webnovel

MHR | Chapter 1

Luna ran like there was no tomorrow. Wala na rin siyang pakealam kung magtalsikan ang tubig ulan sa binti niya, tutal ay basang-basa na rin naman ang sapatos at medyas niya. Kipkip ng isang braso ang school bag samantalang ang isang kamay ay nakahawak ng mahigpit sa payong. Simula kagabi ay masama na ang panahon at inaasahan na niya ito, kaya nagsuot siya ng makapal na jacket.

Unang araw ng pasok sa school at mukhang male-late pa siya. Damn the weather. Dahil sa sama ng panahon ay hindi kaagad siya nakaalis sa apartment, bumabaha sa harap ng kalsada dahil sa baradong drainage at hindi niya gustong lumusong doon. She will talk to the landlady, kailangan nitong ipaayos ang drainage na iyon. Kung alam lang nila ng mommy niya na ganoon ang nangyayari sa lugar na iyon tuwing may ulan ay hindi sana nila napiling okupahin iyon.

Mula primary hanggang middle school ay hindi pa siya na-late, ngayon pa talaga? Magbibigay iyon ng hindi magandang impresyon sa mga bago niyang ka-klase. Hahayaan ba niyang mangyari iyon?

Not in this life! Binilisan niya ang paglalakad. Siya nalang ang natatanging estudyanteng naroon sa daan patungo sa school sa mga oras na iyon at hindi niya mapigilang ma-pressure. Mukhang siya nalang ang natitirang hindi pa nakakarating sa klase!

This can't be happening! Damn the weather! Nanggagalaiti niyang sigaw sa isip. Kanina pa niya sinisisi ang masamang lagay ng panahon dahil wala siyang ibang mapagbuntungan ng inis.

Sinulyapan niya ang oras sa relos. Five minutes past eight.

Gaaahh!!!

Alas-otso ang umpisa ng klase nila, ibig sabihin ay huli na siya! She ran faster, umaasang kahit papaano ay abutan niya ang first class.

Ilang sandali pa'y nakahinga siya ng maluwag nang matanaw ang malaking gate ng school. Mahigpit niyang kinipkip sa braso ang bag saka mabilis na tumakbo patungo roon. Okay lang na ma-basa ang sapatos at medyas niya pati ang ibabang bahagi ng palda niya dahil sa nagtalsikang tubig doon, ang importante sa kaniya ay makarating sa unang klase sa malao't madali.

Tuluy-tuloy siya sa lakad-takbo hanggang sa marating niya ang entrance gate. Hinihingal na saglit siyang tumigil at tiningala ang mataas na building ng highschool department sa hindi kalayuan. She coud not believe she was there, standing right in front of the school she has been dreaming of. Ngumiti siya sa pagkamangha.

The Child of Saint Carmen College was known as the most prestigious school in the region. It has two divisions; high school and college. The college division has five different courses, and they are the Engineering, Accounting, Fine Arts, Tourism, and Literature. At sa bawat departmento ay may kanya-kanyang uniporme para madaling malaman kung saan kabilang ang mga estudyante. CSC was also probably the biggest institution in that side of the country. Kilala ito sa pagkakaroon ng maraming academic excellence at mga talentado't matatalinong estudyante. The school also offers scholarship to the unfortunate but smart students. Ayon sa impormasyong nakalap niya, malaya ang mga estudyanteng ipahayag ang mga damdamin, ideya, kakayahan at talento nila sa buong school sa pamamagitan ng mga samut-saring school clubs na sumu-suporta sa mga ito. That made CSC the coolest amongst the rest. At masaya siyang mapabilang roon.

Iyon ang dahilan kung bakit kinumbinsi niya ang mga magulang na payagan siyang mag-aral doon kahit na malayo sila sa siyudad kung saan naroon ang CSC. Noong una'y tumutol ang daddy niya na mapalayo siya, subalit kalaunan ay nakumbinsi niya ito. Her dad also agreed to let her start living alone in an apartment ten minutes away from school.

Huminga siya ng malalim at itinuloy ang pagpasok sa gate nang matigilan siya.

Mula sa kinatatayuan niya ay may nakita siyang estudyanteng may bitbit na malaking payong at naglalakad palabas. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi niya maaninag ng maayos ang mukha nito. Sa isang kamay ng lalaki ay ang school bag.

She frowned, Where is he going?

Halos kaka-umpisa pa lang ng araw at parang pauwi na ang lalaki. Hindi niya maiwasang suyurin ito ng tingin habang ito'y papalapit sa direksyon niya.

What a tall man... naisip niya. The guy was wearing a topcoat covering his uniform. Napansin niyang halos nababasa na rin ng ulan ang leather black shoes nito at slacks. Base sa suot na uniform ng lalaki na nakatago sa ilalim ng topcoat nito ay napagtanto niyang kabilang ito sa Literature Department.

Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan. Hindi ba't late na siya? Ano pa ang tina-tanga niya roon?

Naramdaman niya na tila lalong lumakas ang ulan at basang-basa na ang palda at sapatos niya. Biglang umihip ang malakas na hangin at muntikan nang matangay ang payong niya. She shrieked when the wind blew her skirt. Nag-ala Marilyn Monroe siya sa gitna ng daan. Sa muli niyang pag-angat ng tingin ay nakita niya ang lalaking napahinto ilang dipa lang mula sa kinatatayuan niya.

Napasinghap siya.

The guy standing right infront of her was probably the most attractive human being she had ever seen in her entire life! Her heart was pounding so fast she didn't know what hit her. Subalit nang mapatingin siya sa diamond stud earing na suot nito sa kaliwang tenga ay tila binusuhan siya ng nagyeyelong tubig. She grimaced. She never liked men who tried so hard to look cool. Bigla siyang na-turn off.

"You're late," he stated.

Wow, what a deep voice, she thought.

"Do you know that this school don't tolerate tardiness?"

Bigla siyang natauhan sa sinabi nito at pinanlakihan ng mga mata. She gasped, Oh yes, I'm late!

Akma na sana siyang tatakbo papasok ng school nang muling umihip ang malakas na hangin, at sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang inilipad niyon ang payong niya. She attempted to chase it but she couldn't, dahil muling pinalid ng hangin ang palda niya paitaas, exposing her black spandex shorts. Muli ay nag-ala- Marilyn Monroe siya. 'Di bale nang palirin palayo ng hangin ang payong niya at mabasa siya ng ulan kaysa ang mabosohan siya ng lalaking kaharap.

Sa pag-angat niyang muli ng tingin ay nakita niyang nakasunod ang tingin ng lalaki sa payong niyang inilipad na ng hangin. Malayo na ang narating niyon at mukhang nasira pa. Nakita kaya nito ang pag-angat ng palda niya?

Bigla siyang na-alarma nang ibinalik nito ang pansin sa kaniya, kung bakit ay hindi niya alam. At anong pagkamangha niya nang pinayungan siya nito, letting himself get wet of the rain instead.

"Use my umbrella."

Umiling siya, "T-thank you, but—"

"I insist." Kinuha nito ang kamay niya at inabot sa kaniya ang payong. Bago pa man niya magawang tumutol ay tumalikod na ito at itinuloy ang paglalakad palabas ng gate.

Namamanghang sinundan niya ng tingin ang lalaki. She thought for a moment that he was a gentleman, at na sana ay nagawa niyang kunin ang pangalan nito para makapagpasalamat siya kung muli man silang magkita.

Oh well, I have the whole school year to know his name. Muli niyang sinulyapan ang relos at muling napasinghap ng malakas. Nawala na naman sa isip niya ang oras!

"Oh shoot!" Mabilis siyang tumakbo papasok. Basang-basa na siya ng ulan pero pipilitin pa rin niyang pumasok. She has to be there on the first day of school.

Subalit hindi pa man siya gaanong nakakalayo ay muli niyang narinig ang pagtawag ng lalaki sa kaniya. Lumingon siya.

"Heed my warning. Never wear that spandex shorts ever again here at school. Those pretty legs of yours will bring you trouble," he said with a naughtly smile on his lips.

Napasinghap siya ng malakas nang rumehistro sa isip ang sinabi nito. Subalit bago pa man siya makaapuhap ng isasagot dito ay muli na itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad sa ilalim ng ulan.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Siguiente capítulo