webnovel

MHR | Chapter 40

My name? Would my name help you remember something, somehow? If so, what could they be? All the bad words that I've said to you before? All the rejections I gave you? The heart break?

Teka, ano ba itong iniisip ko? Mahal ako ni Ryu. Minahal niya ako noon at ayon kay Mrs. Daria at Tita Iris ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa akin. Kapag naka-alala siya, isa sa mga maaalala niya ay ang naramdaman niya para sa akin noon. Bakit ba ako nagpapaka-negatibo?

"It's okay if you don't want to say your name."

Natauhan siya nang muli itong nagsalita. Nakangiti pa rin ito sa kaniya, na marahil ay dahil sa nakikitang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha.

"I'll just call you Buttercup, then?"

Biglang tila sinipa ng malakas ang kaniyang dibdib nang marinig ang sinabi nito. Masakit na ang lalamunan niya sa pinipigil na iyak, at siguradong pulang-pula na rin ang kaniyang mukha sa tindi ng nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Kahit si Ryu ay natigilan din matapos ang huling sinabi. Kalaunan ay nakita niya kung paanong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatitig pa rin ng diretso sa kaniya.

"That seemed familiar, too..." bulong nito kasunod ng biglang pag-ulap ng mga mata.

She just wanted to weep and let go of her tears. Kanina pa niya nais na lapitan si Ryu at sabihin dito ang totoong nararamdaman.

Na na-miss niya ito.

Na nag-sisisi siya sa katangahan niya.

Na mahal niya ito at nais niyang mag-simula sana sila.

Iyon ay kung... pagbibigyan siya nito. Ang kaso ay wala itong maalala.

Si Ryu ay napayuko at kunot pa rin ang noong nag-isip, tila may pilit na inaalala. At sa muli nitong pag-angat ng tingin ay nagsalita ito ng may pagtataka sa tono. "Everything about you is so familiar it creeps me out. Who are you?"

She inhaled softly, before answering his question. "Luna. I'm Luna Isabella."

Ang pagtataka sa anyo ni Ryu ay unti-unting nawala, kasunod ng paghalili ng pagkamangha.

Hope rose in her heart. "N—Naalala mo ba ako?"

Tumango ito saka bahaw na ngumiti. "That explains why you seem so familiar. Because I've seen you before, a few months ago, on that video."

Oh.

Hindi niya naiwasang ma-dismaya. Ang akala pa man din niya ay partikular siyang naalala nito— pero hindi pala. Naalala lang siya nito sa pamamagitan ng video na napanood ilang buwan na ang nakalilipas.

Masyado siyang umasa na babalik ang alaala ni Ryu kapag narinig ang pangalan niya at makilala siya...

Pero hindi. And the reality was slowly hitting her, giving her unimaginable pain.

"I've watched that video a week after my recovery. How are you, Luna?'

Lonely and sad, Ryu.

"I'm.... I'm happy, I guess? Because you are safe now." That was somehow true. Pero alam niya sa kaniyang sarili na mas lamang ang lungkot at pangungulila kaysa sa saya.

Ryu gave her a sweet smile. At doon ay sandali niyang nasilip ang dating ito noong bago pa nangyari ang insidente. "I heard a lot about you from the boys."

Napa-isip siya. The boys? Oh, The Alexandros...

"They told me everything," dagdag pa nito, ang ngiti sa mga labi'y unti-unting nawala. Ilang sandali pa'y bumuntong-hininga ito. "It's a shame that I don't remember anything about you. I hope I could, but I guess fate will only decide when it will happen."

"Yeah," she uttered before forcing a smile. "Maybe one day, you will just wake up and start remembering things again."

Tumango ito at ginantihan siya ng pinong ngiti. Ang cellphone na hawak pa rin ay nito ay muling nag-ring.

"I should go now," sabi ni Ryu na hindi na nag-abala pang sagutin ang tawag.

"Okay," sagot lang niya rito sa mahinang tinig.

He gave her one last look before he turned his back and walked away.

*****

"Nabanggit ni Ryu na nagkita kayo kaninang hapon," kaagad na sabi ni Marco nang tawagan siya nito kinagabihan.

She was trembling, halos walang oras na hindi siya umiyak sa apartment niya matapos ang pagkikita nilang iyon ni Ryu nang hapong iyon.

Buti na lang at nakapagpaalam sina Kaki at Dani sa mga magulang at sinamahan siya nang gabing iyon.

"Bakit wala man lang nagsabi sa akin na darating si Ryu?" she asked in a croaky voice. Walang humpay siyang umiyak nang umiyak kaya basag ang boses niya.

Sina Dani at Kaki ay parehong naka-pajamas at nakangalumbabang nakaharap sa kaniya habang kausap niya sa telepono si Marco.

"They have just arrived this morning and Ryu snuck out. Hindi alam nila Tita Iris na umalis ito, ang akala ng lahat ay nagpapahinga lang ito sa silid nito. We were planning to tell you pero naunahan kami ng pagkakataon."

Bumuntong hininga siya saka sumandal sa pader ng kaniyang silid. "Hindi ko akalaing masasaktan ako sa pagkikita naming iyon kanina, Marco. I was surprised, hindi ko napigilang maluha nang makaharap ko siya."

Narinig din niya ang pagbuntong-hininga ni Marco sa kabilang linya. "Simula nang naging maayos ang lagay ni Ryu ay ginawa namin ang lahat upang tulungan siyang makaalala, Luna. We showed old pictures of him with his family, all his favorite stuff, his room, even his favorite food. Lahat ng akala naming makatutulong sa kaniya ay ipinakita namin, but none of them helped. Ikinuwento na rin naman lahat sa kaniya. Kung papaano namin siya nakilala, kung papaano niya kami tinulungang magbago at umiba ng direksyon. Kung papaano namin itinatag ang grupo kasama sina Grand at Kane, at pati na rin kung papaano ka niya nakilala. But none of them helped recover his memories. He was like a reprogrammed computer— empty."

Napasulyap siya sa salaming bintana at pinagmasdan ang kadiliman sa labas. "How did he take it, Marco?"

"Well, at first he was overwhelmed. He was always grumpy, he was mad. Hindi niya kilala ang lahat ng tao sa paligid at wala siyang alam tungkol sa sarili. He was lost in the world and he was mad about it. But eventually, Ryu started to accept his fate. He accepted that he may never recover his memories."

She sighed. "Sa tingin ko, ang mahalaga na lang ngayon at ang dapat nating ipag-pasalamat ay ang pag-galing niya. Kahit wala siyang maalala, ang mahalaga ay buhay siya."

"Yes," Marco agreed. "And all we can do now is to accept his fate and move on."

Tumango siya na tila kaharap lang niya ang kausap.

Tama nga siguro na tanggapin na lang nila ang katotohanang malabo nang makaalala pa si Ryu. Ang mahalaga ay buhay ito at makakasama pa nila nang matagal.

At kahit masakit sa kaniyang hindi na rin siya nito maalala ay wala na siyang magawa kung hindi ang tanggapin iyon at magpatuloy sa buhay. Sabi nga niya, mananatili na lang niya itong mamahalin mula sa malayo.

Sa kabilang linya ay muling nagsalita si Marco, subalit wala na rito ang kaniyang pansin. Napasulyap siya sa journal na nasa ibabaw ng desk niya. It was Ryu's.

I guess it's time for you to go back to your rightful owner, buddy...

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Siguiente capítulo