webnovel

MHR | Chapter 14

"Luna?"

Muling kumulog ng malakas sanhi upang muli siyang impit na sumigaw. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at yumakap sa bag sa sobrang takot.

Si Ryu ay mabilis na lumapit at hinawakan siya sa siko upang alalayang maupo sa isa sa mga stool.

Nang makabawi sa pagkagulat ay nagmulat siya. Hawak ni Ryu sa kanang kamay ang flashlight at ang isang kamay nito'y nakaalalay parin sa kaniya. "What are you doing here?" malumanay nitong tanong.

"I...I fell asleep while waiting for the rain to stop." Banayad niyang inalis ang braso sa pagkakahawak nito. "Why are you here? Hindi ba't alas sinco palang ay tapos na ang classes niyo?"

"Oh, you know my schedule?" nasa tinig nito ang panunukso na ikina-ikot lang ng eyeballs niya.

"Papaano kong hindi malalaman, eh nasa gate ka palagi kapag ganoong oras para antabayan ako?!" Oh, gusto niya itong itulak sa inis.

Ryu chuckled, "Calm down, 'di mo kailangang magalit, I was just teasing you." Tuwid itong tumayo saka inikot sa paligid ang flashlight, "I was looking for Bella."

"The cat?"

Ngumiti ito, "Yes, the cat. I was worried about her, hindi ko siya mahanap sa likod ng Literature building nang puntahan ko. She was probably cold and hungry. Alam kong maliban sa likod ng building ay dito siya sa library o sa canteen nag-lalagi. Kakapasok ko lang dito kanina nang mawalan ng kuryente, I just went out to borrow a flashlight. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakikita."

I don't care, aniya sa isip. Pero wala siyang lakas na mag-suplada sa mga oras na iyon.

Ilang sandali pa'y muli siya nitong niyuko, "I didn't know you're here? Wala nang tao sa lobby maliban sa pang-gabing guwardya nang pumasok ako dito."

Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy ito, "Akala ko'y guni-guni ko lang ang narinig kong sigaw kanina."

Napatingin siya sa hawak nitong flashlight.

"I borrowed this from the guard." anito na tila nahulaan ang nasa isip niya. "Ang sabi nila ay natumba ang poste ng kuryente ng school."

Hindi na siya sumagot pa at ibinaling ang pansin sa salaming bintana. Gusto niyang manlumo sa nakikita, ang ulan ay walang humpay sa malakas na pagbuhos at ang hangin ay malakas din ang paghampas. Kung nagsitumbahan ang mga puno sa labas, siguradong hindi safe sa mga oras na iyon na lumabas siya ng building.

Oh, kung bakit pa kasi hindi siya kaagad umuwi kanina! Muli niyang niyakap ang bag at yumuko.

At sa dinami-rami ng estudyanteng narito sa CSC, bakit ang lalaking ito pa ang kasama ko rito?!

Napatingin siya kay Ryu na inilibot ang tingin sa paligid kasabay ng pag-ikot ang ng flashlight. She watched him silently.

Ryu Donovan is a total package. Tall, probably over six feet, has a toned body and a prominent face. His jaw, eyes, nose and lips are perfect. He's indeed one of the most handsome students in school, of course kasama sa listahan ang buong grupo ng Alexandros. But despite his looks, there is something about him that she doesn't like.

His angst.

His popularity.

His personality.

Nagising siya sa matamang pagsuri sa lalaki nang may marinig sila malakas na meow. Si Ryu ay kaagad na itinutok ang ilaw ng flashlight sa sahig kung saan nagmula ang tunog na iyon at nakita nila ang puting pusang naghihikab pa.

"Bella, I'm so glad you're safe," bulalas ni Ryu bago lumapit sa alaga. Kinuha nito iyon saka humakbang patungo sa harap ng bintana at sumandal sa pader. Ipinatong ni Ryu ang flashlight sa sahig at hinimas-himas ang alaga, fondness all over his face.

She frowned as she watched the bond between the infamous badboy and the furry-thing.

"I really love cats," umpisa nito habang nasa paghimas sa alaga ang buong pansin. "I actually have four in our house."

She wanted to roll her eyes, I don't care, okay? Gusto niyang isa-tinig. Bagot niyang ibinaling ang pansin sa bintana at pinagmasdan ang malakas pa ring pagbuhos ng ulan.

"Oh look, there's a ukulele."

Bahagya niyang sinulyapan ang lalaki nang may inabot ito sa katabing shelf. Sinubukan nitong kalabitin ang mga strings ng nasabing instrumento at nang masigurong maayos pa iyon ay tiningala siya. "Do you play any instruments, Luna Isabella?"

Inirapan niya ito at muling ibinaling ang pansin sa labas ng bintana. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaki. Hihintayin lang niyang bumalik ang ilaw at aalis na siya roon.

Si Ryu ay nagkibit-balikat lang nang hindi siya sumagot. He sat on the floor in an Indian style and started playing the cords. Muli nitong niyuko si Bella na nakahiga sa sahig sa tabi nito. "Listen to this, Bella."

Inumpisahan ni Ryu na patugtugin ang ukulele hanggang sa sinundan nito iyon ng pag-kanta.

sora no koe ga kiki taku te

(I wanted to hear the sound of the sky)

kaze no koe ni mimi sumase

(So I listened to the wind)

umi no koe ga shiri taku te

(I wanted to know the sound of the sea)

kimi no koe o sagashiteru

(So I looked for your voice)

Napatingin si Luna sa lalaking kaharap habang abala ito sa pagtugtog at pagkanta. She was impressed by his voice. She didn't know he could sing well. And top of it all, he could sing the Japanese song fluently!

Very impressive... bulong niya sa isip habang titig na titig sa lalaki. Hindi niya maiwasan ang sariling makinig dito.

aenai sou omou hodo ni

(We can't meet, but the more I think about it)

aitai ga ookiku natte yuku

(I want to see you even more)

kawa no tsubuyaki yama no sasayaki

(the murmurs of the river, the whisper of the mountain)

kimi no koe no youni kanjirun da

(reminds me of your voice)

me o tojire ba kikoete kuru

(If I close my eyes, I can hear it)

kimi no korokoro shita waraigoe

(your lilting laugh)

koe ni dase ba todoki sou de kyou mo utatteru

(If I say it loud, it might reach you, so Im singing)

umi no koe ni nosete

(along with the sea)

Hindi niya mapigilan ang sariling pakatitigan si Ryu habang patuloy ito sa pagtugtog. She could not understand anything but she could feel the emotions.

The song felt sad.. and very emotional. Hindi niya maiwasang matulala. How could she like the melody without understanding a word?

umi no koe yo kase no koe yo

(the voice of the sea, the voice of the wind)

sora no koe yo taiyou no koe yo

(the voice of the sky, the voice of the sun)

kawa no koe yo yama no koe yo

(the voice of the river, the voice of the mountain)

boku no koe o nosete yuke

(will carry my voice)

Hindi namalayan ni Luna na natapos na ang tugtog. She was staring at Ryu while listening to his husky, baritone voice. She was in awe. Nagulat nalang siya nang mapatingin ito sa kaniya.

"Did you like it?"

Napakurap siya. "W-what?"

*****

Siguiente capítulo