webnovel

MHR | Chapter 16

Natapos ang final exam at mag-uumpisa na ang semestral break sa loob ng ilang araw.

Ryu Donovan's letters, origami, and free lunch continued to come and it became a habit. Sina Dani at Kaki ay sadyang inaantabayanan ang pagkaing ipinapahatid ni Ryu sa classroom nila tuwing lunch time at sa umaga'y bine-video pa ang pagpasok niya at paglapit sa desk para makita ang reaksyon niya sa araw-araw na pagdating ng mga origami at notes.

Hindi pa rin siya natutuwa pero dumating na siya sa puntong nakakasanayan na niya ang mga ginagawa ni Ryu para sa kaniya. She would often just roll her eyes and shove the origami and notes into her bag like they were nothing.

Sa tuwing hapon naman ay nasa gate pa rin ang lalaki upang makita siya. Madalas ay tinatapunan lang niya ito ng masamang tingin na sinasagot lang ng lalaki ng pag-ngiti.

Matapos ang nangyaring iyon isang gabi nang ma-stuck sila sa school library dahil sa bagyo, ay hindi pa rin nagbago ang turing niya kay Ryu kahit pa may kakaiba siyang naramdaman noong mga panahong iyon. Hindi pa rin siya natutuwa rito at sa grupo nito at para sa kaniya, sagabal pa rin ito sa pakikipaglapit niya kay Stefan Burgos.

Si Stefan, na kalaunan ay naging malapit na rin siyang kaibigan. Madalas itong sumabay sa kanila sa lunch at ilang beses na siya nitong niyayaya sa isang friendly date. They would just go in town, watch movies, visit the art gallery museum and get some coffee or ice cream after. She enjoyed her time with Stefan at hiling niya ay mauuwi sila sa magandang relasyon.

Maliban pa sa kanila ni Stefan ay naging matahimik na ang buhay niya sa CSC, h'wag lang magpakita ang Alexandros sa kaniya— lalo na si Donovan. Wala na ang mga estudyanteng nagbubulungan sa tuwing daraan siya o mga mapanghusgang mata na sumusunod sa kaniya.

Mukhang takot nga ang student community kay Ryu Donovan... Dahil nagawa nitong patigilin ang ilang mga estudyante sa pagiging kontrabida sa buhay niya.

"My family owns a farm somewhere in Quezon Province, at ang sabi ni Daddy ay pwede akong mag-invite ng mga kaibigan para pumunta roon sa bakasyon. Would you like to come, girls?"

Napa-tingin si Luna kay Dani nang marinig ang sinabi nito. Kasalukuyan silang naglalakad sa corridor palabas ng highschool department building nang mga oras na iyon at pauwi na. Iyon din ang huling araw ng pasok nila sa semestreng iyon.

"I'll come," sabi ni Kaki. "Wala naman akong gagawin sa bahay kaya bakit hindi?"

"Oh, we'll sure have a great time, Kaki," ani Dani na tuwang-tuwa sa sinabi ng kaibigan. "How about you, Luna? We will just stay there for two days, minsan lang naman ito kaya sumama ka na rin. Kaysa naman dalawa lang kami ni Kaki, 'di ba?"

Ngumiti siya, "Yeah, I guess I need some time off. Pero kailangan ko munang magpaalam kina Mom and Dad," sagot niya.

"Woohoo!" Tuwang napa-palakpak si Dani. "Sa Linggo ng madaling araw tayo aalis. Pinahiram sa'kin ni Dad ang isang kotse niya kaya susunduin ko nalang kayo ni Kaki. Oh geez, This is gonna be fun!"

*****

Namamanghang inikot nina Luna at Kaki ang tingin sa paligid nang makababa sila ng sasakyan. Matapos ang apat na oras na biyahe ay narating din nila ang farm ng pamilya ni Dani.

"Pag-aari niyo ang lugar na ito, Dani?" manghang sambit ni Kaki na cute na cute sa suot na summer dress. Ang buhok nito'y naka-tirintas mula tuktok hanggang dulo.

"I know you are rich but I didn't know how much until now..." sambit din ni Luna nang ikutin niya ng tingin ang paligid.

Malawak na palayan, maisan at tubuhan ang nakikita niya. Ni isang kabahayan ay wala siyang matanaw, maliban sa isang maganda at malaking cottage sa ibabaw ng burol. Ayon kay Dani ay pag-aari ng mga magulang nito ang lupaing abot ng kanilang paningin.

"May matandang katiwala kami sa cottage at sila ng apo niya ang tumatao roon," ani Dani matapos paki-usapan ang driver na ibaba ang mga gamit nila at dalhin na sa cottage. "May lawa malapit dito at doon tayo pupunta mamayang hapon para mag-bonfire at mangisda. I'm good at fishing, kaya kung hindi kayo marunong ay tuturuan ko kayo."

Excited silang sumang-ayon sa plano ni Dani.

Pagdating nila sa taas ay lalong namangha sina Kaki at Luna. Hindi dahil sa ganda ng istruktura ng cottage kung hindi nang makita kung sino ang naroon at naghihintay sa porch.

"Stefan and Kier? What are you two doing here?" ani Luna na pinamulahan ng mukha.

"Well, naisip kong mas masaya kung may boys tayong kasama..." nakangising sabi ni Dani.

Si Stefan ay nginitian si Luna. "Dani invited us for a fishing adventure."

Sinulayapan niya si Dani na ngumiti lang sa kaniya. Gusto niyang umusal ng pasasalamat sa kaibigan, alam niyang boto ito sa kabilang panig pero hindi niya inaasahang gagawa ito ng paraan para magkasama sila ni Stefan sa trip na iyon.

"My parents would kill me kapag nalaman nilang may kasama tayong mga lalaki," kabadong sambit ni Kaki na umagaw ng pansin nila. "Ang alam ng mga magulang ko'y tayong tatlo lang, Dani."

Umikot ang mga mata ni Dani, "Wala tayong gagawing hindi maganda kaya kumalma ka, Kaki."

"But Dani—"

Hindi na naituloy pa ni Kaki ang sasabihin nang may marinig silang sasakyang paparating sa dirty road na dinaanan din ng sasakyan nila kanina. Kunot-noo nilang sinundan ng tingin ang van hanggang sa huminto ito sa ibaba ng burol at pumarada sa likod ng sasakyan ni Dani.

"Are you expecting more visitors?" ani Luna kay Dani na hindi makasagot. Nasa van din ang mga tingin nito.

Hindi nila inalis ang tingin sa van hanggang sa bumukas iyon at isa-isang magsilabasan ang mga sakay.

Gustong sumabog ng utak ni Luna nang makita kung sinu-sino ang mga naroon. Marahas niyang nilingon si Dani na hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

Si Kaki ay kunot-noo ring nilingon si Dani. "What are the Alexandros doing here?"

"I... invited them, too."

Si Luna ay naningkit ang mga mata. "Dani, I could kill you for this!"

Subalit hindi na nakasagot pa si Dani nang marating ng mga bagong dating ang front porch.

"Hey there!"

Napalingong muli si Luna nang marinig ang tinig ni Marco. Naka-summer polo shirt ito at may bitbit na cooler. Nasa likuran nito sina Seann, Raven, at Kane na iniikot ang tingin sa paligid. Sa bandang likuran pa ay sina Jet, Grand at Blaze na madalang nilang nakikita sa school.

"I can't believe the Alexandros will join us," komento ni Kier.

Napatingin si Luna kay Stefan at nakita niya ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito na ikina-kunot ng noo niya. Alam ni Stefan na mabigat ang loob niya sa Alexandros, lalo na sa Boss ng mga ito.

Iyon kaya ang dahilan kaya hindi rin nito nagustuhan na naroon ang grupo?

"Hi, Luna!"

Napalingon siya nang marinig ang sabay na pagbati nina Raven at Seann. They were smiling widely.

Inirapan niya ang mga ito.

"Where's The Boss?" Narinig pa niyang tanong ni Dani.

"Oh, he's just on the phone right now but he will be right here in a minute," sagot ni Marco. Bumaling ito sa kaniya at ngumiti.

Umikot lang ang mga mata niya at nauna nang pumasok sa loob ng cottage, giving Dani a warning look.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Siguiente capítulo