webnovel

DEEP SHIT

"A-Ano'ng nangyari? Bakit wala na ang site?" natatarantang anas ni Kaye habang panay ang tipa sa keyboard. Hanap siya ng hanap sa internet site na nakitaan niya ng mga summoning spells pero wala na. Mukhang binura na iyon. Halos sumabog na ang ulo ni Kaye kakaisip ng paraan kung papaano mako-contact si Dem.

Tuluyang nakulong si Tolome. Sa huli ay umamin ito. Mukhang hindi rin kinaya ng konsensya ang ginawa. Inamin nito na sinamantala nito ang pagkakataong lango sa alak ang dalawang butcher. Pinalo nito ng dos por dos ang dalawa sa ulo para hindi na makalaban. Pinalabas nitong nawawala ang dalawa para hindi ito ang mapagbintangan. Dumaan daw ito sa bintana para palabasing nakasara ang kuwarto mula sa loob at lituin ang mga imbestigador. Pagkatapos ay inilagay nito ang mga katawan sa service ng sementeryo at dinala sa crematorium.

Inamin nito na nagawa nito iyon dahil sa ginawa nilang pamboboso sa dalagang anak. Naireklamo man nila iyon sa barangay, hindi daw ito nakuntento dahil naiisip nitong uulitin iyon ng dalawang butcher. Dahil doon ay inilagay na nito ang batas sa kamay at iyon ang ginawa.

Nakapagdesisyon na si Kaye. Hindi puwedeng habang buhay niyang indahin ang regrets na iyon. Doon din niya tinanggap sa sarili na hindi na niya kayang tagalan ang lahat. Gusto na niyang makita si Dem. Mababaliw na siya oras na hindi pa makita ang lalaki.

Isang linggo na siyang ganoon. Noong una, bumalik siya sa pagsa-summon ng mga demon. Ginamit niya ang mga dating paraang nalalaman hanggang sa walang nangyari. Kanina ay naisip niyang tumingin ulit sa internet. Nafu-frustrate na rin kasi siya dahil kahit ang summoning spell na ginamit niya noong muntikan na siyang mamatay ay mukhang wala na ring bisa. Kahit magtutuwad-tuwad siya ay hindi lumalabas si Dem!

"H-Hindi ito puwede..." nanghihinang anas ni Kaye ng makitang kahit ano'ng i-type niya tungkol sa mga demons ay wala na ring lumalabas. Bumagsak ang pakiramdam ni Kaye. Pakiramdam niya, tuluyan na siyang pinutulan ni Dem ng karapatang makita ito.

"Okay ka lang?" takang untag sa kanya ni Harold.

Tumango siya bagaman salungat ang sinasabi ng damdamin niya. Hindi siya okay! Papaano siya magiging okay? Hindi niya na makikita si Dem! Ah, windang na windang ang buong sistema niya. Ang puso niya, sumisigaw na. Gustong-gusto na niyang makita at makasama si Dem...

At doon napagtanto ni Kaye kung bakit ganoon katindi ang nararamdaman niya. Parang binagsakan na siya ng langit. Pakiramdam niya, ikamamatay na niya ang kaalamang wala na silang pagasa ni Dem...

She loved him deeply. Dahil sa pagmamahal na iyo ay nakahanda na si Kaye na gawin ang lahat para lang makasama ito. Kahit anong orasyon o incantation, kahit na ano'ng dapat na gamitin niyang materyales, gagamitin at hahanapin niya. Makita lang niya ulit ang binata...

"M-May alam ka bang summoning spell?" desperadong tanong ni Kaye kay Harold.

Napanganga ito. Napangiwi naman siya. Malapit na talaga niyang iuntog ang ulo. Pati si Harold, tinatanong na niya! Malala na nga talaga siya.

Natawa ito ng makabawi. "Summoning spell? Bakit? Saan mo gagamitin?"

"W-Wala. Napanood ko lang 'yung Supernatural," tukoy na pagdadahilan niya sa TV series na dati niyang napapanood. Bagsak na bagsak na ang pakiramdam ni Kaye. Nagisip siya ng paraan pa kung papaano makakuha ng ibang impormasyon hanggang sa naisip niyang pumunta sa Quiapo. Maraming manghuhula at manggagamot doon. Baka may maitulong ang mga iyon sa kanya.

Natawa si Harold sa dahilan niya. Siya naman ay napailing na lang sa sarili at minabuting isara na ang internet. Baka mahuli pa siya ng supervisor. Mahirap na. Ang ginawa ni Kaye ay itinuon na lang ang sarili sa trabaho.

Pagdating ng uwian ay paspas siya sa kilos. Nagmamadali na siyang lumabas. Nagpunta siya ng Quiapo kesehodang naabutan ng traffic. Tanghali na siyang nakarating. Bangag man dahil sa puyat, hindi na niya ininda. Ang mahalaga, makahanap siya ng summoning spell para makita si Dem.

"Lola, hihingi po sana ako ng tulong. Kahit magkano, magbabayad ako basta... bigyan niyo ako ng summoning spell para sa... demon," pigil hiningang saad ni Kaye sa isang matandang manggagagamot na nakita niya sa tabi ng simbahan.

Napanganga ito hanggang sa napahalakhak. Napatingin tuloy ang mga katabi nilang tao sa lakas ng tawa nito hanggang sa pailing-iling na tumigil. "Iha, nasisiraan ka na ba? Walang ganoon!" anito saka humagalpak ng tawa.

Parang nanliit tuloy si Kaye. Kung pagtawanan siya ng matanda, parang ang tanga-tanga na niya. Huminga siya ng malalim. Kinalma niya ang sarili. Gusto niya itong sagutin na nakapag-summon nga siya, ibig lang sabihin ay mayroon kaya huwag itong ano!

Napabuntong hininga si Kaye. Natural na hindi niya iyon masasabi. Minabuti na lang niyang tumayo at iwanan ito.

Wala sa sariling nagpalakad-lakad siya sa Quiapo. Sa tuwing may makikita siyang matanda na sa tingin niya ay may alam sa pagsa-summon, lakas loob niyang kinakausap na nauuwi sa pagtatawa lang. Hanggang sa makaramdam na ng hilo si Kaye dahil sa puyat. Minabuti na niyang umuwi.

Pagdating sa bahay ay bagsak na siya sa sofa. Padapa siya doon at hindi na bumangon. Naluha siya habang pinagmamasdan ang semento kung saan siya nagsulat gamit ang uling na mayroong dugo ng itim na pusa. Doon din niya naalala na maraming beses siyang sumubok. Isang taon nga at nagawa niya. Bakit ngayon ay pinanghihinaan na siya ng loob?

Dahil doon ay nagkaroon siya ng determinasyon. Bumangon siya. Nagbihis at isinuot ang itim na cloak. Mabilis niyang inihanda ang mga gamit para sa pag-summon. Matapos ay lumuhod siya sa gitna at nagdasal ng nagdasal.

Isang oras na iyong ginawa ni Kaye pero walang Dem na lumabas. Hanggang sa nanghihinang napadapa na lang siya sa gitnang bilog at naiyak.

"Dem... sorry na... magpakita ka na sa akin... please..." luhaang anas niya at napahaplos sa sahig. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Ang sakit-sakit noon sa puso niya.

"Dem... I'm so sorry... please... bumalik ka na... pangako... babawi ako... gagawin ko ang lahat para mawala ang galit mo at sama ng loob..." luhaang pakiusap niya.

Napahagulgol na lang si Kaye ng wala siyang napalang sagot. Tahimik pa rin ang paligid. Walang Dem na lumabas. Ni wala siyang naamoy na sulfur. Walang demon.

Napaiyak na lang si Kaye dahil doon.

"IMPEKTUS NOCUM." malamig na saad ni Demetineirre saka pumitik. Agad naging abo ang mga demons na nagtangkang akyatin ang tore ng Avino, isa sa matataas na tore sa underworld na kailangan nilang protektahan. Teritoryo iyon ng 66th legion. Nakaupo siya sa tuktok noon at iyon ang nakatoka sa kanyang bantayan. Sina Inconnu naman ay nasa hilagang tore at nagbabantay din. Ang nagbabantay naman ng silangan at kanluran ay si Baldasarre. Gamit ang mga na-summon nitong evil spirits, sila ang nagbabantay ng bahaging iyon para hindi makapasok ang mga demons.

He can smell greed. They are lusting for the throne. Hindi na bago iyon kaya sanay na silang tatlo para lumaban. Tamad na tamad na nga siya. Actually, lutang na lutang dahil walang ibang laman ang isip niya kundi si Kaye...

Magiisang buwan na ng magmula ng makabalik siya sa underworld. Nadatnan niyang nagwawala si Deumos at pinagiinitan ang mga demons. Ang buong akala nito, isa sa mga demon ang dumukot sa kanya. Wala daw kasi itong naramdamang presence niya inside or outside underworld.

Hindi na niya itinama iyon. Walang ibang laman ang isip niya kundi si Kaye at ang galit kung bakit nito nagawang pagisipan siya ng masama. Hindi na nga niya maintindihan ang sarili. Bakit ba siya nakakaramdam ng sama ng loob? Dapat, wala siyang maramdaman! Something was really wrong with him!

Kaya hayun siya, natutulala at pinakikiramdaman ang sarili. Pinilit niyang alisin sa isip si Kaye pero hindi niya magawa. Lagi niyang natatagpuan ang sariling iniisip ito. Kung nale-late ba ito sa trabaho. Kung kumakain ba ito bago matulog. Or kung kumakain pa ba ito. Baka sa sobrang pagtitipid, minsan na lang itong kumain! Ah, mapapagalitan talaga niya ang dalaga.

Bakit? Babalik ka pa ba para gawin iyon? Nakakalokong tanong ng isang bahagi ng isip ni Demetineirre.

Napabuntong hininga siya. Ilang beses na ba niyang pinigilan ang sariling bumalik? Ah, hindi na niya mabilang. Sa tuwing gagawin niya iyon ay naalala niya ang huli nilang paguusap. Nakakasama ng loob na paratangan siya ng ganoon. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi dahil wala naman talaga siyang ginawang masama!

Aaminin niya, nagpunta siya sa silid ng dalawang iyon dahil nakaramdam siya ng kasamaan. Doon niya nakita ang tunay na salarin: ang asawa ng serbidora sa karinderya. Nagiinuman ang dalawang butcher at hinintay na malasing. The rest was history.

He saw everything. He was hiding in darkness that's why. Noon pa ay pansin na niya iyon kay Tolome. He was tainted with vengeance. Dem could smell his wrath and he knew it will all lead to that.

Kaya nga siya ang laging nagpupunta sa karinderya ay dahil ayaw niyang mapalapit si Kaye doon. Hindi naman niya iyon masabi-sabi sa dalaga. He was a demon! It wasn't easy for him to show sincerity and concern.

Napabuntong hininga siyang muli at pumitik para mawala ang mga demon na umaakyat sa tore. Naging ganoon siya sa loob ng maraming segundo hanggang sa napaigtad ng maramdamang tinapik siya ni Baldassare sa balikat.

"What?" angil niya rito. Napabuga siya ng hangin ng makitang nasa likuran din nito si Inconnu.

Natawa si Baldassare saka tinanguan si Inocunnu. Mukhang nagkasundo ang dalawa na asarin siya. "Don't be mad. Binura ko na ang lahat ng site na naglalabas ng fake na summoning spell. Okay?"

Napaismid siya. Gayunman, nakahinga siya ng maluwag. Nasabi niya sa dalawang kasamahan ang tungkol sa nangyari dahil hindi naniwala ang mga ito sa sinabi niyang may nakalaban siyang demon. Inconnu was very wise. He immediately noticed that something changed in him. Si Baldassare ay nakita ang trace ng spell sa kanya. He was the best summoning master. Hindi na siya magtataka kung paano nito nakita iyon.

Dahil doon ay inamin niya ang lahat at tawa ng tawa si Baldassare. Isa daw iyon sa mga ikinatutuwa nito sa mga mortal. Mga uto-uto. Madaling mabola. Gayunman, hindi naman daw kumpleto ang mga inilalagay nitong spell sa internet gawa ng delikado iyon. Maaaring hindi lang mga legendary devils ang matawag ng kunsinumang magsa-summon sa kanila kundi mga halimaw pa.

At alam ni Demetineirre kung bakit sa kabila ng peke ang ilang spells doon ay nai-summon pa rin siya ni Kaye: it was all because of her blood. Dugo ng birhen na babae ang kulang sa ingredients na inilagay ni Baldassare sa internet kaya kahit lumakad ng paluhod si Kaye ay hindi siya mai-summon.

Gayunman, ang nangyari noon ay isang aksidente lang. Naamoy ni Demetineirre ang dugo ni Kaye sa mga gamit kaya siya nito nai-summon. That explains everything.

"Mabuti naman," angil niya saka napabuga ng hangin.

Napangisi ito. "Bakit ba? Ayaw mo na bang mai-summon ka ni—?"

"Shut up," mainit ang ulong suway niya rito. Ayaw niyang may makaalam ng tungkol kay Kaye. Baka paginitan ito ni Deumos. Ayaw na ayaw pa naman nitong mawalan siya ng concentration sa 66th legion. Gusto nitong mas humusay pa siya at oras na makita ni Hades na mas lamang siya kina Inconnu at Baldassare ay umaasa si Deumos na pahahawakan pa siya ng mas malaking grupo ni Hades. Such a greed act.

Pero pakiramdam ni Demetineirre ay hindi na siya interesado sa kahit na ano'ng klaseng kasakiman. Mas gusto niyang makasama si Kaye...

Kumabog ang dibdib ni Demetineirre sa awtomatikong ibinulong ng puso niya. Bigla siyang kinabahan sa naramdaman...

"Shit..." anas niya at napamaang sa mga kasamang nakamaang din sa kanya. Nasisiguro niya, naramdaman nito ang nararamdaman niya. Kulay pa lang ng aura niya, siguradong biglang nagiba!

"You're in deep shit..." nabibiglang anas ni Baldassare. Mulagat na mulagat ito sa kanya.

Kumabog ulit ang dibdib niya. Napalunok si Demetineirre. Tama ito. He was so fucking doomed. He fell in love with Kaye without even noticing it. That's the only explanation why he was feeling and acting that way! Why he was so crazy about her!

Dahil doon ay bigla siyang umapoy! Napasigaw si Demetineirre sa init na naramdaman...

"LINDOL!" SIGAW ng katrabaho ni Kaye ng makaramdam sila ng pag-vibrate ng sahig. Biglang kumabog ang puso niya sa kaba at lalong lumakas iyon. Napatili silang lahat ng magsipagtumbahan ang mga monitors, files at kung anu-anong maaaring mahulog. Dahil hindi sila makaalis ay minabuti nilang magtago sa ilalim ng mesa. Dasal sila ng dasal para sa kaligtasan at sana ay humupa na ang lindol. Halos sumabog na ang puso ni Kaye sa takot. Tantya niya ay intensity five ang lindol!

Umabot ng tatlong minuto ang malakas na pagyanig hanggang sa unti-unti iyong humupa. Iyon nga lang ay nangangatog pa rin ang mga tuhod ni Kaye. Ayaw pa rin niyang lumabas mula sa ilalim ng mesa dahil natatakot pa rin siya.

Hanggang sa nakita niyang nakalahad ang kamay ni Harold sa kanya. Napatitig siya rito. Kita din niya ang takot sa mga mata nito pero pilit na nilalakasan ang loob. Gayunman, minabuti niyang tanggapin ang kamay nito para hindi mahirapang lumabas.

"Tingnan ninyo!" nahihintakutang saad ni Milly sabay turo sa glass window. Lahat sila, napalingon at napasinghap siya sa nakita! Ilang kilometro ang layo sa gusali nila ay mayroon itim at pulang makapal na usok na paakyat sa ulap. Dahil gabi at madilim, hindi na niya alam kung saan iyon nagpupunta hanggang sa tuluyang humupa.

"Dem..." anas ni Kaye. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lalaki ang biglang naisip. Binalot siya ng pagaalala. Pakiramdam niya ay mayroong nangyaring masama dito.

Ito ang laman ng isip ni Kaye habang nakatitig sa labas ng gusali. Kumakabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay nasa tainga na niya iyon kaya hindi na niya napansin ang announcement ng supervisor.

"Kaye, umuwi muna daw tayo. Nasira ang communication devices natin. May mga poste din daw ang natumba sa lakas ng lindol. Wala rin tayong internet at ipapaayos pa lang iyon," ani Harold sa kanya.

Napatango siya at kinuha na ang mga gamit. Lumabas na sila at doon niya nakita ang pinsalang gawa ng lindol. Hindi lang poste ang mga natumba kundi ang ilang mga gusali. At dahil mukhang maganda at matibay ang pakakagawa ng gusaling pinagtatrabahuhan niya ay hindi naman iyon naapektuhan maliban lang sa mga wirings na konektado sa mga poste.

"Sumabay ka na sa akin. Dala ko naman ang sasakyan ng kuya ko. Baka mamaya, magkaproblema pa ang MRT. Hindi ka pa makauwi agad," suhestyon ni Harold. Agad naman siyang pumayag para makauwi na.

Sumakay na si Kaye sa kotse ni Harold. Ilang sandali pa ay nilisan na nila ang lugar. Sa daan ay nasasalubong nila ang mga bumbero at ambulansya. Mukhang maraming biktima ang lindol. Lihim siyang nanalangin na saan man naroroon si Dem, sana ay nasa mabuti itong kalagayan.

Sira. Nasa underworld na si Dem. Siguradong okay lang siya doon. Hindi naman naapektuhan ng kalamidad ang underworld... sagot ng isip ni Kaye. Gayunman, napabuntong hininga pa rin siya at hindi nabawasan ang nararamdamang kaba. Mapapanatag lang siya oras na makita si Dem. Napabuntong hininga si Kaye. Sana lang talaga ay magpakita ito. Kahit sandali lang, magiging masaya na siya. Ganoon niya marahil kamahal si Dem. Makukuntento siya sa saglit na sulyap dito basta pagbigyan lang siya ng pagkakataon.

Napahinga na lang ng malalim si Kaye sa naisip.

Siguiente capítulo