webnovel

Lucky in Love

Shanaia Aira's Point of View

" Happy birthday baby!" nagulat ako ng mabungaran ko si Gelo na nakatunghay sa akin.Natataranta akong bumangon sa kama.Shocks baka may muta pa ako, nakakahiya naman sa kanya.At ng maalala ko na manipis at maiksi ang pantulog kong suot ay muli akong humiga at nagtalukbong sa kumot.

" Hey what's happening?" nagtatakang tanong nya, inilabas ko ang ulo ko sa pagkakatalukbong para tignan sya.

" Ihh kasi naman bhi, what are you doing here ba?Ang aga-aga pa nga oh!" reklamo ko.

" Sabi ni tita Elize gisingin na daw kita.Oh may blessing nila ang pagpasok ko dito sa room mo ha?.Bangon na dyan, we'll attend mass first, then papasok tayo ng school tapos after class t-treat kita kahit saan mo gusto bago yung dinner mamaya with our family." turan nya habang hinuhuli nya ang mga kamay ko sa ilalim ng kumot para ibangon ako na lalo ko naman ikinataranta at hinapit ko pa ng mabuti yung kumot sa katawan ko.

" Bhi just wait for me downstairs, I'm not decent.I'll change first." namumula na ako habang sinasabi ko yon, kasi talagang makikita nya ang kaluluwa ko sa nipis ng suot ko at wala pa akong bra.

" Oh kaya pala nagtalukbong kang bigla dyan.Sige na, dito lang ako hihintayin kita matapos." may pilyong ngiti na sumilay sa kanyang labi,sabi ko na nga ba mang-aasar na naman tong damuho nato eh.

" Paano nga ako babangon eh di nakita mo.....ah basta! bumaba ka na muna kasi bhi!" maktol ko.

" You don't need to hide it, nakita ko na."

" H-ha? Ang alin? Paano?" nautal pa ako.

" Kanina pinagmamasdan kita habang tulog ka.Kinumutan pa nga kita baka kasi ginawin ka." tila balewala namang saad nya.

" What?!" bigla kong tinakpan ang mukha ko.Juice colored wala na pala akong ipagmamalaki sa gwapong ito eh halos nakita nya na.

" Hey baby ano ka ba? Wala naman yong nakita ko, promise wala akong nakita medyo bakat lang yung..." hindi nya naituloy kasi bigla kong tinakpan yung bibig nya.

" Sige na,sige na babangon na! Pumikit ka na lang. Kung ayaw mo naman pumikit, bahala ka dyan! Ikaw naman ang hindi makakatulog kung may nakita ka man." naasar na nagmartsa na ako papuntang bathroom ko na hindi man lang sya sinulyapan.

" Witwit.Ang sexy talaga ng baby ko!" pang-aasar pa nya.

" Tse! Bahala ka dyan.!" sigaw ko mula sa banyo. Narinig ko na lang syang tumatawa na parang ang liga-ligaya nya.Buset talaga yun! birthday na birthday ko inasar agad ako. Kuu!!kundi ko lang sya mahal.

Paglabas ko ng bathroom maayos na ang suot ko.Nakatingin lang sya sa akin na may malapad na ngiti.Gosh kung ganito ba naman ka-gwapo ang mabungaran mo, kahit asar talo ka maglalaho na agad ang inis mo.

Tinanguan nya ako at nilahad ang dalawang braso nya sa akin.Lumapit naman agad ako at tumabi sa kanya.Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa ulo.

" Sorry na. Alam kong naasar na naman kita."

I sighed..." okay lang bhi, sanay ka na rin naman sa kapilyahan ko di ba?"

" Oo nga mas malala ka sa akin."

Natawa ako ng mahina sa sinabi nya at lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya.Inamoy amoy ko pa ang dibdib nya.Ito ang isa pa na gusto ko kay Gelo lagi syang mabango.

" Uhm baby uubusin mo na naman ako kakasinghot mo nyan eh."

" Bakit may pinaglalaanan ka pa bang iba na sisinghot sayo bukod sa akin?" nayayamot kong tanong.

" Wala ha! Sabi ko nga singhutin mo pa ako hanggang gusto mo, selos kana naman eh."

" Basta bhi akin ka lang ha? Pagdating sayo madamot ako hindi kita pwedeng i-share sa iba."

" Uy kinilig naman ako dun baby parang naging possessive ka yata ngayon?"

" Ganon ka rin naman ah! Gusto ko lang sabihin sayo na kahit gaano ka kasikat sa madlang people at sa school at marami kang fangirls, maswerte ako kasi ako yung mahal at priority mo. Hindi ko gustong mawala sa akin yun.Kaya hanggang pantasya lang yang mga girls na yan sayo dahil akin lang ang baby boy ko."

" Naks naman nag birthday lang naging possessive na.But I like that baby, sarap sa feeling lalo na't baliw na baliw ako sayo." mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin at mariin pa akong hinalikan muli sa ulo.

Gumanti rin ako ng yakap sa kanya at nanatili kami sa ganong posisyon ng ilang minuto.Tiningala ko sya at tinignan sa mata ng maalala ko na hindi pa ako nakapag-pasalamat sa kanya sa pagbati nya sa akin kanina.

" Thank you bhi ha? Hindi ako nakapagpasalamat sayo kanina ng batiin mo ako, nataranta kasi ako eh." ngumiti sya sa akin at hinaplos ang mukha ko.

" Alright. Let's go, baka isipin nila tito kung ano na ginagawa natin dito." untag nya sa akin.Mabilis naman akong kumilos ng alalayan nya ako at igiya palabas ng pinto.

" Happy birthday baby!" sabay-sabay na bati nila dad, mom at kuya Andrew.

" Thank you!" matipid at masayang tugon ko.Lumapit sila sa akin at isa-isa nila akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

May inabot na malaking box ng gift si mommy sa akin, galing daw yun sa kanila ni dad tapos si kuya Andrew naman kulay pink na paper bag ang binigay nya.

Nang buksan ko ang box na galing kay mom at dad, maluha-luha ako dahil matagal ko ng gustong magkaroon nun.Laptop.Yung pinaka latest.

Kung tutuusin kayang-kaya nila yung bilhin sa akin kaagad kaya lang hindi kasi ako yung tipo ng tao na komo alam kong kaya nila eh basta-basta na lang ako uungot.Pinaghihirapan ko muna kung ano man yung gusto ko.Binibigyan ko muna sila ng matataas na grades ko sa school para naman worth it talaga.

" Thanks mom and dad, matagal ko na nga pong gustong bumili nito kaya lang po kulang pa yung perang inipon ko para bumili." maluha-luhang turan ko.

" Kaya nga yan ang niregalo namin ng mommy mo kasi alam naman namin na hindi ka basta-basta magpapabili sa amin.Kahit alam mong isang salita mo lang ibibili ka namin pero hindi mo ginagawa dahil mas gusto mong pinag-iipunan yung mga bagay na gusto mo.Proud kami sa ugali mong yan anak,hindi ka katulad ng ibang kabataan na komo kaya ng magulang sige lang ng sige." punong puno ng pagmamahal na nakatingin si daddy sa akin habang sinasabi yon.

" O bago ka umiyak bunso buksan mo muna yung gift ko sayo para isang bagsakan na lang." biglang singit ni kuya Andrew kaya nagmamadali kong kinalas yung ribbon nung paper bag na bigay nya.At tama sya naiyak na nga ako ng tuluyan sa sobrang saya ng tumambad sa akin yung regalo nya.Isa lang namang latest model ng Iphone yun na hindi rin biro ang halaga.

" Nakita ko kasi baby na nagtya-tiyaga ka dyan sa Iphone mo eh luma na yung modelo nyan." yumakap ako kay kuya at hinalikan sya sa pisngi.

" Ahhh thank you kuya the best ka talaga." tumatawang hinalikan naman ni kuya ang ulo ko." Basta para sa bunso na mabait at sweet eh lahat ibibigay ni kuya."

" O siya kumain na tayo para hindi kayo ma-late ni Gelo sa first mass." turan ni mommy tapos nilingon naman si Gelo. " Gelo,darating ba ang mga mommy mo mamaya sa dinner natin dito?"

" Ah opo tita, narinig ko nga po sila na magkausap ni daddy sa phone kagabi.Nag-confirm po si daddy na pupunta dahil may pag-uusapan din po yata sila ni tito Adrian." sagot nya kay mommy at saka tumingin din kay dad.

" Yeah, mag-uusap kami tungkol sa nalalapit na kampanya." matipid na pagkumpirma ni dad.

Matapos ang masayang breakfast ay nauna na kaming umalis ni Gelo.

Habang nasa byahe papuntang school ay tinanong nya ako kung saan ko daw ba gustong pumunta mamaya after ng class para mag-celebrate kaming dalawa ng birthday ko.Treat daw nya.

Actually kagabi ko pa naisip kung saan, kaya dinala ko yung ATM card ko para dun sa ipon ko kumuha ng panggastos.

" Ahm bhi gusto ko sana dun sa orphanage na pinupuntahan natin nila mommy dati. Medyo matagal na rin tayong hindi nakakasama pag pumupunta sila dun.Don't worry ako na ang bahala sa pagbili ng dadalhin natin dun. Naisip ko kasi na magandang regalo yun para sa sarili ko.I want to help the less fortunate ones.I want to share my blessings.Mas masarap sa pakiramdam yung nagbibigay." nagniningning ang mga mata ko habang sinasabi ko yun. I really prayed hard kagabi, thanking God for all the blessing He's given me.At naisip ko na ibahagi sa nangangailangan yung mga biyayang natanggap ko at yun ang gusto ni God na gawin ko.

Nung mai-park ni Gelo yung sasakyan namin sa may simbahan,hindi muna sya kumilos para tanggalin ang seatbelt ko para bumaba na kami.Sa halip marahan nyang hinaplos ako sa mukha,pagkatapos ay buong ingat na hinawakan ang kamay ko at nilaro-laro nya yung couple ring namin sa daliri ko.

" Hindi pa ba tayo bababa bhi?" tanong ko.

Ngumiti sya sa akin at masuyong hinagkan ang kamay ko na hawak nya.Tapos tinitigan lang nya ako ng buong pagmamahal.

" Wait lang baby gusto ko lang i savor yung moment na ganito kahit ilang minuto lang. Para kasing puputok na palabas yung puso ko sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sayo dahil sa mga sinabi mo kanina.God,ang swerte ko.Napakaswerte.Hindi ka lang maganda at matalino,napakaganda rin ng kalooban mo. I'm so much blessed for having a girlfriend like you.Grabe baby hindi ako papayag na mawala ka sa akin, hindi ako papayag.I love you so much baby."

" Bhi hindi ako mawawala sayo basta't wala kang binibigay na rason para mawala ako sayo.Ako rin naman maswerte sayo di ba? Mahal kita.Mahal na mahal kita.Hindi ko rin alam kung paano ako kapag hindi naging tayong dalawa sa bandang huli."

" Baby basta manalig lang tayo na tayo na nga hanggang sa huli.But if  something happens along the way, I'll move heaven and earth just to make sure that you'll end up with me."

I hug him tight and he responded.

I love Gelo so much.I know I will never love this way again.Kay Gelo lang.Yun ang nararamdaman ng puso ko at sinasang-ayunan din ng isip ko.At gaya nga ng sinabi nya, if something happens along the way na hindi naman minsan maiiwasan dahil sa tadhana, mananangan ako sa pangako nya, hihintayin ko pa rin sya hanggang sa magtagpo kami sa dulo.

Siguiente capítulo