Chapter 38 | Gino Parker
Third Person's POV
"Are you ready?"
Nabaling ang atensyon ng binata sa kanyang ina nang dahil sa tanong nito.
Kabababa pa lamang nila ng sasakyan at patungo naman sila sa kinaroroonan ng kanilang private plane.
"Yeah. I am born to be ready."
What he said earned a laugh from his Dad who's walking beside his Mom.
Napabuntong hininga na lang ang kanyang ina. Magkahalong pag-aalala at saya ang makikita sa mga mata nito.
"I hope that everything will be okay now. Hindi ko gusto na magkita kayo sa ganitong sitwasyon. But I know that this is the right time," nag-aalalang pahayag ng ginang.
"Paniguradong magkakasundo agad kayong dalawa. Parehong matigas ang ulo n'yo, eh," naiiling na sabi naman ng kanyang ama.
A smile formed on his lips. Sa totoo lang ay excited na rin siyang magkita silang dalawa.
But at the same time, he's furious at what just happened to her.
"Well, I guess, there's no turning back," seryosong pahayag ng binata bago sila tuluyang sumakay sa private plane nila.
-----
Nicole Jane's POV
I feel so calm, so relax and peaceful.
Tila ang gaan ng pakiramdam ko. Parang ayoko ng dumilat pa at tuluyan na lang manatili sa pagkakahimbing.
It feels like it's been a while since I last felt this kind of feeling. Refresh even for a while.
"My princess, please wake up already. We are all here for you."
That voice. I know that voice. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Nicole, anak, we missed you."
That voice. It's been a long time since I last heard that voice!
It made my eyes open slowly. Then there I saw my parents sitting beside my bed.
Hindi ko agad nagawang makapagsalita. I even pinch my cheeks just to be sure that I am not dreaming.
But that hurts me a little. So I guess, this is for real.
I am alive. I still am. Thank God.
"Anak!"
Agad akong dinaluhan ni Mommy at niyakap. Natigilan naman ako habang pilit na inaalala ang lahat ng mga nangyari.
Then it hit me.
Si Mikan. Si Mikan na itinuring kong kaibigan ay kalaban pala. At hindi ko pa rin magawang maintindihan kung paano siya naging anak ni Marcus.
Pati na rin ang naging laban namin kay Marcus. Sa pagkakaalala ko ay natapos na namin ang laban na 'yon.
Pero si Dave... si Dave!
"Anak! Calm down. Everything is now okay. Wag ka na umiyak." Hinimas ni Mom ang likod ko, habang tinatapik naman ni Dad ang balikat ko.
Ramdam ko na nanghihina pa rin ako kaya naman ay napayakap na lang ako kay Mommy.
Pero hindi ko maiwasan ang malungkot at mapaiyak nang maalala ko si Dave. He doesn't deserve what just happened to him.
He is a kind man. Sayang nga lang at hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na makapagpasalamat man lang sa kanya. Kung tutuusin ay siya pa pala ang naging mas tunay kong kaibigan kumpara kay Mikan.
Napahiwalay naman kami sa isa't isa nang bigla na lang naming narinig ang malakas na pagkalabog ng pinto. Natuon ang atensyon namin sa kung sino mang pumasok.
"Babe! You're already awake!"
Humahangos na lumapit patungo sa direksyon ko si Kyle. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong saya at pag-aalala, bago niya ko tuluyang niyakap.
I do the same. If I am not mistaken, I have been asleep just for a day. But it felt like I slept for a long time already.
Samot saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko ay mawawala na naman ako sa kanya at siya sa 'kin. Akala ko ay mauulit na naman ang nangyari sa nakaraan.
But hell no. We will not let happen it again.
He was about to speak again when the room suddenly filled with noise and screams.
"Ate gising ka na!"
"Mabuti naman at gising ka na."
"Akala namin Ate magiging sleeping beauty ka na, eh!"
"Princess Nicole!"
I wiped my tears away and smiled at them. Napailing na lang ako nang makita ang mga kaibigan ko. Namiss ko rin ang pagiging magulo at maingay nila.
"Ang OA naman ng mga reaksyon n'yo. Isang araw lang naman siyang tulog," nakasimangot na saad ni Vince. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang 'to.
I saw Steph rolled her eyes at him. But Vince ignored it and looked away. Sana lang talaga ay bumalik na sila sa kung paano sila rati.
"Hey! What the! Be careful you two!" Pinukulan ng masamang tingin ni Kyle sina Rei at Miley nang bigla na lang nila kong dambahing dalawa.
Natawa naman sila sa reaksyon ni Kyle. My ever protective prince.
"It's fine. I am already okay," I assured him and he just snorted. While these two princesses just stuck their tongue out of him.
Nabaling naman ang tingin ko sa mga magulang ko na tila mayroong malalim na iniisip.
"Mom, Dad. Kanina lang po ba kayo dumating?"
That made them look at me. "Oo, hija. Sa totoo lang ay halos kararating lang namin. Nang ipaalam kasi sa 'min ni Kyle ang nangyari sa 'yo ay agad kaming nagdesisyon na umuwi rito. Naturingan kaming mga protector pero ni hindi ka man lang namin naprotektahan." Bakas sa boses ni Mom ang pag-aalala at lungkot.
Hangga't maaari ay ayoko na sana silang madamay pa rito. But I know too well that they will not let what happened pass.
"You've done enough. Wala po kayong kasalanan o pagkukulang." Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon.
"Oo nga pala, Nicole. May dadaanan lang kami saglit ng Mommy mo. Babalik din kami agad."
Dad walked towards me and kissed my forehead. I just nod at them. Siguro ay may kailangan din silang asikasuhin tungkol sa business at hinintay lang muna talaga na magising ako.
I roamed my eyes. Masaya kong magkaroon ng pagkakataon na makita pa sila ulit.
Sana lang sa pagkakataong 'to ay ayos na talaga ang lahat.
-----
"Ano bang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay?"
Nandito na kami ngayon sa dining area at katatapos lang namin kumain. Kanina ko pa gustong-gusto na magtanong sa kanila pero hindi naman nila ko binibigyan ng pagkakaton. Puro kwentuhan lang naman ang ginawa namin pero palagi nilang iniiba ang usapan sa tuwing magtatangka akong magtanong.
I know that they are just worried. But I just also want to know what happened after.
Kasama na rin namin ang mga magulang ni Kyle. Napadalaw sila agad nang malaman nila na gising na ko.
Nagtitinginan lang sila na tila walang gustong magsalita. I sighed and focus my attention to the guy beside me.
He just smiled at me and held my hand. Pinisil niya 'yon na para bang gusto niyang sabihin na ayos na ang lahat.
"Patay na si Marcus at inubos na namin ang lahat ng alagad niya na naroroon. Finally, we made it. Pwede na tayo makapagsimula ng panibagong buhay."
Napatango ako. Nakita ko pa naman ang pangyayaring 'yon.
Pero hindi ko pa rin maiwasan ang umasa sa isang bagay.
"How about Dave?" halos basag ang boses kong tanong.
I saw his jaw clenched. He looked away at me and his eyes darkened. "He's gone."
Pinigilan ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Alam ko naman na ang sagot pero ewan ko ba. Parang gusto ko pa ring marinig ang kabaliktaran ng inaasahan ko.
Pero ang pinakamalaking tanong sa isip ko ay si...
"How about Mikan?"
That made them turn to my direction.
Sa pagkakaalala ko ay pinatulog si Mikan ni Dave habang nililigtas niya ko. At alam ko na babalikan pa dapat niya si Mikan.
But he died.
"Sa totoo lang, hija, hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung buhay ba siya o kung ano na ba ang nangyari sa kanya. Pagkatapos kasi ng naganap na labanan ay hinanap namin siya sa buong lugar pero hindi na namin siya nakita," Aunt Cass said.
Napatango na lang ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
"Nakita ko no'ng pinatulog ni Dave si Mikan para maitakas din ako. At naniniwala ako na hindi gano'n kabilis mawawala ang epekto no'n sa kanya. Kaya imposibleng nagising siya agad at nakaalis sa lugar na 'yon. Unless..." napaisip ako sa posibleng nangyari.
"Unless may tumulong sa kanya," Vince said as if he reads my mind.
"Right. Pero kung totoo man 'yon ay hindi pa rin dapat tayo tuluyang makampante. Kahit normal na tao lang si Mikan ay hindi pa rin natin alam kung ano ang pwede niyang gawin. May posibilidad rin na mayroon pang nakatakas sa mga alagad ni Marcus at nagmamanman lang sa paligid," Kira added.
Napakunot noo ako. "How about Mikan's adopted parents?"
"They both died. Nando'n rin sila ng mangyari ang gulo. Napatay sila ng ilan sa mga protectors natin. Hindi naman dapat aabot sa gano'n pero nanlaban sila," Uncle Zach answered.
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Nawala na nga kay Mikan ang totoong pamilya niya, pati ba naman ang kinilala niyang pamilya.
Paniguradong mas lalo siyang magtatanim ng galit sa 'min ngayon.
I sighed. But there is still one question that keeps on bugging me. "Wait. How did she become Marcus' daughter?"
Miley was about to speak when Mom and Dad arrived. But it's not them who caught my attention.
But the guy who's standing next to them.
He's wearing a black V-neck shirt, black maong pants and black sneakers. Oh, well. I guess he loves black.
He's about six inched tall, I guess. Well toned ang muscle at maputi rin ang balat. Actually, just like mine.
Then his eyes and nose. Parang pamilyar na hindi ko maintindihan.
"Who is that guy?" I asked out.
"I guess, we need to leave first," Kyle said.
I was about to stop him when in a blink of an eye, he's no longer in front of me. Gano'n din ang iba ko pang mga kaibigan.
Steph, on the other hand, excuses herself as well.
Okay. What's going on?
"Anak."
Naguguluhan kong pinaglipat-lipat ang tingin kina Mom at Dad. I am too confused on what is really going on here and who the hell is this freaking guy with them. Mayroon siyang kakaibang aura na hindi ko maipaliwanag at para bang ang kumportable lang ng pakiramdam ko sa kanya.
Weird? I know.
Nagulat na lang ako nang bigla kong hilahin ni Mom, maging ang lalaking kasama nila palapit sa 'kin. Napakunot noo na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung sino ba siya.
"Ahm, sino siya, Mom?" ulit kong tanong.
Napabuntong hininga si Mommy at halos mapanganga na lang ako sa sunod niyang sinabi.
"Nicole, we would like you to meet your older brother, Gino Parker."