webnovel

Chapter 17

"HINDI ka nagsasalita, Nicola. Don't you like the food?" tanong ni Crawford.

"I do like it. But I just love to appreciate the scenery. Parang mas magandang huwag na lang magsalita," sabi niya at tumanaw sa Taal Lake. Sa wooden porch na nakaharap sa lake sila nag-breakfast.

Napaka-ideal ng lakehouse villa nito. It was so homey. The lake was calm. Magaan din ang hangin na nagpapa-relax sa kanya. Tanaw din niya ang ilan sa caldera ng Taal Volcano. Mas maganda pala ang lugar na iyon sa malapitan. Dati kasi ay hanggang tanaw lang siya doon kapag nasa Tagaytay.

Hindi na masamang nandoon siya. Kaysa naman mabugnot siya at awayin ito, mas mabuti pang mag-enjoy na lang siya.

"Nang nakaraang nagkita tayo, nanlalalim ang eyebag mo. Pero isang gabi ka pa lang dito, nag-improve ka na. You look refreshing."

Ngingiti sana siya subalit di niya mapigilang humikab. "Sorry. Parang masarap matulog." Ngayon na niya sinimulang maramdaman ang matinding pagod mula sa trabaho at sa eskandalong dinanas ng mga nagdaang linggo.

"No! Not yet, Nicola. It would be a waste of time to sleep here. Sayang naman kung di mo maa-appreciate ang ganda ng paligid."

"Saan pa ba tayo pupunta?" tanong niya. "Okay na ako dito sa lake."

"Isang parte pa lang ito ng riding club. Wala pa ito sa one-eight ng buong estate. Hindi mo nga ito maiikot sa loob lang ng isang araw."

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong niya.

"Let me surprise you."

"Ano namang surprise ang sinasabi niya?" aniya nang pumasok sa kuwarto niya para magpahinga saglit. May aasikasuhin lang si Crawford saglit. Tulad niya ay nakabakasyon din ito sa trabaho. Sa kanya lang nito ilalaan ang buong isang linggo.

Isang set ng riding habit na kumpleto ang helmet at boots ang nakalatag sa couch. May sulat doon si Crawford na iyon ang isusuot niya. "Ayoko nga. Mainit ngayon tapos makapal ang damit na isusuot ko. Siya na lang magsuot niyan."

Kumuha siya ng paperback novel sa bag niya at umupo sa bench sa porch. Suot pa rin niya ang sundress na suot nang mag-breakfast sila kanina.

Nasa Chapter Three na siya ng binabasang nobela nang lapitan siya ni Crawford. He was wearing his own riding habit with the Stallion Riding Club logo. "Bakit hindi mo isinuot ang damit na nasa couch? It is yours."

"Mas gusto kong isuot ang damit ko. Mainit ngayon, eh. Saka wala naman akong hilig sa horseback riding. Kung gusto mong mamasyal tayo, ganito na lang ang isusuot ko. Di mo naman kasi ako tinatanong kung ano ang gusto kong gawin. Pa-surprise-surprise ka pa diyan." E di ito ang nasorpresa ngayon.

"Tuturuan naman kita kung hindi ka marunong. May ibang lugar dito sa riding club na hindi mo mararating kung hindi ka nakakabayo."

"Sa ibang araw na lang tayo mag-horseback riding. Pero kung ayaw mong sumakay ng kabayo, maglakad-lakad muna tayo."

Isinara niya ang paperback novel at kumapit sa braso nito. "Magandang idea iyan. Halika, umalis na tayo." For a week, she'd try to forget that she hated him.

"CRAWFORD, magpahinga muna tayo. Masakit na ang paa ko," ungot niya. Noong una ay excited siyang mamasyal nang naglalakad. Nagtalo pa sila ni Crawford dahil sandals lang ang suot niya at ang sundress. Sa huli ay siya rin ang nanalo. Maganda nga ang Stallion Riding Club lalo na ang bahagi ng lake. Nang mag-insist siyang pumunta sa arena para makita ang mga nagpa-practice ng eventing, ipinilit pa rin niya na gusto pa rin niyang maglakad na lang.

Subalit ilang kilometro na yata ang nalalakad niya ay puro berdeng damuhan pa rin ang nakikita niya. Maging ang bundok, puno at ang lake sa di kalayuan ay di naman nag-iiba. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang bagong istraktura tulad ng building o bahay man lang.

"I told you that we'd better take the golf cart or the car. Pero ayaw mo," anito at inalalayan siyang umupo sa bench na nasa lilim ng puno.

"Gusto ko naman kasing maglakad-lakad. Buong maghapon kasi ako na nakaupo sa harap ng computer." Bukod pa doon ay ayaw niyang ma-confine sa isang lugar nang silang dalawa lang. Kaya nga pinili niyang maglakad-lakad na lang. Nagliparan ang mga ibon at napakapit siya sa braso ni Crawford. "Ano iyon?"

Tumawa ito. "Hay! Ang batang sanay sa Manila, mga ibon lang kinatakutan na. Masyado ka namang paranoid."

Kinurot niya ang braso nito. "Ang yabang mo." Luminga-linga siya sa paligid. "Hindi naman kaya naeengkanto na tayo? Kanina pa tayo naglalakad pero hindi naman nababago ang mga nasa paligid natin."

"Natural. Kasi naglalakad nga lang tayo, hindi ba? Kung sumakay sana tayo, mas marami na tayong lugar na napuntahan." Puno ng pagtataka ang mga mata nito nang lingunin siya. "Saka di ko maisip na maririnig ko ang salitang engkanto sa iyo. Mukha kasing napaka-sensible mo na tao. Na di ka naniniwala sa ganoon."

"Kahit naman di ako masyadong naniniwala sa mga engkanto, di ko maiwasan mag-isip dahil puro puno lang ang nandito saka damo. Maybe I am not that sensible at all." Iniwas niya ang tingin dito. "May weak moments din naman ako. Di lahat ng iniisip ko o mangyayari, naa-anticipate ko. Well, maybe I am silly to you just because I mentioned those supernatural, huh?"

"No. Of course not. Mas gusto ko nga na lagi kang matakot kahit walang supernatural para lagi kang nakadikit sa akin."

Kinurot niya ang braso nito. "Pinaglalaruan mo lang talaga ako!"

Sinapo nito ang kamay niya. "That's not true. Gusto ko lang naman na maging masaya ka habang nandito ka at kasama ako." Tumayo ito at kinawayan ang paparating na golf cart. "Halika. Mag-lunch na tayo."

Di nito binitiwan ang kamay niya nang makasakay sila ng golf cart hanggang papunta sila sa Rider's Verandah kung saan sila magla-lunch. Manaka-naka ay itinuturo ni Crawford ang mga nadadaanan nila. Wala siyang ginawa kundi tumango at tumitig lang dito. Kung masarap itong titigan sa TV, mas masarap itong titigan sa personal. At dahil solo niya ang atensiyon nito, mas masarap itong pagmasdan.

I already gave up being with him. Pero ngayong kasama ko siya, parang gusto ko na lang kalimutan iyon. I forgot why I hate him before.

Maya maya pa ay tumigil na ang golf cart sa harap ng Rider's Verandah. Tumili siya nang buhatin siya ni Crawford. "Put me down!" utos niya.

"Masakit ang paa mo. Di ka pwedeng maglakad," anito at tuloy-tuloy na pumasok ng restaurant buhat siya nang walang kahirap-hirap.

Naisubsob na lang niya ang mukha sa dibdib nito. Napasimangot siya. He smelled so masculine. Parang gusto niyang matunaw na sa bisig nito. This is what you call heavenly torment. Kunyari na lang nakasimangot ako. Pero ang hindi niya alam, plano ko nang ubusin ang bango sa katawan niya. Tama! Masakit ang paa ko!

"Crawford, nagtanan ka na?" tanong ni Eiji Romero. She recognized him as a tennis superstar. Nasa isang table ito kasama ang iba pang sikat.

"Kapag nga kapag nakipagtanan ako, dito ko rin dadalhin," wika ni Rolf Guzman, isang dating sikat na racecar driver.

"Mag-behave naman kayo. Nakakahiya kay Nicola," saway ni Crawford. "Nicola, they are my friends. Eiji, Rolf and Reichen."

"Congratulations," anang si Reichen na kinamayan sila ni Crawford. "Kailan ba ang due date? Sana ninong ako sa magiging baby ninyo."

Napanganga siya. Due date? Baby. "I-I am not pregnant." Gusto na niyang maghisterya nang mga oras na iyon. Di ba naniniwala ang mga ito sa interview niya.

Hinila ni Eiji pabalik sa upuan si Reichen. "Hindi mo ba napanood ang interview niya? Sinabi na niyang hindi siya buntis."

"Hindi, eh! Nasa Australia ako no'n." Alanganin ang ngiti ni Reichen nang tumingin sa kanya. "S-Sorry. Hindi ko alam na negative. Di bale, magkakaroon din kayo ng baby sa lalong madaling panahon. Si Crawford pa."

Gusto na niyang sumabog at magkawatak-watak sa sobrang kahihiyan. Iniisip ba talaga ng mga ito na may relasyon sila ni Crawford? "Guys, stop it. You are upsetting my girl," anang si Crawford at inakbayan siya.

"Anong 'my girl'?" asik niya at siniko ang tagiliran nito.

Napaigik si Crawford na animo'y nasaktan. "Nicola, sobra ka naman."

"This way, Ma'am," anang waitress. Nag-excuse siya sa kina Eiji.

"Under ka pala, pare. Tigre ata ang nakuha mo. No wonder parang napilipit ang leeg mo nang sampalin ka. Mas macho pa ata sa iyo," narinig niyang sabi ni Rolf kasunod ang halakhakan ng mga kaibigan ni Crawford.

Di niya inalis ang tingin sa menu nang samahan siya ni Crawford sa table. "Nicola, matulis pala ang siko mo. Masakit ang tagiliran ko," angal nito.

"Huwag kang umarte diyan." She knew that he was made of pure muscles. Baka nga parang tusok lang ng karayom dito ang siko niya.

"Ganyan ka ba talaga? Nakasakit ka na, di ka pa magso-sorry. Makonsensiya ka naman, kawawa naman ako."

Ibinaba niya ang menu at matalim itong tiningnan. "Bakit pinalabas mo sa mga kaibigan mo na parang girlfriend mo ako kahit na hindi naman?"

"Sila lang naman ang nagsabi no'n. Siyempre, nakita nila sa news. Saka wala namang masama doon. Kung sasabihin kong di kita girlfriend, kukulitin ka ng mga iyon. Lalo na si Reichen. Aagawin ka lang niya sa akin." Magkahalo ang lungkot at pag-aalala sa boses nito. "Kaya huwag mong masamain iyon."

Saglit siyang nag-isip-isip. "Sige, palalagpasin ko iyan ngayon. Pero sa susunod, hindi na kita pagbibigyan."

Pinisil nito ang baba niya. "Maganda ka talaga kahit nagsusungit ka. Huwag kang masungit. I want us to be friends."

"Just make sure that friendship is all you want for me."

"No," he said in a grave tone. "I want more than that from you. But I will take things slowly. We had just started after all."

"Magsimula ka na ring kumain," wika niya at itinuon ang atensiyon sa isine-serve sa kanila. Kung alam lang ni Crawford, malakas na malakas ang pintig ng puso niya. It was fast enough to choke her. Nagsisimula pa lang ito pero parang katapusan na niya. She didn't know how to stop herself from falling for him again.

Siguiente capítulo