CHAPTER FOUR
MELANIE's POV
Nandito kami sa garden ng pinaglipatan kong hospital, Iginagala ako ni aries.
Mag iisang taon na kami ni aries, and im really doubting if he really loves me. Kase kahit kiss sa cheeks man lang ay di nya magawa kaya naman he can not blame me na magselos at magalit kay leona.
Ang alam ko kase, Ang first kiss nilang dalawa ay ang isat-isa. Nung college pa kami non at hindi pa ako kilala ni aries.
FLASHBACK>>
Pinagalitan nanaman ako ng bruhildang beking prof ko, hmp. Palibhasa nagseselos lang yon kase close ko yung gwapo samin tapos sya hindi napapansin hmp.
At ngayon, saan nanaman tayo neto pupunta melanie? Hindi ka naman pwedeng magpagala gala dito sa campus in Subject Hours! Goodness, baka mahuli ka ni director jusko patay talaga.
Sa rooftop! Oke oke.
"Pinalabas ka rin?" rinig ko ang dalawang magkaibang boses na sabay nagtanong.
"Oo! Hahahahahaha" sabay din silang tumawa.
"Anong Sub mo?" Tanong ng lalaki.
"Calculus, ikaw?"
"PE"
"Huh? Bakit ka naman napalabas sa PE? Anyare? Tara, sugurin natin yang prof mo" -babae
"pfft wag na, Nakalimutan ko kase yung student number ko kaya ako napalabas. its okay, once a week lang naman ang sub na PE" -lalaki
"Tss tara na, Wag ka magalala, malakas hatak ko sa student council kaya tara" sumilip ako sa kanila ng konti.
Hinihila nung babae yung lalaki at pinipilit nya yun na sumama, hinila nung lalaki yung kamay nya at nasama doon yung babae.
Nanlaki ang mata ko ng parehas silang maout of balance at nagdampi ang labi nila at tumagal yon ng 6 seconds! Yes! six talaga! binilang ko yon.
"A-ah, ako nga pala si leona"
"Hindi bagay sayo ang leona, dapat dragona"
"whhuuuttt?"
"Hahahaha joke lang, My name is Aries"
"Tss, Di bagay sayo ang aries dapat sayo ipis"
"ahh, Gumaganti ka ganon?"
"Medj hahahaha"
nakakainggit sila huhu, sana oil.
End of Flashback <<
"Aries?" Tawag ko sakanya.
"Hmm?"
"May nararamdaman ka ba para kay leona?" saglit na natigilan si aries sa tanong ko.
I smiled.
"Hindi naman nakakapagtaka kung maiinlove ka sa kaniya, besides. Mas nauna sya sayo kesa sakin" Tama naman diba?
"Tigilan mo nga ako melanie."
"Ha, Why? Im just askin-"
"Stop asking questions na alam mo naman ang sagot. Stop hurting yourself" may tumulong luha sa pisngi ko at agad ko yung pinawi.
Magsasalita pa sana ako ng may mga sundalong dumating at tinutukan kami ni aries ng baril.
"a-aries" Rinig at halata sa boses ko na kinakabahan ako sa mga nangyayari.
May lumapit na nurse at kinuha ako kay aries, Bago kami makalayo ng nurse ay nakita ko ang daddy ni leona na sinisigawan at tinatadyakan si aries.
Binalutan nila si aries ng sako sa mukha at pinosasan saka kinaladkad.
Ano to? Kasama ba sa pakanang to si leona? O hindi?
Nang maibalik ako sa kwarto ko dito sa hospital ay agad kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan si kuya.
Kailangan kong malinawan sa mga nangyayari.
LEONA's POV
Nandito ako sa shop, Dalawang araw na ang nakalipas magmula nung huli kong makita si aries.
Ugh self, Bat mo ba sya hinahanap? Moveon dude. Narinig mo naman ang sinabi nya nung nakaraan. Wala syang feelings for you, feelingerang 'to gRrR.
"Leona!" Nanlalaki ang mata na napalingon ako sa babaeng nakawheelchair na tumawag sakin na kakapasok lang ng shop.
"Yes? What can i do for y-"
"Ilabas mo si Aries!"
"Huh? Ano doraemon lang? Teka hanapin ko sa bulsa ko ganon? Te, Hindi lang ba paa ang napuruhan sayo nung nalaglag ka? Bati ba ulo mo naalog?"
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo leona! Kinuha ng daddy mo si aries kahapon! Natagalan lang akong makapunta dito kase inaayos pa namin ang discharge paper ko! Wag ka ng magmaang-maangan leona! ilabas mo si aries!" Sandaling tumigil ang pagikot ng mundo ko ng marinig ko ang katagang 'daddy' galing sa bibig ni melanie.
"W-weh? Totoo yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Hindi mo alam? O umaakto ka lang na hindi mo alam?" nakangisi nyang tanong.
"H-hindi ko alam, hindi ko nakita si aries buong maghapon at magdamag kahapon" parang pinagbagsakan ako ng langit sa mga narinig kong balita kay melanie.
Si dad? Kinuha si Aries? Bakit? Mukha namang tutupadin ni aries ang kahilingan ni daddy na lumayo ah? Bakit nya pa kailangang kunin?
Hindi kaya, Yung virus na sinasabi ni daddy?
di ko namamalayang may tumutulo na palang luha sa mata ko.
"Dad, A-anong gagawin nyo kay aries?" nanghihina kong tanong sa hangin.
Dahil sa nakafocus ako sa pagiisip kung anong gagawin ni daddy kay aries ay di ko namamalayang papalapit na si melanie at tuluyang nahila ang buhok ko.
"Hoy leona, Alam kong umaarte ka lang dyan. Pag may masamang nangyari kay aries, Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo" marahas kong tinanggal ang kamay nya sa pagkakasabunot sakin at pinilipit yon.
" Hoy ka rin melanie, Baka nakakalimutan mong lumpo ka at kagagaling mo lang sa hospital? ang yabang mong magbanta. baka ibalik kita sa hospital o gusto mong, Ideretso na kita sa morgue?" Nabitawan ko si melanie ng itulak ako sa balikat ng kuya nya.
"Leona, Di porket babae ka ay hindi na kita papatulan, kaya dumistansya ka kung ayaw mong ikaw ang maambulansya" napangisi ako sa sinabi ng kuya nya.
"Alam mo dumbo, Este kuya ni melanie. Hindi ikaw ang binabantaan ko. wag kang nakikisawsaw sa away ng payat sa payat. Nagmumukha kang baboy na tinuhog ng kawayan e" pangaasar ko.
"Abat gago 'to" sinipa ako ni dumbo sa tyan na syang nagpatalsik at nagpapilipit sakin sa sakit.
Hindi pa ako tapos indahin ang sakit ng sipain nya ulit ako na parang bola.
Hawak ang tyan ay tumayo ako at sinipa ko sya sa ari nya.
paatras sya ng paatras hanggang sa mabunggo sya sa isang sundalo na kakapasok lang sa shop ko.
si clyde.
"Ang laki-laki mong baboy, kuting pinagtitripan mo?!" Pinagsasapak nila clyde pati na ng iba pang sundalo si dumbo este kuya ni melanie habang si melanie ay umiiyak na.
Bwiset tong magkapatid na to, Lakas ng loob magamok sa sarili kong shop tapos iiyak iyak.
"Anong kaguluhan 'to?" Natigil sila clyde ng pumasok si daddy.
"Sir, Naabutan po namin 'tong dambuhalang to na pinagsisipa si leona sir" tumalim ang tingin ni daddy kay dumbo.
"dalhin n'yo na 'yang dalawang magkapatid na 'yan" utos ni daddy.
"T-teka dad, Saan n'yo sila dadalhin?" tanong ko habang nakahawak parin sa tyan at habang nagsasalita ako ay may lumabas na dugo dito sa bibig ko na ikinaalerto nila daddy pati ng mga alipores nya.
"Bring my daughter to the private hospital! NOW!" unti-unting lumabo ang paningin ko habang inaasikaso ako ng mga alipores ni daddy.
may gusto pa akong itanong hindi pa ako pwedeng bumagsak.
"S-si aries" Huling katagang nasambit ko bago tuluyang mawalan ng malay.