webnovel

CHAPTER TWENTY

CHAPTER TWENTY

MELANIE's POV

"Nasa'n sila Leona at aries? Ba't hindi n'yo ata sila kasama na umuwi? " Bungad na tanong sa amin ni clyde pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pintuan.

"Ano interview agad? Hindi mo man lang ba muna kami papapasukin?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

Kung makapag-react 'to, Ano? Jowa lang? Tss.

Nang makapasok kaming lahat sa loob at paupo pa lang ako sa sofa nang mabilis akong nilapitan ni Clyde kaya halos atakihin ako sa puso sa gulat.

"Paupuin mo muna kaya ako? pwede?" Tanong ko, grabe 'to, atat na atat malaman kung nasa'n yung dalawa.

"Ayan ha, Nakapasok kana dito sa loob at nakaupo kana rin sa sofa, Ngayon. Sagutin mo na ang tanong ko. Nasa'n sila Aries at Leona at bakit hindi n'yo sila kasama?" Bakas ang kuryosidad, pagtataka, selos at kung ano pa sa mukha ni clyde habang binibigkas ang mga katagan 'yon.

"Nasa motel sila, Nagdedate" Pagkasabi ko no'n ay bigla s'yang napatayo at akmang aalis. Gusto ko sanang humagalpak sa tawa dahil sa katangahan n'ya, kaso wag nalang, hindi magiging effective pagpapaiyak ko sa isang 'to. "Hindi ka man lang ba muna magtatanong kung nasa'ng motel sila? Lalarga kana kaagad-agad gano'n? hays, sige. Layas na. Magpakahirap ka sa paghahanap sa mga motel d'yan sa labas" sabi ko at nagsimulang umakyat papunta sa kwarto.

Agad akong hinabol ni clyde at saktong paghabol n'ya sakin ay nakapasok na ako ng kwarto at naabutan ko sila Jr, Jam at Dylan na naghaharutan nanaman.

"Nasa'ng Motel sila?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Clyde sa'kin, Lahat sila ay napatingin kay clyde na may pagtataka sa mukha kaya naman humagalpak ako sa tawa, Bwiset 'to, Andaling Utuin.

"Sinong nasa motel?"

"Tara fafa, Motel din tayo"

"Motel? What is that?"

"Seriously? Kasama n'yo sila Aries at Leona na lumabas, tapos magtatanong kayo sa'kin kung sinong nasa hotel? Eh, kung kaltukan ko kayo isa isa? Nasa'ng motel ba kase sila Leona at Aries?" Napuno ng tawanan ang buong kwarto sa tinanong ni Clyde.

"Bakit mo muna gustong malaman?" tanong ko.

"eh kas-"

"Baka guluhin mo lang sila, Wag kanang umechos sir clyde" sabi ni Jr.

"Nasa hospital po si ate leona, Binabantayan po s'ya ni kuya aries" Out of the blue, B2 answered Clyde correctly.

"Ano!? A-ano namang ginagawa nila do'n?" Yung itsura ni clyde habang nagtatanong eh akala mo natataeng ewan e, Gusto kong tumawa kaso wag na, Tinatamad ako.

"NagFefacebook"

"Nagdedate"

"Kumakain ng dinuguan"

"Nagpoplok plok plok" Natahimik ang lahat ng mga nakikisakay sa pangtitrip kay clyde ng may sumagot ng plok plok plok.

"What is plok plok plok po?" Tanong ni B2 kay Dylan na s'yang nagsabi ng plok plok plok.

"Ahm, Basta masarap 'yon!" Natatawang sagot naman ni Jr.

"Ate taydor, Kuya clyde. I want plok plok plok po" Tinapunan ko ng masamang tingin si Dylan at Jr.

"Ah, kase B2, Hin-"

"Kuya Jr said po that it's yummy, So its a food po right? Ate taydor, I wanna taste it too. I want plok plok plok" binalot ng tawa ang buong kwarto at ang dalawang bata naman ay binalot ng pagtataka at kuryosidad na halata sa kanilang mukha dahil sa plok plok plok 'yan.

"B2, For adults only ang plok plok plok okay? Bawal pa 'yon sa mga bata" Paliwanag ko.

"Bawal sa mga bata, pero nakakagawa 'yon ng bata HAHAHAHAHA" Binalot muli ng tawanan ang buong kwarto kaya naman binatukan ko ng malakas si Jam.

"Kayong tatlo, Pag 'di pa kayo tumigil puputulin ko 'yang mga sandata n'yo" Sigaw ko.

"Sandata? Whoa, They have swords? Can I see it po mga kuya?" Manghang manghang tanong ni B2 kaya naman napatampal nalang ako sa noo ko ng magpigil ng tawa ang lahat.

"Okay, that's enough, All of you. Take a bath now and rest, And you melanie, You will explain to me everything" I nodded at sinundan si clyde na pumunta sa isang sulok ng kwartong 'to.

"Nasa'n sila? Yung matinong sagot na ha" I nodded.

"Nasa hospital sila ngayon, kanina kase ay habang nasa park kami ay may baliw na lalaking biglang hinila si Leona tapos nilaslas n'ya ang lalamuna ni leona. Gladly, Leona is safe now kase hindi naman madiin ang pagkakalaslas sakan'ya at nagawa pa nilang matahi at magamot 'yon agad. But, Leona is like a sleeping beauty now, Walang may alam kung kailan s'ya magigising. May halong sleeping drugs sa kutsilyo nung baliw na lalaking nanglas-las sa leeg ni leona. Nakakita na raw gano'ng klaseng sleeping drugs noon ang mga sundalo at pulis na tumulong sa imbestigasyon, That sleeping drugs are used commonly at Bars and clubs and usually, Ang nabibiktima ng Uri ng drugs na 'yon ay nakakatulog for weeks or 1 month ang pinakamahaba, sa ngayon ay tinetrace na nila kung papa'no nagkaroon ng sleeping drugs sa kutsilyo ng baliw na lalaking 'yon" paliwanag ko.

"Pwedeng nautusan lang ang lalaking 'yon, dahil kung baliw s'ya o pulubi edi walang kaalam-alam 'yon sa drugs. So there is a big possibility na napagutusan lang 'yong lalaki" I nodded as clyde spoke his own conclusion.

"Yes, Yan din ang naiisip na lead ng mga pulis. Lalo pa at kilala ang baliw na 'yon bilang mabait dito sa baguio at first time n'yang ginawa ang bagay na 'yon. And, Nakuha rin ng mga pulis ang kutsilyo na ginamit nung lalaki and it's not a ordinary knife. Mamahaling hand combat knife ang kutsilyong nakuha nila na may Sleeping drugs, so there is really a big possibility na napagutusan 'yong lalaki" Paliwanag ko. "But the question is, Sino ang may gawa o nagutos?" dagdag ko pa.

"Si Emmanuel" Kita ang pagtagis ng bagang ni clyde at akmang aalis para sumugod pero hinarangang ko s'ya.

"We are not sure kung si Emmanuel Ang nag-uto-"

"I am sure to it! Narinig ko s'ya kanina na kausap ang isang dating dancer sa club sa phone at narinig kong nagtanong s'ya about sa sleeping drugs! And second, Umalis s'ya dito kaninang Hapon! Hindi man sapat na rason 'yon para maituro natin na s'ya ang may sala, Pero nagtitiwala ako sa guts ko, at naniniwala akong s'ya ang may gawa n'on kay leona!"

"Kung gano'n ay hayaan nalang muna natin si Emmanuel sa mga plano n'ya, Wag kang padalos-dalos sa mga kinikilos mo Clyde, We have our own plans. Stick to it" Sabi ko at naupo sa mini sofa dito sa kwarto.

We have to be more careful, Dahil Mukhang malakas talaga topak sa ulo nitong si Emmanuel.