webnovel

Chapter 31

MIRA

"Mag ingat ka din naman kasi. Kababae mong tao wala kang takot makipag away." Pailing iling pang sabi niya at dinadampian ng betadine ang sugat ko.

"Tss. Galit galit ka jan, kayo na nga ang niligtas. Kalalake niyong tao pinapabantayan kayo." Bulong ko pa sa sarili ko at lumingon sa kanan.

"Ano yon?" Bulong pa nito sa akin.

"Ang sabi ko nag—" Agad akong lumingon sa harap at —

*TSUP

Dahan dahan pang gumalaw paatras si Jeremy at lumingon sa akin na nanlalaki ang mata. Agad na hinawakan pa ni Jeremy ang lugar sa mukha niya kung saan ko siya nahalikan.

'N-n-nahalikan ko siya sa pisngi niya!'

Halos ayaw tanggapin ng utak ko ang nangyari pero automatic ata na gumagalaw ang katawan ko pag nahihiya ako.

*Boogsh*

"AW!"

Nasuntok ko siya sa braso ng malakas. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko at naipon sa pisngi ko.

"Bakit ka nanununtok?! Eh wala naman akong kasalanan!"

"Manyak! Manyak ka!" Paulit ulit na sabi ko at kumuha ng unan sa tabi ko.

Itinakip ko ito sa mukha ko at niyakap.

'Manyak siya! Huhu. Pero ang l-lambot ng pisngi niya t-tapos yu— KYAH!'

"Leche." Bulong ko pa sa sarili at umiling.

Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik ang paligid. Itinaas ko na ang ulo ko at titignan na sana kung umalis na si Jeremy.

"Nanjan ka pa? Napano yan?!" Tukoy ko sa tenga niyang namumula na. Tulala at nakanganga lang siya sa tapat ko at parang hindi pa din nagproproseso ang utak niya. 

Pinitik ko siya sa noo ng malakas nung hindi pa din siya sumasagot.

Nabalik naman na siya sa wisyo at tinignan ako.

"Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya at natawa.

Umiling lamang siya at nagsalita na.

"Wala."

"Akin na nga yang braso mo. Hindi pa ako tapos linisin yan." Mabilis niyang hinablot ang kamay ko at pinahidan muli ng betadine ang sugat ko sa braso.

"Aray! Dahan dahan naman!" Reklamo ko dito at sinimangutan siya.

Sumulyap naman siya sa akin at lumapit kaunti ang mukha niya sa braso ko. Hihilahin ko na sana pabalik ang braso ko ng hawakan niya ito ng mahigpit at hinipan hipan.

'Ang gwapo talaga ng mokong na 'to.'

Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya kaya naman napansin niya na ata yon.

"Staring is rude Mira." Seryosong sambit nito pero nakatingin pa din sa sugat ko at ginagamot ito.

Agad akong umiwas ng tingin at pinamulahan ng pisngi.

"S-sino nagsabing n-nakatitig ako? Assuming ka ah." Aniya ko at nanahimik nalang.

Tumawa nalang siya at ibinenda na ang sugat ko sa braso.

"Yan. Tapos na."

Natapos niya nang linisin ang sugat ko pero ang kamay na kaninang nakahawak sa braso ko ay hawak na ang kamay ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Parang may lumilipad na ewan sa tiyan ko tapos nakukuryente ako pag hinahawakan niya ako.

'Hala! Hindi kaya?'

"Baliw na yata ako." Di ko namalayang napalakas pala ang pagkakasabi ko non kaya naman natawa si Jeremy at tinignan ako.

"Ba't ka naman baliw?" Nakangiting tanong nito with matching iling pa.

"Wala na— *Aachuu!*" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sa pagbahing ko.

'Shet. Nilalamig na ako!'

"Lamigin ka?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko.

"Wala namang aircon sa bundok eh." Biro ko sa kanya at bumahing uli.

"Gusto mo bang i—"

"Ehem." Ubo ng isang tao sa likod namin ni Jeremy.

Agad kong sinilip ang likod kahit medyo mahirap.

"Kayo ba?" Mapanuksong tanong ni Melissa at tumaas baba pa ang kilay.

Pinamulahan naman ako ng pisngi at inirapan siya.

"Che! Etong lalaking to? Di ko papatulan yan!" Maarte ko pang sabi at pinalipad ang buhok sa ere.

"Ahh." Tumango tango naman siya at ngumiti sakin ng nakakaloko.

"So ano yan?" Tanong nito at itinuro ang kamay namin ni Jeremy.

Halos lumuwa na ang mata ko ng maalala na hindi pa nga pala niya ako binibitawan.

"Friends with benefits? Ganon?" Natatawang tanong niya at tumakbo na paakyat ng stairs.

"Nicooooo!" Sigaw nito at pumasok sa isang kwarto.

Napailing nalang ako at natawa.

'Baliw talaga yon.'

"Lahat ba talaga kayo may sapak?" Kuryosong tanong ng katabi ko na nakakunot pa ang noo.

'May sapak?'

Kinunutan ko din siya ng noo at tinignan ng masama. Itinaas ko ang kamao ko at nagsalita.

"Sapak you want?" Inis na sabi ko sa kanya at inirapan.

Tumawa naman ito at napailing. Tumayo siya bigla at marahan akong hinila.

"Teka. San tayo pupunta?" Hila hila niya ako paakyat ng stairs papuntang isang silid sa mansyon nila.

Maaliwalas ang kwarto. Color violet  ang mga gamit at mukhang babae ang gumagamit ng kwarto na to.

Pero may kulang.

"Matagal na ba tong di ginagamit?" Kuryosong tanong ko kay Jeremy na iginaya ako sa isang walk-in closet.

'Babae nga ang may ari ng kwartong 'to.'

Nakita ko ang mga makukulay na dresses at heels na nakadisplay.

Mapapansin din ang mga gamit na halos hindi na ata natanggal sa pwesto nito.

"Hmm. Almost 12 years na din." Mahinahong sambit nito na ikinagulat ko.

"12 years?!" Hindi makapaniwalang sabi ko at tinignan si Jeremy na hawak pa din ang kamay ko.

"Yeah." Aniya nito sa akin.

Tatanungin ko pa sana siya nang binitawan niya na ang kamay ko. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Dito ka na magbihis."

"Pumili ka nalang ng gusto mong isuot. Tapos tawagin mo nalang ako sa labas ng kwarto." Bilin pa nito sa akin at lumabas na.

Mamimili na sana ako ng damit nang bumukas muli ang pintuan.

"Ahm Mira? Baka pumunta dito yung isa naming kaibigan. Ahm. Iwasan mong pumunta sa bookshelf ng may ari dahil baka may mangyari na naman ha! Sige na." Bago pa man ako makapagsalita ay umalis na siya at isinarado ang pintuan.

Nilibot ko na ang Walk-in closet at kumuha nalang ng isang longsleeves na pambahay at nag pajama nalang para hindi na ako gaano lamigin.

Inipit ko nalang ang buhok ko at tinanggal ang salamin ko.

"Ayan!"

Lumabas naman na ako sa walk-in closet at nilibot ang kwarto na ito.

'Para sa isang kwartong di ginagamit, maalaga sila sa gamit ha.'

Napansin ko naman ang malaking bookshelf na nasa gilid. Agad akong lumapit don at napahinto ng bahagya.

'Iwasan mong pumunta sa bookshelf ng may ari dahil baka may mangyari na naman.'

Napailing ako sa naalala ko at lumapit na ng tuluyan sa bookshelf. Ang daming wattpad!

"Woooww!" Manghang sabi ko at kinuha ang isang libro sa bookshelf.

Hindi pamilyar ang title at ang author pero mukhang maganda naman ang story.

"Our kind of Cinderella." Basa ko pa dito at binuklat ang unang pahina.

"Nakakainggit naman." Bulong ko at halos mag pout na.

'Sa totoo lang, mahilig kaming tropa sa Wattpad. Kaso, ni isang libro, hindi pa kami nakakabili.'

Inamoy ko ang libro na hanggang ngayon ay amoy bago pa din.

"Ang swerte naman ng may ari neto." Aniya ko pa at umupo sa mini sofa ng kwarto.

Nakaka chapter 2 palang ako ng storya ay may humablot sa pulso ko.

"ARAY!"