webnovel

I Won't Give Up

Shanaia Aira's Point of View

ANG pangamba at kaba sa puso ko ay hindi pa rin nawawala kahit na nandito na kami sa bahay. Naiakyat na ni Mang Simon si Gelo sa room ko at kasalukuyan ko na syang pinupunasan ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko na kung nahuli kami kahit na ilang minuto lang ni ate Shane ay baka wala si Gelo ngayon dito sa harap ko.

Ang takot ay muling lumukob sa akin. Maraming senaryo ang naglalaro sa isip ko, na kahit hindi nararapat ay pilit umuukilkil sa utak ko.

Naluluha ako habang pinagmamasdan ko si Gelo. Alam ko kung gaano siya nag-iingat para hindi malinlang ni Gwyneth pero paano at ano kaya ang nangyari at muntik na syang bumagsak sa mga kamay nito?

Matapos ko syang punasan ay pinilit kong kayanin ang bigat nya para mapalitan ko ang damit nya ng pantulog. Hingal na hingal ako ng mabihisan sya. Napakalaki naman kasi nya at napakabigat.

Matapos maiayos si Gelo ay ako naman ang naligo at nagbihis. Matagal ang naging paglilinis ko sa mukha ko dahil sa make up na ginawa ni ate Ritz.

Saglit lang kami sa labas ni ate Shane pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Kaya pagkahiga ko ay agad na akong nakatulog.

I'm just tired but I won't give up my fight on those who want to destroy us.

The next day, gumising ako na medyo magaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil kahit paano ay nakatulog ako ng mahaba-haba. Awtomatikong kinapa ko ang gilid ko pero nagulat ako ng wala na akong katabi.

Anong oras na ba?

Pabalikwas akong bumangon at tiningnan ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. It says, it's already 8:30 am. Kaya naman pala wala na si Gelo sa tabi ko. Inayos ko ang higaan namin ngunit bigla akong nagulat nung bumukas ang pinto ng bathroom at iluwa nito ang bagong paligong si Gelo.

Ilang segundo rin akong nakatingin lang sa kanya. Tila ba ito yung unang pagkakataon na nakita ko syang nakatapis lang ng towel sa bewang.

" Morning baby!" nakikita ko syang nagsasalita pero parang wala akong naririnig.

" Huh!" nagulat na lang ako ng isara nya ng mga daliri nya ang mga labi ko.

Hala anyare sa akin? Napanga-nga ba ako?

" Hahaha. Nai-inlove na naman sa akin ang asawa ko." natatawang turan nya habang papunta na sa built in closet ko.

Napaupo ako sa kama habang hawak ko ang dibdib ko sa tapat ng puso ko. Bakit ang bilis ng tibok nito? Masyado ba akong naakit sa itsura ni Gelo kanina? Ay ewan.

Kulang ka na kasi sa exercise Aira!

" Baby! "

" Ay kabayo! "

" Hahaha. Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa ah." puna nya habang natatawa na naman. Umupo sya sa tabi ko.

" Wala lang. Maybe I woke up on the wrong side of the bed." kaila ko.

" Uhuh. Really?" hindi kumbinsidong tanong nya.

" Yeah. "

" Come here baby. " untag nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at binuhat para iupo sa kandungan nya. Tapos niyakap nya ako ng mahigpit.

" You know baby, when I wake up this morning, I felt relief when I saw you beside me. I thought nagtagumpay na si Gwyneth sa plano nya sa akin. I don't know what happened last night, kung paano akong nakauwi dito. Ano man yung dahilan kung paanong narito ako ngayon, I really thanked God na gumising ako na ikaw ang katabi ko. " sabi nya habang isinisiksik ang mukha nya sa leeg ko.

Huminga ako ng malalim bago ko isinalaysay sa kanya yung nangyari kagabi.

" Nung hindi ka nagre-reply sa text ni ate Shane, kinabahan na ako kaya pumasok na kami dun sa bar. Pero binilinan namin si Mang Simon na maging alerto habang hinihintay kami sa labas. Then yun nga hinanap ka namin hanggang sa dance floor kasi sabi ni direk sumayaw daw kayo ni Gwyneth. Pero wala kayo dun, kaya naghanap kami sa buong bar. Luckily nasalubong namin si Lester, siya ang nagsabi na tinulungan nya si Gwyneth na dalhin ka sa parking lot. Tinawagan na agad namin si Mang Simon na pigilan si Gwyneth at yun ang inabutan naming eksena ni ate Shane. Ayaw nga nyang pumayag na hindi sya ang maghahatid daw sayo. Pero dahil alam naman namin na may motibo sya, ginawa lahat ni ate Shane para makuha ka. Siguro bhi kung nahuli kami ni ate ng kahit segundo lang, malamang nagising ka na ngayon sa ibang kama. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nagkataon. " paglalahad ko sa kanya sa nangyari kagabi.

" I'm sorry baby. Hindi ko alam kung paano ako nalasing sa dalawang shot nung alak na iniinom namin. Baka nga may inilagay dun sa ininom namin. Kasi naunang nakatulog si Kurt at Troy bago nung makaramdam ako ng pagkahilo. Si Lester lang ang hindi tinamaan dahil nung dumating sya paubos na yung alak namin kaya umorder sya ng bago. I'm glad you just came in time. And I should thank Mang Simon too for saving me. Teka lang, hindi ka ba nakilala ni Gwyneth kagabi? " naalala nyang itanong.

" Syempre hindi noh. Ang gwapo ko kaya kagabi. Kamukha ko si Robert Downey. " may pagmamalaki kong sambit.

" Talaga lang ha? Mas gwapo ka pa sa akin siguro. " nangingiti nyang wika.

" Oo naman bhi. Baka nga mabakla ka sa akin kung nagkataong nakita mo ako. " biro ko.

" Hahaha. Silly. Uhm.. baby? "

" Hmm?"

" Exercise tayo? "

" What? Haha. Yan tayo eh."

Tatanggi pa ba ako?

Siyempre hindi noh!

Aarte pa ba eh si Gelo na yan.

Kulang na nga siguro ako sa exercise.

Siguiente capítulo