webnovel

Kabanata 9(Ang Pagdating)

[Kabanata 9]

"Kung ikaw ang nasa aking kalagayan, handa ka din bang ipaglaban ang mahal mo? Kahit na alam mong maari mong ikamatay?" Diretsong tanong ni Hadrian hanbang nakatingin sa'kin. 

Ano ba naman klaseng tanong iyon? Para naman ako biglang kinilabutan sa tanong niya. Kailan man ay hindi ko pa nararanasan ang umibig, ang alam ko lang na pagmamahal ay ang pagmamahal sa Diyos at sa pamilya.

"Wala akong alam sa pag-ibig, kailan man ay hindi ko pa nararanasan ang magmahal. Hindi ako eksperto sa larangan ng pag-ibig, pero para sa'kin, kung ang depenisyon ng pag-ibig na sinasabi mo ay katumbas ng pagmamahal sa pamilya at sa Diyos. Handa akong ibuwis ang buhay ko ng paulit ulit para lang sa pagmamahal ko." Seryoso kong sagot habang diretsong nakatingin sa malayo.

Ilang araw na ba ako rito? Hindi ko na namamalayan. Kamusta na kaya sila mama at papa, sila ate at kuya, sila Leo at Lea. Nami-miss kaya nila ako? Ano na ang ginagawa nila?

Kung ito man ang buhay ko na ngayon, kung patay na ako, tatanggapin ko. Sayang nga lang, kasi akala ko makakasama ko sila sa pagtanda ko. Kaso nauna pa ako sa kanila mama at papa.

Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo mula sa aking mata. Pupunasan ko sana iyon, pero naunahan na ako ng mga palad ni Hadrian. 

Ihinarap niya ako sa kaniya, at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Pero...

Sa kabila ng lungkot sa mga mata niya, nakuha niya pa din ngumiti para lang mapatahan ako. "Mayroon bang bumabagabag sa'yo, ka...ibigan?" Tanong niya. 

Kaibigan, tama. Magkaibigan nga pala sina Hadrian at Cyndriah mula pa man noong mga bata pa sila.  Oo tama, wala ng iba pang ibig sabihin.

Umiling na lang ako bilang pag sagot. 

Tinigil na din niya ang pag punas sa mga luha ko at bumalik sa pagkaka sandal sa puno. 

"Marahil ay narinig mo na. Huwag kang umiyak pakiusap, lalo akong mahihirapan umalis niyan." Seryoso niyang sabi habang nakangiti ng bahagya.

T-teka! Tama ba ang narinig ko? 

"AALIS KA?" hindi ko napigilan ang sarili ko na mapataas ang boses.

"Ssshh. Grabe ka naman magulat. Sa makalawa pa naman ako aalis papuntang La Isla Filipinas, tatapusin na muna ang koronasyon mo dito at ang kasal niyo ni Favian." Tuloy-tuloy niyang paliwanag.

Ok, Thalia, think.

Una, sa makalawa pa siya aalis. Good.

Pangalawa, koronasyon ko dito.  Oo nga pala, bilang nag iisang anak ng Gremoiah, si Cyndriah ang nakatakda na sumunod bilang reyna.  Ok, kaya ko naman siguro.

Pangatlo, ang kasal namin ni Favian. NBSB ako tapos namatay lang ako at napunta dito instant may fiance na ako? Tss.

Ang huli, saan nga ulit ang punta ni Hadrian? La Isla Filipinas?

"LA ISLA FILIPINAS!?" Malakas at halos pasigaw kong banggit sa sobrang pagka gulat, pupunta siya sa Pilipinas

Nakita ko naman si Hadrian na natawa sa iniasta ko.

"A-ano ba ang mayroon ngayon at parang magana ka yatang mag sisisigaw ngayong araw?" Panunukso niya kaya nahampas ko siya ng malakas.

"Aray ko naman! Binibiro ka lang naman, pero mas hindi ako makapaniwala sa bigat ng kamay mo. Parang pang lalaki ang puwersa mo." Atsaka siya humalakhak sa pagtawa, habang ako naman ay nanggigigil na sa kaniya. 

Bumwelo ako pero parang naramdaman niya iyon dahil agad siyang nagmadaling tumayo at tumakbo papalayo sa'kin.

"Oh bakit ka tatakbo takbo ngayon?! Pagkatapos mo akong pag tawanan?!" Inis kong sabi sa kaniya at hinabol siya. 

Patuloy lang siya sa pagtakbo habang tumatawa pa din ng napaka giliw. "Hindi ko naman nais na inisan ka Prinsesa Cyndriah. Pasensiya na." Natatawang sabi niya

Akala ba niya madadaan niya ako sa ganiyan ganiyan niya?! Sanay yata ako kay kuya!

Para kaming mga bata ngayon na paikot-ikot na naghahabulan sa harapan ng lawa sa bandang gilid ng kastilyo.

"Cyndriah!" Natigil lang kaming dalawa nang may marinig kami na tumawag sa pangalan ko, agad ko iyon nilingon at nakita sina Lolita at Irithel.

Hingal na hingal silang huminto sa harapan ko, yumuko upang magbigay galang atsaka tumayo ulit. Tumingin din sila kay Hadrian na tahimik lang nakatingin sa'amin.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa dalata atsaka kami nagtinginan.  Ako man ay kinakabahan.

Lumapit si Irithel sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"C-Cyndriah, huwag ka mabibigla..." Sabi pa ni Irithel, ano ba ang mayroon? Bakit parang takot na takot siya? At bakit umiiyak siya?

"Ilang mga taga Gremoiah ang sumugod dito, kasama doon ang ama ni Irithel. Bilang isa sa mga mayaman at may marangyang pamumuhay, sinuportahan ng kaniyang ama ang ilang mga taga Gremoiah para sumugod dito." Pagpapaliwanag ni Lolita, dahil hindi na makapag salita pa si Irithel.

Ano?! Sumugod? Bakit?

Hindi ko alam ang gagawin ko, ano ba ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon?

Tinignan ko si Hadrian na kanina pa pala nakatingin sa'akin, para bang nag aabang siya ng kung ano ang sasabihin at gagawin ko.

Paano na?

"Wala ka bang gagawin Cyndriah? Bilang anak nina yumaong haring Altholous at reyna Serafina, ikaw na ang reyna namin ngayon. Hahayaan mo na lang ba sila? Maari silang ipapatay na ngayon nina Haring Favian at Inang Reyna Merida." Natatarantang sambit ni Lolita habang pinakakalma niya si Irithel.

Nanlalamig ang buong katawan ko at nanunuyo ang lalamunan.

"Gawin mo kung ano ang tama, nagtitiwala ako sa'yo. Alam ko na magiging isa kang mabuti at mahusay na reyna." Dinig kong sabi ni Hadrian kaya napatingin ako sa kaniya, nakangiti lang siya sa akin. 

Tama, hindi ko man alam paano maging reyna, dapat ko pa din gawin ang tama.

Tumingin akong muli kay Irithel. "Huwag ka na umiyak, kaibigan ko. Kailangan ko ang inyong supporta, kinakabahan kasi ako." Pag amin ko sa kanila. 

Bahagya naman lumiwanag ang mukha niya at parang nabuhayan ng pag-asa, ganoon din si Lolita. Iba naman ang ngiti ni Hadrian, para bang 'That's my girl!' ang gusto niyang sabihin. Pero siyempre assumera lang ako.

Ok, Thalia you can do this. 

Nag-umpisa na kaming tumakbo. Kahit ano man ang mangyari basta nasa tabi ko sina Hadrian, Irithel at Lolita, kakayanin ko ito. 

**

Nang makarating kami sa harapan ng kastilyo ay bumungad sa amin ang mga kawal na naka posisyon na sa harap ng napaka lakaing gate, may mga hawak na espada. Tumingala ako sa itaas at nakita na mayroon din mga kawal na may hawak na mga pana at nakatutok sa mga taong nasa labas ng gate.

Tinignan ko naman ang mga tao sa labas ng gate, mayroong mga halata mong simpleng tao, mayroon ding mga mayayaman na nasa harapan. Mayroon din mangilan-ngilan silang kasama na mga kawal.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan, natatakot ako. Ganito pala ang pakiramdam, pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at kusa itong humakbang.

"CYNDRIAH!" Dinig ko na sabay sabay na sigaw nina  Lolita, Irithel at Hadrian. Pero, hindi ko sila pinansin at dirediretso lang  ako sa pagtakbo.

Napahinto ako nang may naramdaman ako na humawak sa mga braso ko at hinila ako pabalik.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?!" Hinihgingal na sambit ni Hadrian. Tinignan ko ang mukga niya na ngayon ay halata ang inis, pero imbis na manlambot ay lalo akong tumatag. Kanina lang gawin ko ang tama ang sinasabi nila. Tapos ngayon naman ppigilan nila ako?

Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya, ikinagulat naman niya iyon at napatingin  sa braso ko bago bumalik ng tingin sa mga mata ko.

"Sabi mo kanina gawin ko ang tama? O' tapos ngayon pipigilan mo ako? Ano ba ang gusto mong gawin ko? Tumunganga dito habang ang mga tao ng Gremoiah ay walang kalaban laban?"  Sagot ko sa kaniya.

Iniwanan ko siya sa kintatayuan namin at muling tumakbo papunta sa harapan ng gate, atsaka ko iniharang ang aking sarili. Tinignan ko ng masama ang pinuno ng mga kawal na may hawak ng mga espada, maging ang pinuno ng mga kawal na nasa itaas at mayroon mga pana ay tinignan ko din.

"Ang Prinsesa! Mga kasama magbigay pugay tayo sa ating bagong reyna!" Dinig kong sigaw mula sa likuran ko, at sigurado ako na isa yun sa mga tao ng Gremoiah. Pero hindi ko sila nilingon, sa halip ay nakatingin lang ako sa mga kawal na nasa harap ko.

"MABUHAY ANG BAGONG REYNA! MABUHAY REYNA CYNDRIAH!" Dinig ko pa ang pagbubumyi nila, pero nanatili lang ako sa posisyon ko.

Maya-maya pa'y nakita ko na lumabas na si Favian at ang inang  reyna Merida. Nakita ko naman na nagulat sila nang makita nila ako na nakaharang sa gitna.

"Cyndriah, anak ano ang ginagawa mo diyan sa gitna? Dlikado, halina't pumasok na tayo sa loob." Pakiusap sa'kin ni Inang Reyna Merida. Pero, imbis na sumagot ako ay nanatili ako na tahimik.

Sa totoo lang hindi ako matapang, naiiyak na ako sa takot. Pero ano ang gagawin ko? Alangan naman na ipakita ko sa kanila na mahina ang reyna ng Gremoiah edi giyera na?

"Cyndriah, bakit ka ba nariyan, ano ang iyong ginagawa?" Tanong ni Favian na nasa distansya at  katapat ko lang, nakatindig ng magiting.

"Bakit kailangan tutukan ng mga kawal ang mga tao ko?! Galing pa sila ng Gremoiah! kung hinahanap nila ako at mapapangasawa mo ako, hindi ba dapat ay tinatanggap niyo sila? Papasukin niyo at tratuhin ng tama!  Eh bakit kailangan nila pagbantaan at tutukan ng mga armas?!" Sambit ko kay Favian na ngayon ay nasa harapan ko lang, habang nakaharang pa din at hindi natitinag sa pustura ko.

"Ako si Cyndriah, ang reyna ng Gremoiah! At isang pang-aalipusta sa'kin ang ginagawa ninyo! Kung ganitong klase ng pamamalakad sa kaharian lang din naman ang kailangan ko pakisamahan habang buhay... Mas gugustuhin ko na lang na hindi maikasal at paulit-ulit na ipag tanggol ang Gremoiah at lahat ng aking mga nasasakupan, maging ang mga tao nito!"  Pahabol ko pa na sambit.

Lahat sila ay tumahimik, nakita ko din na itinaas ni Favian ang kaniyang kamay upang sumenyas na ibaba ang mga armas. Para naman nagpractice ang mga kawal dahil on-cue ang pagkakasabay sabay nila sa pagbaba ng mga armas.

Bahagya ako napangiti pero piniglan ko, pakiramdam ko ang tapang tapang ko.

Narinig ko naman na nagsigawan muli ang mga taong nasa likuran ko.

"MABUHAY ANG BAGONG REYNA! MABUHAY SI REYNA CYNDRIAH!" Sigawan nila, at dinig ko ang saya sa mga boses nila.

Diretso lang na nakatingin si Favian at si inang reyna Merida.

napatingin ako sa kanila Lolita at Irithel na ngayon ay tumatakbo papunta sa'kin. Tumingin din ako kay Hadrian na seryoso pa din na nakatingin sa'kin. Hindi ba siya proud sa ginawa ko? Galit ba siya?

"Ang galing ng mga sinabi mo Cyndriah!" Sambit ni Lolita nang makalapit sila sa'kin. Si Irithel naman ay dumiretso na agad sa gate upang lapitan ang kaniyang ama, kaya naman siya ay aming sinundan.

"Maraming salamat talaga Cyndriah!" Sambit ni Irithel

"Maraming salamat mahal na reyna!" Sabi ng matandang lalaki na hawak ni Irithel mula sa kabilang gate, marahil iyon ang kaniyang ama. 

"Wala po iyon, ginawa ko lang po ang tama." Sambit ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti, ganon pala ang pakiramdam ng may ipagtanggol. Lalo na kung buong nation.

"Buksan ang pasukan at papasok ang mga taga Gremoiah!" Dinig ko mula sa likuran ko ang malakas na utos ni Favian, kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin lang din sa'amin.

Tinignan ko din si Hadrian na seryoso ang mukha habang nakatingin sa amin, maya-maya pa'y tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Galit ba siya?

Nagulat ako nang may humawak sa beywang ko, kay napatingin ako, si Favian.

"Nawa'y mapatawad mo ako sa aking iniasal. Kaligtasan mo lamang ang aking inaalala, irog ko."  Bulong niya sa'akin.  Perio tinignan ko lang siya at inirapan, atsaka ako lumakad papasalubong sa mga pumapasok na mga taga Gremoiah.

"Maligayang pagdating sa Karshmarh! Sana'y maibigan ninyo ang inyong pananatili dito." Nagulat ako nang makita na sumasalubong di si Favian at nakangiti ng todo.

Psh, napaka plastic na tao. Uso na din pala ang plastic sa panahon na ito?

Nagulat ako nang ilang mga nobles ang lumapit sa akin, sinundan di lina ng iba at sabay sabay lumuhod at yumuko.

Papatayuin ko sana sila pero ang ama ni Irithel ay hinawakan ang kamay ko. " Maraming salamat mahal na reyna. Paglilingkuran ka po namin hanggang sa dulo ng aming buhay." Sambit ng lalaki atsaka hinalikan ang kamay ko habang nakaluhod pa din.

Iniikot ko ang mata ko, si Irithel at Lolita ay nakayuko. Ang mga kalalakihan ay nakaluhod at nakayuko din. 

Ano na ang sasabihin ko.

"Hindi mo ba tatanggapin ang alay nila sa'yo? Hindi yan sila tatayo." Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig muli ako ng bulong, at uminit ulit ang ulo ko nang makita na si Favian pala iyon. Pampam masyado, kulang sa pansin!

"Maraming salamat sa, maari na kayong tumayo. Asahan niyo na gagawin ko ang tungkulin ko sa inyo at sa ating bayan bilang inyong reyna. Sana'y gabayan ninyo ako at suportahan." Sambit ko, hindi ko sigurado kung tama ba ang mga pinag sasabi ko o nagmukha lang akong tanga e. 

Tumayo sila dahan dahan at ngumiti.

"Tuloy po kayo, pasensiya na po at hindi kami nakapaghanda. Biglaan po kasi ang inyong pagdating." pag aasikaso niya sa mga tao.

Inutusan niya din ang ibang mga taga pag silbi na asikasuhin ang mga bisita.

"Maaari ko po ba mahiram muna ang aking mapapangasawa? Kailangan niya na paghandaan ang kaniyang koronasyon bilang reyna ninyo. Sakto din na nandito na kayo." Paalam ni Favian, at pumayag naman ang mga nobles habang may ngiti sa kanilang mga labi.

"Patawarin mo na ako Cyndriah, hindi ko naman alam na mga taga Gremoiah sila, hindi din alam ng mga kawal. Normal sa kanila na ipagtanggol ang kaharian." Pagpapaliwanag niya, pero hindi ko pinapansin.

"Anong nangyari sa kaibigan niyo? Bakit parang sobrang sama ng loob." Dinig ko pa na tanong ni Favian, marahil ay tinatanong niya sina Lolita at Irithel. Nilingon ko sila para makita ano ang reaction nila, si Irithel ay halos umiyak ulit habang si Lolita naman ay matapang na hinarap si Favian.

"Hindi po namin alam, mahl na Hari. Kanina pa po siya ganiyan, siguro po ay mayroon siya ngayong buwanang dalaw." Mahinahon na sabi ni Lolita bago yumuko ulit, nakita ko naman na nanlaki ang mata ni Favian at namula. Ano ba naman itong si Lolita! Maski ako ay nahiya sa sinabi niya eh.

Tumalikod na ako para sana magpatuloy sa paglalakad, nang biglang may pumasok sa isip ko kaya ako napahinto.

Kung wala pang modess at whisper sa panahong ito, eh ano ang gagamitin ko kapag bigla akong ni-regla?!

Para naman biglang sumakit ang ulo ko sa problema naiyon kaya imbis na hantayin pa sil ay tumakbo na ako sa loob.

Sa dami dami naman ng puwede ko problemahin yung napkin ang isa din sa mga importante.

"Nagagalak ako na makitang mayroong taga Gremoiah ngayon sa kaharian ng Karshmarh! Magpapatawag talaga dapat kami dahil sa makalawa na ang koronasyon ng inyong reyna Cyndriah, pero dahil nandito nalang din naman kayo. Bukas na bukas ay gaganapin na ang koronasyon, maligayang apagdating mga tao ng Gremoiah!" Dinig kong anunsyo ni  Inang Reyna Merida, kasabay 'non ay ang hiyawan ng mga tao.

So paano na to?

Maya-maya pa'y nasa harapanko na ang Inang reyna. "Cyndriah, hiya. Halina't ipasusukat ko sa'yo ang kasuotan na akin pang ipinahabi para sa napaka espesyal mong araw. Sa tingin ko'y babagay sa iyo iyon." Sambit niya nang may ngiti sa labi, atsaka ako hinatak paakyat ng hagdan.

Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay pumasok na kami sa isang kwarto. Elegante din ito at halatang babae ang may gamit.

" Heto ang aking silid. Mga tagapag silbi ilabas na ang kasuotan!" Sabi niya, atsaka naman may inilabas ang ilang tagapag silbi niya na isang napaka gandang gown.

Kulay pula at may gold na linings. Ang elegante.

"Nagustuhan mo ba? Sige na at iyong sukatin na ito." Atsaka niya ako itinulak sa parang fitting room niya.

Tinignan ko muna ang gown, feeling ko masikip ito sa akin.

"Tinutungatunganga niyo diyan tulungan niyi siya!" Utos niya.

Nagulat ako nang biglang may pumasok na tagapagsilbi, mabuti nalang at may corset.

Tinulungan niya ako ksuot ito at itali sa likuran ko, napaka ganda nang gown.

Lumabas na ako at napatayo naman si Inang reyna mula sa pagkakaupo sa kama niya.

"Sinasabi ko na nga ba at babagay sa'yo iyan." Inikot ikot niya ako para suriin pa lalo.

"Oh siya, sige na magbihis ka na at magpahinga sa silid mo. Tatawagin ka nalang namin kapag kakain na ng halunan." Sambit ni inang reyna, kaya naman ay nagbihis na muli ako at lumabas ng kwarto niya.

Sabagay napagod na din ako, tama nga na bumalik na ako sa kwarto at magpahinga.

**

Pagka pasok ko sa pinto ay nagulat ako nang may naka upo sa upuan na nasa tapat nang kama ko, kayabi lang ito ng secret passage na dinaan namin ni Hadrian noon.

"S-sino k-ka?" tanong ko kahit sa totoo lang ay kinakabahan na ako.

Tumayo siya at humarap sa akin.

"H-Hadrian? A-anong ginagawa mo dito?"  Tanong ko atsaka ko ni lock ang pinto.

"Bakit mo ginawa iyon?" Biglaang tanong niya. Huh?

"Anong sinasabi mo? Hindi ko ma--" Hindi ko na antapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang siya nagsita.

"Bakit mo ihinarang ang sarli mo?! Alam mo ba na halos mabaliw ako na hindi ko kayang iharang ang sarili ko sayo? Halos mabaliw ako kakaisip kung pano kita proprotektahan na hindi ako magmumukhang taksi sa kaharian at traydor sa hari! Sobra akong natakot na baka sa pagharang mo na iyon... Baka ma-masaktan ka. "

Tuloy tuloy niyang sambit, nagulat nalang din ako ng may tumulong luha sa kaniya.

" Cyndriah, pakiusap. Huwag mo na ulit iyom gagawin. Hindi ko alam anong magagawa ko kung masaktan ka. " Tuloy tuloy niyang sabi habang papalapit din siya sa'kin, at nang mapalapit siya sa'kin ay bigla niya nalang ako niyakap.

"Mahal na mahal kita Cyndriah, hiwag mo na iyon uulitin. Ipagtatanggol kita kahit buhay ko pa ang kapalit, mahal na mahal kita." Malinaw na malinaw kong dinig nang ibulong niya sa'kin ang mga katagang iyon.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at na estatwa sa kinatatayuan ko habagng yakap niya.

Ako?

Mahal ni Hadrian?

O baka naman si Cyndriah, nasasaktan ako kapag iyon ay naiisip ko.

Siguiente capítulo