webnovel

Chapter 24

"KIREI na nagame nee!" Mapigilang humanga ng mga representative ng Fukouka International habang nakasakay sa kabayo at umiikot sa paligid ng Stallion Riding Club. Gandang-ganda ang mga ito sa view.

Three hundred acres ang buong estate. At dahil mahilig ang mga Japanese sa nature kaya naman aliw na aliw ang mga ito habang pinagmamasdan ang lugar. Na-preserve kasi ang maraming mga natural sites ng estate tulad ng forest.

Nasa forest trail sila at idini-discuss ni Hiro kung paano nito na-acquire ang bawat isang kabayo na pag-aari nito. She realized that he started collecting horses after they broke up. Therapy kaya niya iyon matapos naming mag-break? After all, wala na siyang naging girlfriend maliban sa akin at sa mga kabayo niya.

Nakatitig siya sa likuran nito. Parang sa halip na mag-focus sa trabaho ay gusto na lang niyang titigan ito kahit likod lang nito. Naramdaman marahil nito na may nakatingin dito kaya lumingon ito.

Ngumiti ito sa kanya nang magsalubong ang tingin nila at ibinalik muli ang tingin sa Executive Vice President ng Fukouka. She and Hiro tried to act as if nothing happened the other night. He didn't mention it again. Alam siguro nito na makakaapekto iyon sa trabaho nila.

"That is the most beautiful sight," she said with a sigh. Gustong-gusto niyang makita ang ngiti ni Hiro dahil tingin niya ay sobrang ganda ng mundo.

"Where is the most beautiful sight?" tanong ni Sawada na katabi lang niya.

Napalingon siya dito at pilit na ngumiti. Nawala sa isip niya na may nakakaintindi sa kanya. Kung nasa informal setting, sa English siya nito kinakausap sa halip na sa Japanese. "I-I am pertaining to this forest. Look at the trees and the birds. Aren't they lovely?"

Tumingin-tingin si Sawada sa paligid. "There is nothing special about it. I even saw more beautiful forests in States and in Japan."

Impakto! Di ka na lang nakisakay sa drama ko. Sa lahat ng delegates, dito siya ilang na ilang. Di lang kasi si Hiro ang parang binabantayan nito ang kilos. Maging siya ay lagi itong nakasunod.

"This is one of Hinata-san's most favorite spot in this estate. The forest and the song of the birds give him peace." Iyon ang sinabi sa kanya ni Hiro nang namamasyal sila. "If you will close your eyes, you'll feel it," aniya at pumikit saglit. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay si Hiro ang katabi niya.

"Ah, sooka," patango-tango nitong sabi. "I see."

Malapit na sila sa batis nang marinig niyang umungol si Sawada. "Ittaii! O-naka wa ittai," anito habang sapo ang sikmura na nasaktan.

Pinatigil ng lahat ang kanya-kanyang kabayo. Bumaba si Hiro at nilapitan ito. Siya naman ay nagmamadaling tumawag sa clinic ng riding club. "The clinic's cart is coming. They will send help right away. Maghihintay daw sila sa labas ng forest trail," bumulong siya kay Hiro.

Tumango ito. "Aakayin ko na lang sa labas ng trail ang kabayo ni Sawada."

"Daijoubu yo, minna-san! Kekko desu. Shimpai nai. He will be okay. There is nothing to worry about him," paniniyak niya sa mga kasamahan nito nang nakangiti.

"Sasama na ako sa kanya sa clinic," wika ni Hiro. "Kayo na lang nila Mr. Tajeda ang magpatuloy sa tour nila."

Pinisil niya ang balikat nito. "You worry too much. Mas kailangan ka dito kaysa akin. Ikaw na lang ang maiwan sa kanila para di sila mag-alala. Ako na ang bahala kay Sawada. Tatawagan na lang kita kapag sure nang okay na siya," aniya at sumakay sa golf cart.

Siguiente capítulo