webnovel

He Who Must Not Be Named

Shanaia Aira's Point of View

BEFORE lunchtime na nung makabalik ako sa station namin galing sa ER. Kinulang kasi sa doktor dun kaya ako ang tinawag. Maraming pasyente ang ginamot dahil sa food poisoning. Halos lahat sila ay galing sa iisang handaan. Marahil may naihandang pagkain na medyo palipas na kaya ganoon. Okay naman na silang lahat nung umalis ako.

" Haay grabe dra. Aira, kinikilig ako!" napalingon ako sa nagsalita na kapapasok lang sa pinto ng Station namin. Si dra. Cherry Mendoza. Isa sa mga doktor na una kong naka-close dito. She's kind and so cool. General Medicine din siya like me. Pero balak ko rin mag specialize sa Pediatrics dahil mahilig ako sa mga bata. Siya naman sa pathology.

" Mukha nga dra. Che, hanggang ngayon para ka pa ring lutang sa alapaap eh. Anong reason? In-love ka?" biro ko sa kanya.

" Ay grabe sya oh.Nakita ko lang naman yung idol kong si Gelo Montero, ang gwapo nya talaga lalo na sa personal." kinikilig nyang wika. Napatda naman ako. Iniiwasan ko nga sanang huwag mabanggit man lang yung pangalan niya pero hindi talaga maiiwasan dahil sobrang sikat niya.

" Akala ko naman kung ano na. Artista lang pala. " sambit ko. Mukhang hindi nakaligtas sa kanya yung disgusto sa tinig ko.

" Hala! Mukhang bitter ka dra. sa mga artista, anong problema?" tanong niya.

" Wala lang. Lahat naman kasi sa kanila halos hindi totoo.They are living in a world full of lies. Minsan nga pati pangalan nila hindi yun ang totoo." sabi ko na siya namang totoo dahil sa mundong ginagalawan ng mga kapamilya ko at 'niya'.

" Sabagay tama ka dyan. Pero siguro si Gelo Montero, yun talaga ang pangalan nya or nickname nya yung Gelo tapos Angelo yung real name niya di ba? Teka lang ngayon ko lang napansin, pareho pala kayo ng surname ni Gelo. Magka-mag-anak ba kayo?" kinabahan ako sa tanong niya. Hindi kasi pwedeng hindi ko gamitin ang Montero. Simula kasi nung tumuntong ako ng Canada, yun na ang surname na gamit ko. Nakapag-change status kasi ako nung time na bago ako makunan sa first baby namin. Ayaw ko kasing magka-problema sa ibang papers ko tulad ng passport, diploma at kung ano-ano pa. Lahat din ng identification cards ko at bank cards, puro Montero na at alam yon ng ex husband ko noon.

" Sus ang daming Montero sa mundo dra. Che, hindi kami magka-mag-anak niyang idol mo. Kita mo nga ang gwapo, hindi kami magkamukha." sabi ko pa.

" Ay sobrang ganda mo kaya. Hindi mo ba nakikita? Mukha ngang mas bagay kayo ni Gelo kesa dun sa girlfriend niya ngayon." napatingin akong bigla sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang nasabi yon. May nakasulat ba sa noo ko na dati akong asawa ni ' he who must not be named'?

Naku dra. Che, kung alam mo lang!

" Ang ganda nung girlfriend nya, kamukha ni Gretchen Baretto, anong panama ko dun? " sambit ko pero parang may tumusok sa puso ko nung sabihin ko yun.

" Ay mas maganda kaya si Marian Rivera kay Gretchen B.! " bulalas niya.

" Oh bakit nasali si Marian sa usapan? " kunot noong tanong ko.

" Haler! Tumingin ka nga sa salamin dra. Aira ng makita mo si Marian Rivera. Mukha ngang mas maganda ka pa dun eh." namula naman ako sa compliment niya. Ang ganda kaya ni Marian Rivera. Seryoso kamukha ko siya? Ang dami nilang inihahawig sa akin kahit noon pa, puro mestiza. Sabagay sabi nga ni mommy may lahing Kastila ang mga Guererro kaya nasa lahi daw namin ang pagiging mestiza gaya ni Marian.

" Kung ano-ano sinasabi mo dra. Che, halika saluhan mo ako dito sa lunch ko. Gutom lang yan." pagyakag ko sa kanya.

" Pero seryoso, hindi ako nababagayan sa kanila nung girlfriend nya ngayon. Mas bagay pa nga sila ni Charmaine Gonzalo o ni Gwyneth Faelnar." nabigla ako nung marinig ko yung pangalan ni Gwyneth.

" Eh sa iyon ang girlfriend nya ngayon, wala ka ng magagawa don. Kumain ka na dra. lilipas din yang mga ilusyon mo. " sabi ko sa kanya.

" Masyado sigurong dinibdib ni Gelo yung paghihiwalay nila ni Gwyneth noon kaya hayan sobrang sweet sya dyan sa girlfriend nya ngayon. Hindi naman yan artista pero kasama nya ngayon dyan sa set. Ayaw mawala sa paningin nya siguro. Balita ko kasama din nya yan sa US nung gumawa sya ng movie dun. " nakuha ang atensyon ko nung sinabi nya. Mukhang updated tong si doktora kay he who must not be named. Alam lahat eh.

" Sigurado ka dyan? Baka tsismis lang yan. " tanong ko sa paraang hindi mukhang masyadong interesado.

" Hindi ah. Napanood ko sa tv, pinakita pa nga na magkasama sila dun." sabi niya pa.

Aray ko naman. Tama na kasi ang tanong Aira. Masokista ka rin eh.

Hindi na ako kumibo kahit kwento siya ng kwento. Nakikinig na lang ako. Para kasing may nakadagan sa dibdib ko kaya ayaw ko na lang magsalita. Baka mapabulalas ako ng iyak sa harap niya, magtaka pa siya. Roxanne Alejandro pala ang pangalan nung girlfriend niya ngayon. Isa itong baguhang photographer at ramp model. Nasa middle lang ang estado ng pamilya nito at nakilala raw ito ni ex sa isang modelling agency na kumuha ng serbisyo niya minsan. Hindi ko na inalam pa ang ilang detalye. Masyado ng masakit ang nararamdaman ko kaya nagpaalam na ako na pupunta ng CR matapos naming kumain.

Sa CR ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Impit akong umiyak para hindi ako marinig ninuman. Hindi ko naman sinisisi si dra. Che, wala naman siyang alam sa nakaraan namin ng ex ko. Isa lang siyang avid fan na inaalam ang lahat tungkol sa kanyang iniidolo.

Nakapag-refresh na ako bago ako lumabas ng CR. Wala ng makakahalata na umiyak ako ng bongga. Lahat nga ng makasalubong ko ay sinasabihan ako ng maganda. Seryoso ba, maganda ako?

Nag-sshooting pa rin sila ng mapadaan akong muli sa may garden. Mag-iikot akong muli sa mga pasyente, this time sa second floor naman. Mabuti naman at wala si ex nung dumaan ako.Baka nag-lunch sila. Salamat naman dahil hindi ako ready talaga na makita siya. Hindi pa ako matatag, sariwa pa ang sugat. Mababaw pa ang luha pag nakikita ko siya kasama ang iba.

Madali lang akong natapos sa pag-iikot ko sa second floor, sa itaas naman ay iba ang nakatokang doktor ngayon. Bababa na ulit ako para doon naman sa ibang hindi ko pa nadaanan kanina.

Napagpasyahan ko na mag-elevator na lang. Nang nasa may elevator na ako at naghihintay na bumaba ito, ay may mga nurse akong nakasabay. Galing siguro sa top floor. May mga fast food at ilang kilalang kainan kasi doon. Kumain na kami doon ni dra. Cherry nung hindi kami pinabaunan ni tita Laine ng lunch, maaga kasi siyang pumasok sa office nun.

Binati nila ako. Kilala na nila ako kasi madalas ko silang nakakasama kapag nasa ER ako.

" Hi dra. Aira. Ang ganda po talaga ninyo. Pwede kayong mag extra dun sa shooting sa ibaba." nginitian ko lang yung nurse. Not my cup of tea. Magsasalita pa sana sya nung bumukas yung elevator. Nakapasok na kami nung mapatingin ako sa mga inabutan naming nakasakay galing sa itaas. Biglang sumikdo ng mabilis ang puso ko.

Si Ex at Roxanne.

Halatang nagulat din sya nung makita ako. Yumuko na lang ako para hindi ko na makita pa ang iba pang ekspresyon sa mukha niya. Masasaktan lang ako. Sa pagkakayuko ko ay napadako ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Parang kinurot na naman ng pino ang puso ko.

Gusto kong umatras pero wala ng mauurungan. Panay naman ang kalabit sa akin nung nurse na kasama ko kanina. Halatang kinikilig sa dalawa. Samantalang ako ay gusto ko ng kainin na lang ako ng lupa kung may lupa man sa loob ng elevator.

" Dra. Montero sabay na po tayong pumunta ng ER, doon rin ba ang duty nyo ngayon?" biglang tanong nung isa sa mga nurse na kasabay ko.

" Ah no, sa NICU muna ako. May kailangan daw si Dr. Martin sa akin." bigla naman silang nanukso nung marinig yung pangalang binanggit ko.

" Uy may something ba sa inyo ni dr. the pogi Martin, ha doktora? " nanunuksong tanong nung isang nurse.

" No we're just friends. I am very much married at loyal ako, ayokong magtaksil sa asawa ko kahit hindi niya alam." turan ko saka mabilis na lumabas ng elevator na nagkataong bumukas na.

Narinig ko na lang na may nabasag na kung ano. Nang lingunin ko ay isang cellphone na nahulog sa sahig at sa harap nito ay si he who must not be named.

Bakit? Tagos sa puso ba yung sinabi ko?

Siguiente capítulo