webnovel

MHR | Chapter 8

Kinunutan ng noo si Luna nang pagpasok niya sa classroom nila nang sumunod na umaga ay nakatingin lahat ng ka-klase niya sa kaniya, pawang mga nakangiti. Some were congratulating her for an unknown reason. Hanggang sa marating niya ang desk niya at doon pa lang niya nalaman ang dahilan.

There was another origami with a note clipped on it.

"Looks like my man won't give up easily, dearie..." ani Dani sa tonong panunukso. Gamit-gamit na naman nito ang tono ng pananalita ni Freddie Mercury.

Walang kibong naupo siya sa upuan niya at binuksan ang bag. Hindi siya interesado sa bagay na naroon sa ibabaw ng desk niya.

"Oh, come on," sabi ni Dani saka kinuha ang note at binasa ng malakas.

Doubt thou the stars are fine;

Doubt that the sun doth move;

Doubt truth to be a liar;

But never doubt I love.

Tilian ang mga ka-klase nilang babae. Hula niya ay naroon din ang ilan sa mga ito kahapon sa canteen at narinig ang pahayag ni Ryu Donovan sa kaniya. At dahil itinuturing nang celebrity ang lalaki sa school nila ay lalong naging malakas ang dating ng nangyari.

"Hindi ako magtataka kung isa sa mga araw ay magkaroon kayo ng fans club dito sa school," sabi naman ni Kaki na nakaupo sa harap ng desk nito at nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya. "RyuNa? LuRyu?"

Ang lakas ng tawa ni Dani sa huling sinabi ni Kaki, "And I'll definitely be the chairman of that club!"

Gustong uminit ng ulo niya sa sinabi ng dalawa pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang tinutukso lang siya ng mga kaibigan at ayaw niyang patulan. Huminga siya ng malalim at kinuha ang origami, tumayo at dinala iyon sa basurahan. Biglang natahimik ang lahat sa ginawa niya. Bumalik siya sa upuan at binuklat ang assignment notebook para i-review ang mga nakasulat doon.

Sina Dani at Kaki ay nagkatinginan.

She really hated the fact that she became the talk of the school. Kanina habang naglalakad siya papasok ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante, mapa-highschool o college man, at pinagbubulungan. She did not deserve that. Kung sakali mang pagbubulungan siya o pag-uusapan, ang nais niya ay sa magandang dahilan. Katulad ng mga karangalan na maibibigay niya sa school o sa pinakamataas na gradong makukuha niya. Hindi ganito. Hindi dahil sa lalaking iyon.

Bigla siyang kinunutan ng noo nang may lumapit sa harap ng desk niya at may ipinatong roon. Another origami. Gawa sa pinitas na pahina ng notebook at naka-tuping parang eroplano.

"That's all I can do for now," anang tinig sa harapan niya.

Mabilis na umangat ang tingin niya nang makilala ang tinig. Si Stefan ay nakayuko sa kaniya at may munting ngiti sa mga labi. Pinamulahan siya ng mukha.

"Don't let your mood ruin your day," anito bago naglakad pabalik sa desk nito.

"Tsk," ani Dani na nakasunod ang tingin kay Stefan na ibinalik ang pansin sa binabasang libro. "Hindi pa nga nag-uumpisa, nangangamoy love-triangle na."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan at kinuha ang nakatuping papel na gawa ni Stefan sa harap niya. She smiled. That brightened her day.

Nang pumasok ang teacher nila ay saka lang umayos ng upo ang lahat. Si Luna ay tuluyang nakalimutan ang inis at napalitan ng tuwa sa natanggap mula kay Stefan.

*****

"May baon ka? Kailan ka pa natutong mag-pack ng lunch?" gulantang na wari ni Dani nang sinabi niyang hindi siya makakasama sa canteen.

It's lunch time at niyaya siya ng dalawa na pumunta sa canteen para kumain, pero tumanggi siya at saka inilabas mula sa bag ang baong pagkain.

"Ngayon lang. Dahil sa masamang karanasan ko kahapon," aniya. Binuksan niya food container at ipinakita sa mga ito ang baon niyang tuna spaghetti. "We can share, if you like. Sadya kong dinamihan ang dala ko."

"Wow, I didn't know you can cook?" ani Dani habang nakatingin sa pagkaing nasa container.

"This is the only food I can cook without mistake. Paborito ito ng daddy ko kaya madalas kong lutuin sa bahay."

"Hmmm," ani Dani. "That looks yummy but I'm not a fan of pasta."

"Pass din ako, kanina pa ako nag-ke-crave ng fried chicken," sabi naman ni Kaki.

Nagkibit balikat siya.

Dani and Kaki left and she was about to start eating when someone dragged a stool and sat beside her. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Stefan na ipinatong ang baunan nito sa desk niya.

"Do you mind?" anito.

Hindi niya mapigilang pamulahan ng mukha, "Not at all."

Ngumiti ito saka nag-umpisang sumubo. She couldn't help but blush the whole time. Para sa kaniya ay magandang senyales iyon, dahil kung dati ay tinatanaw niya lang ito sa malayo, ngayon ay abot-kamay na niya.

"About yesterday," umpisa ni Stefan sa usapan, "how long have you known Ryu Donovan?"

"I met him on the first day of school."

"That unfortunate day?"

Hindi makapaniwalang napatingin siya rito, "You still remember?"

Bahagya itong natawa, "Who would forget?"

Pinamulahan siya ng mukha, "I tried."

Tumigil ito nang makitang tila napahiya siya. "I'm sorry, I shouldn't have said that."

Pilit siyang ngumiti, "No worries."

"So, you met each other on the first day of school, huh? And you didn't know he was the infamous Ryu Donovan of the Literature Department?"

Umiling siya, "Nalaman ko lang ang lahat kahapon."

Tumango ito. "You caught a big fish right there. He's the hotshot of the college division and is popular in town," anito bago itinuloy ang pagkain.

"And so I heard," walang interes niyang sagot.

"You don't like him?"

Natigilan siya sa tanong nito. Umangat ang tingin niya at nakitang nakatitig din ito sa kaniya at tila hinihintay ang sagot niya. Her heart beat rapidly.

She was about to answer Stefan when someone took her attention. Isang pamilyar na bulto ang biglang sumulpot sa pinto ng classroom nila. Narinig niya ang singhap ng ilan nilang mga ka-klase nang makita din ang lalaking iyon at ang iba nama'y impit na nagtilian. Her eyes went wide open.

Si Ryu Donovan ang naroon at may hinahanap ng tingin. And when he caught her eyes, he smiled widely.

"Hey Luna," anito nang makalapit. Sinulyapan nito si Stefan at kinunutan ng noo. "I hope I'm not interupting something?"

Si Stefan ay tumayo at hinarap si Ryu.

Kinunutan ng noo si Luna nang mapansin ang ekspresyon ng mukha ni Stefan. She thought she was just imagining things, but she could see animosity on Stefan's eyes.

"Not really, I just joined her because I thought she'd get lonely eating her lunch alone," sagot nito kay Ryu. Matangkad lang ng kaunti si Ryu Donovan kay Stefan subalit ang katawan ng mga ito ay halos magkapareho lang ng laki.

Si Ryu ay tinantiya ang lalaking kaharap. Naka-kunot pa rin ang noo at tila may pilit na inaalala. "Have we met before?"

Matagal bago sumagot si Stefan, "I don't think so." Saka nito kinuha ang baunan sa mesa niya at sinulyapan siya, "Catch you later, Luna."

Sinundan ni Luna ng tingin si Stefan na lumabas ng silid nila bitbit ang food container nito. Alam niya kung saan ito patungo. Tuwing lunch time, kung wala ito sa classroom ay naroon ito sa roof top ng school building kasama ang ka-klase nilang si Kier para doon magpalipas ng oras.

Bumuntong hininga siya. Kung kailan nagkaroon siya ng pagkakataong makasabay sa pananghalian si Stefan ay siya namang dumating ang damuhong lalaking nasa harapan niya.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Ryu. "Now, what? Pupuntahan mo na rin ako dito sa classroom ko? You're not sending your men anymore?" tuya niya rito.

Hinila nito ang upuan na nasa harapan niya at naupo roon. Saka ito may inilapag na medium sized food box sa desk niya.

"Well, I wanted to see you. And besides, I prepared something for you, at ayokong masayang." Binuksan nito ang dalang food box at lumantad sa harapan niya ang samut-saring sushi at sashimi na sa mga Japanese restaurants lang niya nakikita.

Oh, how she loves Japanese foods!

"I made this for you and your friends. Please try it."

"I'm not eating it."

"I'm not going anywhere until you try it."

Kinunutan siya ng noo, "You are harassing me."

"No, I don't. I said the word 'please'."

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili, "I don't like sushi."

"One of your friends told me you love Japanese cuisines. How can you not like sushi, then?" nakangiting sabi nito.

Walang silbi kung tatanungin pa niya kung alin kina Kaki at Dani ang nagsabi rito, ang gusto lang niyang mangyari ay umalis na ito sa harapan niya.

"Kakainin ko iyan sa isang kondisyon," aniya habang matapang na sinasalubong ang mga mata nito.

Sandali itong nag-isip, bago... "Shoot."

"I'll only eat this if you promise to stop sending me those stupid origami and letters."

Sumandal ito, humalukipkip at saka nag-isip habang nasa mga labi pa rin ang ngiti. Ang mga mata nito'y hindi humihiwalay sa kaniya.

Hindi niya alam kung gaano ito ka-tagal na ganoon, hanggang sa naramdaman nalang niyang hindi na siya kumportable sa mga titig nito. Huminga siya ng malalim at dinampot ang chopstick na naroon sa loob ng food box, kumuha ng isang maki sushi at isinubo.

Oh my God.. Kulang nalang ay ipikit niya ang mga mata para damhin ang linamnam na nalasap. She never had anything like it before, it was so delicious!

Ngumiti ito saka tumayo, "I'm happy to see that you like it. See you around, Luna Isabella." Tumalikod na ito saka nakapamulsang humakbang patungo sa pinto.

Ang mga kaklaseng niyang naroon ay nakasunod ang tingin sa lalaki hanggang sa makalabas ito ng silid nila.

Huminga siya ng malalim saka ibinaba ang chopstick at nangalumbaba.

Naiinis siya sa pagdating ni Ryu Donovan, nasira nito ang magandang moment nila ni Stefan. Oh, she waited for that day to come! The day when Stefan would notice her. Pero dahil sa magaling na lalaking iyon ay nasira lahat. She's pissed. Lalo lang itong nagbigay ng dahilan para lalo siyang mainis dito.

Ilang sandali pa'y lumusot sina Dani at Kaki na may dala-dalang take-out food. Nang makalapit ang mga ito ay humalukipkip siya at tinitigan ng masama ang dalawa.

Si Dani ay napangisi at si Kaki nama'y hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Kahit hindi niya tanungin ay alam na niyang isa sa mga ito ang nagsabi kay Ryu na paborito niya ang Japanese food, marahil ay ang mga ito rin ang nagsabing naroon siya sa room nila at ayaw nang pumunta sa canteen.

Huminga siya ng malalim. "These sushi are waiting for you, so dig in. I don't want them," aniya.

Mabilis na humila ng mauupuan ang dalawa at maganang kumuha ng pagkaing dala ni Ryu. They totally ignored the food they bought for themselves.

"You two should stop helping that guy," aniya sa mga ito. "I don't like him and I would really appreciate it if you help me shoo him away. Ayokong araw-araw na naaabala o naiinis dahil sa mga padala niyang bulaklak, letter at ngayon heto, pagkain."

Si Kaki ay nilunok muna ang pagkaing nginunguya bago siya sinagot, "They cornered me yesterday, kaya hindi ko nagawang tumanggi nang hiningi niya sa akin ang paborito mong pagkain. But at least, look how he's really trying to impress you. I think giving him a chance won't hurt," anito bago muling sumubo ng isang sushi.

Si Dani ay tumango, nilunok din muna ang kinakain bago nagbigay ng sariling komento, "I have already accepted the fact that my ultimate crush has a thing on my friend, so I vowed to support him and just be happy about it."

Buntong-hininga nalang siya saka uminom ng tubig na nasa tumbler niya.

"Also," si Kaki. "Dito mo mapapatunayan kung gaano talaga ka-seryoso si Ryu Donovan sa damdamin niya sa'yo. Kung talagang gusto ka niya, papatunayan niya sa iyo na hindi lang ito ang kaya niyang gawin to impress you. At dito rin natin malalaman kung pinagti-trip-an ka lang talaga niya."

Muli ay bumuntong hininga lang siya saka nakapangalumbabang pinagmasdan ang maganang pagkain ng dalawa.

There is no way I could stop him from what he's doing. So I'll probably just let him do whatever he wants until he gives up.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Siguiente capítulo