LEANNA
Kanina pa ako nakaupo sa tabi ni Ella. Natapos ko na ang paglilinis ng sugat niya sa braso. Hinimatay siya hindi lang dahil sa maraming nawalang dugo kundi pati na rin sa pagod.
Pinagmamasdan ko ang mukha niyang napaka amo.
Napangiti naman ako ng may naisip ako.
"Alam mo Ella, siguro kaedad mo na siya."
Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya. She's so fragile yet a brave woman.
"Ella!"
Napalingon ako sa pinto dahil sa sigaw ng isang lalaki. Agad na bumukas ang pinto at iniluwa si Jeremy at Nico.
Tumayo naman ako at sinamaan ng tingin si Jeremy.
"Quiet down! You're gonna wake her up." Mahinang sabi ko pero may diin sa bawat salita.
Tinignan niya lang ako at tumabi siya kay Ella.
"Paano nangyari ito? Eh maaga ko siyang hinatid sa bahay nila?"
Tumingin naman ako kay Nicholas.
'Paano ngang nangyari na si Nicholas ang kasama ni Ella?'
Nag cross arms si Nicholas at sumandal sa pader katabi ng kama ni Ella.
"Nagkita kami for some important matters." Maiksing sabi niya at tinignan si Ella.
Lumingon si Jeremy kay Nicholas at matalim siyang tinitigan.
"Bro chill. Nagkapalit kami ng phones kaya naman nagkita kami sa tapat ng simbahan. You know I can't lose the contacts in my phone." Taas kamay na nag paliwanag si Nicholas dahil alam niyang galit na si Jeremy.
"Eh bakit siya hinimatay?" Tanong muli ni Jeremy kay Nicholas.
Napabuntong hininga naman si Nicholas at pinaliwanag ang lahat.
Simula sa pervert na driver, sa tricycle na sinulatan, sa pagbabalik ng phones nila hanggang sa hinimatay si Ella.
Napanganga lang kami ni Jeremy sa nalaman namin.
Tinignan ko si Ella na mahimbing pa rin na natutulog.
'She's awesome and a fearless woman.'
~~~~~~~~~~~
ELLA
"Ella, no matter what happens, I will always love you my baby." Sambit ng isang babae na may napakagandang tinig.
"I love you too mommy! I will always remember that!"
"M-mommy! I'm s-sca-ared."
"Don't worry my baby I will not let anything bad happen to you. Ella look at me."
"I love you baby. I will always be by your side. I will always protect you from afar. Now, I want you t-to run as f-fast as y-you can. Don't ever look back once you run understand baby?"
"Ella! Run! Run straight to the house! Don't look back my baby!"
"Mommy!"
"This is all your fault!"
"Get out!"
"I Love you baby."
"Mommy!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at hinawakan ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.
Unti unti na namang tumulo ang luha ko dahil sa panaginip ko.
"M-mommy." Usal ko habang umiiyak.
Naramdaman kong may yumakap sa akin. Isinandal niya ako sa dibdib niya at hinagod ang likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak nang may napansin akong kakaiba.
Yung pabango, matigas na dibdib, malaking kamay ang nasa likod ko.
Nakayakap pa din ako ng inangat ko ang mukha ko pataas sa taong kayakap ko.
"Good morning Ella." Bati niya with mapupungay na mata sa akin.
WHAT THE FUDGE!
Biglang nag sink in sakin na lalaki ang kayakap ko. Kaya naman malakas ko siyang tinulak. Inilibot ko ang mata sa lugar na ito.
'Boogshh'
Kwarto. N-nasa kwarto ako ng lalaki?! Nanlalaking mata ang naigawad ko ng may nagsalita sa gilid ng kama. Topless. Abs. Hindi man ito ganoong ka defined na abs ay makikita mo parin ang katigasan ng mga ito.
'Ampucha Ella! Detailed talaga dapat?!'
"WAAAAH!!"
Agad kong pinikit ang mata ko at kumapa ng bagay na pwedeng maibato sa kanya.
Nakakuha ako ng matigas na bagay sa table at ibinato ito sa kanya.
"WHAT the heck Ella Lampshade yon! May balak ka bang patayin ako?!"
"I don't care! M-magbihis ka! Leche ka Jeremy!" Sigaw ko sa kanya at binato siya ng unan.
"Aray! Eto na! Eto na!"
Ilang segundo lang ay dumilat na ako at tinignan si Jeremy na nasa sahig pa din at nakaupo.
Medyo nahimasmasan naman na ako ng makitang maayos na ang pananamit ni Jeremy.
"Bakit ako nandito? Bakit kasama kita? Anong nang—"
Naputol ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng isang kamay na yumakap sa bewang ko.
"Hmm." Usal nito habang natutulog yakap yakap ako.
Sa pangalawang beses ay nanlaki ang mata ko at tinitigan kung sino ang yumakap sakin.
"WAAAAAAAAAHH!!"
Pinaghahampas at pinagsisisipa ko ang lalaking ito kaya naman nabitawan niya ako. Malakas ko siyang sinipa para mahulog siya sa kama.
"Ouch!"
Tumingin ako kay Jeremy at binigyan siya ng matalim na tingin.
Itinaas niya naman ang kamay niya na parang sumusuko na siya.
"S-sino ang lakaking yon?!" Turo ko sa lalaking sinipa ko pababa sa kama.
Napakamot naman siya sa ulo niya at naghikab.
"Di mo maalala? Si Nicholas yan uy. Yung tumulong sa'yo nung hinimatay ka."
"Ano?! Bakit naman ako hihimatayin?" Unti unti humina ang boses ko ng maalala ang nangyari sa akin.
Yung manyak. Yung tricycle. Yung hiwa ko. Yung phone. Yung lalaki.
And for the third time, nanlaki na naman ang mata ko.
"Siya yung lalaking sumalo sakin?!" Turo ko dun sa lalaki.
Tumango naman si Jeremy at pumikit pikit pa.
"Kelly or Ella. Ang sakit mo manipa ha!" Daing nung lalaki na nasa kabilang side ng kama.
Lumapit naman ako ng kaunti sa kanya at hinawakan ang baba niya. Itinaas ko ang mukha niya kalebel ng mukha ko.
"Ikaw nga yon." Bulong ko sa sarili.
Ngumiti naman siya ng malawak at binati ako.
"Magandang Umaga Binibini!"
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya naman umiwas na ako ng tingin at binitawan ang mukha niya.
'Shaks! Nag blush ako?!'
Nakatulala lang ako sa harap at pinipilit na iproseso sa utak ang mga nangyari. Kinapa kapa ko naman ang sarili ko and for the fourth time! Nanlaki na naman ang mata ko!
"WAAAHHH!" Malakas na tili ko.
'B-bakit iba na ang suot kong damit?!'
"Dammit! Ella! Lower your voice down!"
"Ugh! Please shut up."
Sobrang litong lito na ako nang biglang may kumatok sa pintuan kaya naman nag ready na ako sa isa pang pwede kong ikagulantang.
'Jusko Please naman! Isang matinong tao sana na pwede kong makausap ng hindi ako naiilang.'
"Oh you're already awake Ella. Okay ka na ba? You're not feeling dizzy or anything?" Mahinahong tanong ng isang babae sa akin.
Tumango naman ako sa kanya.
"Okay na po ako Ate Leanna. Thank you po sa paggamot sa'kin."
Ngumiti naman siya at tinabihan ako sa kama.
"Anything for you my dear Ella."
Alanganin akong tumingin kay ate at hinawakan ang dulo ng manggas ng damit niya.
"Ahm ate. Pwede po ba kitang makausap?"
Natawa naman siya at tumango.
Tinignan niya ng matalim si Jeremy at yung isa pang lalaki.
"Boys. Get out of here." Seryosong sabi niya. Kaya naman agad na tumayo ang dalawa at lumabas.
Paglabas nila ay ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"You're confused about what happened to you after you passed out. Am I right?"
Napatango naman ako at tahimik na umusog palapit kay ate Leanna.
"After mo kasing himatayin ay dinala ka ni Nicholas dito sa bahay. Sakto namang tinawagan ko siya para tanungin kung nakita niya ang kapatid ko. Then he said to me na may pasyente siyang dala and emergency daw. Nung una akala ko kung sino lang yung pasyente na dala niya."
Huminto muna siya para makahinga ng maluwag at ipinagpatuloy ang sinasabi niya.
"But then, nung nakita kitang nakahiga sa kama ay agad na akong gumalaw para malunasan ang sugat mo. Nagpakuha ako ng mga spare clothes kay Nicholas at pinatawag ko na rin si Jeremy since he's your boyfriend."
"After kong mapigilan ang pagdugo ng sugat mo ay nilinis ko na ito at pinalitan ka ng damit."
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin ni ate na siya ang nagbihis sa akin.
"Hindi na dapat ako aalis sa tabi mo nang biglang mag insist yung dalawa na sila na daw ang mag babantay sayo. At first hesitant ako na payagan sila, pero nakita kong seryoso sila kaya naman pinayagan ko na din."
Napatango tango naman ako sa kwento ni ate. Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo.
"My life's messed up big time."
Natawa naman si ate Leanna sa sinabi ko at tumango. Hinaplos niya ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang kamay niya.
Napapikit naman ako sa ginawa niya. I feel so secured and protected.
"Well, even if it's messed up. I still think that you're awesome."
Nagtataka akong napatingin kay ate.
"I mean, imagine, you saved a girl and defeated a pervert man. You even have a wound but you still pretended like it's nothing. You're a brave woman Ella."
Nagkibit balikat nalang ako at ngumiti kay ate.
'Well, Perks of having a group. I guess'