webnovel

Chapter 25

ELLA

"JEREMY?! Anong ginawa mo sa sarili mo?!" Natatawang tanong ko sa kanya.

Naka wig siya ng itim na mahabang buhok at may makeup na pang clown. Nakasuot siya ng long slit dress na color red at nakahulma na ang katawan niya sa dress na kita ang korte ng katawan niyang pang babae.

'Palibhasa patpatin. Pero may abs naman kahit papaano.'

Agad naman siyang tumakbo paakyat sa stairs with matching kembot pa.

"Kyaah! Ate gurl! Mia ako ngayong gabi ano ka ba!"

Hindi ko mapigilang mapahagalpak nang marinig ko ang boses niyang pinipilit na magboses babae.

"Uy papa Alvin! Natalo ka ha! Kailangan kana din naming make-up an!" Aniya pa ng baklang to.

Napahinto naman ako sa pagtawa at napatingin kay Ross.

"Kaya ba nagtatago ka?"

Napahawak siya sa batok niya at nahihiyang tumango sa akin.

Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinalaki ng mata niya. Hindi din pinalampas ng mata ko ang pamumula ng tenga niya.

Makahulugang tinignan ko naman si Baklang Jeremy at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong sabihin.

Agad itong tumakbo sa kung saan at nagmamadaling bumalik sa pwesto niya.

"Ella!"

Ibinato niya ang tali sa akin at agad kong itinali ang kaliwang kamay ni Ross na hawak ko.

Pinipigilan niya ang pagtatali ko gamit ang kanang kamay niya kaya naman itinali ko na din iyon kasabay ng pagtali sa isa pang kamay niya.

"What the f*ck! Ayaw ko nito! Let me go!" Inis na sabi niya at pumipiglas pa sa itinali ko.

Nang matapos ako sa pagtali sa kanya ay itinulak ko siya ng mahina kay Jeremy.

"O ayan na. Patingin ako ng outcome ng gagawin niyo sa kanya ha."

Tumango naman si Jeremy at ngumiti ng nakakaloko.

"Ako pa teh! Papabonggacious ko ang makeup niya!" Tuwang tuwa na aniya pa ni Jeremy at pumalakpak pa.

"Tara na papa Alvin!"

Hinila niya na sa isang kwarto si Ross at naiwan na ako mag isa dito sa taas.

'Nawala ang antok ko dahil sa kalokohan ng mga yon.'

Nakangiti akong napailing at dumiretso sa kwarto ko. Agad na naligo na ako at nagpalit na ng damit.

Patalon akong umupo sa kama ko at pinapatuyo ang buhok ko gamit ang twalya.

*TOK TOK

"Ella?" Tanong ng isang tinig ng lalaki.

Tumayo naman ako at binuksan ang pintuan. Isinabit ko muna ang towel ko sa balikat ko at kinausap ang binata.

"Bakit?" Nakangiting tanong ko pa sa kanya.

Napansin kong napatulala naman siya at bahagya ding nakanganga ang bunganga.

"Ikaw yung nanalo no?!" Tanong ko pa sa kanya na hindi niya pa din sinasagot.

"Hello?!" Kaway kaway kong sabi sa harap niya na tulala pa din. Ilang beses pa siyang napapikit at lumilihis ang tingin papunta sa gilid ko.

Napansin ko din ang pagtaas baba ng adams apple niya na ipinagtataka ko.

Itinagilid ko pa ang ulo ko pakanan dahil sa sobrang pagtataka sa kanya.

'Kinakabahan ba to?'

RENCE

'Damn this girl.'

I really couldn't take my eyes off her. Her wet hair that adds up her hotness makes me crazy. Let's also add up the fact that she doesn't have her glasses on.

"Hello?!"

I quickly recovered as soon as she waved her hands in front of me. I'm about to answer her when I saw her reaction. She tilted her head to the side which made me stop again for a while.

'She looks so innocent.'

"Jeremy said to call you when he's done with Alvin." I said to her without even looking at her.

As soon as I said the name of Alvin, her face suddenly lit up. Her smile also got wider that made her more beautiful.

'Tsk.'

"Tara na! Gusto ko makita yung itsura ni Alvin!"

She held my hand and pulled me to walk. I felt something within my stomach that is quite weird for me.

"Wait."

She stopped as I told her to do so.

"Why?" She asked as she removed our holding hands.

I stepped in front of her and took her towel on her shoulder.

I put it on her head and gently wiped her hair.

"Always dry your hair. You might catch a cold leaving your hair this wet."

This time, I looked straight into her eyes while wiping her hair with the towel.

ELLA

'Seriously, anong nakain ng mga tao sa bahay na ito?'

Nakatitig lang si Rence sa akin habang ipinapatuyo ang buhok ko. Hindi naman nakakailang or something. Kaso kasi...

'Ang awkward!'

Nang makaramdam na talaga ako ng hiya ay kinuha ko na sa kamay niya ang towel ko at ipinunas yon sa buhok ko.

Tumalikod na din ako at niyaya na siyang maglakad.

"Tara na."

Pagkababa namin sa stairs ay bumungad naman sa akin si Nicholas.

Halos lumuwa na ang mata ko sa itsura ni Nicholas ngayon.

'Watdapak! Babaeng babae ang dating niya! Dinaig pa ko ng lalaking to.'

Kulot na nakaladlad ang buhok, maputi, naka blue gown na long sleeves pero ang likod ay exposed. Ang makeup ay simple ng lipstick at may blush on lang sa pisngi. May mahaba din siyang pilikmata na nagpabuo sa itsura niyang pangbabae.

"Oh? Ano namang name mo ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Hindi naman ito nakasagot sa akin dahil nakatulala lang ito sa harap ko.

'Ano bang nangyayari sa kanila?'

"Hoy Nicholas!" Tawag ko pa sa kanya.

Agad naman itong nakarecover at tumingin sa gilid ko.

"N-nicole." Nahihiyang sabi nito at tumalikod na.

Nagtataka naman akong sumunod sa kanya at iginaya niya ako sa sala.

Umupo naman ako sa sofa at tinignan silang tatlong nasa harap. Hawak nila ang isang pulang tela na tumatabing sa nasa likod.

Naglakad naman paharap si Jeremy na kumekembot pa at kumaway.

"Ladies and Gays! Let us welcome our new lady! Rosa!"

Binitawan ng dalawa ang telang tumatakip at nalaglag naman yon pababa kasama ang panlalaki ng mata ko.

'Putspa!'

Halos mabuga ko na ang sarili kong laway dahil sa itsura niya ngayon.

'Para akong natitibo pero lalaki pa din naman ang nasa harap ko. Mukha siyang totoong babae.'

Blonde ang suot niyang wig na diretso pababa hanggang bewang. Ang suot niya ay tube na revealing ang parteng dibdib niya. Kita ang medyo matikas na pangangatawan pero ang kurba ay pang babae.

'Sa sobrang patpatin nila para na talaga silang babae.'

"Maging babae nalang kayo!"

Someone's P.O.V.

"Sir I already found them. What should we do with them?"

Napangiti naman ako ng malaman na nahanap na sila.

Tumingin naman ako sa anak ko.

"What should we do with them daughter?"

Ngumiti naman ang anak ko pero pansin pa din ang galit na ipinapakita ng kanyang mata.

"Make them suffer. Make them pay." Seryosong sabi ng anak ko.

"As you wish my daughter."

Tumingin naman ako sa alaga ko.

"You heard what she said." Nakangiting sabi ko at ininom ang wine ko.

'Humanda na kayo.'

Siguiente capítulo