webnovel

Continue with the Plan

Shanaia Aira's Point of View

TAMA nga yung iniisip ko kagabi pa. Na kapag tungkol sa sikat na artista ang scoop, mabilis itong maibabalita on air. Yung interview kay Roxanne ay inilabas kaagad sa isang morning show sa isang sikat na network kung saan may kakilala yung reporter na nag-interview sa kanya.

Ginising ako ni ate Shane dahil pagbukas daw niya ng tv para sa morning news ay mayroon daw itong special report sa isang segment nila tungkol sa mga kaganapan sa mga buhay ng mga artista. Dahil kilala si Roxanne bilang isang modelo na nakapag-uwi ng karangalan sa bansa dahil sa award na nakuha niya sa Paris, may ipapalabas daw na interview sa kanya tungkol sa napanalunan niyang award at kaugnay na rin sa relasyon niya sa isang sikat na aktor.

"Baby halika na dito, heto na tapos na ang commercial break." sabi ni ate Shane. Nung ibinalita kasi kanina hindi pa ipinakita yung interview, nag commercial pa muna. Kaya nagtimpla muna ako ng gatas. At heto na nga tinatawag na ako ni ate Shane.

Dala ang isang baso ng gatas, naupo ako sa tabi ni ate Shane sa couch. Nasa kabilang side naman niya si kuya Aris na nagbabasa ng newspaper.

Reporter : Una sa lahat gusto muna kitang i-congratulate sa pagkapanalo mo ng award sa Paris. Isang malaking karangalan ito para sa bansa natin Roxanne.

Roxanne : Maraming salamat din po. Para po sa bansa natin ang award na yon.

Reporter : Nagulat ako nung bigla mo akong nilapitan matapos niyong mag-usap ni Gelo Montero sa harap ng family mo. Ano ito, nag-propose na ba siya sayo at i-eexpect na ba namin na may wedding bells na this year?

Roxanne : Actually, iyon nga din ang ine-expect ko, namin ng family ko. You see, may one year na rin naman kami ni Gelo bilang magkarelasyon. Pero ang inaasahan kong proposal ay heartbreak pala. He broke up with me sa harap ng family ko.

Dinig na dinig ang mga taong nagsinghapan sa background tapos bigla na lang umiyak si Roxanne kaya hindi agad natuloy nung reporter yung interview. Hinayaan muna siyang kumalma.

Reporter : Bakit nakipag-break? May third party ba o ano? Ano ang reason? Tingin naman namin maganda ang relationship nyo.Nakikita pa ng mga tao na sobrang sweet ninyo. He even bought you a car and a condo unit. Bakit ganito ang nangyari?

Nagulat ako sa narinig. A car? Condo unit?

Talaga ba?

Roxanne : Wala naman pong problema sa aming dalawa. Its just that mayroon siyang nalaman lately lang na hindi niya raw talaga alam.

Reporter : What? ano naman daw yon?

Roxanne : Mayroon na daw po pala siyang anak, twins po sila. Umuwi sila dito sa Pilipinas kasama nanay nila, yung nabuntis ni Gelo.

Reporter : Oh my G! May nabuntis si Gelo Montero? Hindi ba almost four years ago, sila ni Gwyneth? Meaning mas nauna ito bago yung sila ni Gwyneth. Sino kaya itong nanay ng mga bata?

Roxanne : I doubt kung anak nga sila ni Gelo, hindi ko pa rin kasi sila nakikita, kahit si Gelo hindi pa niya nami-meet itong mga anak daw niya na ito. Baka nga kung sino lang itong babae na nabuntis niya na nakikisawsaw lang sa kasikatan ni Gelo.

" Aba maldita din pala. Akala ko mabait. Hoy hindi kung sino lang ang kapatid ko, doktor ito. Doktor!" hindi mapigilang magkomento ni ate Shane sa pinapanood.

"Ate nga! Lalabas din naman ang totoo sa plan C natin di ba?" tanong ko tapos itinuon ko na lang yung mata ko sa panonood.

Reporter : So, ano ang plano mo ngayon Roxanne? Hayan magsalita ka para maipaabot mo kay Gelo ang plano mo.

Roxanne : Gelo, wala akong balak makipag-hiwalay sayo. Tatanggapin ko na may anak ka kung anak mo nga sila. Hindi kita isusuko dyan sa kung sino man yang nag-iilusyon na nabuntis mo. Lalaban ako dahil ako ang girlfriend mo.

Reporter : Maraming salamat Roxanne sa pagpapaunlak mo. I'm sure marami ang nagulat sa isiniwalat mo. Siguradong marami ang makikisimpatya sayo at papanig na ikaw ang dapat piliin ni Gelo. You're a good catch at siguradong panghihinayangan ka ni Gelo.

" Sus, ni hindi nga nangalahati man lang sayo yang babaeng yan. Kung makapag-salita akala mo basta na lang pumapatol si Gelo kung kani-kanino lang. Sinwerte lang siya na napansin siya ni Gelo, akala mo siya na yung pinaka good catch talaga. Hay mga tao nga naman. " nayayamot na turan ni ate Shane.

" Naku love, ayan ka na naman. High blood na naman. Pero maiba ko, ang galante pala ni pinsan ano Aira? Namimigay ng kotse at condo. " sabi ni kuya Aris.

" Oo nga. Hindi ko alam yun ah. " sagot ko.

" Oh she must be something. Baka virgin." balewalang turan ni ate.

" Shane Adriana! " nae-eskandalong bulalas ni kuya Aris. Ako naman natigagal sa pagiging prangka ni ate.

" Oh bakit? I'm just stating a fact. Di ba binilhan ka ni Gelo ng lupa't bahay sa Tagaytay. Binilhan ka ng BMW, may McLaren pa. May condo. Sandamakmak na jewelries. Branded na damit at sapatos. Gadgets. At kung ano-ano pa. Kasi worth it ka dahil pure na pure ka nung maging kayo. Imagine 8 years old ka pa lang binabantayan ka na. So talagang siya ang first mo sa lahat ng bagay. Baka ganun din dun sa Roxanne. "

" Hay nako ate, ang likot ng imagination mo talaga. Malay mo naman kung may nangyari nga ba sa kanila. "

" Ewan din natin. " nang-aasar pa na turan ni ate.

" Tama na yan love. Nagiging judgmental ka na naman. " awat ni kuya Aris sa asawa.

" So tuloy na ang plan C natin. I will call tito Roy para mag-meet kami mamaya. Actually na-text ko na siya kagabi, gusto niya magkita kami ng personal para mapag-usapan namin ng maayos yung gagawing interview sa inyo ni Roxanne."

" Oo teh gusto ko ng lumantad. Medyo nainsulto ako dun sa mga sinabi ni Roxanne. Mukhang wala pang tiwala na anak nga ni Gelo yung kambal. Baka kapag nakita niya yung mga bata, sabihin na lang niya na, ah oo nga. Mula ulo hanggang paa, kay Gelo na kumuha ng itsura yung dalawa, dimples pa lang ni Yella, siguradong - sigurado na anak nga ni Gelo. "

" Oo nga. Yung dimples, it runs in the blood talaga. " sabi ni kuya Aris na ngumiti pa para makita namin yung dimples nya.

" Ma'am Aira excuse po. May tawag po kayo sa cellphone ninyo. " naputol ang pag-uusap namin dahil dumating si yaya Isay dala ang cellphone ko. Si Gelo ang tumatawag.

" Hello! "

" Hey! Napanood mo yung interview ni Roxanne?" tanong kaagad niya.

" Oo. nandito nga kami ni ate Shane at kuya Aris sa living room, katatapos lang naming panoorin. Wait I-loudspeaker ko para marinig nila." sabi ko tapos pinindot ko yung loudspeaker.

" Napanood ko nga rin. Papunta na sana ako ng location nun. Yun nga ayaw niyang makipag - hiwalay. Hindi ko nga gusto yung mga sinabi niya."

" Oo nga. Baka kapag nakita niya si Aira, tumiklop siya. Nag-iilusyon daw na nabuntis mo. Akala ko ba mabait yon?" singit ni ate Shane.

" Akala ko nga rin. " sabi ni Gelo.

" Cuz ang galante ah. Namimigay ka pala ng condo at kotse. Paano ka ba maging boyfriend? " pang-aasar naman ni kuya Aris.

" Sira! Hindi naman high end yung condo, sa may QC lang yon tapos yung kotse, Toyota Vios hindi BMW. "

" Hahaha. Kahit na, girlfriend mo lang ganon na regalo mo. Virgin ba? " si ate Shane naman ang sumingit sa usapan kaya medyo nahampas ko sya.

" Uy grabe ka besty. Walang ganon. Hindi kami umabot sa ganon. Kay Aira lang to noh. " namula naman ako sa sinabi nya. Si ate naman panay ang kurot sa akin.

" Naks! Ang tameesss." palatak ni kuya Aris. Itong mag-asawang to parang ang sarap palayasin.

" Sige Gelo. Kakausapin ko na si tito Roy. Baka tomorrow night, ang live interview ni Aira sa network nila. Sasamahan ba natin?" turan ni ate Shane.

" Oo pero sa dressing room lang muna ako, kapag kailangan saka ako lalabas." sagot niya.

Nagpaalam na rin si Gelo after nung pag-uusap namin. Tinatawag na raw siya nung direktor. Kapag maaga daw siyang nakauwi mamaya mag-video call daw sila nung kambal. Gusto ko na ngang matapos itong issue namin kay Roxanne para maipakilala ko na siya ng personal sa mga anak namin. Naisip ko after nitong interview ko kay tito Roy, ipapakilala ko na talaga siya sa mga bata.

Tuloy na nga ang plan C namin, wala na itong urungan. Hinahamon ako nung Roxanne na yon kaya kailangan kong maghanda.

Ihahanda ko na ang marriage contract namin pati mga pictures namin ni Gelo nang maisampal sa babaing yon.

Gaya nga ng sinasabi ni ate Shane.. Gigil nya ko eh!

Siguiente capítulo