Inconnu. Mayroon itong hawak na psyche at naka-hood ito. Tanging bungong mukha na lang nito ang nakikita niya.

Iyon ang huling bilin sa kanya ni Hades. Kukunin ng reaper ang kaluluwa niya matapos ang dalawang buwan. At iyon na ang ikalawang buwan nila: ang araw mismo ng kasal nila ni Inconnu. Pumayag si Hades na kaluluwa niya ang gamitin para maisara ang Avernus para hindi na makalabas ang mga demon na tumitugis kay Inconnu...

"I love you," luhaang anas ni Sierra kay Inconnu. Basag na basag ang puso niya dahil alam niyang ikadudurog ng puso ni Inconnu ang susunod na mangyayari...

Doon na tuluyang iwinasiwas ng reaper ang psyche nito at sumama doon ang kaluluwa ni Sierra...

---------------------------------------------------------

"SIERRA! WHY!" luhaang sigaw ng ama ni Sierra habang bumababa ang kabaong ng babae gamit ang lowering device ng sementeryo. Iyon ang araw ng libing ni Sierra. Hindi pa rin makapaniwala si Inconnu na mamatay ng ganoon na lang ang babaeng pinakamamahal.

After their wedding, Sierra past out. Agad nila itong dinala sa ospital at nabigla silang lahat ng ideklarang DOA na ito. Ang findings: dumanas ito ng cardiac arrest kaya namatay. Iyak ng iyak ang tatay ni Sierra. Si Inconnu naman ay halos sumabog na ang ulo. Hindi siya makapaniwala. Hinding-hindi niya matatanggap ang lahat ng iyon!

Para na siyang baliw. Natutulala siya. Tinatanong ng paulit-ulit ang sarili kung bakit ganoon? Kung kailan natatahimik na sila ay doon naman ito biglang namatay. Sobrang sama ng dating noon sa puso ni Inconnu. Pakiramdam niya, noong mamatay si Sierra ay namatay na rin siya.

Hindi siya nakakatulog at laging tulala. Kagaya ng tatay ni Sierra, pareho silang hindi makausap ng maayos. Pakiramdam ni Inconnu at dumanas siya ng pagkabaliw. Pati ang katinuan niya ay tinangay din ni Sierra. Salamat na lang at naging maayos ang burol nito sa tulong ng mapagkakatiwalaang tao. Walang sawang tumulong din sina Nana Lilith.

He was so damn frustrated. He felt destroyed, he couldn't even function properly. Hindi siya makapagisip ng maayos. Ilang beses na ba niyang natatagpuan ang sariling nagwawala sa kuwarto ni Sierra? Ilang beses na rin ba siyang nagiiyak habang yakap ang damit nito? Hindi na niya mabilang. Tingin niya ay magpapatuloy pa iyon dahil habang tumatagal, lalong pumapait ang dibdib niya dahil sa isang mapait na katotohanan...

"Sierra..." humahagulgol na tawag ng matanda sa anak at napaluhod na ito sa sobrang panghihina.

"Shit..." nagtitimping anas ni Inconnu habang nakatitig sa ataul na tuluyang naibaba. Doon sumabog ang damdamin niya. Bumukal ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa buong ulo. Pakiramdam niya ay sasabog na iyon. Taas baba ang dibdib niya. Hingal na hingal siya sa sobrang pagkokontrol ng emosyon.

"Inconnu... ang anak ko..." luhaang anas ng matanda. Lalong nadurog ang puso ni Inconnu. Awang-awa siya rito. Kagaya niya ay nagdurusa din ito sa pagkawala ni Sierra.

"Sir, tama na ho..." umaawat na anas ni Nana Lilith at pinilit na ilayo na ang matanda doon. Inaya na rin si Inconnu ng mga tao pero tumanggi siya. Tahimik siyang umiiyak at nakapupo. Nanginginig siya habang nakatitig sa harapan.

Hindi na napansin ni Inconnu kung ilang oras na siyang nakaupo doon. Tahimik lang siyang lumuluha. Tahimik niyang sinisisi ang sarili at ang lahat ng bagay na naging dahilan ng pagkamatay ni Sierra. Tahimik din siyang nagtatanong kung bakit kailangang mangyari iyon kay Sierra. Bakit hindi na lang sa kanya? Bakit hindi na lang siya!

Hanggang sa tuluyan ng bumigay si Inconnu. Nagwala siya. Lahat ng bulaklak, inihagis niya sa kung saan. Ang mga silya din ay pinagbabato niya. Nagsisigaw siya hanggang sa napahagulgol na lang at hinang napasalampak sa damuhan.

"Shit... patayin na rin ninyo ako!" luhaang sigaw ni Inconnu at napasinghap siya sa naisip. Oo nga. Bakit hindi niya tapusin ang sariling buhay? Wala ng silbi ang lahat dahil wala na rin si Sierra.

Dahil sa naisip ay agad siyang umalis sa sementeryo. Umuwi siya sa mansion nila Sierra. Magmula ng mamatay ito ay sinamahan na muna niya ang daddy nito doon. Sa kuwarto siya ni Sierra dumiretso. Naghanap siya ng lubid. Nang makakita ay itinali niya iyon sa pinakamataas na bahagi ng bintana at itinali sa leeg niya. Luhaang huminga siya ng malalalim bago tuluyang sinipa ang upuan at lumambitin siya sa ere habang nakatali ang lubid sa leeg.

Pero napamura na lang si Inconnu ng maputol iyon. Nagwala ulit siya dahil sa kapalpakang nangyari. Pero hindi bale. Maraming pagkakataon. Maraming paraan para tapusin niya ang kanyang buhay. At hindi siya titigil.

Susundan niya si Sierra at gagawin niya iyon sa paraang naiisip niya...

----------------------------------

"Kumusta ka na Inconnu?" malamig na tanong ng tatay ni Sierra. Pinatawag siya nito makalipas ang halos isang buwang pagluluksa. Sa loob ng panahong iyon ay hindi rin niya ito nakakausap. Lagi itong nagkukulong sa kuwarto. Siya naman ay abala sa pagtatapos ng kanyang buhay.

Gusto niyang matawa ng mapakla. Parang nanadya ang pagkakataon. Lahat ng ginagawa niyang paraan para magpakamatay, hindi nagtatagumpay. Pakiramdam tuloy ni Inconnu ay hindi pa niya oras. Dahil sa tuwing nagtatangka siya, kundi napuputol ang tali at wala siyang mahanap na kutsilyo para maglaslas sa sarili.

Uminom na rin siya ng gamot pero agad siyang nadadala sa ospital at nalalapatan ng lunas. Lason na lang ang hindi niya nasusubukan. Mukhang itinago ng lahat ng katulong ang mga iyon. Lagi din siyang bantay sarado sa mga ito. Hindi man sila magsalita ay alam niyang pinakikiramdaman at pinanonood ang lahat ng kilos niya.

"Honestly, I am not fine. I want to die," malamig niyang amin. There's no use on hiding those feeling anyway, he thought. Wala na rin siyang ganang mabuhay. Wala ng saysay ang lahat. Patay na ang babaeng naging dahilan kung bakit siya nasa mundo ngayon ng mga mortal...

Natahimik ang matanda hanggang sa nagpakawala ng isang mahabang hininga. "I understand. Kagaya mo, ilang beses ko ring naisip iyan." ayon nito pero natawa ng bahaw. "Pero nanaginip ako kagabi. Napanaginipan ko si Sierra. She was sad. She was crying. She said, she doesn't want us to live this way. She wants us to live our life..."

Natigilan si Inconnu. Naiyak naman ang matanda ng maalala ang anak. Bumigat lalo ang pakiramdam ni Inconnu. Parang na-imagine niya si Sierra. She was crying seeing him trying to end up his life. Damn... he felt so guilty...

"Pero hindi ko kaya ang gusto niya..." lumuluhang anas ni Inconnu. Durog na durog ang puso dahil sa nalaman. Kahit wala na si Sierra, masakit pa rin ang dating sa puso niyang malamang nalulungkot pa rin ito sa kabilang buhay.

"Sabihin ho ninyo sa akin kung papaano ako mabubuhay ngayong wala na siya?" luhaang tanong niya sa matanda at tinitigan ito. Umaasa siyang mayroong makukuhang kasagutan dito.

Pero wala siyang narinig. Tahimik lang na umiiyak ito at alam niyang pareho lang sila. Hindi rin nito alam kung papaano mabuhay ng wala ang anak. Pareho sila nitong naliligaw ngayon at walang direksyong alam.

Lulugo-lugo siyang nagpunta sa kuwarto ni Sierra. Niyakap niya ang paborito nitong damit hanggang sa napansin niya ang itim na bagay na tila dumudungaw sa ilalim ng kama nito. Hinila niya iyon at kumabog ang dibdib niya ng makita ang itim na libro!

Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng pagasa. Alam niyang wala na si Sierra pero baka magawan niya ng paraan gamit ang itim na libro. Kinakabahang binuklat niya iyon at nagpasyang gamitin ang isang incantation para mag-summon ng isang specific demon. Pagkakataon na niyang tawagin si... Baldassare. Posible iyon dahil marami naman siyang kilalang pangalan ng demon para masabi iyon sa incantation. Si Baldassare din ang napili niya dahil ito ang masasabi niyang pinakamalapit sa kanya. Umaasa siyang tutulungan nito kahit papaano.

Agad niyang hinanda ang ritual kit. Lumabas siya para bumili ng itim na kandila at dugo ng itim na pusa at manok. Gabi na ng makabalik siya at muling nagkulong sa kuwarto. Agad niyang sinimulan ang ritwal hanggang sa tuluyang natawag si Baldassare.

"Wow. Look at you. You looked... horrible," hindi makapaniwalang saad ni Baldassare.

Napabuntong hininga si Inconnu at hindi pinansin ang panlalait nito. Agad na niyang sinabi ang pakay hanggang sa itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagtanggi nito.

"Just like Sierra. I don't do such things," natatawang sagot nito at napailing. "Man, kahit pumapayag akong makipag-deal, hindi ko puwedeng kuhanin ang kaluluwa mo. Hades forbids all demons to have deal with you."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Napakunot din ang noo nito at tila sinuri siya hanggang sa seryosong tumango. "It seems you don't know anything."

Naikuyom niya ang kamao. Halos sumakit na ang puso niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib. Binabalot siya ngayon ng matinding pananabik para malaman ang buong katotohanan!

"Yes so hurry up and tell me," angil niya rito.

Nagkibit balikat si Baldassare at nagsimula ng magkuwento. "Hades told me that Sierra made a deal with him. Nag-suggest si Sierra na isara ang Avernus gamit ang kaluluwa niya para wala ng demon na makalabas para atakehin ka. Pumayag si Hades. Binigyan ng pagkakataon ni Hades si Sierra na makasama ka. Twenty years pero tinanggihan iyon ni Sierra."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Inconnu. Halos hindi siya makahuma! Twenty years?! Bakit tumanggi si Sierra?

"You heard it right. Tinanggihan ni Sierra ang twenty years dahil hiniling niyang kapalit noon ay tatantanan ka ni Hades. Sinigurado ni Sierra na hindi ka mamatay pati ang pamilya niya. Ang twenty years ay naging two months..." seryosong paliwanag ni Baldassare.

Kumibot-kibot ang labi ni Inconnu dahil hindi niya alam kung ano sasabihin! Biglang-bigla siya. Doon din niya naalala kung bakit kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya natutuluyang mamatay. Kasama iyon sa deal ni Sierra. Hindi siya mamatay hangga't hindi pa niya oras.

Durog na durog ang puso niya hanggang sa galit niyang sinipa ang silya at sinuntok ang pader. Napasigaw siya sa sakit pero mas iniinda ni Inconnu ang sakit na nagmumula sa puso niya.

Hindi niya sukat akalaing magagawa iyon ni Sierra. Nakaramdam siya ng panghihina pero sa huli ay nanaig din ang damdamin niya. Hindi na niya hinintay na magsalita si Baldassare. Umalis siya at natagpuan ang sariling nakaluhod, umiiyak ng malakas sa harap ng lapida ni Sierra...

"Damn it, Sierra... why?" luhaang tanong niya at hinang napahiga sa tabi ng lapida. Hinaplos niya iyon. Pakiramdam niya sa ganoong paraan ay parang nahahaplos niya ang dalaga. "You don't have to go this far, Sierra... papaano ang mga taong nagmamahal sa'yo bukod sa akin? Papaano kami mabubuhay ngayon?" luhaang tanong niya. Umaasang sasagutin pa nito.

Pero nanatiling tahimik ang paligid. At alam ni Inconnu na ang mga katanungang iyon ay hindi na masasagot pa kahit kailan ni Sierra...

-------------------------------------

After one year...

"Here's the papers. Kailangan ho ninyong pirmahan ito," malamig na saad ni Inconnu sa ama ni Sierra. Kasalukuyan silang nasa opisina nito. Ito pa rin ang tumatayong presidente ng kumpanya at tinituturuan siya nito ngayon kung papaano hahawakan.

Wala siyang itinago sa matanda tungkol sa natuklasan. Na-depress ito noon kaya nagkaroon ng mild stroke. Gayunman, nakabawi din ito sa huli. Doon siya bahagyang nagising. Alam niyang mahal na mahal ito ni Sierra at hindi nito magugustuhan oras na mayroong nangyaring masama sa ama.

Inalagaan niya ito. Ginawa niya ang lahat na dapat ay si Sierra ang gumagawa. Utang niya iyon sa matanda. Kundi dahil sa kanya, buhay pa sana si Sierra. Dahil doon ay nanumpa siya na gagawin ang lahat. Handa siyang habang buhay na pagsilbihan ang matanda para makabawi.

Nang bumuti ang matanda ay pinagusapan nila ang kalagayan nila. Pareho silang pumayag na sundin ang gusto ni Sierra. They started to live a life. Pinagaral siya ng matanda. Dahil likas na matalas ang isip ni Inconnu, hindi siya nahirapan sa mga leksyon. Dumaan siya sa sari-saring test. Sa loob ng halos isang taon ay nakatapos siya ng kursong Business Administration.

Agad siyang pinagtrabaho sa kumpanya. Iyon ang ginamit din niyang dibersyon para makalimot. Aaminin niya, ngayon ay alam na ni Inconnu ang sagot sa tanong niya noon sa puntod ni Sierra na papaano siya mabubuhay ngayong wala na ito...

Malungkot. Malamig. Tahimik. Iyon ang buhay kapag wala si Sierra. And Inconnu knew that it was for life...

"Kumusta ka na?" seryosong tanong ng matanda pagkatapos nitong pumirma.

"Sad," agad niyang sagot at natawa ng mapait.

Malungkot itong ngumiti. "Me too. Death anniversary bukas ni Sierra. One year na siyang wala."

"One year na rin ho sana kaming kasal," sagot niya at napahinga ng malalim. Muli niyang naalala ang pinakamasaya at pinakamalungkot na araw ng buhay niya: ang kasal nila. Sa tuwing naalala niya ay magkahalong saya at pait ang nararamdaman niya sa puso.

"'I love you' were the last words she said before she dies. Hindi ko man lang nasagot iyon. Hindi ko man lang nasabi na mamahalin ko siya hanggang sa dulo ng buhay ko," malungkot niyang pagbabalik tanaw.

Sabay sila nitong napabuntong hininga. Pareho silang natahimik ng maalala ang lahat. At bago pa sila tuluyang mapektuhan ulit ng nakaraan, nagpaalam na si Inconnu. Kinuha na niya ang papeles at bumalik sa sariling opisina.

Nagtrabaho siya hanggang gumabi. Paglabas niya ay halos wala ng tao sa opisina. Alam niyang umuwi na rin ang matanda kaya hindi na niya ito dinaanan. Sa mansion pa rin siya umuuwi pero nabigyan na siya ng sariling sasakyan kaya hindi na siya sumasabay sa daddy ni Sierra.

Nagpasya siyang pumunta sa puntod ni Sierra. Araw-araw, bago umuwi ay doon muna siya dumadaan. Kinakausap niya ito at kinukwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw niya. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi iyon ginagawa.

Bumili muna siya ng isang bungkos na white roses bago pumasok sa sementeryo. Kilala na siya doon kaya agad siyang pinapasok ng makilala. Agad niyang tinumbokang puntod ni Sierra.

"Hi," malungkot niyang bati ay ipinatong ang bulaklak sa lapida nito. Isang mahabang hininga ang pinakawalan niya ng makaupo sa harapan noon. "It's me again. The first beast you made deal to," mapait niyang saad at napabuntong hininga.

Inconnu understand perfectly now why Hades agreed on the deal Sierra suggested: Hades wants to punish him. And living a life without Sierra was enough penalty. He'll forever live in melancholy...

**********************

Siguiente capítulo