webnovel

CHAPTER SIXTEEN

CHAPTER SIXTEEN

MELANIE's POV

Kanina ay nauna akong naligo kay leona. Nang matapos maligo ay nagpunta ako sa baba para libutin ang buong bahay dahil sa nagagandahan nga talaga ako dito.

FLASHBACK>>

Nagpupunas ako ng buhok ko habang naglalakad lakad sa ibaba ng makita si Mrs. Hanna na nakatulala sa hangin na animo ay malalim ang iniisip.

Lalapitan ko sana s'ya para magpasalamat dahil sa pagpapatuloy n'ya sa amin dito ng bigla s'yang tumayo at nagmamadaling pumunta sa kusina.

My forehead knotted at dahil sa curious ako kung anong gagawin n'ya sa kusina ay sinundan ko s'ya. Nang makarating sa kusina ay nakita kong may pinindot s'ya tapos biglang nahati at naghiwalay yung malaking cabinet na lagayan ng mga plato o kilala sa tawag na platera.

Nang mahati 'yon ay pumasok si Mrs. Hanna kaya habang hindi pa nagsasara yung platerang nahati ay pumasok rin ako.

Pagkapasok ko ay sinampal ako ng amoy na masang-sang at nabubulok na laman, kaya naman ay naalala ko yung laboratory kung saan kami ni kuya dinala nung nakaraan.

"Hailey" Napakunot ang noo ko ng may marinig na boses ng lalaki. Kaboses ng demonyong tatay ni leona pero imposible namang napunta dito ang tatay ni leona. Kaya sino 'yon?

"Pwede ba!? Tigilan mo na ang pagtawag sa'kin ng pangalan na 'yan! Dahil hindi ako si Hailey! Hindi ako ang asawa mo!" rinig kong sigaw ni Mrs. Hanna

Nang sinilip ko sila ay nakita ko ang demonyong tatay ni leona na nakagapos ng mga bakal at puro sugat.

Umalis si Mrs. Hanna sa harap ni General Paulo kaya naman ay nagpakita ako kay general paulo.

"M-melanie? anong ginagawa mo dito ?" kahit na galit ako sa demonyong 'to ay nagawa ko paring maawa sa kalagayan n'ya.

Halatang bugbog sarado s'ya at hinang hina ang katawan, kapansin-pansin rin na pumayat s'ya.

"Hindi na po importante ang dahilan kung bakit ako nandito, Kayo po? Anong nangyari? paano kayo napunta dito?" Sunod-sunod na tanong ko.

"S-si Emmanuel, Binibilog n'ya ang utak ni hailey. Sakim 'yang si emmanuel, Gusto n'yang mapunta sa kan'ya ang pabuya sakaling mapagtagumpayan ni hailey ang cure sa HIV/AIDS at sa ViruZ. M-melanie, Nanganganib ang buhay ng anak ko at ni aries, Umalis na kayo dito"

kumunot ang noo ko.

"p-paanong nanganganib?"

"Alam ng mga sundalo na nagcheck sainyo para makapasok kayo dito na si aries ay infected ng ViruZ pero wala silang nadetect na ViruZ kay aries ng icheck nila kaya naman paniguradong pagaaralan ni emmanuel si aries. Si leona naman, Dugo ni hailey ang ginamit n'ya para gawin ang ViruZ na 'yon at paniguradong hindi pa natitrace ni emmanuel ang tungkol d'on pero kapag nalaman ni emmanuel na ang dugo ng anak ko ay nagmatch sa ViruZ pero hindi s'ya infected, panigurado ay pagaaralan rin s'ya ni emmanuel" Paliwanag n'ya.

"Pero sino po ba talaga si emmanuel, General?" tanong ko.

"Si Emmanuel ay kasamahan ni hailey dati sa paggawa ng Project Z, Ang layunin ng project Z ay magamot lahat ng uri ng sakit ng tao at mabuhay ng walang hanggan. Dahil sa ayaw ni hailey na ipagpatuloy ang proyekto ay hinabol nila kami hanggang sa makuha nila si hailey at hindi ko na alam kung anong pinag-gagawa nila sa asawa ko"

Nang may marinig akong paparating ay nagtago ako bigla kaya naman natigil din sa pagsasalita si General.

"General, Napakadaldal mo talaga ano? pati 'yang anak mo ang daldal din! at Alam mo general, kakahipnotismo ko lang sa pinakamamahal mong si hailey. natagalan nga ako e, Mga 20 minutes. kaya ayon, tulog. Masyado na kaseng madaming alaala ang bumabalik kay hailey eh, Kailangan na ulit burahin" My eyes widened.

"Alam mo general, Ang ganda ng anak mo. Medyo kahawig n'ya nga ang kambal ko eh. Yung anak namin ni hailey na nawawala? Pero alam mo ba general, may nakapagsabi sa'kin na pinatay mo daw ang isa sa kambal. Si Miguel. at alam mo ba? Yung isa sa kambal kong anak na si migo ay kasama ng anak mo? Nakakatuwa diba? At alam mo ba kung anong pinangalan ng anak mo sa anak ko? B2 daw. Hahahahaha ang cute nila diba? Well anyways, you just killed my son. And you'll gonna pay for it using your daughter's Life"  Teka ano? magkapatid sa ina si leona at B2? at may kakambal daw si B2?

Teka nga muna, Kamukha ni B2 yung batang inipit ng mga sundalo yung kamay doon sa kulungan sa laboratoryo! Omygod.

"Sige ha, Pakakainin ko muna ang mga bagong dating na human tester sa labas. Ah nga pala, Pagkatapos ko silang pakainin ay buburahin ko naman ang memorya mo, okay lang ba? HAHAHAHA oops, wala ka nga palang choice kundi um-oo"

Paalam ni Dr. Emmanuel kay General at habang hindi pa nagsasara ang platera ay lumabas narin ako at dumiretso ng sala at naabutan ko sila na pababa palang.

END OF FLASHBACK<<

Nakita kong may tumulong luha sa pisngi ni Leona matapos kong magkwento kaya agad ko 'yong pinunasan.

"Sorry ngayon ko lang nasabi, ayaw ko kase na may makarinig sa baba" sabi ko at nginitian naman ako ni leona.

"Atleast ngayon, alam na natin na nandito si dad at si Mrs. Hanna ang mommy ko" Sabi ni leona.

"Boss! Wala na sa baba ang van!" hinihingal na sabi ni dylan pagkapasok na pagkapasok n'ya dito sa kwarto.

"Nas'an si jam? ba't ikaw lang?" tanong ni clyde kaya naagaw nila ang atensyon ko.

Lumingon si Dylan sa likod n'ya at saka n'ya narealize na wala nga s'yang kasama.

"Sh*t nasa'n 'yon? kasama ko lang 'yong kupal na 'yon kanina habang tumatakbo" tatakbo sana palabas ulit si Dylan pero pinigilan s'ya ni aries.

"Kung hindi mo napansing nawala sa likod mo si Jam, Ibig sabihin may nangyari. Ngayon pa 'to nangyayari lahat kung kelan wala yung mga baril natin tapos ngayon pa na malaman natin na nandito si General at ang nanay ni ma'am leona" sabi ni clyde.

"We need to get out of here" sabi ni Aries "Kung totoo ang mga sinabi n'yo na nawawala ang mga gamit natin at nandito sila general, Ibig sabihin si Emmanuel ang may pakana ng lahat ng 'to At kung ang mga sundalo na nagcheck sa'tin ang nagsumbong kay emmanuel na hindi na ako infected ng ViruZ, Ibig sabihin kakampi sila ni emmanuel" dugtong pa n'ya.

"Oo nga pala aries, Paano nga pala  nangyari na hindi kana infected?" Tanong ko ng maalala ang sinabi ni General Paulo sa'kin.

"Hindi ko rin alam" sabi n'ya.

"Leona, Hindi ba ikaw ang nagpainom ng gamot kay aries? anong gamot ang pinainom mo sakan'ya?" tanong ko.

"Simpleng gamot lang 'yon sa lagnat" sabi ni leona.

"Ikaw ang nagpainom sa'kin?" tanong ni aries kay leona at tumango naman si leona.

"Anong kamay ang ginamit mo ng pinainom mo 'ko?" Itinaas ni leona ang kanang kamay n'ya at hinila 'yon ni aries.

Nakiutsoso rin kami nila clyde at nakita namin sa kamay ni leona ang isang maliit na sugat na tuyo na.

"Leona, Ikaw ang gamot" Hindi Makapaniwalang saad ni aries at niyakap n'ya si leona.

Napangiti ako.

They are really fit well.

Siguro panahon na para ibalik ko kay leona ang kinuha ko sakan'ya.

"Kung si ma'am leona ang cure, ibig sabihin ay mas kailangan natin s'yang protektahan sa kahit na sino" sabi ni clyde.

Hinablot ko ang kamay ni leona na hawak parin ni aries at ibinigay kay leona ang isang kwintas.

"Nung araw na sinabi kong sinagot ko na si aries, yun dapat yung araw na titigil s'ya sa pangliligaw sa'kin para sa'yo, kase ikaw talaga ang gusto n'ya. Sa'yo dapat 'tong kwintas, may pangalan mo sa likod ng pendant n'yan. sorry kung dahil sa pagiging selfish ko ay nagkaaway tayong dalawa. Leona the lion" sabi ko at bigla naman n'ya akong niyakap.

I smiled to aries na nakangiti rin dahil sinabi ko na ang totoo kay leona.

"Mga ate, ang drama n'yo po. May nakita po akong baril at mahabang kutsilyo sa CR. Kay ate dragona po ata 'yon" dahil sa narinig namin galing kay B2 na ang tunay palang pangalan ay migo ay bumitaw si leona sa pagkakayakap.

"We can still escape here" Leona said as she grab her vest na naiwan sa banyo.

Sana nga, sana makalabas kami dito dahil ayoko ng maranasan pa ulit ang impyernong naranasan ko sa laboratoryo ng tatay ni leona.

A/N: I JUST WANT TO INFORM YOU THAT VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED, PEOPLE.

HIHI LABYU OL.

Siguiente capítulo