webnovel

Chapter 6

ELLA

"Lolo! Si mama!"

"Bakit anong nangyari?!"

"Mama!"

"Kasalanan mo ito! Kung hindi mo niyaya lumabas si mama edi hindi mangyayari to!"

"Hindi kita kapatid!"

"Mamamatay tao ka!"

"AH! TAMA NA!"

Hinihingal akong napaupo sa kama ko at umiyak.

'Ano ba yung mga nakikita ko?! Bakit nasasaktan ako?!'

Madalas akong nananaginip ng ganito. Puro boses lang ng batang babae at batang lalaki ang naririnig ko.

Tinignan ko ang orasan ko at nakitang ala-singko na ng umaga.

Nag ayos na ko ng gamit at naligo na din. Pagkatapos ay bumaba na din ako para makapagluto na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Uy bes ayan na siya!"

"Pabayaan mo nga siya!" Singhal ko kay Mira.

"Yiee. Kinikilig!"

"Ay ewan ko sayo!"

Hinayaan ko nalang mang asar si Mira at pinagpatuloy ang pagbabasa ng notes para sa 1st subject.

~Basa

"Yiee!"

~Basa

"Uy bes. Ayan na siya!"

~Basa

'Teka. Ba't ang tahimik?'

"Hi Ella."

'Tss. Kaya naman pala.'

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Uy Ella."

'Hayaan mo lang siya Ella!'

"Ella Babes ko uy. "

'Ugh! Susuntukin ko to!'

'Ano bang kinukulit nito sakin?! Putek! Baduy na nga ako pumorma.'

"Ella ko."

Hindi na ko nakatiis kaya naman padabog kong binaba yung binabasa ko at tumingin sa kanya.

"Ano ba Jeremy?!"

Oo. Si Jeremy. Nandito sa Classroom namin at ang mas malala, kaklase namin!

Anong nangyari?

FLASHBACK

"A-aray."

"Masakit pa ba?" Tanong ni Jeremy sakin.

"Oo eh."

"Teka. Ba't parang ang sikip naman nito?" Tinitigan niya itong mabuti at hinawakan.

"Hindi naman. Medyo masakit lang."

Tinignan muli ni Jeremy yung pulsuhan ko kung maayos ba ang pagkakabenda ni Ate Leanna.

"Tsk. G*go kasi talaga yung lalaking yon eh! Bakla ay!"

Natawa naman ako kasi gigil na gigil siya tas mukha siyang asong mangangagat.

"Ba't ka tumatawa? Ay! Siya nga pala! Sa SNA ka nag aaral no?"

Napatango ako ng mahina.

"Wow! Edi mayaman ka pala?" Tanong niya sa akin.

Napatigil ako at mabilis na umiling.

"Scholar ako."

Bigla naman siyang ngumiti ng pagkalaki laki.

"Naks naman! Talino!"

Ngumiti lang ako ng alanganin.

'Hindi naman kasi ako matalino. Masipag lang ako mag aral.'

"Ikaw san ka nag aaral?" Kuryosong tanong ko dahil parang di kami nagkakalayo ng edad.

"Ano kasi eh. Lilipat palang ako ng SNA." Tugon niya habang hinihimas ang batok.

'Cutie'

"Lilipat ka pa? Malapit na matapos ang sem ah. San ka ba nag aaral dati?" Tanong ko muli sa kanya.

"Sa SMU."

Nanlaki ang mata ko at tinignan siya na para bang siya na ang pinakawirdong tao na nakilala ko.

"Ba't ka pa lumipat?! Eh isa din namang prestigious school yon?!"

Ngumiti siya ng napakalaki at sinabi ang rason na nakapagpatanga sakin.

"Wala kasi dun inspirasyon ko eh. Wala ka dun eh."

WTF?!

End of FLASHBACK

Yan. Yan ang nangyari! Sabi niya inspirasyon lang pero may pa babe-babe na siyang nalalaman!

"Good morning babes!" Masiglang bati niya sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Walang good sa morning ko." Nakasimangot kong tugon at ibinalik ang tingin sa binabasa.

Hindi naman sa choosy ako. Pero kasi it's just unbelievable na sa ilang araw lang gusto niya na ko?!

Nung napansin niya na hindi na ako umiimik ay napakamot siya sa batok niya at pumunta na sa upuan niya.

Hays. Isang Linggo pa lang pero parang buwan na nung nakilala ko ang Patpating yan! Dahil sa kanya, mas lalong naging aktibo sakin ang pambubully ng mga dimunyung mga babae na yon especially ang bubuyog sa school na to.

Natigil nalang ako sa pagde daydr- ay este sa pag babasa dahil sa pagsigaw ng kaklase ko.

"Guys! Anjan na si ma'am sa Corridor!"

Unti unti naman silang nagkagulo at nagsibulungan.

"Uy anjan na si ma'am lumayas kana sa upuan ko!"

"Shh. Guys walang maingay!"

"Aish. Wag ka ngang malikot Shammy!"

Nang matanaw na nila ang guro ay nagsiayos na sila ng upo at nanahimik na.

Nagdirediretso si ma'am sa harapan at binati kami.

"Good morning class."

"Gooood moooorning ma'am." Tamad na tugon ng mga kaklase ko.

Tumaas ang kilay ni ma'am kaya naman napaayos ng upo ang mga kaklase ko.

"Again. Good morning class."

Lihim akong natawa dahil sa lakas ng bati ng mga kaklase ko.

"GOOD MORNING MA'AM!"

Ngumiti na muli si ma'am at ipinagpatuloy ang sinasabi.

"I will not be attending your classes starting from this day until Thursday."

Nagliwanag naman ang mga mukha ng mga kaklase ko at nagsigawan. Ngunit unti unti nalang silang mukhang pinagbagsakan ng lupa dahil sa kasunod na sinabi ni ma'am.

"But even though I'm not here, I will leave an activity in the secretary for you to answer. You need to pass it on time or else, you will have a deduction in your D.L. Card."

Wala namang nagawa ang lahat at nagmukmok nalang dahil sa sinabi ni ma'am.

Bago umalis si ma'am sa room namin ay pinasagutan niya ang activity namin para sa araw na to.

30 minutes have passed ay tapos ko na ang activity.

*Yawn*

Kinalabit ko si Mira na nasa tabi ko lang. Lumingon naman ito sakin at bumungad ang bilogang glasses niya.

"Oh? Bakit?"

"Uy bes. Pakipasa nalang paper ko ah. Tulog muna ako hehe."

Kumunot ang noo niya pero kinuha niya parin naman na ang paper ko.

Dudukdok na sana ako sa desk ko ng magtanong si Mira sakin.

"Ay nako. Let me guess, pinaglaba ka kagabi no?"

Tumango naman ako at nagpangalumbaba nalang muna.

Mas lalong kumunot ang noo niya at napabuntong hininga.

"Bakit di ka pa kasi lumayas sa bahay ninyo? Pwede ka naman samin. Tss."

Lihim naman akong napangiti dahil nag aalala sakin si Mira.

"Alam mo namang nandun si papa eh. Siya na nga lang ang kadugo ko iiwan ko pa? Tsaka kaya ko naman eh."

Napailing siya at bumuntong hininga ulit.

"Basta kapag sobra na sila sayo, sabihin mo na kay papa mo ah. Or kaya punta ka nalang sa bahay." Sabi ni Mira sakin.

"Yes ma'am!" Masaganang aniya ko at may saludo pa.

Ngumiti naman siya at humarap na muli sa desk niya.

*Yawn*

Dumukdok na ako sa desk ko at natulog muna.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Umalis kana muna dito."

"P-pero"

"Muna?! Umalis muna?! Hindi! Lumayas kana dito!"

"P-pero si mama"

"Tara na apo. Umalis muna tayo dito."

"Ella! Kasalanan mo ito!"

MIRABELLA

~Criing ~Criing ~Criing

"Tara na sa cafeteria." Yaya samin ni Myra.

Nilinga ko yung classroom namin. Kami nalang pala ang nandito.

Wala kasi kaming 2nd period dahil nasa meeting ang mga teachers kaya naman nagbasa basa nalang kami. Si Ella? Ayon tulog.

Tumayo na din si Melissa sa upuan niya at lumingon sa amin ni Ella.

Nakita kong kumunot ang noo ni Melissa.

"Ella?" Tawag niya kay Ella at dali daling lumapit.

Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko ang pawisang babaeng umiiyak habang natutulog.

"Ella!"

Siguiente capítulo