webnovel

Boredom

Shanaia Aira's Point of View

I WAS gawking at my dad the whole time. Trying to figure out what he just said. He looked at me with a creased forehead, slighty confused.

" What were you thinking baby?" medyo natauhan ako sa tanong nya.

" I was just thinking, what if senator Faelnar didn't really ask for a permit this time?"

" What are you trying to say? It's because you have a problem with his daughter, he might sabotage our business? Ganoon ba ang pinupunto mo ngayon Shanaia Aira? Hindi ganoong tao si senator, anak. Mali ang husgahan mo siya. " mahinahon namang turan ni dad pero feeling ko lang naiirita siya sa akin. I understand. The senator is a good friend to him and tito Archie.

" I'm sorry dad. But it's just a what if. Nagawa niya kasing makiusap sa agency ni Gelo for his daughter. Hindi po ninyo maiaalis sa akin na mag-isip ng mga what ifs." hinging paumanhin ko.

" I know anak. But the Bible says, don't judge or you might be judged. Maaaring nagawang makiusap ni senator para lang siguro manahimik ang anak niya. Ngayong tinanggihan ni Gelo yon at nanahimik naman si Gwyneth, kaya wala na yun marahil kay senator. Just give him the benefit of the doubt. Malalaman natin ang sagot sa ate mo mamaya pagdating nila. " turan ni dad at marahan akong hinaplos sa ulo.

" Okay dad. I'm sorry if I overthink. "

" It's alright baby. I know what you've been through because of the senator's daughter. But the permit? It has nothing to do with your problem with Gwyneth. Don't think too much, okay?" hindi na ako kumibo. Ayaw ko naman na ipagpilitan kay dad yung sapantaha ko about senator. Siguro nga nagkataon lang. Malalaman din namin ang lahat kapag nakabalik na sila ate Shane from Batangas.

" Good morning everybody!" napatingin kaming lahat kay Gelo na papasok na ng dining room. Bagong ligo na siya pero nakasuot pa rin ng pambahay. Maaga pa naman kasi kaya hindi pa siya nagbibihis.

"O Gelo, halika na at ng makasabay ka na sa amin mag-breakfast. Ngayon na nga raw ang resume ng shooting mo sabi nitong si baby." turan ni mommy.

"Ah yes po tita, nasabi na po ni tita Jellyn kahapon yung call time ko." tugon niya.

"Mommy,Gelo. Call me mommy and call your tito Adrian, daddy. You belong to our family now, ang pangit naman kung ganoon pa rin ang tawag mo sa amin." pagtatama ni mommy kay Gelo. Napangiti naman ako, talagang tanggap na nila ang asawa ko bilang miyembro ng pamilya namin. Sabagay kahit noon pa man, alam ko na si Gelo ang gusto nila para sa akin. Nasubaybayan nila kasi siya simula pa sa kabataan niya.

"How's Jellyn as a manager?" tanong naman ni daddy kay Gelo.

"Well, she's good and very kind. Nanibago nga po ako tito—er dad pala. Kasi si mama D sobrang taray unlike tita Jellyn na very soft spoken. And besides, bata pa lang ako, magkakilala na kami ni tita Jellyn dahil sabay halos sila ni tita Sylvia na pumasok sa showbiz. I think, it's good that my manager is a family. Hindi po ako pressured na tumanggap ng roles kung ayaw ko. " tugon ni Gelo.

" Well, with Jellyn as your new manager, you can never go wrong. She's the best in that field. "sabi naman ni mommy na tila proud na proud sa kapatid. Si mommy rin kasi ang nag-udyok kay tita Jellyn na mag-manage ng mga artista. Kaya kahit na artista siya, isa rin syang manager. Isang magaling na manager.

Matapos ang breakfast ay tumulak na si mommy at daddy sa kanilang mga trabaho. Si Gelo naman ay nagbihis na para sa kanyang shooting. Ayon sa kanya, sasamahan daw siya ni tita Jellyn para personal na ipakilala ito bilang bagong manager niya.

Medyo kampante naman ako na kasama niya si tita. Kung ano man ang maging problema sa set, I'm sure tita Jellyn will help him deal with it.

Maghapon akong inip na inip sa bahay. Wala pa rin sila Dindin kaya wala man lang akong makausap. Nakakainip na rin na manood ng Netflix. Bakit kaya nung nandito si Gelo kahit ilang movie ang panoorin namin hindi ako nababagot?

Hala nagtanong ka pa eh obvious naman ang sagot.

Nung medyo nag-aagaw na ang liwanag at dilim, sa wakas dumating na rin sina ate Shane at Dindin. Nasa living room na ako kaya madali ko silang nakita na pababa ng kotse.

"Mommy baby!" patakbong lumapit si Dindin sa akin at agad na yumakap ng makalapit na siya.

"I miss you baby Dindin. Akala ko hindi ka pa uuwi, sobrang sad na si mommy baby." sabi ko.

" Where's daddy bhi? He didn't accompany you?" tanong niya.

"He's at work baby. Shooting." malungkot kong turan.

"Don't be sad mommy baby. I'm here na, I will accompany you." natuwa naman ako sa kanya. Kahit kailan talaga sweet siya.

"O kumusta ang lakad nyo dun ate?" tanong ko kay ate Shane ng makaupo sya sa couch katabi namin.

"Okay naman. Mabait pa rin naman ang mga in-laws ko sa akin at mahal na mahal nila si Dindin." casual lang na sagot ni ate. Mukhang pagod na pagod sa byahe.

"Aba! dapat lang na mabait sila sayo eh wala ka namang kasalanan sa paghihiwalay nyo ni kuya Gerald.Kumusta naman kayo nung ex mo? Nandun ba si ate Margot?" tukoy ko sa ex ni kuya Andrew na naging dahilan ng paghihiwalay ni ate Shane at kuya Gerald.

"Syempre nandun yun, may anak sila eh. Malaki na nga. Matanda lang si Dindin ng four years dun. Hindi ko naman sila pinapansin. Nandoon lang naman kami dahil birthday nung lolo ni Dindin. Kung hindi lang dahil sa anak ko, never akong magpakita pa sa kanila. Pero ayos na rin, atleast naipakita ko sa kanila na move on na ako at hindi ako bitter. "naiiling na lang ako kay ate. Ang taray talaga kahit kailan.

" Ate yun nga palang pinapaayos ni daddy sayo, about dun sa permit, ayos na ba? " tanong ko ng maalala ko yung sinabi ni daddy kanina.

" Ah oo, naibigay daw pala dun sa isang tauhan ni mayor yung permit, nakaligtaan lang.Kaya ngayon pwede na nilang ilabas yung mga kahoy dun sa Batangas. Naitawag ko na kay daddy kanina, baka nga binibyahe na ngayon yung mga kahoy. " tugon ni ate.Nakaramdam ako ng pagka-asiwa. Medyo na-guilty rin ako dahil nag-isip ako ng hindi maganda kay senator.

" Mabuti naman kung ganon ate. " malungkot kong turan na ipinagtaka naman ni ate Shane.

" O eh bakit malungkot ka? Dapat nga masaya ka dahil wala ng problema sila daddy dun sa mga kahoy. Anyare bunso?"

I heaved a sigh. "Kasi ate pinaghinalaan ko si senator na baka hindi talaga siya kumuha ng permit dahil sa issue namin ni Gelo sa anak niya. But this time, my premonition didn't work and its a shame that I think of him that way, my bad."

"Baby, naiintindihan kita sa bagay na yan. Kahit ako ganon ang maiisip ko dahil nagawa niyang makiusap sa agency para lang makipagmabutihan si Gelo sa anak niya. It's a good thing na hindi niya dinamay ang business nila daddy sa personal na interes ng anak niya. Sa bagay na yon, bumilib ako sa kanya. " nakakaunawang turan ni ate Shane.

" Oo nga ate kaya nahihiya ako at napag-isipan ko ng hindi maganda si senator. Nakakahiya din kay daddy."

"It's okay bunso, talagang ganon. Hindi mo talaga maiiwasan na mag-isip ng hindi maganda lalo na't sobra-sobra na yung pinagdaanan nyo ni Gelo dahil kay Gwyneth. Naiintindihan ka namin at wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano, makakasama sayo." pagtatapos ni ate Shane saka siya pumunta ng room niya para makapagpalit na ng damit. Bumaba naman si Dindin para samahan ako sa living room. Naglaro na lang kami ng board games para malibang.

Hatinggabi na nung umuwi si Gelo. Dahil antok na antok ako, isang mata lang ang naidilat ko.Umungol lang ako at awtomatikong ikinaway ko lang ang kamay ko bilang pagbati.Natawa lang siya sa reaksyon ko kaya naman siya na ang dumukwang sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. Mukhang pagod na pagod siya kaya hindi ko na muna siya tinanong ng kung ano-ano tungkol sa trabaho niya.At isa pa,napipikit na naman ulit ang mata ko. Magku-kwento naman yan ng kusa kapag na-relax na siya.

Narinig ko na lang ang lagaslas ng tubig sa banyo, marahil ay naliligo na siya.Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ko siya naramdaman na tumabi sa akin sa kama.Niyakap lang ako at hinalikan sa ulo tapos natulog na.

Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Gelo sa tabi ko. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila dahil madalas kapag nagigising ako sa umaga ay siya agad ang nasisilayan ko.

Mukhang kailangan ko na naman magsanay dahil hectic na naman ang schedule niya ngayon bilang artista. Nakakalungkot lang dahil nasa bahay lang ako ngayon, laging mag-isa dahil busy silang lahat sa kanya-kanyang buhay. Maging si Dindin ay wala maghapon dahil sa school niya.

Nag-uumpisa na akong mag-isip ng mga gagawin ko sa maghapon nang biglang bumukas ang pinto ng walk in closet ko. Lumabas si Gelo doon na bihis na bihis na.

Para akong nakakita ng sikat ng araw sa tag-ulan ng masilayan ko siya. Mukha akong tanga na bigla na lang sumabit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Hey baby, what's wrong?" nagtatakang tanong niya. Sapo-sapo nya ako sa pwetan para hindi ako mahulog.Panay naman ang halik ko sa leeg nya.

"Bhi, I will die of boredom here. Buong maghapon ako lang mag-isa tapos miss na miss pa kita.Dito ka lang,gusto ko ganito lang tayo. " parang akong bata na umungot sa kanya, bigla syang natawa sa akin.

"Baby kailan ka pa naging clingy? Sa ating dalawa ako yung ganon di ba? Nangyare sayo?" natatawa nyang tanong.

"Basta bhi, naiinip na ako. Lagi lang ako sa kwarto. Pwede ba akong sumama sayo?"

"No!" matigas nyang sambit.

"Bakit bhi? Hindi ako magpapakita sa set o kaya magdi-disguise ako para walang makakilala sa akin." pangungulit ko pa, hindi pansin ang mariing pagtanggi niya.

" Baby, hindi ka pa pwedeng lumabas, kailangan mo pa ng pahinga. At isa pa kahit na magaling ka na, hindi ko pa rin gustong pumunta ka sa set ngayon kahit pa mag-disguise ka. Hindi mo magugustuhan ang maririnig at makikita mo dun."seryosong turan nya.

" Bakit bhi? Anong meron? "kinakabahan kong tanong.

" Hina-harass ako ni Gwyneth kapalit ng hindi niya paglalabas nung mga pictures natin sa social media. Hanggat hindi ako nakakaisip ng counter attack ko sa kanya, mas mabuting umiwas ka na lang muna dahil baka kapag nalaman niya na nasa paligid ka lang, baka mapasama pa. "

Napahumindig ako sa narinig.Gusto kong mag-ngitngit sa nalaman. Napaka-tuso talaga ni Gwyneth. Hindi talaga siya titigil hanggat may hawak pa syang alas laban sa amin.

Siguiente capítulo