webnovel

Final Chapter

PAKIRAMDAM ni Khamya ay susugod siya sa giyera nang tumapak siya sa Al Ishaq. Matigas na ang dibdib niya sa anumang posibleng mangyari. Mula sa NAIA ay sakay sila ni Emrei ng private jet ng mga Rafiq papunta sa Al Ishaq. Pagdating doon ay tumuloy sila sa family estate ng mga Rafiq sa mismong siyudad.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Anicia nang salubungin siya. "Khamya, bakit nandito ka?" tanong nito.

"Dito ko po hihintayin na bumalik si Beiron."

Biglang di naging komportable si Anicia. "Ano, hija…"

"Ma, it's okay. Nasabi ko na po sa kanya," wika ni Emrei.

Ginagap ni Anicia ang kamay niya. "Khamya, I am so sorry. Hindi ko naman inaasahan na gagawin ito ng anak ko. Ginawa lang naman niya ito para pagbigyan ang hari. Huwag ka sanang mag-isip ng masama."

Ngumiti siya. "Relax, Tita. I trust Beiron. Ibinigay sa kanya ang pagsubok na ito dahil mahal niya ako."

"May tiwala din naman ako sa anak ko. Pero ngayon pa lang niya naranasan na magmahal. He was more used to his company of women. Hindi ko matitiyak sa iyo na makakabalik pa siya sa iyo sa huli."

Nagkibit-balikat siya. "Kung pakakasalan niya si Fatimah, at least I know that he will be a good leader of Al Ishaq. Naiintindihan ko naman po na may responsibilidad siya sa bansa niya. Marami siyang matutulungan."

"Paano ka naman, hija?"

"I learned to love the people of this country in just a short time. Hindi na po siguro ako malulungkot kung mawawala sa akin si Beiron."

"Ganoon lang kadali sa iyo ang lahat?"

Umiling siya. "Kaya nga po ihinahanda ko ang sarili ko. Sa ngayon pinanghahawakan ko lang ang pangako ko kay Beiron na pagkatiwalaan siya. Kung di man siya babalik sa akin, gusto kong ipakita sa kanya na hanggang sa huling sandali ay hindi nawala ang tiwala at pagmamahal ko sa kanya."

NAGSIMULA nang mag-empake ng gamit si Khamya. Anumang oras ay dadating na si Beiron. Malalaman na niya kung babalik pa ito sa kanya o magiging isang prinsipe na ito. Bawat oras na magdaan na di niya ito nakikita ay parang pinapatay siya.

She couldn't imagine life without Beiron once again. Parang wala nang kulay ang buhay niya. She would only breathe for the sake of living. Pero parang wala na siyang dahilan para mabuhay pa.

Maya maya pa ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan. Nang sumilip siya sa bintana ay humimpil ang kotse na may tatak ng logo ng pamilya Rafiq. Beiron had finally arrived. Dali dali siyang umalis sa bintana nang bumukas ang pinto ng kotse. Paano kung kasama na nito si Fatimah? Paano pa niya ito haharapin?

Lalo niyang binilisan ang pag-eempake nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Beiron. "Khamya!"

Ilang sandali rin siyang napatitig dito. Ilang araw niya itong hindi nakita. He looked rotten. Nanlalalim ang mga mata nito. Bahagya rin itong nangayayat. She wanted to touch his face. Gusto rin niya itong yakapin subalit di niya alam kung tama. "H-Hi!" bati niya.

"Nasabi na daw sa iyo ni Emrei kaya ka nandito."

Tumango siya. "Pero paalis na rin ako."

Nakuyom nito ang palad. "I am sorry, Khamya. Hindi ko sinabi sa iyo. Di dahil di mahalaga sa akin kaya di ko sinabi sa iyo. Ayoko lang mag-alala ka."

"Hindi naman ako galit sa iyo kung hindi mo man nasabi. You have your reason and you have a duty to perform. Labas na ang mga bagay na iyon sa relasyon natin. Iyon ang mga bagay na kailangan mong harapin nang mag-isa."

"It's over," anito sa malungkot na boses.

Parang dinaganan ng mabigat na bato ang dibdib niya. "I see," usal niya. Ibig sabihin ay tapos na sa kanila ang lahat. It was so painful. Di niya alam kung paano pipigilan ang emosyon. She didn't know how to say goodbye.

"Will you take me back, Khamya?"

Biglang tumigil sa pagpatak ang luha niya. "What?"

Ginagap nito ang kamay niya. "I passed the test, Khamya. Walang nangyari sa amin ni Fatimah. My mission is over."

Natigagal siya nang yakapin nito. "Hindi mo tinatapos ang relasyon natin?"

"Bakit ko naman gagawin iyon? Ten days with Fatimah was hell. Hindi ko ikakaila na ilang beses ako na-tempt. Ginawa niya ang lahat ng paraan para akitin ako. Pero tuwing hinahalikan niya ako, mukha mo ang nakikita ko kaya nanlalamig agad ako. You are the one I love, Khamya."

He kissed her fervently and she kissed him back with the same intensity. Noon niya naramdaman kung gaano sila kasabik sa isa't isa. As if they were lovers who missed and entire lifetime and found each other again.

"I won't lie to you. Ilang beses din muntik mabawasan ang tiwala ko sa iyo. It was torture waiting for you. Natatakot ako na di ka na bumalik. Natatakot akong mabuhay nang mag-isa. Marami akong bagay na nakasanayan na at bigla kong kinatakutan na maranasan ulit. The thought of losing you was hell."

Niyakap siya nito. "Bumalik na ako at wala na akong balak na iwan ka. Kahit isang batalyon pang royal guard ang ipadala nila, di na kita iiwan."

"Hindi ba magagalit ang hari sa iyo?"

"We had a deal. He has to respect my decision."

"Paano ang susunod na hari sa kanya?"

Hinaplos nito ang buhok niya palayo sa mukha niya. "Prince Rostam is awake. Mabilis din ang recovery niya. Walang ibang mas deserving na maging hari maliban sa kanya. I think he is more open-minded. Mapapabuti ang Al Ishaq sa kanya."

She kissed the tip of his chin. Hindi lang ang relasyon nila ang bumalik sa normal kundi pati na rin ang kalagayan ng Al Ishaq. "I am glad everything is okay."

Nang bumaba sila sa sala ay naabutan nila si Fatimah kasama ang mga guwardiya nito. Matiim ang anyo nito nang lapitan sila ni Beiron. "You are not a man, Emir Beiron. How could you choose this woman over your country?"

Di pa pala matanggap ni Fatimah na tinanggihan ito ni Beiron.

"I am afraid I choose her over you, Your Highness," Beiron said in a calm tone. "I don't have to prove my love for Al Ishaq by marrying you. I don't have to be a king or a prince to help my fellow Al Ishaquis."

Ngumisi si Fatimah. "I will destroy you. You will lose support to your projects. You will not be able to help those lowlifes in Bakhrat anymore."

"You have to fight Prince Rostam and King Mosoku then. They are willing to back me up with my projects," kampanteng wika ni Beiron.

Nagdilim ang mukha ni Fatimah. "Curse you, Emir Rafiq!" At saka ito dali-daling umalis sa harapan nila. She was a loser once again.

"Is she in love with you?"

"No. All she cared about is power. Pakakasalan niya ako dahil kapag naging hari ako, mas magiging mataas na siya sa iba. She's ambitious and vicious. Kung pakakasalan ko siya, magiging miserable ang buhay ko."

"Susuportahan na ng hari ang projects mo?"

"He respected me after I passed the test. Nanghihinayang lang daw siya dahil di niya ako naging anak."

"I love you even if you are not a prince, Beiron."

Kumislap ang tuwa sa mga mata nito. "I am glad to hear that." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Di ba naka-empake na ang gamit mo?"

Tumango siya. "Oo. Bakit?"

"Mabuti naman. Aalis na tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Stallion Riding Club."

KUMIKISLAP ang tubig sa lawa dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan. Pero walang kasing kislap ang diamond engagement ring na suot Khamya. Katatapos lang ng engagement party nila na ginanap sa Lakeside Grounds. At anim na buwan mula sa araw na iyon ay doon din gaganapin ang lakeside wedding nila.

"Happy?" tanong nito habang naglalakad sila sa boardwalk ng lake.

Pinagmasdan niya ang singsing sa kamay niya. "Di ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng engagement ring kapag magpo-propose ng kasal. Mahal ito. Maraming bata ang pakakainin nito."

"Bakit ba hindi mo naa-appreciate ang pagiging romantic ko? Diamonds are forever. Kaya forever din tayong magkakasama."

"The diamond is just a symbol. Pero sa akin di naman importante ang symbol. What's important is how we really feel and if what we feel is real."

He looked at her with loving eyes. "Sa lahat ng pinagdaanan natin, natitiyak ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. Loving you is the best thing that I ever did in my life."

Niyakap niya ito. "Stay with me, Beiron."

They kissed as the moonlight kissed the lake's water. She was glad that she took the risk of loving him. Kundi ay di niya mararamdaman ang kaligayahang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

She just wished that everyone could find a love like hers.

Thank you po sa lahat ng nagbasa sa kwento nina Beiron at Khamya.

Sa mga 'di pa aware, nasa Stallion Island na po si Prince Rostam at isa na siya sa mga owner ng isla doon. Gusto rin ba ninyong mabasa ang Stallion Island? Paulanan muna ng regalo ang current Stallion Boys para isunod ko po ang Stallion Island after ng Stallion Series.

But for now, sino ang handa na sa Alleje Brothers?

Again, if wala po akong post, alam n'yo na. Hampaslupa ako sa data.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Siguiente capítulo